Masakit ang ulo ni Isabella kinabukasan. Inaantok pa rin siya kaya hinagilap niya si Blue sa tabi niya. Nakailang ulit na iniunat niya ang mga braso pero wala ito.“Blue. . .”Pinilit niyang iminulat ang mga mata, pero napamulagat siya dahil wala siya sa sariling kwarto. Tuluyan na siyang napabalikwas nang mahimasmasan at maalala ang nangyari kagabi.Nakapangtulog na siya. Wala na ang suot niya nang nagdaang gabi. Napatayo siya at mabilis na pumunta sa banyo para ma-check ang sarili. Pero parang wala naman nagbago kun’di ang nakapreskong pajama at maluwang na damit na suot.Nataranta siya. Alam niyang ang binata ang kasama niya sa loob. Tinanaw niya ang kabilang kama. Maayos na nakatupi ang mga gamit doon. Alam niya rin na nagsuka siya pero wala na ang bakas niyon at preskong air freshener ang naaamoy niya.“Nakakahiya ka, Isabella! Ano ka ngayon? Iniwan ka na! Mukhang turn off na sa iyo! Imbis na kilalanin mo siya, ikaw ang nagpakitang gilas sa kaniya!” kausap niya ang sarili sa sal
Hindi niya alintana ang sakit ng damdamin na lumukob sa kaniya nang oras na iyon dahil sa masayang kwentuhan ng dalawa sa harap niya. “Where are they?” maya-maya pa ay narinig niyang tanong ng binata.“At the car. They fix something.”Hanggang nakita niya ang paglapit ng isang lalaki at sa tantiya niya ay apat na taong gulang na batang lalaki.“Ninong Mayor!” Patakbong lumapit ang bata sa kanila.“You’re so big na! Kailan ba tayo huling nakita? Parang may diaper ka pa noon,” tugon nito na binuhat ang bata.Napakaamo ng mukha nito at kamukha ng lalaking palapit sa kanila.“Pare, sorry, ngayon lang kami nakarating. May emergency call sa aircraft kaya kaninang umaga ko lang nasabi sa kaniya.” Nakita niya ang pagsulyap nito sa katabi ng binata.“Ayos lang iyon ang importante, nandito kayo ngayon dahil may mas malaki kang gampanan ngayong araw,” tugon ng binata.“Ninong, who’s that beautiful girl?” Bigla na lang siyang pinamulahan sa sinabi ng bata. Mas lalo na nang nagtawanan ang mga k
Chapter 23Mula sa himpapawid ay kitang-kita ang malawak na bukirin at asul na asul na karagatan. Halos isang oras ang itinagal nila sa pag-iikot sa kabuan ng bayan. Tama nga ang binata, magaling magpalipad ng helicopter ang kaibigan. Kabisadong-kabisado nito ang mga lugar. Noong una parang hinahalukay ang sikmura niya paitaas kaya mahigpit siyang humawak sa binata. At mukhang umaayon iyon sa gusto nito, na paminsan-minsan ay sinusulyapan si Nick.“Pare, is Isabella alright?”“Yeah! She’s getting a little bit nervous, but I can manage it.” Pilyong ngumiti pa ito sa kaibigan.“I will drive slowly. . . at hindi na muna tayo tataas,” ani Nick at muling tumutok sa ginagawa.Hindi naman naglaon at nasanay na siya sa himpapawid. Napaawang ang mga labi niya sa ganda ng tanawin sa ibaba. Tila ba isang malaking painting iyon na hindi nakasasawang pagmasdan. Nakikita rin niya ang iba’t ibang resorts mula sa gilid ng asul na dagat pati na ang puting buhangin doon.Napatingin siya sa binata para
Biglang napabangon si Isabella mula sa pagkakahiga nang maramdaman niya ang mabining haplos sa kaniyang pisngi. Iginala niya ang paningin sa paligid pero wala naman siyang nakita ni isang tao roon. Sumilip siya sa bintana, madilim na ang paligid.Naalala niyang bigla ang usapan nila ng binata. Bakit nga ba ang takaw niyang matulog? Sabagay napagod talaga siya na para bang ang sarap humilata sa mabango at preskong kama kanina.Itinali niya ang buhok. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa kwarto. Instead, lumabas na lang siya ngunit kadiliman pa rin ang sumalubong sa kaniya. Hinanap niya ang switch ng ilaw, pero hindi niya alam kung nasaan hanggang biglang bumukas iyon.Isang nakangiting pigura ang sumalubong sa kaniya.“Bakit ang hilig mo sa dilim?”Kahit ramdam niya ang kaba kapag napapalapit dito, sinubukan niyang salubungin ang tingin nito. Ang mga ngiti ng binata ang unti-unti lumusaw sa kaunting katinuan ng isip niya, kaya kinontra niya ang lahat ng sinasabi nito. Pero sadyang kaya
Pagbalik sa eskwelahan, hindi pa rin niya lubos akalain ang namagitan sa kanila ni Skye. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nahihiya pa rin siya sa sarili at maging sa binata.“Hey! Isabella, right?” Ang tinig na iyon ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Kasalukuyan siyang nasa loob ng classroom at iniintay ang kaibigan na bumiling snacks nila. Tinamad siyang sumama dahil hanggang ngayon ay parang pagod pa rin siya.Pagod sa kaiisip sa nangyari sa kanila ni Skye.Napatulala siya sa kaharap dahil doon.“Alam kong magandang lalaki ako, pero ang tingnan mo ako ng ganyan ay parang matutunaw na ako. I’m Lewin. Ilang buwan na tayong magkaeskwela pero halos hindi mo ako napapansin,” wika nito.Tumango lang siya. Kilala niya ito pero laging nakabantay ang grupo ni Juliet dito, na mukhang tinutukso ng mga kaibigan nito para sa babae.“Yayayain sana kitang mag-snacks. Libre ko.”Umiling siya. “Salamat pero iniintay ko lang si Carl. Bumili na siya ng pagkain namin,” sagot niya.“Matagal pa n
Natapos ang huling klase nila ni Carl pasado alas-sais na ng hapon. Naalala niya ang binata na mag-iintay sa labas pero kanina pang alas-tres iyon, kaya hindi na siya umasa na naroroon pa ito. Kasama ang bodyguard nito na mag-iintay? Imposible iyon.Napailing siya. Masyado naman yata siyang ambisyosa.“Hi, Isabella! P’wede bang ihatid kita kahit sa gate ng dorm ninyo?”Napalingon sila ni Carl nang marinig ang boses ni Lewin.“Hindi na. Andito naman si Carl. Baka hanapin ka nina Juliet,” sagot niya rito.“Ayos lang iyon. Pasensya ka na, tinutukso kasi nila ako kay Juliet,” umiiling na sagot nito. “Hindi ko naman siya girlfriend para pigilan niya ako.”“Pero ayos lang ako. Baka may iba ka pang gagawin.”“Wala naman kung hindi mo masamain. P’wede ba kitang ma-invite kumain? Kasama ang kaibigan mo, kung gusto mo.”Sa sobrang kulit nito parang hindi na siya makatatanggi pa. Pero bago pa siya makasagot, biglang may malakas na ilaw na bumukas galing sa isang itim na sasakyan.Napatingin siy
Papasok na sila sa loob ng bahay nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa beywang niya. “Let’s celebrate tonight, babe.”Maliwanag pa sa sikat ng buwan ang itsura ng mukha nito. Pero hindi pa rin siya sanay sa mga kilos nito.“Magandang gabi po sa inyo! Siya na ba ang bisita mo, hijo?” masayang salubong ng isang babae na hindi naman katandaan. Sa palagay niya, nasa singkwenta lang ito.“Opo, Manang Loida. Si Isabella nga po pala.”“Naku, magandang bata nga, hijo! Pasok ka, hija. Saglit lang at aayusin ko lang ang mga pagkain.”“Sige lang ho, take your time. Magpapalit lang ako ng damit,” wika nito saka bumaling sa kaniya. “You want to change your clothes? Baka sabihin nila itinakas kita sa school.” Nakalolokong ngumiti ito.Umirap siya sa binata. “Wala akong dalang damit, kaya bilisan mo na!”Umiling ito. “No, may mga dinala akong damit diyan galing sa outing natin last week. Come on. Use one of the rooms upstairs while our food is not yet ready.”Nahiya siyang napatingin sa hindi
Kahit ilang lagok lang ang wine na ininom ni Isabella, iba pa rin ang dating sa katawan niya. Kaunting panghihina ng tuhod at tila inaantok siya.“Hey! Are you sleepy?” Iniangat ng binata bahagya ang ulo niya.“Kaunti. Ano ba ang ininom natin? Hindi naman matapang parang juice nga lang, pero bakit nanghihina ako?” Namumungay ang mga mata niya nang salubungin ang sa binata.Nakita niya ang pagngiti nito. Hinaplos nito ang mukha niya.“Dahil hindi ka sanay uminom. Pero wine lang iyan, hindi ka malalasing. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noong nakaraan.” Pinasadahan ng hinlalaki nito ang gilid ng labi niya na may natira pang wine. Nanlaki ang mga mata niya nang dalhin nito sa sariling bibig iyon at saka sinipsip.“Taste like wine, Isabella.”Hindi niya alam kung sinasadya siyang akitin nito o inaasar dahil doon.“Syempre, wine iyan. Dapat kasi tissue na lang! Bakit kasi ano—” Namula ang mukha niya at hindi na itinuloy ang sasabihin.“Bakit hindi na lang ba ganito?”Unti-unting bumaba an