Share

Chapter 31

TOTOONG sumama si Alessandro sa kanila. Ito ang nagbuhat ng mga paninda nilang isda na binili nila ng pagkayawan sa mga mangingisda kaninang madaling araw.

Nakagat ni Anastacia ang pang-ibabang labi bang gumalaw ang matitigas na muscles sa braso ng asawa matapos nitong buhatin ang isang banyerang isda na inaayos naman ni Carla.

"Anastacia, saan mo nakuha ang kargador mo?" Tanong ng isang matandang ale na nagtitinda rin sa tapat niya. Taga kabilang purok ito at mukhang kakalat na talaga sa buong barangay ang pagdating ng kaniyang asawa.

Bago pa sumagot si Anastacia ay may dumating nang matandang babae na namimili.

"Ano ka ba naman? Hindi mo ba alam? Iyan ang porener na asawa ni Anastacia."

Ngumiwi si Anastacia at hinayaan nalang na magchismisan ang dalawang matanda. Nilapitan niya ang asawa na tapos na sa trabaho. Inabutan niya ito ng bimpo.

"Wipe your sweat."

Ngumiti sa kaniya ang asawa. "Thank you, bambina."

"Hindi naman bambina ang pangalan mo, Anastacia, ah? May amnesia ba iyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status