Share

Chapter 2

ANASTACIA was humming and grinning like crazy while walking along the clear road. Kagagaling niya lamang sa hospital at nakabayad na siya sa mga utang niya. May budget na rin siya para sa pang-chemo ng kaniyang ama at may natitira pang pera para sa pagkain nila. Alam niyang pagkaubos ng pera niya ay kailangan na naman niyang magtriple kayod pero sa ngayon, masaya siya kaya pangisi-ngisi siya sa daan.

Habang naglalakad ay may humaharurot na sasakyan na bigla nalang tumigil sa kaniyang harapan. Agaw-pansin ang mamahaling kotse kaya nagtitinginan ang lahat ng dumaraan.

Nakaramdam ng inggit si Anastacia kaya akmang aalis na siya nang lumabas ang isang napakagwapong lalaki na may lukot na pagmumukha. Diretso ang tingin nito sa kaniya habang nakasimangot.

“Ti ho cercato in tutto l'hotel, bambina,” sabi ng lalaki sa kaniya. —I've been looking for you all over the hotel, baby.

Nangunot ang noo ni Anastacia. Hindi pamilyar sa kaniya abg lalaki pero ang amoy at boses nito ay parang narinig at nalanghap na niya noon.

Tumingin siya sa kaniyang likuran at nang makitang walang ibang tao doon kundi siya ay hinarap niya ang lalaking mala-anghel ang mukha saka itinuro ang sarili. “Ako ba ang kausap mo?”

Mas lalong nangunot ang ulo ng lalaki. “Stai giocando con me?” —Are you playing with me?

Ngumiwi si Anastacia. “Teka lang, mister ha! Do I know you?” tanong pa niya sa matigas na Ingles.

Mula sa pagkakasimangot ay gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng lalaki. Nasapo naman ng dalaga ang kaniyang dibdib nang malakas na pumintig ang kaniyang puso dahil sa simpleng ngiti na 'yon ng lalaki.

Shocks! Gwapo lalo pag nakangiti—Bulong ng malandi niyang isipan.

“Oh, Mia bella regina! I see you're having difficulty retrieving your memories from last night,” pangiti-ngiting sabi ng lalaki. Naglahad ito ng kamay. “The name is Alessandro Messina, mia bella regina.” —My beautiful queen.

Suminghap si Anastacia. Alessandro? Shocks! Iyong kamukbang niya kagabi!

Sa isiping babawiin ng lalaki ang pera, dali-daling tumakbo si Anastacia habang sumisigaw. “NAUBOS KO NA 'YUNG PERA MO! SABI MO AKIN NA 'YON E!”

“BAMBINA, TORNA QUI!”—Baby, come back here!

Nang lumingon ang dalaga ay hinahabol siya ng lalaki kaya naman mas bumilis ang pagtakbo niya.

“BAMBINA!”

Nagulat at napatili ng pagkalakas-lakas si Anastacia nang mahuli ng lalaki ang baywang niya. Sa haba ba naman ng biyas nito, imposibleng matakasan niya ang lalaki.

“Smettila di scappare da me.” —Stop running away from me. Seryosong sabi ng lalaki habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.

Napalunok si Anastacia. Goodness gracious! Wala siyang ibabayad sa lalaki.

Tumikhim siya at pilit na kumawala. Pinakawalan naman nito ang baywang niya pero hindi ang kaniyang kamay. Napalunok siya habang hinihingal silang pareho. Tiningnan niya ang daan na tinahak niya at napangiwi siya nang mapagtantong hindi manlang siya nakalayo mula sa pwesto nila kanina.

“Why are you running, mia bella regina?” tanong ng lalaki sa seryoso pa ring boses.

Ano bang Mia bella regina ang pinagsasabi ng lalaki? Alam niyang Italian ang salita nito pero ano bang itinawag nito sa kaniya?

Sumimangot ang lalaki. “I left yesterday because I had not enough cash. I only got nine hundred thousand pesos and I know, you can't use dollars so I decided to go out for a while to get some cash but when I came back, you're gone!”

Umawang ang labi ng dalaga. Ano raw? Nakulangan pa ito sa ibinigay nito sa kaniyang nine hundred thousand kaya umalis ito para kumuha pa ng pera? Hindi naman pala babawiin ng lalaki ang pera, nagpakapagod pa siya sa pagtakbo.

Sinimangutan niya ang lalaki. “Sana sinabi mo agad, diba?!”

Nalukot ang mukha ng lalaki. “What? Are you mad, bambina?”

Ngumiwi siya. Paano nalang kung hindi siya marunong mag-Ingles, edi hindi sila nagkaintindihang dalawa? Mabuti nalang at nakatuntong siya ng third year college sa kursong mass communication.

“I'm not mad. It was all a misunderstanding, sir.”

Ngumiwi ang lalaki. “I have a name, bambina. It's Alessandro.”

Nakagat ni Anastacia ang sarili niyang mga labi. “Pogi mo talaga! Why are you here, by the way?”

Binitawan siya ng lalaki. Namulsa ito. “Well, I came to get you. I want you to come with me, mia bella regina.”

Ngumiwi ang dalaga. Magbabardagulan na naman ba sila? Masakit pa nga ang balakang niya e. Pati singit niya namumula pa. Kinagat yata siya ng h*******k sa parteng 'yon. Pero teka, talaga bang hinanap siya ng lalaki para doon?

Sinimangutan niya ang lalaki. “You want to bed me again?”

Dumaan ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki pero mabilis rin itong nawala. Lumamlam ang mga mata ng gwapong binata. “I'm not here for that, bambina. I just want to give you the money that I promised.”

Namulaga ang mga mata ng dalaga. May pahabol pa? “Seryoso ka—I mean, are you serious? You'll give me more money? But why?”

Ngumiti ang binata. Isang ngiting talaga namang nagpapaluwag yata ng panty ni Anastacia. Bakit kasi napakasexy ng ngiti ng lalaki? Gosh! Saan ba nagsusuot ang lalaking 'to at ngayon lang sila nagtagpo? Pero sabagay, gipit na gipit siya bago niya nakilala ang gwapong mayaman na 'to.

“You said you need a one million dollar, mia bella regina. You requested it. I'll give it to you.”

Nasamid ang dalaga sa sarili niyang mga laway. Parang nabingi at namanhid yata siya sa kaniyang narinig. Tama ba ang sinabi nito? Nanghingi ba talaga siya sa lalaki ng isang milyong dolyares at willing itong bigyan siya ng ganoon kalaking halaga? Nalintikan na!

Gustong-gusto na niyang tanungin ang lalaki kung nasaan ang perang ibibigay nito pero hindi naman siya ganoon kasama.

“Are you crazy? Why would you give me that much when you just met me?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa lalaki.

Ngumiti itong muli. “Because you deserve everything in this world, bambina. You are amazing so I will give you everything you want.”

Nasinok ang dalaga. Amazing? Baka sa kama lang siya amazing. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Pero kung talagang may pahabol pa ang perang ibinigay nito sa kaniya, aba'y talagang tatanggapin niya iyon. Kailangan niya ng pera, ano! Mag-iinarte pa ba siya? Wala na siyang pakialam kahit sa huli ay isipin man ng lalaki na mukha siyang pera at budol-budol siya. Ika nga, palay na ang lumalapit sa manok tatanggi pa ba siya?

Namaywang siya. “What do you want in exchange?”

Bahagyang tumagilid ang ulo ng lalaki. “Well, marry me.”

Namilog ang mga mata ni Anastacia. Kasal? Kasal ang gusto ng Italiano'ng ito? Aba nga naman!

Hindi alam ni Anastacia kung talaga bang mahal siya ng Diyos. Noon pa talaga siya nangangarap ng mapapangawasang foreigner at hayan nga at nasa harapan na niya ngayon ang lalaki. Palalagpasin pa ba niya ang pagkakataon? Tanga nalang ang tatanggi sa ganitong sitwasyon sa panahon ngayon lalo na sa tulad niyang kapit sa patalim. Naibenta na nga niya ang katawan niya sa lalaki, might as well pakinabangan niya ang pagkabaliw sa kaniya nito ngayon. Tutal ay tiyak siya na magsasawa rin ito sa kaniya paglipas ng ilang buwan.

Ngumisi si Anastacia. “You really want to marry me?”

Walang pag-aalinlangang tumango ang lalaki. “By all means, mia bella regina.”

Humagikhik ang dalaga. “Alright, I will marry you but you have to buy me a mansion. I want to live in a mansion!”

Tumango muli ang binata. “Alright. But I have a mansion, I will show it to you and if you don't like it, we will buy another mansion.”

Tumili si Anastacia. Oh my God talaga! Naitabi na ni Aphrodite kaya siya naman ngayon! Ang ganda niya talaga! Sinong nagsabing hindi siya makakapag-asawa ng mayaman? Nasaan na 'yung mga kapitbahay niyang chismosa na sinasabing pangarap nalang ang pag-yaman niya. Heto nga at nilalapitan na siya ng grasya.

Naglahad ng kamay ang lalaki. “Willing to come, bambina?”

Akmang ipapatong na niya ang kamay niya sa kamay nang lalaki nang matigilan siya. “Sandali,” Tinitigan niya ang gwapong kaharap. “I want a diamond ring for my wedding ring.”

Syempre, gusto niya ng mamahaling singsing para kapag naghiwalay na sila ng lalaki ay may maibebenta siyang alahas.

Ngumiti ang lalaki. “Anything for my bambina. Let's go and buy you a diamond ring.”

Anastacia giggled and accepted his hand. Kumislap naman ang mga mata ng lalaki at masuyo siyang hinila palapit. Sabay silang naglakad pabalik at pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse. Humagikhik ang dalaga. Tiyak na maiinggit sa kaniya ang mga highschool classmates niya noon na nilalait ang bulok nilang bahay sa probinsya na gawa sa pinagtagpi-tagping yero.

Nang makasakay ang lalaki ay nilingon siya nito at nginitian. “You don't know how happy you made me today, mia bella regina.”

Ngumisi siya sa lalaki. “I'm happy too! I will be rich!”

Mahinang tumawa ang lalaki. “Yes, you will be very rich, bambina.”

Hanggang sa tumigil ang sasakyan sa isang napakalaking mansion na tatlong palapag ay hindi nabura ang ngiti ni Anastacia. Mas lumapad pa nga ang ngiti niya nang makita ang napakagandang mansion sa tapat nila.

Tiningnan niya ang katabing lalaki. “Is this your house?”

Sumulyap ang binata sa itinuro niyang mansion. Ngumisi ito saka tumango. “That will be yours if you marry me, bambina.”

Kagat-labing bumaba si Anastacia sa kotse. Sumunod namang bumaba ang gwapong binata at napatitig siya sa lalaki. Talagang naglalakad na pera ng tingin niya sa dayuhan. Isang gwapong pera na buhay. Hay jusko! Nasisiraan na talaga siya ng bait.

Lumapit sa kaniya ang binata. “Come, bambina. We will get the money and we'll go to the jewelry shop to buy your diamond ring.”

Walang pagdadalawang-isip na sumama si Anastacia sa lalaki. Nang makapasok sila sa mansion ay namilog ang kaniyang mga mata dahil naghanay ang mga maid at mga lalaking nakaitim na mukhang mga body guard na mansion ang binabantayan.

Nang magsimula silang maglakad papasok sa pulang carpet na sadyang nakalatag sa sahig at nagtaas siya ng noo dahil yumuyuko ang mga silbidora kaya naman proud na proud ang dalaga. Feeling niya ay naging reyna siya bigla.

Dumiretso sila sa hagdanan ng mansion. Nang makarating sila sa third floor ay doon niya natagpuan ang napakalaki at magarang kwarto ng lalaki.

Walang sinayang na panahon ang dalaga. Nang sandaling makapasok sila sa malaking silid ay tumili siya at ibinagsak ang sarili sa napakalambot at malaking kama.

Nagkakawag siya sa kama at walang pakialam kahit magulo pa ang sapin nito na parang plinantsa pa ng sampung ulit.

Nakarinig siya ng mahina at sexy na tawa kaya lumingon siya kay Alessandro na dinampot ang binitawan niyang bag at pinagsaksakan sa loob nito ang sandamakmak na cash na hawak.

Namilog ang kaniyang mga mata at tumakbo palapit sa binata. “That's all mine?”

Tumingin sa kaniya ang binata saka iniabot sa kaniya ang bag niya. “Yes, bambina. Now, let's go and buy your diamond ring.”

Humikhik ang dalaga saka lumingkis sa braso ng binata. “Let's go!”

Natawa sa kaniya ang binata saka pa hinapit ang kaniyang baywang. Sabay silang muli na lumabas ng mansion at pinagbuksan siya nitong muli ng kotse. Nagsimula ulit itong magmaneho at hindi talaga mapuknat ang ngisi sa mga labi ng dalaga.

Mayaman na talaga siya! Hindi ito panaginip at iinggitin niya talaga si Carla.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status