Chapter 23Mula sa himpapawid ay kitang-kita ang malawak na bukirin at asul na asul na karagatan. Halos isang oras ang itinagal nila sa pag-iikot sa kabuan ng bayan. Tama nga ang binata, magaling magpalipad ng helicopter ang kaibigan. Kabisadong-kabisado nito ang mga lugar. Noong una parang hinahalukay ang sikmura niya paitaas kaya mahigpit siyang humawak sa binata. At mukhang umaayon iyon sa gusto nito, na paminsan-minsan ay sinusulyapan si Nick.“Pare, is Isabella alright?”“Yeah! She’s getting a little bit nervous, but I can manage it.” Pilyong ngumiti pa ito sa kaibigan.“I will drive slowly. . . at hindi na muna tayo tataas,” ani Nick at muling tumutok sa ginagawa.Hindi naman naglaon at nasanay na siya sa himpapawid. Napaawang ang mga labi niya sa ganda ng tanawin sa ibaba. Tila ba isang malaking painting iyon na hindi nakasasawang pagmasdan. Nakikita rin niya ang iba’t ibang resorts mula sa gilid ng asul na dagat pati na ang puting buhangin doon.Napatingin siya sa binata para
Biglang napabangon si Isabella mula sa pagkakahiga nang maramdaman niya ang mabining haplos sa kaniyang pisngi. Iginala niya ang paningin sa paligid pero wala naman siyang nakita ni isang tao roon. Sumilip siya sa bintana, madilim na ang paligid.Naalala niyang bigla ang usapan nila ng binata. Bakit nga ba ang takaw niyang matulog? Sabagay napagod talaga siya na para bang ang sarap humilata sa mabango at preskong kama kanina.Itinali niya ang buhok. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa kwarto. Instead, lumabas na lang siya ngunit kadiliman pa rin ang sumalubong sa kaniya. Hinanap niya ang switch ng ilaw, pero hindi niya alam kung nasaan hanggang biglang bumukas iyon.Isang nakangiting pigura ang sumalubong sa kaniya.“Bakit ang hilig mo sa dilim?”Kahit ramdam niya ang kaba kapag napapalapit dito, sinubukan niyang salubungin ang tingin nito. Ang mga ngiti ng binata ang unti-unti lumusaw sa kaunting katinuan ng isip niya, kaya kinontra niya ang lahat ng sinasabi nito. Pero sadyang kaya
Pagbalik sa eskwelahan, hindi pa rin niya lubos akalain ang namagitan sa kanila ni Skye. Hanggang sa mga sandaling iyon ay nahihiya pa rin siya sa sarili at maging sa binata.“Hey! Isabella, right?” Ang tinig na iyon ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Kasalukuyan siyang nasa loob ng classroom at iniintay ang kaibigan na bumiling snacks nila. Tinamad siyang sumama dahil hanggang ngayon ay parang pagod pa rin siya.Pagod sa kaiisip sa nangyari sa kanila ni Skye.Napatulala siya sa kaharap dahil doon.“Alam kong magandang lalaki ako, pero ang tingnan mo ako ng ganyan ay parang matutunaw na ako. I’m Lewin. Ilang buwan na tayong magkaeskwela pero halos hindi mo ako napapansin,” wika nito.Tumango lang siya. Kilala niya ito pero laging nakabantay ang grupo ni Juliet dito, na mukhang tinutukso ng mga kaibigan nito para sa babae.“Yayayain sana kitang mag-snacks. Libre ko.”Umiling siya. “Salamat pero iniintay ko lang si Carl. Bumili na siya ng pagkain namin,” sagot niya.“Matagal pa n
Natapos ang huling klase nila ni Carl pasado alas-sais na ng hapon. Naalala niya ang binata na mag-iintay sa labas pero kanina pang alas-tres iyon, kaya hindi na siya umasa na naroroon pa ito. Kasama ang bodyguard nito na mag-iintay? Imposible iyon.Napailing siya. Masyado naman yata siyang ambisyosa.“Hi, Isabella! P’wede bang ihatid kita kahit sa gate ng dorm ninyo?”Napalingon sila ni Carl nang marinig ang boses ni Lewin.“Hindi na. Andito naman si Carl. Baka hanapin ka nina Juliet,” sagot niya rito.“Ayos lang iyon. Pasensya ka na, tinutukso kasi nila ako kay Juliet,” umiiling na sagot nito. “Hindi ko naman siya girlfriend para pigilan niya ako.”“Pero ayos lang ako. Baka may iba ka pang gagawin.”“Wala naman kung hindi mo masamain. P’wede ba kitang ma-invite kumain? Kasama ang kaibigan mo, kung gusto mo.”Sa sobrang kulit nito parang hindi na siya makatatanggi pa. Pero bago pa siya makasagot, biglang may malakas na ilaw na bumukas galing sa isang itim na sasakyan.Napatingin siy
Papasok na sila sa loob ng bahay nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa beywang niya. “Let’s celebrate tonight, babe.”Maliwanag pa sa sikat ng buwan ang itsura ng mukha nito. Pero hindi pa rin siya sanay sa mga kilos nito.“Magandang gabi po sa inyo! Siya na ba ang bisita mo, hijo?” masayang salubong ng isang babae na hindi naman katandaan. Sa palagay niya, nasa singkwenta lang ito.“Opo, Manang Loida. Si Isabella nga po pala.”“Naku, magandang bata nga, hijo! Pasok ka, hija. Saglit lang at aayusin ko lang ang mga pagkain.”“Sige lang ho, take your time. Magpapalit lang ako ng damit,” wika nito saka bumaling sa kaniya. “You want to change your clothes? Baka sabihin nila itinakas kita sa school.” Nakalolokong ngumiti ito.Umirap siya sa binata. “Wala akong dalang damit, kaya bilisan mo na!”Umiling ito. “No, may mga dinala akong damit diyan galing sa outing natin last week. Come on. Use one of the rooms upstairs while our food is not yet ready.”Nahiya siyang napatingin sa hindi
Kahit ilang lagok lang ang wine na ininom ni Isabella, iba pa rin ang dating sa katawan niya. Kaunting panghihina ng tuhod at tila inaantok siya.“Hey! Are you sleepy?” Iniangat ng binata bahagya ang ulo niya.“Kaunti. Ano ba ang ininom natin? Hindi naman matapang parang juice nga lang, pero bakit nanghihina ako?” Namumungay ang mga mata niya nang salubungin ang sa binata.Nakita niya ang pagngiti nito. Hinaplos nito ang mukha niya.“Dahil hindi ka sanay uminom. Pero wine lang iyan, hindi ka malalasing. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noong nakaraan.” Pinasadahan ng hinlalaki nito ang gilid ng labi niya na may natira pang wine. Nanlaki ang mga mata niya nang dalhin nito sa sariling bibig iyon at saka sinipsip.“Taste like wine, Isabella.”Hindi niya alam kung sinasadya siyang akitin nito o inaasar dahil doon.“Syempre, wine iyan. Dapat kasi tissue na lang! Bakit kasi ano—” Namula ang mukha niya at hindi na itinuloy ang sasabihin.“Bakit hindi na lang ba ganito?”Unti-unting bumaba an
Nagluluto siya ng hapunan nang may mag-door bell sa exit door. Kahit nakapikit, alam na niya kung sino ang naroon.Pinatay muna niya ang kalan saka naghugas ng kamay. Tinuyo niya iyon sa towel na nakasabit sa gilid ng fridge. Inayos niya ang kaniyang buhok na noon ay ipinusod lang niya nang pabasta saka pinagpag ang damit na alam niyang nadumihan kanina. Nang makitang ayos na ang sarili, nagmamadali siyang binuksan ang exit door.Sasalubungin na sana niya ito ng yakap pero nabigla siya dahil si Carl ang nabungaran niya roon.“Ano’ng ginagawa mo sa exit door?” kunot ang noong tanong niya sa kaibigan. Napahagikhik ito. “Isinabay ako ng boyfriend mo sa sasakyan. Mukhang pagod na pagod kaya ako na ang nag-doorbell para sa kaniya. Paano iwanan ko na siya sa iyo.” Tinudyo pa siya nito na hindi maitago ang kilig na nadarama. “Medyo namumula pa ang pisngi mo, my queen,” bulong pa nito.Inirapan niya ito. “Sige na. Ako na ang bahala. Baka mainip iyon at mainis sa atin.”Tumawa lang naman si C
Pagpasok nila ni Carl sa school kinabukasan, nagkakagulo sa classroom nila. “Guys! May magaganap daw na student council meeting with our school director,” anang isa niyang kaeswela sa first subject. “Sila na lang siguro. Wala naman tayong katungkulan doon,” sabad ng isa pa. “Guys! Buong campus ito at sa auditorium gaganapin. Halina kayo para hindi tayo maubusan ng upuan.” “Bakit naman biglaan? Ni wala silang anunsiyo kahapon?” tanong ni Carl. “No more questions! Halina na kayo,” anang kaklase nila. Sumunod na lang sila ni Carl dito. Pumwesto sila sa bandang gitna dahil naubos na ang upuan sa likod at doon lang ang bakante, pati sa unahan. “Ano kaya ang importanteng pag-meeting-an natin?” Nilingon niya si Carl. “Hindi ba at malapit na matapos ang school year? Baka regarding doon bago tayo magbakasyon,” sagot niya. “Siguro nga.” Halos ilang minuto lang at puno na ang auditorium. Napansin niyang wala roon sina Lewin at Juliet, maging ang mga kaibigan nito. Late na naman ang mga
Inayos ni Isabella ang lahat ng pagkain sa mesa. Naroon sila sa gitna ng dagat kung saan tanaw ang resort at bahay nila. Gawain nilang mag-anak iyon tuwing weekend bilang bonding nila. Sakay sila ng private yatch na bagong bili nila.“Dad, did you buy that fishing boat?” narinig niyang tanong ni Cloud kay Skye.“Yes, son. It’s a gift to the fisherman here who supplies us the freshest seafoods in our restaurant,” nakangiting sagot ni Skye sa anak.“Really?! Can I go with you Dad?”Nawiwili na ang anak nila na laging kasama ang kaniyang asawa. Kaya sa murang edad nito, marunong na ito sa mag-surfing; na madalas ay nakaalalay pa rin si Skye. Nasa walong taon na ang panganay nilang si Cloud at marami na ring hilig gawin.“Dad? How can I handle this thing?” Mula sa isang tabi ay kinuha ni Raine at Stormie, ang kambal nilang babae na limang taon gulang na, ang fishing rod.“Come here. Kuya Cloud will show you how to use that fishing tool.”Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa kuya ng mga ito
Inihatid sila ng mga tauhan ng asawa papunta sa bahay nila. Hindi pa man sila pumapasok sa kanilang silid, nagsimula na si Skye. Wala itong sinayang na sandali. Nagawa nitong tanggalin nang mabilis suot nilang dalawa. Walang saplot silang dalawa nang buhatin siya nito sa loob ng banyo.Binuksan nito ang hot shower at itinapat siya roon. Napakagat-labi siya nang tumapat ito sa kaniya at biglang pumiglas ang nasa pagitan ng mga hita nito.Marahan nitong hinaplos ang leeg niya gamit ang sabon habang pinaliliguan siya. Halos mapuno ng bula ang katawan niya dahil sa paulit-ulit nitong paghaplos, na tila ba sinasaulo bawat sulok niyon. Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang dibdib niya.“Ah! Skye . . . !”Sinamba ng asawa niya ang katawan niya. Pababa at pataas ang labi nito sa katawan niya.“This beautiful creation never failed to amaze me,” anito bago siya siniil ng halik. Labas-masok ang dila nito sa bibig niya na tila nag-aaya na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinag-aralan niya
After a month, Isabella decided to resign from her job. Kasama niya sa pag-aayos ng papel niya si Skye. Hindi na siya tinantanan nito na gawin iyon dahil ayaw na nitong lumayo pa siya sa isla. Doon sila bubuo ng masayang pamilya at pamamahalaan ang negosyo ng lalaki.She chased her goal and dream even in a short time, but she was happy with it. Now is the time to give what her heart really wants. To live with the man she loved the most.Nakatitig siya ngayon sa lalaking naghihintay sa kaniya sa unahan ng altar, kasama ang mga magulang nito at ang paring magkakasal sa kanila. Napakagwapo nito sa suot na blue suit with black pants at makintab na black shoes. Halata rito na hindi mapakali habang naghihintay sa kaniya.Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa resort hanggang sa dulong bahagi ng dalampasigan ay may nakaayos na sariwang mga bulaklak. Isang mahabang red carpet din ang nakalatag sa labas ng resort papuntang reception. Tila isang royalties ang dadalo sa pag-iisang dibdib
Nakatingin si Skye sa babaeng mahal na mahal niya, habang nagdadasal at nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga magulang nito. Isinama siya nito para na rin humingi ng basbas.“Tay, Nay, salamat sa gabay . . . Salamat at dinala ninyo dito sa isla ang taong makakasama ko at magbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Nagalit man ako sa mga alon dahil sa pagkawala ninyo, pero ibinalik nitong muli ang tiwala ko. Mahal ko kayo at lagi pa rin kayong nasa puso ko. Alam kong masaya na kayo kasama ang apo ninyo,” ani Isabella.Napangiti siya at lumapit sa puntod.“Hayaan po ninyo, gagawa kami nang marami para mas masaya rito sa isla kasama ni Tiya Alice.”Nakita niya ang pag-irap ng dalaga sa kaniya.“Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit sumasabat ka?” Naramdaman niya ang pinong kurot nito. Hinuli niya ang mga kamay nito, bago ito kinabig at niyakap nang mahigpit. “Totoo ang sinasabi ko, babe,” nakangiti pa ring wika niya.Isang mabining hangin ang dumampi sa kanilang mga balat. Sabay silang
Nagising si Isabella na pagod na pagod. Halos naubos ang lakas niya dahil hindi siya tigilan ni Skye. Mag-aalas dos na ng hapon pero tulog na tulog pa rin ito dahil sa pagod, puyat at sa pag-inom. Pero ang tanong, saan nga ba ito kumuha ng lakas kanina?Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at inilagay ang isang unan sa tabi nito. Napakagat siya sa labi dahil sa sakit ng balakang niya, dumadag pa ang sakit ng katawan at hapdi ng mga iniwang marka ng lalaki sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang damit niya pero hindi niya makita ang underwear niya. Humakbang siya papunta sa banyo at nagsimulang maligo. Kailangang makapagpahinga para makauwi na. Halos thirty minutes siya sa loob ng banyo. Kita niya ang ginawa ng binata sa kaniya. Hanggang hita ang red marks niya kaya napailing na lang siya. Sinulit talaga nito ang lahat.Nakatapis siya ng tuwalya nang lumabas. Binuksan niya ang cabinet ng lalaki para kumuha ng underwear nito roon. Iyon na lang muna ang isusuot niya. Nak
Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok
Mabilis na lumipas ang mga araw. Naroon siya ngayon sa entablado para tanggapin ang pagkilala sa kaniya at kay Carl, kasama ng iba pang naging iskolar ng mga Fetalvero, bilang kauna-unahang nakatapos at may matagumpay na trabaho sa iba’t ibang kompanya. Pero sa lahat, sa kaniya nakatuon ang atensyon dahil siya ang nakakuha ng mataas na karangalan bilang isang cum laude, kahit hindi siya sa magandang paaralan ng high school nakapagtapos.They got a gift, cash, and certificates.“Congratulations to all of you! Our reception will be at the hotel. Everyone is invited to come,” wika ni Skye na nakatingin sa kaniya.Kahit anong iwas niya, patuloy pa rin ito. Hindi ba nalalaman ni Yumi ang ginagawa nito? Sabagay, baka nasa siyudad iyon dahil simula nang dumating siya, hindi niya ito nakita kahit isang beses.Narinig niya ang palakpakan ng mga tao. Pagbaba niya ng stage, nakaabang ang tiya niya at sinabitan siya ng garland.“Masaya ako, anak. Lalo na ang papa at mama mo.”“Salamat po.” Yumaka
Dumeretso si Skye sa opisina pagkahatid kay Dr. Thomas. Medyo nag-init ang ulo niya sa uri ng tingin nito kay Isabella. Kahit sino naman mapapalingon sa dalaga dahil sa ganda nito, at mas lalo itong gumanda nang manirahan sa Manila. Lingid sa kaalaman niya na may nanliligaw rito na kasamahan ni Nick. Kaya sinabihan niya ang kaibigan na ilipat ito ng ibang route na hindi kasama si Isabella.Hinawakan niya ang isang frame na may picture ni Isabella; kung saan kuha iyon sa yate ni Carl, with a glimpse of shinning moon above. Niyakap niya iyon at nilingon ang isang solo picture sa harap ng mesa niya.“Ayokong biglain ka pero hindi ko mapigil ang sarili ko kapag nakikita kita, Isabella.”Umupo siya sa upuan niya at papikit na sumandal doon. Naalala niya ito nang sunduin ng kaniyang bodyguard, nag-check out na rin siya sa condo na iyon at nakasunod sa mga ito. Pagdating sa pantalan saka siya sumakay nang makapasok na ang mga tao at siya rin ang huling bumaba. Natatawa siya sa sarili nang
Tinagalan ni Isabella ang paghuhugas ng mga plato, kahit paulit-ulit at halos maubos na ang sabon sa lagayan.Bakit kasi ang tagal umalis ng lalaking iyon?Naroon at parang seryoso ang pinag-uusapan ng tatlo. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pa nitong makipagkuwentuhan, akala mo naman close pa rin sila ng tiya niya at ni Carl. “Isabella, hindi ka pa tapos diyan, anak?” mahinang tawag ng tiya niya.Muli siyang hindi mapakali.“Tapos na po. Magbabanyo lang po ako.”Wala na siyang narinig ulit dito. Halos kalahating oras siya sa loob dahil ayaw niyang harapin ang lalaki. Kapag sinabi ng doctor na puwede na silang umuwi, aalis na agad sila roon.Isang mahinang katok ang narinig niya.“Isabella, natulog ka na ba diyan?” Boses iyon ni Carl.Mabilis niyang binuksan ang pinto. Umalis na kaya ang lalaki? Sa isip niya.“Yes, umalis na siya dahil sa tagal mo.” Hunalukipkip ito.“Carl . . .” Pinandilatan niya ito ng mga mata.“Maligo ka na at babalik din siya. Nagkaroon lang ng problem