DAHAN-DAHANG bumababa ng hagdanan si Anastacia. Feel na feel niya ang pagiging reyna sa napakalaking mansion lalo na't nasa puno ng hagdan ang kaniyang hari nakatunghay sa kaniya at naghihintay. Sa paligid ay naroon ang mga maids, ang bodyguard niyang si Arturo at ang mga bodyguards ni Alessandro.Nang makababa siya ay agad na hinawakan ng asawa ang kaniyang kamay at hinalikan ang likod nito. "Good evening, beautiful."Humagikhik siya at humilig sa dibdib ng matipuno niyang asawa. Agad ring umikot ang kaniyang mga mata nang makita ang psimpleng pag-ngiwi ng mga katulong. Tanging mayordoma ang nakatingin sa kanila na may paghanga."Shall we?" Tanong ni Alessandro nang nakangiti. Kagat-labing tumango si Anastacia. Iginiya naman siya nito palabas at tinungo nila ang mamahalin nitong kotse. Habang tahimik na nagmamaneho ang asawa ay panaka-nakang sinusulyapan ni Anastacia ang braso nito. Hindi niya mapigilang kiligin kapag naiisip kung ilang beses pumulupot sa kaniya ang matitipunong bra
MADILIM ang ekspresyon sa mukha ni Alessandro habang nakaupo sa harap ng mga nakahilerang bodyguards at maid. Nakayuko ang lahat ng ito, takot na salubungin ang galit na mukha ng amo. Maging ang mayordoma na siyang pinakamatanda sa kanila ay takot ring makita ang impyerno sa mga mata ng lalaking nakaupo sa harapan nila."Ronaldo," tawag ni Alessandro sa isa niyang bodyguard na inatasan niya sa isang misyon kagabi habang nasa yate sila. Agad na umabante ang isang matangkad at maskuladong lalaki. "Signor?""Did you find the crest?"Yumuko ang lalaking nag-nangangalang Ronaldo. "I failed, signor.""STUPIDO!" Marahas na tumayo si Alessandro saka dinuro ang mga lalaking tauhan. "Siete tutti stupidi! Hai sempre fallito. Non hai mai completato una missione. Fottutamente inutile!" — You are all stupid! You have always failed. You have never completed a mission. Fuckin 'useless!Humugot ng malalim na buntong-hininga si Alessandro saka tiningnan ang mga maids. "E tu? Chi ha attaccato la casa?" —
PINALIPAS ni Anastacia ang isang araw matapos ang insidente sa yate bago muling bumisita sa ama. May kolorete ang kaniyang mukha at kumikinang ang mga alahas na nakasabit sa kaniyang katawan. Mataas rin ang suot niyang sapatos na lumalagatok ang takong sa bawat hakbang na ginagawa niya. Ang ingay na iyon ay naging sanhi ng paglingon sa kaniya ng mga nadaraanan niya.Hindi siya inihatid ni Alessandro dahil may lakad ito pero habang nasa biyahe siya ay kausap niya ito sa telepono."Ang gwapo!" Halos hindi magkamayaw na bulong ng isang babae.Ngumisi lamang si Anastacia at ibinaba ang suot niyang shades. Iniabot niya iyon kay Arturo na agad nitong tinanggap. Tama! Kasama niya ang kaniyang bodyguard.Nang makarating sa silid ng ama ay iniwan niya sa labas si Arturo. Ngumiti siya ng matamis nang makita ang ama na nakatingin sa kaniya pero agad ring umiwas ng tingin.Nasaktan siya. Hanggang ngayon ba ay galit pa ito?Tumikhim siya at inilapag sa mesa ang dala niyang mga prutas. Lumapit siya
ALIW NA ALIW si Anastacia na pinapanuod ang alaga niyang si Fifi. Isang puting Pomeranian si Fifi na binili niya noong isang araw sa isang pet shop. Naaliw siya nang titigan siya nito habang nagmamasyal siuya kaya naman agad siyang nag-inquire para ma-adopt niya ito. Hindi ito alam ni Alessandro dahil nakalimutan niyang banggitin, tanging si Arturo ang kasama niya nang lakarin niya ang adoption papers ni Fifi at ito ang gumawa ng paraan para makuha niya kaagad ang aso.Hindi maipagkakailang masaya sa kaniya si Fifi dahil tuwang-tuwa ito habang buhat niya kanina nang kunin niya sa pet shop."Signora, narito na ang iyong asawa," ang mayordoma iyon pagkatapos kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto nilang mag-asawa. Excited na tumayo si Anastacia at iniwan sa kama si Fifi. Tamang-tama naman na pumasok si Alessandro na agad ngumiti sa kaniya. "Mia bella."Ngumisi si Anastacia at agad na sinugod ng yakap ang asawa. Tumalon siya at agad naman siyang sinalo ng asawa na mahina lamang na n
MASAMA ang loob ni Anastacia nang makauwi. Binitawan niya si Fifi nang makapasok sa loob ng mansion saka siya sumigaw. "YAYA!"Hindi magkandaugaga ang mga katulong sa paglapit sa kaniya. Kapuwa nakatungo ang mga ito, tila takot mapagalitan. Samantala, pumasok ng bahay si Arturo at tumayo sa may pinto.Hinilot naman ni Anastacia ang kaniyang noo saka tiningnan ang isang katulong. "Ikuha mo ako ng tubig. Nastress ako masyado. Bilis!"Agad na tumalima ang inutusang katulong. Naglakad siya palapit sa single couch. Bawat lagatok ng takong ng suot niyang sapatos ay mabigat, tila dala niyon ang inis na kaniyang nararamdaman. Naupo siya saka sinenyasan ang isang katulong. Agad naman itong lumapit sa kaniya. "Signora?"Maarte niyang itinuro ang sintido. "Imasahe mo ako. Sumasakit ang ulo ko."Hindi nakita ni Anastacia ang talim ng tingin ng isang katulong dahil nakapikit na siya. Bumuntong-hininga naman ang katulong na inutusan niya saka sinimulang masahiin ang kaniyang sintido."Signora, heto
MATALIM ang tingin na ibinabato ni Anastacia kay Leonardo na prenteng nakahilata sa sofa habang nanunuod ng TV. Pangalawang araw na ng binata sa mansion at hindi niya talaga gusto ang pag-uugali at presensiya nito. Malakas ang dating ng binata. Tulad ni Alessandro ay guwapo at makisig pero hindi magkamukha ang dalawa. Fraternal twins. Isang bagay iyon kung bakit hindi niya nahulaan na kapatid ni Alessandro ang binata.Nagtaas ng kilay ang binata nang lingunin siya nito. Masungit ito sa kaniya pero di hamak na mas masungit siya, ano. Galit rin talaga siya sa lalaki dahil tinadyakan nito si Fifi kaninang umaga. Kitang-kita niya."Señorito Leonardo, here is your coffee," paglapit ng isang maid sa binata.Umismid si Anastacia saka pinagmasdan ang maid. Bakit magaganda, sexy at matangkad ang mga maid sa mansion ni Alessandro. Ngayon niya lamang napagmasdang maigi ang mga maid dahil wala naman siyang pakialam sa mga ito pero napansin niya ngayon na tila mga modelo ang mga ito. Pulido ang tr
NANG lumapit si Astrid kay Leonardo ay agad na nagsalita ang binata sa galit na tono. "I want you to buy DVDs about killing and such."Humugot ng malalim na buntong-hininga si Astrid. Sa lahat ng maids, siya ang pinakamasungit. Siya rin ang palaging umiirap at matalim ang tingin kay Anastacia. Oo, galit siya sa babae dahil masyado itong demanding, maarte at mukhang pera pero hindi siya ganoon kasama para parusahan ang babae sa ganoong paraan. Sa pamamagitan ng pagtorture dito emotionally at mentally, hindi niya kaya.Binasa ni Astrid ang kaniyang labi. "Señorito, punishing her in that way is not acceptable. I also have fears. I can't do that."Kumunot ang noo ni Leonardo. "Ano bang pinakain sa inyo ng babaeng iyon?"Umiling si Astrid at yumuko. "Señorito, I hate her, too. But I'm also a human and I also have fears."Iritado ang mukha na tumalikod si Leonardo. Samantala naiwan si Astrid na nakatingala sa malaking litrato ng mag-asawa sa may hagdanan.***KINAGABIHAN, hindi maipaliwanag
SUOT ang itim na sumbrero at itim na mask ay patago-tago si Anastacia sa bawat poste o gusali na madaraanan niya habang sinusundan ang kaniyang asawa. Noong nakaraang araw ay dinala siya nito sa kompanya nito kaya alam na niya kung saan. Doon ay nagkaroon siya ng ideya na sundan ang asawa para matukoy kung ano ang itinatago nito.Mabuti na lamang talaga at natakasan niya si Arturo matapos niyang palihim na lagyan ng pampatuloy ang kape nito kaninang umaga.Pinakiramdaman niya ang paligid saka sumilip. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang sumakay ng kotse ang kaniyang asawa. Napangiwi siya saka dali-daling pumara ng taxi."Saan ho tayo ma'am?"Itinuro niya ang kotse ng asawa. "Kuya, sundan mo iyong kotseng itim."Gulat na napatingin sa kaniya ang driver. "Tapos! Pasensya na ma'am. Minsan na akong nadamay sa galit ng mister na sinundan ng misis. Baka ho maakusahan na naman akong—”"Kuya!" Umismid si Anastacia. "Babayaran kita ng malaki. Sundan mo na ang kotse niya dahil baka mai