Anastacia’s POV NAPILITANG umalis si Francis nang hindi kami nakakapag-usap. Ang nakakatawa ay binawi niya ang mamahalin niyang bouquet at masama ang loob na umalis. Wala naman akong pakialam kahit bawiin niya iyon dahil hindi naman ako mahilig sa bulaklak. Bumalik ang paningin ko kay Leonardo nang mahina siyang natawa. “He took his gift back. Is that your type of guy?” Nangunot ang noo ko habang tinitingnan siya. “Anong pakialam mo? At bakit nandito ka?” Sinulyapan niya si Aki na bumitaw na sa kaniya at nakahawak na ngayon sa kamay ko. Panandalian akong natakot nang akalain ko na inakala ni Aki na si Leonardo ang kaniyang ama pero mukhang kilala ni Aki ang hitsura ng kaniyang ama kahit sa litrato niya lamang ito nakita. Bumaba ang tingin ni Leonardo sa paslit na nakahawak sa kamay ko. Alam kong sa unang tingin sa mukha ni Aki ay hindi maipagkakaila kung sino ang kaniyang ama. Wala naman akong balak itago si Aki kay Alessandro pero hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Alam
Anastacia’s POV“ANA, sino iyong lalaki kahapon, huh?”Halos bumunggo sa akin si Francis nang salubungin niya ako sa lobby ng factory na pinagtatrabahuhan ko. Isa si Francis sa may-ari ng factory na ito at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanliligaw sa akin ang mayabang na lalaki. Isa sa dahilan kung bakit maraming gigil sa akin sa trabaho dahil sabi nila ay nilandi ko raw ang lalaki. Hindi nalang aminin sa mga sarili nila na mas maganda at sexy ako.“Narinig mo naman ang sinabi ni Aki kahapon, Francis.”Nagtiim-bagang ang lalaki. “Iyon ba ang ama ng batang iyon? Di hamak naman na mas guwapo at mukhang mas mayaman ako sa isang iyon. Sabihin mo nga! Bakit ka niya dinadalaw, ha? May namamagitan pa sa inyo? Ano? Pinapaasa mo lang ako?”Nangunot ang noo ko. “Malinaw kong sinabi sayo, Francis, na wala akong balak mag-entertain ng manliligaw at hindi kita pinaasa—”“Tinanggap mo ang mga regalo ko! Pinapasok mo ako sa bakuran mo. Pinaglaanan mo ako ng panahon. Alin sa mga iyon ang hindi
“DAMI niyong arte!”Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Leonardo. Bakas sa mukha nito ang irita at mukhang diring-diri sa narinig mula sa akin.Parang gusto ko siyang tadyakan bigla palabas ng sarili niyang kotse. Bakit ba siya nangingialam? “Ibalik mo na ‘ko sa bahay,” iritadong sabi ko habang nakasimangot.Inirapan ako ni Leonardo nang biglang nag-ingay ang cellphone niya. Sinulyapan pa ako nito na ikinataas ng kilay ko.Nang sagutin nito ang tawag ay dumagundong ang puso ko dahil sa pangalang binanggit niya.“What is it, Alessandro?”Bored na bored ang mukha ni Leonardo nang bigla nalang nanlaki ang mga mata nito at tila nataranta.“What? What did you feed her—Fine! Bring her to the hospital. I’ll be there quickly.”Nagulat ako nang paandarin ni Leonardo ang sasakyan. Dire-diretso ang walang lingon-lingon.“Teka lang, Leonardo! Saan mo ako dadalhin?”Nagtiim-bagang ito, “I have an emergency.”“Ano?” Nasapo ko ang ulo. “Ibaba mo nalang ako dito sa tabi—”“I can’t! She’s more imp
NANG umalingawngaw ang sigaw ko ay agad na dumating si Leonardo at gulat na gulat na napatingin sa kapatid na nakahandusay sa sahig.Hindi ko alam ang gagawin. Masyado akong natataranta at alam kong ganoon rin si Leonardo. Ano ba naman kasing drama ni Alessandro at parang nagkaepilepsy nang makita ako? Masyado ba siya g nagulat sa kagandahan ko kaya hinimatay siya? Alam ko namang mukha akong diyosa pero sobra naman yata na himatayin siya.Agad na dinaluhan ni Leonardo ang kapatid, “Alessandro!”Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang hindi malaman ang gagawin. Malakas ang pintig ng puso ko at tarantang-taranta ako. Baka napasama ang bagsak niya. Ayokong mabalo ng maaga at ang dahilan ay hinimatay ang asawa ko nang makita ako.“A-Ayos lang ba siya?”Tiningnan ako ni Leonardo ng matalim, “He’s breathing but he’s also bleeding.”Napasinghap ako. Oo nga! Kitang-kita ko na dumudugo ang ulo niya pero nakahinga pa rin ako ng maluwag nang malamang buhay pa siya.“What did you do?” Galit na
“Stupido! Come sono scappati?” —Stupid! How did they escape? He growled in so much anger as he threw the glass that has New Grove Double Cask Moscatel Finish Rum in it. The broken pieces of the glass scattered on the floor and the aroma of the expensive rum blended with the smell of combined cigarette and manly perfume in the whole elegant room. Expensive. Everything inside the room is expensive, including the furious boss who's shooting deadly glares to his scared men. His tiger-like eyes could give someone a peak to hell, and that scares his men even more. “We're sorry, boss. Our car flipped over the road and that's when they get away.” “Stupido! Stupido! Fuori. Fuori dalla mia vista!” —Stupid! Stupid! Out. Out of my sight! His men bowed to him and quickly run to hide from their boss' anger. He sat on the huge mattress and crossed his legs. Anger can't leave his tiger eyes as he balled his fist. Those fuckers who managed to escape ar
SHE grumpily opened her eyes, and a white and obviously expensive ceiling welcomed her. Her head is throbbing and she felt so tardy today. Idagdag pa ang nananakit niyang katawan at mumunting hapdi sa ilang parte ng hita, dibdib at leeg niya na para bang kinagat siya ng mabangis na hayop.Anastacia decided to pull herself up and when she did, she fell back on the soft bed as the flesh between her legs stung. She gasped and that's when she found herself naked under the white sheets covering her body.“OH MY GOSH!” She exaggeratedly exclaimed.Sinapo niya ang kaniyang ulo at pilit na inalala ang nangyari. She bit her lower lip. Hinalukay niya ang kaniyang alaala hanggang sa magflashback sa isipan niya ang pinaggagawa niya sa bar. Sumikdo ang puso niya nang maalala ang aksidenteng pagbangga niya isang lalaki na alam niyang gwapo pero hindi naman niya maalala ang mukha.Napalunok siya. Talaga bang
ANASTACIA was humming and grinning like crazy while walking along the clear road. Kagagaling niya lamang sa hospital at nakabayad na siya sa mga utang niya. May budget na rin siya para sa pang-chemo ng kaniyang ama at may natitira pang pera para sa pagkain nila. Alam niyang pagkaubos ng pera niya ay kailangan na naman niyang magtriple kayod pero sa ngayon, masaya siya kaya pangisi-ngisi siya sa daan.Habang naglalakad ay may humaharurot na sasakyan na bigla nalang tumigil sa kaniyang harapan. Agaw-pansin ang mamahaling kotse kaya nagtitinginan ang lahat ng dumaraan.Nakaramdam ng inggit si Anastacia kaya akmang aalis na siya nang lumabas ang isang napakagwapong lalaki na may lukot na pagmumukha. Diretso ang tingin nito sa kaniya habang nakasimangot.“Ti ho cercato in tutto l'hotel, bambina,” sabi ng lalaki sa kaniya. —I've been looking for you all over the hotel, baby.Nangunot a
ANASTACIA couldn't stop herself from smiling. Proud na proud siyang naglalakad kasama ni Alessandro papasok sa isang mamahaling jewelry shop. Nakakawit ang kaniyang braso sa braso ng binata at sobrang lagkit ng tingin kay Alessandro ng mga babae sa paligid.Ngumisi si Anastacia at mayabang na tinaasan ng kilay ang isang babaeng may kasamang lalaki at pumipili ng singsing. Sa sobrang lagkit kasi ng tingin nito sa binata ay halos lumabas na ang eyeballs nito.“Hello ma'am and sir, are you looking for a wedding ring?” tanong ng isang staff ng jewelry shop na lumapit sa kanila.“Yes. Show us every expensive rings with diamond in it.” si Alessandro ang sumagot at talagang lumalabas ang accent nito kahit sa simpleng pagsasalita ng Ingles.Anastacia giggled. Hindi na siya makapaghintay na magsuot ng mamahaling singsing na tiyak na kaiinggitan ng maraming tao.