Maagang namulat si Luke Delval sa makamundong pamumuhay, natutunan niyang gamitin ang kaalamang ito upang makuha ang lahat ng kanyang ninanais at makaganti sa mga ginawa ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Sapat na sa kanya ang lahat ng iyon hanggang makasisiguro siyang masaya. Isang madilim na nakaraang ang pilit tinatakasan ni Fryeja Abigail Salazar, dulot na rin ng kawalang hiyaan ng kanyang ama. Dumating sa puntong tinaguan niya na ito para lang wag ng madamay pa, ngunit tila para bang nanadya ang tadhana dahil ang sekretong pinaka iingatan niya ay sumusunod pa rin sa kanya. Kaya ng magtagpo ang landas ni Luke Delval at Freyja Abigail Salazar, tila naging puno ng kaguluhan ang ginagalawan nilang mundo dulot na rin ng mga kanya kanyang pagkakamali.
View MoreKatahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni
Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang
Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.
Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.
Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.
"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan
"Papa, gusto ko po sumama!" pakiusap niya sa ama habang naghahanda ito. "Maiinip ka lang doon," saad nito. "Mama, gusto ko po sumama kay papa!" minabuti niya ng sa ina na lang makiusap."Pa, sige na, isama mo na. Hindi naman iyan malikot," pakiusap ng mama niya dito. Napabuntong hininga na lang ito. "Wag kang magkukulit doon." Napangiti na lang siya sa sinabi ng ama, sabay dali-daling tumakbo papunta sa kuwarto niya para magbihis "Saan kayo pupunta? " salubong sa kanya ng kanyang kapatid pakalabas niya ng silid, kita ang pagkunot ng noo nito. "Sasama ako kay papa sa birthday," pagmamalaki niya dito na malapad ang ngisi "Gusto ko din sumama!" biglang habol ng kapatid niya, tumungo ito sa mama nila at kitang nakikiusap din. "Lucy, hindi kayo kayang dalawa ng papa mo, so dito ka na lang kasama ko, okay. Magba-bake na lang tayo! " paglalambing ng mama niya sa kakambal niya, nakanguso ito pero pumayag din naman sa paikusap dito. Tuwang-tuwa siyang nagtatalon habang patungo sa kots...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments