SUNOD-SUNOD ang murang pinakawalan ni Alessandro. Halos mapatay niya sa suntok si Leonardo matapos tumakbo ng kaniyang asawa. Takot na takot ang mahal niya. She was so f-cking scared and he saw hatred in her eyes. That was painful than a gun's bullet buried in his skin.He sucked his breath, unable to think properly. The his men are holding his arm, stopping him from attacking Leonardo again. He wanted to kill him, but killing him won't change anything. His wife learned about his real identity. His wife hates him to death now."What would you do now, Alessandro? You see? She's going to be your downfall," Leonardo said, mocking him."You bastard!" He growled and was about to attack him again when Arturo rushed to him, holding his gun tight."Signore, some of Mr. Sicardi's men are here. They're armed.""Merda!" Malutong ang pinakawalang mura ni Leonardo habang tumatayo at sapo ang nasaktang panga. He extended his arm to one of Alessandro's men, taking his gun back."You bastard should t
"TAY!" Hindi napigilan ni Anastacia na maging emosyonal nang pumasok siya sa silid ng kaniyang ama. Dalawang araw ang pinalipas niya mula nang layasan niya si Alessandro. Ngayong pangatlong araw ay lumabas siya upang bisitahin ang ama sa hospital.Gamit ang malalamig na titig ay nilingon siya ng ama. Hindi malaman ni Anastacia kung tatakbo ba siya palayo o palapit. Gusto niyang yakapin ang kaniyang ama. Gusto niyang umiyak at magsumbong dito na nasasaktan siya ngayon. Gusto niyang isumbong dito kung gaano nasasaktan ang nag-iisang anak nito. Gusto niyang hanapin sa kaniyang ama ang malasakit at pagkampi."Anong ginagawa mo rito, Anastacia? Hindi ba't sinabi kong 'wag ka nang magpapakita pa sa 'kin?"Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi na niya napigilan ang pagluha. Nakita niyang natigilan ang kaniyang ama. Dumaan sa mga mata nito ang iba't-ibang emosyon na hindi niya mapangalanan.Alanganing humakbang papasok si Anastacia. Lumapit siya sa ama saka dahan-dahang ibinuka ang mga la
TANGHALI na nagising si Anastacia kinabukasan. Mabilis siyang naligo at lumabas ng silid. Naabutan niya ang pagkain sa mesa na mukhang kanina pa inihanda ni Carla. Malamig na ang sinangag at nilalanggam na ang itlog at hotdog. Sumimangot siya saka dinampot ang kapirasong pinilas na papel na nadadaganan ng plato.'Pumasok na ako sa trabaho, bakla. Kainin mo 'yang pinaghirapan ko kung ayaw mong palayasin kita. Char! Cheer up, my friend. Love, Carla na maganda at mas maganda pa sayo. Che!'Natawa si Anastacia sa sulat na iniwan ng kaibigan niya. Naiiling na inalisan niya ng langgam ang ulam saka nagtimpla ng kape. Pangiwi-ngiwi siya habang kumakain dahil malamig na ang kinakain niya.Pagkatapos kumain ay agad nagpunta si Anastacia sa hospital. Nagulat siya nang marinig na nakikipagtalo ang kaniyang ama sa doktor na nakaassign dito."Mas mapapabuti ako kung hahayaan niyo ako. Ayoko na dito sa hospital. Nagsasawa na ako sa amoy ng hospital!" Pasinghal ang pagsasalita ng kaniyang ama.Nakag
PAGKABABA ng bus ay agad na pumara ng tricycle si Anastacia. Kasama niya si Carla para alalayan ang kaniyang ama. Nag-absent ito sa trabaho para lamang maihatid sila sa probinsya kaya sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kaibigan dahil malaking tulong ang ginawa nito."Saan, miss?" Tanong driver ng tricycle na pinara niya."Sa dulo ng Ezperanza ho."Tiningnan siya ng driver ng matagal bago muling nagsalita. "Ikaw lang, miss? Isang daan pag ikaw lang. Malayo ang dulo ng Ezperanza at malubak ang daan."Biglang lumapit si Carla kasunod ang ama ni Anastacia. Mataray na namaywang si Carla. "Tatlo kami manong."Tumango ang driver. "Pwede nang trenta ang isa."Agad na sumakay sa loob si Anastacia matapos ang kaniyang ama. Sa likod ng driver sumakay si Carla na hanggang ngayon ay nakataas pa rin ang kilay.Habang binabaybay ang daan papunta sa lugar na kinalakihan ni Anastacia, hindi maiwasan ng dalaga na alalahanin ang dahilan kung bakit siya umalis sa lugar na ito. Sinupalpal niya pa sa mga
ANASTACIA chewed her bottom lip. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga kapitbahay nila. Batid niyang kanina pa rin siya pinagchichismisan ng mga ito. Syempre! Nagyabang siya noon na babalik siyang mayaman pero ano siya ngayon? Nganga!"Anastacia, kanina ka pa nagwawalis, gurl. Baka mahukay mo na ang sungay ni Lucy. Jusko ka, bakla!"Nilingon ni Anastacia ang kaibigan. Tinotoo nito ang sinabing hindi ito aalis sa tabi niya. Tinotoo nito na mananatili ito dito at magiging masaya sila. Katunayan, isang linggo na ang nakalipas at bukas nga ay magsisimula na sila sa kanilang bagong trabaho. Magtitinda sila ni Carla ng isda sa palengke. May sapat naman silang pera kaya nakaupa sila ng pwesto at nakahanap ng supplier. Simple ang bagong buhay nila, malayong-malayo sa matayog na pangarap ni Anastacia nang umalis siya sa probinsiya. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang kasabihang… 'kung gaano kataas ang paglipad, ganoon rin ang pagbagsak'."Ano, Anastacia? Nasaan ang pinagmamalaki mo noon
ALAS KWATRO palang ng madaling araw ay gising na't naghahanda si Anastacia para pumunta sa palengke. Mag-aayos pa sila ng panindang isda sa pwesto nila sa palengke at hinihintay nalang niya si Carla na tila ba'y sa party ang punta dahil napakatagal nitong magbihis. "Anastacia, 'wag kang masyadong magpapagod. Sinabi ko naman sa 'yo na kami nalang ni Carlos ang magtitinda ngayon." Ani ng kaniyang ama na nakatanaw sa kaniya mula sa bintana ng bahay. Nakaupo ito sa upuang kahoy habang may hawak na tasa ng kape. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Humagikhik si Anastacia. "'Tay, 'wag kang mag-aalala sa 'kin. Malakas ata 'to. Saka kapag narinig ka ni Carla na tinatawag siyang Carlos, magtatampo iyon."Nalukot ang mukha ng kaniyang ama. "Talaga namang Carlos ang pangalan niya. Hala, sige na! Nasaan na ba si Carlos at tatanghaliin na kayo?""Pader naman! Tanghali agad e madilim pa nga. Saka Carla ang itawag mo sa 'kin. Napakaligalig ng Carlos!"Ngumisi nalang si Anastacia nang umamba ang ka
HINDI MAPAKALI si Anastacia. Pilit niyang isinisiksik sa kaniyang isipan na hindi si Alessandro ang lalaking iyon pero kilala niya ang asawa. Alam niya ang pangangatawan nito. Ang tindig. Ang tangkad at lalong lalo na ang epekto nito sa kaniya.Pabiling-biling siya sa kama niya, hindi makatulog. Nahagip ng kaniyang paningin ang tatlong pulang rosas na nasa babasaging baso na may tubig. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hindi napigilan ang malakas na pintig ng kaniyang puso.Tama nga ba si Carla? Nahulog na nga ba siya sa kaniyang asawa? Natutop niya ang sariling bibig nang sagutin ng naghuhurumentado niyang puso ang kaniyang mga tanong.KINABUKASAN ay maaga muling gumising si Anastacia at Carla. Tulad kahapon ay maaga silang pumunta sa palengke para magtinda at tulad rin kahapon ay malakas ang benta nila."Ganda lang naman ang mayroon 'yan. Tiyak na boba rin iyan."Tumaas ang kilay ni Anastacia sa narinig. Nakakatawa lang na kaaway ang tingin sa kaniya ng ilang tindera dahil mas
"MIA Bella, are you okay? I heard you passed out. I'm sorry."Ang banayad na boses ni Alessandro ang mas nagpawala ng puso ni Anastacia. Dahan-dahan niyang nilingon si Carla na may nagtatanong na mga mata. Hindi nito alam na buntis siya?Kinindatan siya ng kaibigan pagkatapos ay lumabas na ito kasama ang nurse.Napalunok si Anastacia at nilingon ang asawa. May gasgas ang makinis at guwapo nitong mukha. May benda ang binti at ulo pero bukod roon ay wala na.Mas naghurumentado ang kaniyang puso nang magtama ang kanilang paningin. Ang malalim na mga mata ng binata ay tila ba nilulunod siya sa isang magandang panaginip na ayaw na niyang iwanan pa. Miss na miss niya ang asawa pero hindi siya marupok. Isa pa ay may kasalanan naman talaga ito sa kaniya. Itinago nito ang mahalagang parte ng pagkatao nito na dapat ay alam niya una palang. Pinakasalan siya nito. Dapat ay ipinakilala nito sa kaniya ang buo nitong pagkatao."I know you're still angry. But, bambina. I just want you to know that I