PAGKABABA ng bus ay agad na pumara ng tricycle si Anastacia. Kasama niya si Carla para alalayan ang kaniyang ama. Nag-absent ito sa trabaho para lamang maihatid sila sa probinsya kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil malaking tulong ang ginawa nito."Saan, miss?" Tanong driver ng tricycle na pinara niya."Sa dulo ng Ezperanza ho."Tiningnan siya ng driver ng matagal bago muling nagsalita. "Ikaw lang, miss? Isang daan pag ikaw lang. Malayo ang dulo ng Ezperanza at malubak ang daan."Biglang lumapit si Carla kasunod ang ama ni Anastacia. Mataray na namaywang si Carla. "Tatlo kami manong."Tumango ang driver. "Pwede nang trenta ang isa."Agad na sumakay sa loob si Anastacia matapos ang kaniyang ama. Sa likod ng driver sumakay si Carla na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang kilay.Habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na kinalakihan ni Anastacia, hindi maiwasan ng dalaga na alalahanin ang dahilan kung bakit siya umalis sa lugar na ito. Sinupalpal niya pa sa mga
ANASTACIA chewed her bottom lip. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kapitbahay nila. Batid niyang kanina pa rin siya pinagchichismisan ng mga ito. Syempre! Nagyabang siya noon na babalik siyang mayaman pero ano siya ngayon? Nganga!"Anastacia, kanina ka pa nagwawalis, gurl. Baka mahukay mo na ang sungay ni Lucy. Jusko ka, bakla!"Nilingon ni Anastacia ang kaibigan. Tinotoo nito ang sinabing hindi ito aalis sa tabi niya. Tinotoo nito na mananatili ito dito at magiging masaya sila. Katunayan, isang linggo na ang nakalipas at bukas nga ay magsisimula na sila sa kanilang bagong trabaho. Magtitinda sila ni Carla ng isda sa palengke. May sapat naman silang pera kaya nakaupa sila ng pwesto at nakahanap ng supplier. Simple ang bagong buhay nila, malayong-malayo sa matayog na pangarap ni Anastacia nang umalis siya sa probinsiya. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang kasabihang… 'kung gaano kataas ang paglipad, ganoon rin ang pagbagsak'."Ano, Anastacia? Nasaan ang pinagmamalaki mo noon
ALAS KWATRO palang ng madaling araw ay gising na't naghahanda si Anastacia para pumunta sa palengke. Mag-aayos pa sila ng panindang isda sa pwesto nila sa palengke at hinihintay nalang niya si Carla na tila ba'y sa party ang punta dahil napakatagal nitong magbihis. "Anastacia, 'wag kang masyadong magpapagod. Sinabi ko naman sa 'yo na kami nalang ni Carlos ang magtitinda ngayon." Ani ng kaniyang ama na nakatanaw sa kaniya mula sa bintana ng bahay. Nakaupo ito sa upuang kahoy habang may hawak na tasa ng kape. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Humagikhik si Anastacia. "'Tay, 'wag kang mag-aalala sa 'kin. Malakas ata 'to. Saka kapag narinig ka ni Carla na tinatawag siyang Carlos, magtatampo iyon."Nalukot ang mukha ng kaniyang ama. "Talaga namang Carlos ang pangalan niya. Hala, sige na! Nasaan na ba si Carlos at tatanghaliin na kayo?""Pader naman! Tanghali agad e madilim pa nga. Saka Carla ang itawag mo sa 'kin. Napakaligalig ng Carlos!"Ngumisi nalang si Anastacia nang umamba ang ka
HINDI MAPAKALI si Anastacia. Pilit niyang isinisiksik sa kaniyang isipan na hindi si Alessandro ang lalaking iyon pero kilala niya ang asawa. Alam niya ang pangangatawan nito. Ang tindig. Ang tangkad at lalong lalo na ang epekto nito sa kaniya.Pabiling-biling siya sa kama niya, hindi makatulog. Nahagip ng kaniyang paningin ang tatlong pulang rosas na nasa babasaging baso na may tubig. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hindi napigilan ang malakas na pintig ng kaniyang puso.Tama nga ba si Carla? Nahulog na nga ba siya sa kaniyang asawa? Natutop niya ang sariling bibig nang sagutin ng naghuhurumentado niyang puso ang kaniyang mga tanong.KINABUKASAN ay maaga muling gumising si Anastacia at Carla. Tulad kahapon ay maaga silang pumunta sa palengke para magtinda at tulad rin kahapon ay malakas ang benta nila."Ganda lang naman ang mayroon 'yan. Tiyak na boba rin iyan."Tumaas ang kilay ni Anastacia sa narinig. Nakakatawa lang na kaaway ang tingin sa kaniya ng ilang tindera dahil mas
"MIA Bella, are you okay? I heard you passed out. I'm sorry."Ang banayad na boses ni Alessandro ang mas nagpawala ng puso ni Anastacia. Dahan-dahan niyang nilingon si Carla na may nagtatanong na mga mata. Hindi nito alam na buntis siya?Kinindatan siya ng kaibigan pagkatapos ay lumabas na ito kasama ang nurse.Napalunok si Anastacia at nilingon ang asawa. May gasgas ang makinis at guwapo nitong mukha. May benda ang binti at ulo pero bukod roon ay wala na.Mas naghurumentado ang kaniyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Ang malalim na mga mata ng binata ay tila ba nilulunod siya sa isang magandang panaginip na ayaw na niyang iwanan pa. Miss na miss niya ang asawa pero hindi siya marupok. Isa pa ay may kasalanan naman talaga ito sa kaniya. Itinago nito ang mahalagang parte ng pagkatao nito na dapat ay alam niya una palang. Pinakasalan siya nito. Dapat ay ipinakilala nito sa kaniya ang buo nitong pagkatao."I know you're still angry. But, bambina. I just want you to know that I
HINDI mapigilan ni Anastacia na mapasimangot nang dumating sila sa munti nilang tahanan. Kasama nila si Alessandro na pinagsiksikan ang sarili sa maliit na tricycle. Kanda bali ang leeg ng mga kapitbahay nila nang bumaba sa tricycle ang kaniyang asawa."Manong, magkano?" Tanong ni Carla sa driver."Singkwenta.""Singkwenta? Ang mahal naman!""Edi sana naglakad ka!"Ngumiwi si Anastacia. Bago pa makipagsabunutan si Carla sa driver ay nag-abot na ng pera si Anastacia. Nilingon niya si Alessandro na patingin-tingin sa paligid.Hindi maiwasan na Anastacia na pagmasdan ang asawa. Sanay ito sa marangyang buhay. Tiyak na maninibago ito ng husto sa poder nila. Ayaw man niya pero mukhang pahihirapan rin talaga ito ng kaniyang ama. "Sino iyan, Anastacia? Jowa mo?"Nilingon ni Anastacia ang chismosang kapitbahay. Nakadaster ito ay mabilis na pinapaypayan ang sarili habang pasulyap-sulyap kay Alessandro.Umismid si Anastacia. "Asawa ko, manang Biday. Ipagkalat mo na sa buong barangay na narito
AGAD na lumapit si Anastacia upang awatin ang asawa. Bakas sa guwapong mukha nito ang galit. Namumula rin ang leeg nito at buong mukha habang hindi maipinta ang mukha ni Michael na mukhang ngayon lamang nakabawi sa gulat."He's my childhood friend." Masuyong paliwanag ni Anastacia.Naguguluhang umiling naman si Alessandro. "Do childhood friends kiss each other?"Agad na nalukot ang mukha ni Anastacia. "He kissed me. I didn't kiss him.""You don't get my point, bambina. That motherfcker kissed you and I didn't like it."Namaywang si Anastacia. Naiinis na sa kaniyang asawa. "So, are you angry at me?"Tila maamong tupa na tumiklop si Alessandro. Lumunok siya. He can't get into her bad side. He can't bear to see her running away from him again.Alessandro looked away. "I-I am not angry. I'm just…pissed and jealous.""Pissed with me?"Namilog ang mga mata nito. "Of course not, bambina. You know I'm not capable of feeling something towards you other than love and addiction."Bahagyang ngumu
HINDI alam ni Anastacia kung matatawa ba siya o maiilang sa hitsura ngayon ng asawa niya. Suot nito ang hapit na t-shirt ng kaniyang ama at isang board shorts na hindi manlang umabot sa tuhod nito dahil sa angking tangkad.Nagkamot ng batok si Alessandro at tinitigan siya. "Do I look okay, bambina?"Agad siyang ngumiti sa asawa. "Macho mo."Hindi man naintindihan ay ngumiti si Alessandro. Lumapit naman si Carla at bumulong sa tainga ng lalaki."She said you look fckable."Nanlaki ang mga mata ni Anastacia habang umawang ang mapupulang labi ni Alessandro at tinitigan siya.Ilang sandali pa ay pinandidilatan na ni Anastacia ng mata ang kaibigan na humagikhik lamang saka umalis.Lumunok si Anastacia at binuksan ang pinto ng kwarto ng kaniyang ama. May isang kama roon at may nakalatag nang banig sa sahig.Nilingon niya ang asawa. "You'll sleep on the floor. Is it okay with you?"Ngumiti si Alessandro. "It's more than okay, bambina. Don't worry about me."Ngumiti si Anastacia at tumingkaya