Share

Chapter 27

"MIA Bella, are you okay? I heard you passed out. I'm sorry."

Ang banayad na boses ni Alessandro ang mas nagpawala ng puso ni Anastacia. Dahan-dahan niyang nilingon si Carla na may nagtatanong na mga mata. Hindi nito alam na buntis siya?

Kinindatan siya ng kaibigan pagkatapos ay lumabas na ito kasama ang nurse.

Napalunok si Anastacia at nilingon ang asawa. May gasgas ang makinis at guwapo nitong mukha. May benda ang binti at ulo pero bukod roon ay wala na.

Mas naghurumentado ang kaniyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Ang malalim na mga mata ng binata ay tila ba nilulunod siya sa isang magandang panaginip na ayaw na niyang iwanan pa.

Miss na miss niya ang asawa pero hindi siya marupok. Isa pa ay may kasalanan naman talaga ito sa kaniya. Itinago nito ang mahalagang parte ng pagkatao nito na dapat ay alam niya una palang. Pinakasalan siya nito. Dapat ay ipinakilala nito sa kaniya ang buo nitong pagkatao.

"I know you're still angry. But, bambina. I just want you to know that I
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status