Share

Chapter 24

ANASTACIA chewed her bottom lip. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kapitbahay nila. Batid niyang kanina pa rin siya pinagchichismisan ng mga ito. Syempre! Nagyabang siya noon na babalik siyang mayaman pero ano siya ngayon? Nganga!

"Anastacia, kanina ka pa nagwawalis, gurl. Baka mahukay mo na ang sungay ni Lucy. Jusko ka, bakla!"

Nilingon ni Anastacia ang kaibigan. Tinotoo nito ang sinabing hindi ito aalis sa tabi niya. Tinotoo nito na mananatili ito dito at magiging masaya sila. Katunayan, isang linggo na ang nakalipas at bukas nga ay magsisimula na sila sa kanilang bagong trabaho. Magtitinda sila ni Carla ng isda sa palengke. May sapat naman silang pera kaya nakaupa sila ng pwesto at nakahanap ng supplier. Simple ang bagong buhay nila, malayong-malayo sa matayog na pangarap ni Anastacia nang umalis siya sa probinsiya. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang kasabihang… 'kung gaano kataas ang paglipad, ganoon rin ang pagbagsak'.

"Ano, Anastacia? Nasaan ang pinagmamalaki mo noon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status