Share

Chapter 25

ALAS KWATRO palang ng madaling araw ay gising na't naghahanda si Anastacia para pumunta sa palengke. Mag-aayos pa sila ng panindang isda sa pwesto nila sa palengke at hinihintay nalang niya si Carla na tila ba'y sa party ang punta dahil napakatagal nitong magbihis.

"Anastacia, 'wag kang masyadong magpapagod. Sinabi ko naman sa 'yo na kami nalang ni Carlos ang magtitinda ngayon." Ani ng kaniyang ama na nakatanaw sa kaniya mula sa bintana ng bahay.

Nakaupo ito sa upuang kahoy habang may hawak na tasa ng kape. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

Humagikhik si Anastacia. "'Tay, 'wag kang mag-aalala sa 'kin. Malakas ata 'to. Saka kapag narinig ka ni Carla na tinatawag siyang Carlos, magtatampo iyon."

Nalukot ang mukha ng kaniyang ama. "Talaga namang Carlos ang pangalan niya. Hala, sige na! Nasaan na ba si Carlos at tatanghaliin na kayo?"

"Pader naman! Tanghali agad e madilim pa nga. Saka Carla ang itawag mo sa 'kin. Napakaligalig ng Carlos!"

Ngumisi nalang si Anastacia nang umamba ang ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status