NANG lumapit si Astrid kay Leonardo ay agad na nagsalita ang binata sa galit na tono. "I want you to buy DVDs about killing and such."Humugot ng malalim na buntong-hininga si Astrid. Sa lahat ng maids, siya ang pinakamasungit. Siya rin ang palaging umiirap at matalim ang tingin kay Anastacia. Oo, galit siya sa babae dahil masyado itong demanding, maarte at mukhang pera pero hindi siya ganoon kasama para parusahan ang babae sa ganoong paraan. Sa pamamagitan ng pagtorture dito emotionally at mentally, hindi niya kaya.Binasa ni Astrid ang kaniyang labi. "Señorito, punishing her in that way is not acceptable. I also have fears. I can't do that."Kumunot ang noo ni Leonardo. "Ano bang pinakain sa inyo ng babaeng iyon?"Umiling si Astrid at yumuko. "Señorito, I hate her, too. But I'm also a human and I also have fears."Iritado ang mukha na tumalikod si Leonardo. Samantala naiwan si Astrid na nakatingala sa malaking litrato ng mag-asawa sa may hagdanan.***KINAGABIHAN, hindi maipaliwanag
SUOT ang itim na sumbrero at itim na mask ay patago-tago si Anastacia sa bawat poste o gusali na madaraanan niya habang sinusundan ang kaniyang asawa. Noong nakaraang araw ay dinala siya nito sa kompanya nito kaya alam na niya kung saan. Doon ay nagkaroon siya ng ideya na sundan ang asawa para matukoy kung ano ang itinatago nito.Mabuti na lamang talaga at natakasan niya si Arturo matapos niyang palihim na lagyan ng pampatuloy ang kape nito kaninang umaga.Pinakiramdaman niya ang paligid saka sumilip. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang sumakay ng kotse ang kaniyang asawa. Napangiwi siya saka dali-daling pumara ng taxi."Saan ho tayo ma'am?"Itinuro niya ang kotse ng asawa. "Kuya, sundan mo iyong kotseng itim."Gulat na napatingin sa kaniya ang driver. "Tapos! Pasensya na ma'am. Minsan na akong nadamay sa galit ng mister na sinundan ng misis. Baka ho maakusahan na naman akong—”"Kuya!" Umismid si Anastacia. "Babayaran kita ng malaki. Sundan mo na ang kotse niya dahil baka mai
LUMIPAD ang isang flower vase nang pumasok si Alessandro sa mansion. Mabilis naman siyang nakailag kaya hindi siya nito tinamaan. Mas tumalim ang tingin ni Anastacia sa asawa. Mabigat pa rin ang kaniyang loob, dahil na sa galit at pangamba. Hindi niya alam kung bakit nasasatan siya sa ginawang pagtago ni Alessandro nang sundan niya ito. Mahal na ba niya ang asawa niya? Imposible! Bago pa lang sila. Siguro ay naapakan lang ang ego niya kaya ganito ang inaakto niya."Mia bella!" Gulat at may pagsuyong tawag ni Alessandro sa asawa.Umismid sa Anastacia. "Was that your child?"Umawang ang labi ni Alessandro. Mas nakita sa guwapong mukha nito ang pagkabigla. Makailang segundo ay umiling ito. "No! Why would I have a child with another woman?"Suminghap si Anastacia. "Bakit ang tagal mong sumagot? Bakit ka rin nagtago? P*****a ka talaga! Ano! Porket daks ka, magkakalat ka na ng lahi? Ano pang silbi ng kasal natin kung iba rin lang ang aanakan mo? Ang kapal mo naman, Alessandro."Ngumiwi ang l
"Really? We will kill each other just because of that woman? You're a mafia leader, Alessandro. You are better than this! How could you ruin our plan for that woman?"Paulit-ulit na naririnig ni Anastacia ang mga salitang iyon sa kaniyang isipan. Nasundan pa iyon ng mga sigaw bago siya nanginig sa takot dahil sa putok ng baril. Halos matumba siya. Halos himatayin siya dahil sa kaba. Malakas ang pintig ng kaniyang puso habang nanlalabo ang mga mata.A mafia leader? Hindi niya akalaing ang simpleng pangarap niya na maging maginhawa ay siyang magdadala sa kaniya sa uri ng taong kinamumuhian niya.Humikbi si Anastacia. Bumalik siya dahil hindi niya matiis ang asawa pero iyon ang mga katagang dinatnan niya bago pa sumunod sa kaniya si Arturo na siyang nagmaneho para sa kaniya. Ngayon ay lulan siya ng taxi na pinara niya nang hindi pinapansin ang kaniyang bodyguard.Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Bago pa dumating si Alessandro kanina ay naghalungkat siya sa mga gamit nito sa kwarto dah
SUNOD-SUNOD ang murang pinakawalan ni Alessandro. Halos mapatay niya sa suntok si Leonardo matapos tumakbo ng kaniyang asawa. Takot na takot ang mahal niya. She was so f-cking scared and he saw hatred in her eyes. That was painful than a gun's bullet buried in his skin.He sucked his breath, unable to think properly. The his men are holding his arm, stopping him from attacking Leonardo again. He wanted to kill him, but killing him won't change anything. His wife learned about his real identity. His wife hates him to death now."What would you do now, Alessandro? You see? She's going to be your downfall," Leonardo said, mocking him."You bastard!" He growled and was about to attack him again when Arturo rushed to him, holding his gun tight."Signore, some of Mr. Sicardi's men are here. They're armed.""Merda!" Malutong ang pinakawalang mura ni Leonardo habang tumatayo at sapo ang nasaktang panga. He extended his arm to one of Alessandro's men, taking his gun back."You bastard should t
"TAY!" Hindi napigilan ni Anastacia na maging emosyonal nang pumasok siya sa silid ng kaniyang ama. Dalawang araw ang pinalipas niya mula nang layasan niya si Alessandro. Ngayong pangatlong araw ay lumabas siya upang bisitahin ang ama sa hospital.Gamit ang malalamig na titig ay nilingon siya ng ama. Hindi malaman ni Anastacia kung tatakbo ba siya palayo o palapit. Gusto niyang yakapin ang kaniyang ama. Gusto niyang umiyak at magsumbong dito na nasasaktan siya ngayon. Gusto niyang isumbong dito kung gaano nasasaktan ang nag-iisang anak nito. Gusto niyang hanapin sa kaniyang ama ang malasakit at pagkampi."Anong ginagawa mo rito, Anastacia? Hindi ba't sinabi kong 'wag ka nang magpapakita pa sa 'kin?"Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi na niya napigilan ang pagluha. Nakita niyang natigilan ang kaniyang ama. Dumaan sa mga mata nito ang iba't-ibang emosyon na hindi niya mapangalanan.Alanganing humakbang papasok si Anastacia. Lumapit siya sa ama saka dahan-dahang ibinuka ang mga la
TANGHALI na nagising si Anastacia kinabukasan. Mabilis siyang naligo at lumabas ng silid. Naabutan niya ang pagkain sa mesa na mukhang kanina pa inihanda ni Carla. Malamig na ang sinangag at nilalanggam na ang itlog at hotdog. Sumimangot siya saka dinampot ang kapirasong pinilas na papel na nadadaganan ng plato.'Pumasok na ako sa trabaho, bakla. Kainin mo 'yang pinaghirapan ko kung ayaw mong palayasin kita. Char! Cheer up, my friend. Love, Carla na maganda at mas maganda pa sayo. Che!'Natawa si Anastacia sa sulat na iniwan ng kaibigan niya. Naiiling na inalisan niya ng langgam ang ulam saka nagtimpla ng kape. Pangiwi-ngiwi siya habang kumakain dahil malamig na ang kinakain niya.Pagkatapos kumain ay agad nagpunta si Anastacia sa hospital. Nagulat siya nang marinig na nakikipagtalo ang kaniyang ama sa doktor na nakaassign dito."Mas mapapabuti ako kung hahayaan niyo ako. Ayoko na dito sa hospital. Nagsasawa na ako sa amoy ng hospital!" Pasinghal ang pagsasalita ng kaniyang ama.Nakag
PAGKABABA ng bus ay agad na pumara ng tricycle si Anastacia. Kasama niya si Carla para alalayan ang kaniyang ama. Nag-absent ito sa trabaho para lamang maihatid sila sa probinsya kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil malaking tulong ang ginawa nito."Saan, miss?" Tanong driver ng tricycle na pinara niya."Sa dulo ng Ezperanza ho."Tiningnan siya ng driver ng matagal bago muling nagsalita. "Ikaw lang, miss? Isang daan pag ikaw lang. Malayo ang dulo ng Ezperanza at malubak ang daan."Biglang lumapit si Carla kasunod ang ama ni Anastacia. Mataray na namaywang si Carla. "Tatlo kami manong."Tumango ang driver. "Pwede nang trenta ang isa."Agad na sumakay sa loob si Anastacia matapos ang kaniyang ama. Sa likod ng driver sumakay si Carla na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang kilay.Habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na kinalakihan ni Anastacia, hindi maiwasan ng dalaga na alalahanin ang dahilan kung bakit siya umalis sa lugar na ito. Sinupalpal niya pa sa mga