Share

Chapter 49

Anastacia’s POV

“ANA, sino iyong lalaki kahapon, huh?”

Halos bumunggo sa akin si Francis nang salubungin niya ako sa lobby ng factory na pinagtatrabahuhan ko. Isa si Francis sa may-ari ng factory na ito at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanliligaw sa akin ang mayabang na lalaki. Isa sa dahilan kung bakit maraming gigil sa akin sa trabaho dahil sabi nila ay nilandi ko raw ang lalaki. Hindi nalang aminin sa mga sarili nila na mas maganda at sexy ako.

“Narinig mo naman ang sinabi ni Aki kahapon, Francis.”

Nagtiim-bagang ang lalaki. “Iyon ba ang ama ng batang iyon? Di hamak naman na mas guwapo at mukhang mas mayaman ako sa isang iyon. Sabihin mo nga! Bakit ka niya dinadalaw, ha? May namamagitan pa sa inyo? Ano? Pinapaasa mo lang ako?”

Nangunot ang noo ko. “Malinaw kong sinabi sayo, Francis, na wala akong balak mag-entertain ng manliligaw at hindi kita pinaasa—”

“Tinanggap mo ang mga regalo ko! Pinapasok mo ako sa bakuran mo. Pinaglaanan mo ako ng panahon. Alin sa mga iyon ang hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status