"MIA Bella, are you okay? I heard you passed out. I'm sorry."Ang banayad na boses ni Alessandro ang mas nagpawala ng puso ni Anastacia. Dahan-dahan niyang nilingon si Carla na may nagtatanong na mga mata. Hindi nito alam na buntis siya?Kinindatan siya ng kaibigan pagkatapos ay lumabas na ito kasama ang nurse.Napalunok si Anastacia at nilingon ang asawa. May gasgas ang makinis at guwapo nitong mukha. May benda ang binti at ulo pero bukod roon ay wala na.Mas naghurumentado ang kaniyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Ang malalim na mga mata ng binata ay tila ba nilulunod siya sa isang magandang panaginip na ayaw na niyang iwanan pa. Miss na miss niya ang asawa pero hindi siya marupok. Isa pa ay may kasalanan naman talaga ito sa kaniya. Itinago nito ang mahalagang parte ng pagkatao nito na dapat ay alam niya una palang. Pinakasalan siya nito. Dapat ay ipinakilala nito sa kaniya ang buo nitong pagkatao."I know you're still angry. But, bambina. I just want you to know that I
HINDI mapigilan ni Anastacia na mapasimangot nang dumating sila sa munti nilang tahanan. Kasama nila si Alessandro na pinagsiksikan ang sarili sa maliit na tricycle. Kanda bali ang leeg ng mga kapitbahay nila nang bumaba sa tricycle ang kaniyang asawa."Manong, magkano?" Tanong ni Carla sa driver."Singkwenta.""Singkwenta? Ang mahal naman!""Edi sana naglakad ka!"Ngumiwi si Anastacia. Bago pa makipagsabunutan si Carla sa driver ay nag-abot na ng pera si Anastacia. Nilingon niya si Alessandro na patingin-tingin sa paligid.Hindi maiwasan na Anastacia na pagmasdan ang asawa. Sanay ito sa marangyang buhay. Tiyak na maninibago ito ng husto sa poder nila. Ayaw man niya pero mukhang pahihirapan rin talaga ito ng kaniyang ama. "Sino iyan, Anastacia? Jowa mo?"Nilingon ni Anastacia ang chismosang kapitbahay. Nakadaster ito ay mabilis na pinapaypayan ang sarili habang pasulyap-sulyap kay Alessandro.Umismid si Anastacia. "Asawa ko, manang Biday. Ipagkalat mo na sa buong barangay na narito
AGAD na lumapit si Anastacia upang awatin ang asawa. Bakas sa guwapong mukha nito ang galit. Namumula rin ang leeg nito at buong mukha habang hindi maipinta ang mukha ni Michael na mukhang ngayon lamang nakabawi sa gulat."He's my childhood friend." Masuyong paliwanag ni Anastacia.Naguguluhang umiling naman si Alessandro. "Do childhood friends kiss each other?"Agad na nalukot ang mukha ni Anastacia. "He kissed me. I didn't kiss him.""You don't get my point, bambina. That motherfcker kissed you and I didn't like it."Namaywang si Anastacia. Naiinis na sa kaniyang asawa. "So, are you angry at me?"Tila maamong tupa na tumiklop si Alessandro. Lumunok siya. He can't get into her bad side. He can't bear to see her running away from him again.Alessandro looked away. "I-I am not angry. I'm just…pissed and jealous.""Pissed with me?"Namilog ang mga mata nito. "Of course not, bambina. You know I'm not capable of feeling something towards you other than love and addiction."Bahagyang ngumu
HINDI alam ni Anastacia kung matatawa ba siya o maiilang sa hitsura ngayon ng asawa niya. Suot nito ang hapit na t-shirt ng kaniyang ama at isang board shorts na hindi manlang umabot sa tuhod nito dahil sa angking tangkad.Nagkamot ng batok si Alessandro at tinitigan siya. "Do I look okay, bambina?"Agad siyang ngumiti sa asawa. "Macho mo."Hindi man naintindihan ay ngumiti si Alessandro. Lumapit naman si Carla at bumulong sa tainga ng lalaki."She said you look fckable."Nanlaki ang mga mata ni Anastacia habang umawang ang mapupulang labi ni Alessandro at tinitigan siya.Ilang sandali pa ay pinandidilatan na ni Anastacia ng mata ang kaibigan na humagikhik lamang saka umalis.Lumunok si Anastacia at binuksan ang pinto ng kwarto ng kaniyang ama. May isang kama roon at may nakalatag nang banig sa sahig.Nilingon niya ang asawa. "You'll sleep on the floor. Is it okay with you?"Ngumiti si Alessandro. "It's more than okay, bambina. Don't worry about me."Ngumiti si Anastacia at tumingkaya
TOTOONG sumama si Alessandro sa kanila. Ito ang nagbuhat ng mga paninda nilang isda na binili nila ng pagkayawan sa mga mangingisda kaninang madaling araw. Nakagat ni Anastacia ang pang-ibabang labi bang gumalaw ang matitigas na muscles sa braso ng asawa matapos nitong buhatin ang isang banyerang isda na inaayos naman ni Carla."Anastacia, saan mo nakuha ang kargador mo?" Tanong ng isang matandang ale na nagtitinda rin sa tapat niya. Taga kabilang purok ito at mukhang kakalat na talaga sa buong barangay ang pagdating ng kaniyang asawa.Bago pa sumagot si Anastacia ay may dumating nang matandang babae na namimili. "Ano ka ba naman? Hindi mo ba alam? Iyan ang porener na asawa ni Anastacia."Ngumiwi si Anastacia at hinayaan nalang na magchismisan ang dalawang matanda. Nilapitan niya ang asawa na tapos na sa trabaho. Inabutan niya ito ng bimpo."Wipe your sweat."Ngumiti sa kaniya ang asawa. "Thank you, bambina.""Hindi naman bambina ang pangalan mo, Anastacia, ah? May amnesia ba iyang
HALOS hindi malunok ni Anastacia ang kinakain dahil sa tensyon sa mesa. Matalim ang tinginan nina Alessandro at Mike at hindi iyon nagugustuhan ni Anastacia. Batid niyang galit pa rin si Alessandro sa lalaki dahil sa ginawa nitong paghalik sa kaniyang pisngi."Kain ka pa, Ana." Nakangiting itinulak ni Mike ang bowl ng sinigang na baboy palapit sa kaniya.Nakangiti namang tumango si Anastacia saka kumuha ng inialok na ulam.Nagtiim-bagang si Alessandro. He can see that his wife is enjoying the food and he doesn't have the heart to stop her from eating it even when he's dying of jealousy."Fafa, sarap malunggay ano? Kain ka pa. 'Wag kang mag-alala, hindi iyan damo." Ani Carla dahilan para mapatingin si Anastacia sa asawa.Nangunot ang noo niya nang mapansing hindi halos nababawasan ang pagkain ni Alessandro gayong malakas itong kumain at tiyak niyang nagugutom na ito.Bumuntong-hininga siya, batid na ang dahilan."Eat, Alessandro. I know you're tired and hungry." Masuyong sabi ni Anasta
MAAGANG nagising si Anastacia kinabukasan. Hindi siya mapakali. Kagabi pa man ay hindi na niya maalis sa isipan ang pang-iinsulto ni Mike sa asawa niya dahilan ng pananahimik nito.Naiinis si Anastacia. Noon pa man ay ganoon na si Mike. Mayabang ngunit hindi niya akalaing hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang kaibigan. Wala manlang character development."Carla, nasaan si Alessandro?" Tanong ni Anastacia nang matanawan ang kaibigan na lumalabas ng kwarto habang humihikab.Lumabas siya kanina at nakitang puno ng tubig ang malaking drum. May nasibak na ring panggatong ngunit wala ang asawa niya.Nagkibit-balikat si Carla. "Kagigising ko lang, ganda. Baka nasa labas lang kasama ang itay mo."Tumango si Anastaci at lumabas ng bahay. Tumama sa kaniyang mukha ang sumisingat na araw mula sa silangan. Luminga-linga siya ngunit wala siyang natagpuang tao sa labas.Sabado ngayon at napagkasunduan nila ni Carla na hindi magtrabaho tuwing Weekend."Itay! Alessandro!" Tawag ni Anastacia sa tamang b
NAGPABLOTTER si Anastacia sa barangay. Iniwan niya si Carla kasama ang kaniyang ama kahit na nagpumilit itong sumama sa kaniya. Nang makauwi ay nadatnan niya ang matalik na kaibigan na nakatulala sa sofa. Malinis na ang bahay, nilinis iyon ni Carla ngunit ang kandado ng bahay ay nanatiling sira.Namumugto pa ang mga mata ni Anastacia dahil sa pag-iyak nang pumasok siya sa loob ng bahay. Naabutan niya ang kaniyang ama sa kusina at nakatungo sa mesa.Kagat-labing tinapik ni Anastacia ang balikat ng kaibigan bago tinungo ang kaniyang ama. Naupo siya sa tabi nito. Nang tingnan siya nito ay puno ng pagsisisi ang mga mata nito.“Pasensya na, anak. Hindi sana tayo mananakawan kung hindi tayo umalis. Kasalanan ko ito.”Agad na umiling si Anastacia. Nanghihina man sa nangyari ay hindi siya nagpatinag. Hinaplos niya ang braso ng ama. “Hindi mo kasalanan, ‘tay. ‘Wag mong sabihin iyan.”“Paano na tayo?”Mapait na umiling si Anastacia. “Hindi ko alam, ‘tay. Siguro hahanap ako ng ibang pagkakakitaa