Home / Romance / His Circus / Chapter 7 Champions

Share

Chapter 7 Champions

Author: Remnis Luz
last update Last Updated: 2023-11-19 21:50:10

"Napaka simpleng bagay na nga lang ng iniuutos ko sa iyo hindi mo pa nagawa, anong klaseng pag-iisip ba mayroon ka!" bulyaw ng kanyang ama.

Napakuyom na lang siya ng palada habang tinatanggap ang mga katagang iyon. Alam niya naman na ito ang magiging reaksyon nito subalit sadyang hindi niya mapigilan ang galit dahil alam niyang sinasadya lang ito, maliban doon ay nagkataon lang na iba ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpapirma ng mga dokumento.

"Paano mo pa mahahabol iyang mga papeles!" pagwawala nito sa opisina, nanatili lang siyang nakayuko at nanggagalaiti sa harapan nito. "Get out of my face!" bato na lang nito ng mga hawak na papel sa kanya.

Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan niya habang pinupulot ang mga iyon bago tumalikod at naglakad palabas, hindi na siya nag atubili pang magpaliwanag, dahil alam niyang sarado na ang isipan ng kanyang ama.

Napaghandaan nanaman niya ang naturang bagay na iyon at sigurado niyang sa pagkakataon na iyon ay siya ang mananaig, kahit wala pa sa napag-usapan ang gagawin ay naglakas loob na rin siyang tumungo sa naturang kausap upang mas maaga ng tapusin ang nasimulan, nangingibabaw kasi ang kanyang galit dahil sa mga binitiwang salita ng kanyang ama.

"Kuya nandito po ulit ako," bati niya sa guwardiya.

"Pasensya na po sir, pero may mga bisita po si mam ngayon" harang nito sa kanya nang subukan niya ng pumasok.

"Pakisabi naman kuya nandito ako, nasabi ko nanaman po na babalik din ako," pakiusap niya habang magkadikit pa ang kamay sa harapan nito, napakamot na lang tuloy ng ulo ang guwardiya sa kanya.

"Napagbilinan po kasi akong bawal mang istorbo sir, baka mapagalitan po ako niyan," nanghihina nitong saad.

"Hindi iyan kuya, alam na naman po ni mam na pupunta ako," muli niyng pakiwari na mas lumapit na sa harapan nito.

"Pasensya na talaga sir, kung may number niya po kayo, mabuti po kayo na lang ang tumawag sa kanya," yuko na lang nito sa kanya.

Napabuntong hininga na lang siya. "Sige kuya," pagsuko niya dito, laking pasalamat niya na lang at nagawa niyang makuha ang numero nito.

Kahit kinakabahan ay lakas loob niyang pinindot ang numero ng naturang kausap, nakailang minuto rin siyang naghintay bago nito sagutin iyon.

"Yes, who's this?" agad nitong sagot.

"Good evening po mam, si Luke Delval po ito," ngiting bati niya.

"Oh, yes. What can I do for you?" seryoso nitong sambit.

"Mam nakakuha na po ako ng bagong copies ng mga documents," masaya niyang paalam.

"Well that's nice, send it to my office tomorrow then and I'll sign it first thing in the morning," agaran nitong saad.

Nangamba siya bigla nang sambitin nito ang bagay na iyon, sigurado niyang pwedeng magtagal ang naturang bagay na iyon kung hindi pa niya magagawa ngayon, maliban doon ay baka makalimutan na nito ang napagkasunduan nila.

"I'm actually here na po sa bahay niyo," buong tapang niyang pagpapaalam. "I just really need these papers signed mam, pasensya na po talaga sa abala," pagbibigay alam niya.

"Iho, I'm in the middle of something right now," walang gana nitong saad.

Ngunit buo ang kanyang loob ng mga sandaling iyon, lalo pa at mayroon silang napag-usapan nito, iyon nga lang hindi niya nais magkamali sa dapat sabihin, kaya buong ingat niyang inisip ang mga dapat sabihin at gawin.

"I just really need these papers tomorrow mam," muli niyang saad, dama niya na ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa naisip na sabihin. "Maybe you can let this slide, like last time, I would really owe you big time for this one," malaman niyang saad dito.

Pansin niya ang biglaan nitong pananahimik sa kabilang linya na medyo mas nakapagpakaba sa kanya.

"Hmmm. Last time was a bit different," nakakaloko nitong sambit.

Nagkaroon na si Luke ng lakas ng loob dahil sa tono ng pananalita nito at nabatid niya rin ang bahagyang ngiti sa mukha nito ng mga sandaling iyon kahit hindi niya nakikita.

“Maybe we can come into an agreement again, since I would really owe you big time for this one,” tila naglalambing na niyang sambit.

Bigla na lang ito napapigil sa paghagikgik. “You seem confident that you’d be able to return the favor,” maloko nitog balik.

"Of course mam. You know I can do anything you like as long as It doesn't involve stealing and killing," malaman niyang biro dito, hindi niya mapigilang mapangisi ng mga sandaling iyon dahil sa tila sariling lengwahe nila.

Dinig niya naman ang pigil na tawa ng babae sa kabilang linya. "Alright then, hintayin mong tawagin ka ng guard, then dumaan ka sa likod sa may kusina, hintayin mo ako doon," pagbibigay alam nito.

"Okay po mam." Hindi niya napigilang mapatalon sa tuwa.

"Again, do not go in until I get there," pahabol nito. "I don't want you making the same mistake as last time," sermon nito sa kanya.

Napakamot na lang siya sa kanyang batok dahil sa bahagyang hiya. "Yes po," natatawang sambit niya na lang dito bago siya nito babaan.

Nginitian niya na lang ang guwardiya pakaharap dito, ilang saglit lang ay tumunog ang phone na nasa may guardhouse nito at ilang sandali lang ay nakangiti na siya nitong pinapasok.

"Salamat kuya!" paalam niya bago nagtuloy-tuloy papasok.

Kita niya mula sa malayo na marami ang mga tao na nasa loob ng bahay ngayon dahil tumatagos pa rin ang mga sa liwanag doon at disenyo nito na halos puro salamin, subalit tila pribado ang naturang pagtitipon dahil natatakpan ngayon ang lugar ng mga kurtina at tanging mga hugis at anino lang ng mga naroon ang naaaninag niya.

Gusto niya man mag-usisa sa mga nangyayari ay minarapat niya na lang ang sumunod sa utos sa kanya, hindi niya gustong muling pumalpak, lalo pa at kailangan niyang ibalik ang lahat ng pagpapahiya ng kanyang daddy.

Ilang minuto rin siyang naghintay sa likod ng bahay kung nasaan ang kusina, kahit nahihiya ay isinawalang bahala niya na lang ang mga takang tingin ng ilang mga kusinero at serbedora na naroon.

"Sir sa loob na lang po kayo maghintay malamok po riyan," hindi na nakatiis ang isa sa mga ito kaya naman nagmagandang loob na.

"Ah, hindi na po, ayos lang po ako rito," tanggi niya na lang, isang ngiti lang ang ibinaling nito sa kanya.

Para siyang nakahinga ng maluwag nang maaninag ang hinihintay matapos ang halos kalahating oras, nagmamadali ito sa paglalakad at pasimple pa na sumenyas sa kanya na tumungo sa ilang malalaking halaman upang hindi sila makita ng ilang mga tao roon.

"All right, give it here!" angat nito ng kamay, dali-dali naman iniabot ni Luke ang folder kasabay ng isang sign pen sa kanyang bulsa. "You're quite brave and persistent aren't you." Ngisi na lang nito habang binabasa ang mga nakasulat doon.

"Pasensya na po talaga mam," hiya niyang sambit kahit hindi ito nakatingin at abalang inililipat ang mga pahina ng dala niya ay batid niya ang kakaibang dating ng awtoridad ng babae. "I'll make it up to you po somehow," pahabol niya na lang nang makadama ng pagkailang sa pagsasawalang bahala nito sa kanya.

"Oh I hope so, because I’m going to look forward to it." Malalim nitong sambit.

Napalunok na lang siya ng malalim nang mabatid ang kakaibang ngisi nito at ang kakaibang tingin at anino mula sa mga talukap ng pilik mata nito nang bumaling na sa kanya.

Nagsimula nang maglaro ang kanyang isipan, doon niya lang napansin ang suot nitong dress pants na kahit maluwag sa pang ibaba ay bumabakat naman ang baywang nito. Naaaninag niya ng kaunti ang hubog ng hita nito dahil na rin sa liwanag na nasa likuran na tumatagos sa manipis na suot, ang buong akala niya nga ay wala itong panloob dahil halos hindi iyon bumabakat sa damit.

Napabalik na lang siya sa alaala kung paano pumulupot ang mga iyon sa kanya, tuluyan na siyang nabalik sa pagpapantasya nang matitigan ang damit nitong backless, kahit natatago noon ang leeg ng babae ay kita niya naman na wala itong suot na bra dahil sa malaking siwang sa pagitan ng dibdib nito. Hindi niya mapigilang magbalik tanaw nang mga panahon na litaw na litaw iyon sa kanyang mukha at umaalog-alog pa sa kanyang harapan.

Nawala lang siya sa pagmumuni nang mapansi na ang pagmamadali nitong pirmahan ang bawat pahina ng dala niya. Isang senyales ng kanyang tuluyan pagkapanalo mula sa pangmamaliit ng ama.

"Here, it's done," pag-aabot nito sa kanya.

Tumango na lang siya bago talikuran nito at magtuloy-tuloy na sa paglalakad pabalik sa loob ng mansyon.

Napahinga na lang siya ng malalim dahil sa pabugso-bugso pa rin ang ilang mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, kahit hindi niya gustuhin ay talagang pilit na sumisingit ang makamundong alaala sa kanyang, lalo pa at panaka-naka ang pasimpleng pagtingin nito sa kanya.

Pinagmasdan niya muna ang babae na tuluyan makapasok sa loob, nais niya rin muna kasing busugin ang mga mata sa kaanyuan nito.

Nagmamadali na siyang umalis roon nang tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin, may mga ilang bagay rin kasi siyang kailangan gawin.

Kinabukasan ay buong tapang at lapad ang kanyang ngiti nang tumungo sa opisina ng kanyang ama. Halos umabot sa kanyang tenga ang kanyang ngisi matapos iharap ang mga naturang papeles.

Hindi siya nito nagawang tingnan dahil nanlaki na lang ang mata nito at napanganga ng ilang sandali nang makita ang mga naturang dokumento. Ganoon na lang ang agaran nitong pagpapanggap na abala sa pagbabalik ng atensyon sa mga pinipirmahan.

Taas noo siyang lumabas mula sa opisina nito puno ang galak sa kalooban dahil sa nagawa niyang ipamukha at makaganti sa ginawa nitong panghihiya.

Wala na rin naman naging kaso nang umalis siya ng maaga sa opisina dahil na rin sa mayroon siyang pasok sa eskwelahan ng araw na iyon at wala na rin naman itong maibigay na trabaho dahil na rin sa bigla na lang naging abala ang buong lugar dahil sa naturang dokumento.

"Pare, anong mayroon?" agad na akbay ni Jordan sa kanya, hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ito dahil sa kanyang pagmumuni-muni "Mukhang ang saya mo ngayon ah!" tudyo nito sa kanya.

Batid na batid kasi ang malapad na ngisi kay Luke at ang kakaibang kompyansa nito ng mga sandaling iyon kahit naglalakad.

"Uy, i-celebrate na iyan!" biglang litaw naman ni Raymond.

"Party, party, party!" sunod naman ni Andrew.

"Saan tayo?" agarang tanong ni Vincent pakalapit.

Napangisi na lang siya dahil sa pagkapansin ng mga kaibigan niya sa maganda niyang pakiramdam ng araw na iyon. Hindi niya akalain na uwian na pala nila dahil na rin sa sobrang galak ng mga sandaling iyon.

"Saan ba maganda?" tataas-taas na kilay niya na lang na tanong sa mga ito.

Ganoon na lang ang lalong hiyawan ng mga kaibigan dahil sa bigla niyang pagpayag sa pag-aaya ng mga ito.

"Pare, may alam akong bagong bukas na bar, balita ko masaya raw doon!" agarang sagot ni Andrew.

"Tara na!" tulak kaagad ni Raymond sa kanya.

"Sige, game," sunod na lang ni Vincent.

"Wohooo!" patalon na sigaw na lang ni Jordan.

Matapos dumaan sa condo ng kaibigan na malapit sa kanilang unibersidad at makapagpalit ay agad na silang tumungo sa nasabing lugar na sinasabi ng kaibigan.

Pakababa pa lang ng grupo ni Luke ng sasakyan ay naging sentro na sila ng mga tingin ng ilang mga tao roon, lalo na ng mga kababaihan, kaya naman mas lalo lang siyang natuwa sa kanilang lakad.

Sa labas pa lang ng pintuan ay dumadagundong na ang tunog ng musika mula sa loob, hindi niya tuloy mapigilan ang mapayugyog ng ulo sa pagsabay sa tunog nito.

Mas lalo pa siyang ginanahan na magsasayaw nang makitang halos mga makukulay na ilaw na nagpapaikot-ikot ang tanging liwanag sa loob.

"It's time to party!" masayang tulak ni Andrew sa kanila, dahilan para mahalo sila kaagad sa lupon ng mga nagsasayawang tao.

Wala pang ilang saglit ay nagkaroon na sila ng kanya-kanyang kapareha, hinayaan niya lang na maanod siya sa lakas at saya ng tunog na sinamahan pa ng malilikot na ilaw sa paligid. Nilalasap ang natamasang simpleng tagumpay laban sa kanyang ama.

Ilang oras pa at nagsimula na silang magkanya-kanya, si Andrew at Vincent ay abala pa ring nakikipag sayaw sa ilang mga babae habang kasama niya naman uminom si Raymond at Jordan sa lamesa.

Natigil lang sila nang may marinig na kakaibang tunog "Ano iyon?" hanap ni Jordan dito.

"Shit!" angal ni Raymond nang makitang umiilaw ang telepono nito. "Pare, sandali lang." Nagmamadali nitong takbo palabas.

"Anong nangyari doon?" kusot noong batid ni Jordan.

"Hayaan mo na muna iyon, tara inom pa tayo," turan niya na lang sa kaibigan sabay salok pa ng beer sa baso nito.

"Yeah!" masayang taas nito sa baso para mag toast sila bago lagukin ang inumin.

Nagkompetensya pa sila nito ng paramihan ng malalagok na bote dahil na rin sa ilang sandali rin sa biglaan pangungulit ni Jordan.

"Pare, I gotta go," biglang sambulat ni Raymond pakabalik makaraan ang ilang minuto nitong pagkawala.

"Hala, anong oras pa lang ah!" baling niya sa kanyang relo.

"Alas onse pa lang tol," maktol naman ni Jordan dito, kahit medyo pupungay-pungay na dahil sa dami ng nainom.

"May kailangan kasi ako gawin," balisang saad ni Raymond sa kanila.

"Sabay-sabay na tayo!" muling d***g ni Jordan sabay hatak dito.

"Then hurry up man, life and death situation ito!" halata ang pagiging aligaga ng kanyang kaibigan kaya naman tinawag niya na ang waiter para magbayad habang inaalalayan naman ni Raymond si Jordan palabas.

"Oh, nasaan si Vince at Andrew?" sita niya sa dalawa nang makitang nag aabang lang ang mga ito sa kotse ng kaibigan nila.

"Akala ko kasama mo na?" sermon ni Raymond sa kanya.

"Tawagan niyo nga," sita niya sa mga ito.

"Hindi nila sinasagot iyong phone nila," d***g ni Jordan habang nakayuko sa may sasakyan batid niyang nahihilo na ito.

"Ayun si Drew!" Agarang turo ni Raymond sa kinaroroonan nito.

Napalingon na lang siya sa kaibigan na abalang nakikipag-usap sa dalawang dalaga, agad niya itong tinungo, nagtatawanan pa ang mga ito nang makalapit siya.

"Ang naughty mo Andrew," palo ng isa sa mga babae sa kaibigan niya.

"Drew, uwi na tayo!" singit niya dito.

Ayaw niya man sirain ang kasiyahan ng kaibigan ay batid niyang kailangan na talagang umuwi ni Raymond.

Hindi niya na lang pinansin ang malalagkit na tingin ng mga dalaga sa kanya dahil na rin sa nakatuon na ang utak niya sa pag-uwi.

"Ha! Ang aga pa," d***g nito.

"Hinahanap na yata si Mond sa kanila," agaran niyang paalam.

"Nasaan si Vince?" lingon naman nito.

"Kala ko kasama mo!" sita niya dito.

"Nasa kanya iyong susi,"paalam nito.

Napapunas na lang siya ng mukha sa hilo dahil sa tila pagkakagulo ng mga dapat gawin.

"Samahan mo ako, hanapin natin!" Hatak niya rito.

"Bad trip ka naman pare!" Wasiwas nito sa kamay niya. "I'll just be a minute" paalam nito sa mga babae bago siya samahan pabalik sa loob ng bar. "You are such a bother man!" singhal na lang nito.

Napatawa na lang siya sa pagkapikon ni Andrew habang papaakyat sila sa VIP lounge ng lugar. Mabuti na lamang at may ilang kakilala ang kaibigan doon kaya naman agad nilang natunton ang isa pang kabarkada.

"Fuck!" d***g ni Andrew nang hindi nito mabuksan ang pintuan ng kuwartong pinuntahan nila "Vince, hey man, open up!" sigaw nito kasabay ng dalawang katok.

Ilang saglit pa at bumukas na lang iyon at bumungad sa kanila ang kaibigan na gulo-gulo ang buhok at suot na damit.

Napangisi na lang siya nang makitang nagmamadali pa nitong isinara ang butones ng polo nito, habang agaran naman na tumalikod sa kanila ang kasama nitong babae.

"What!" irritable nitong sambit.

"Nag-aaya ng umuwi si Mond," natatawa niyang sabi.

"What, it's only eleven!” Pagsasalubong na lang nito ng kilay sa kanila.

"I told them so," tuya ni Andrew sa kanya. "They need the keys man," sambit na lang nito nang makitang kumunot nanaman ang noo ng kaibigan.

"Don't tell me you'r going to leave me," maktol nito sa kanila.

"Don't worry, I ain't leaving," tapik ni Andrew dito.

Tsaka lang nito ibinigay ang susi sa kanila. "Here, now leave," taboy nito bago isarado ang pinto, nagkatinginan na lang sila ni Andrew ng nakakaloko bago napatawa.

"Oh yan, mauna na kayo, hihintayin ko pa si Vince." Agad na inilagay ni Andrew ang susi sa kanyang bulsa bago sila maghiwalay, halata ang pagmamadali nitong bumalik sa dalawang kausap.

Napalinga na lang siya ng ulo habang papalabas ng bar habang napapatawa, pero agad rin siyang napakunot ng noo nang madatnan si Jordan na nakahilata sa may gilid ng kotse at wala na ang isa nilang kaibigan.

"Tol, nasan si Mond? akala ko ba nagmamadali iyon," pilit niyang tanong sa natutulog na kaibigan.

"Ayun, may kausap sa cellphone niya," turo nito kahit halos pikit na.

Hindi na muna siya lumapit ng mapansin na ang pakikipag away ni Raymond sa kausap nito, inalalayan niya na lang si Jordan na maka-upo sa loob ng sasakyan habang hinihintay ito.

"Fuck, kainis!" dinig niya ang panggagalaiti ng kaibigan habang papalapit.

"Oh, ano nangyari?" sambit niya nang makalapit ito.

"Dude, alam mo ba itong restaurant na ito?" pakita sa kanya ng address na nasa telepono nito.

"Oo, malapit lang iyan dito," paalam niya.

"Pahatid naman ako, bilis!" turan na lang nito.

Tumango na lang siya pagkatapos ay dali-dali ng nagtungo sa driver seat, habang ito na ang nag-ayos kay Jordan sa likod ng kotse. Sobrang kunot ng noo ni Raymond pakasakay na pakasakay na pakasakay sa tabi niya.

"Problema mo pre?" papansin niya ng hindi pa rin ito nagsasalita.

"Bad trip lang talaga!" Hampas nito sa harapan ng sasakyan. "Bakit ba kasi nakiki-alam pa si daddy sa gusto ko!" maktol nito.

Hindi na lang siya nagsalita, sigurado niyang lalo lang itong magagalit kapag nag usyoso pa siya. Agara na lang niyang pinaandar ang kotse upang makapunta na sa sinasabi nitong lugar.

Pakaparada niya pa lang ay walang sabi-sabing binuksan na ng kaibigan ang pinto. "Ge man, iwan mo na ako dito, nandiyan iyong daddy ko sa loob," nagmamadaling sambit ni Raymond bago bumaba ng sasakyan, naroon pa rin ang inis sa paggalaw nito.

"Luke, di ako pwede umuwi ng lasing," biglang tapik ni Jordan sa kanya mula sa likod.

"Doon ka na muna matulog sa pad ko," saad niya.

"Hindi pwede, walang kasama si mama sa bahay ngayon," hatak nito sa kwelyo niya bago bumagsak.

Napapunas na lang siya ng mukha sa pagkadismaya dahil sa sunod-sunod na pangyayari.

"Siya, siya, siya!" Tapik na lang niya sa ulo nito.

Iniwan niya na muna ang kaibigan roon para bumili ng kape sa isang kalapit na establishimento. Halos tumakbo siya pabalik nang makitang binuksan ng kaibigan ang pinto ng kotse at nagsimula ng sumuka sa may gilid noon.

Napatigil lang siya dahil sa biglaan paglitaw ng isang babae sa kanyang harapan, halata rin ang gulat nito dahil sa muntikan nilang pagbabanggaan dahil sa kanyang pagmamadali.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mata nang makilala kung sino ito. "Pa...pasensya na po mam," kabado niyang sambit dahil muntik niya ng matapon dito ang hawak.

"Oh, it's you," Napahawak na lang ito sa dibdib para kumalma, pansin niyang galing ito sa isang magarbong salo-salo dahil nakasuot ito ng long gown.

"Barbara, is everything all right?" Singit na lang ng isang malalim na boses.

Napatingin na lang siya sa lalaking naka-tuxedo na biglang lumitaw sa likuran nito.

"Yes, yes." Tapik nito sa dibdib ng lalake.

Kinunotan na lang siya nito ng noo nang mapansin siyang nakatingin.

"You know this young man love?" seryoso nitong tanong habang nakatingin sa kanya.

Natahimik na lang siya bigla sa tinuran ng lalake, napapaisip sa kung sino ito, pero dahil na rin sa mayroon siyang kaunting ideya ay nakadama na lang siya ng kaunting kaba.

"Yes, he's Luther's son, Luke," walang emosyon at tuwid na pakilala ng babae sa kanya.

Mabilis naman ang pagbabago ng mukha ng naturang lalake sa sinabi ng kasama.

"Oh," gulat nitong saad. "It's good to meet you." Abot nito kaagad ng kamay, agad niya naman kinamayan ang lalake. "Bill Albueno, I’m Barbara’s husband and your father's colleague," pakilala nito nang mabatid ang pagtataka sa kanyang mukha.

"It's a pleasure meeting you sir," buong galang niyang sambit.

Naroon ang buong lakas na pagpapanatili ng wisyo at pag-iingat sa ikinikilos dahil na rin sa nalaman.

"I'm actually meeting your father right now, are you joining us?" magiliw nitong saad.

Napatuwid na lang ang kanyang labi sa pagpipigil ng simangot dahil sa sinabi nito.

"No sir," agaran niya na lang na sagot.

"Dear, I think the boy has his own plans for the evening," sita ng babae dito.

"Of course, my mistake," natawa na lang ito. "Are you sure you'll be alright?" lambing nitong hawak sa pisngi ng asawa.

"Yes dear," sagot ng babae bago halikan ng lalake.

"C'mon, I'll take you to the car," alalay ng ginoo kay Barbara. "Will go ahead young man." Tapik nito sa kanyang balikat.

"Sige po." Tango niya na lang dito.

Isang tango rin lang ang naging paalam ng asawa nito sa kanya, kaya napayuko na lang siya ng ulo dahil sa matinding pagkailang ng mga sandaling iyon.

Madalian na lang siyang naglakad patungo muli sa kinalalagyan ng kaibigan upang umiwas na rin sa dalawang nakatagpo.

"Tang ina pare, umuuwak ka nanaman," asar niya sa kaibigan habang inaalalayan ito para umayos ng upo. "Oh, magkape ka muna bago kita ihatid sa inyo," utos niya sa kaibigan. "Sa susunod kasi, huwag kang iinom ng hindi mo kaya," natatawang sermon niya na lang dito.

Napabusangot na lang ito habang inaabot ang kape, napabaling muli ang tingin niya sa mag-asawa, habang isinasakay ng lalake ang babae sa kotse nito.

Napakunot na lang siya ng noo nang makita ang nagmamadaling pag-alis ng lalake sa lugar na iyon.

Bigla niyang naalala ang sinabi nito tungkol sa pakikipag kita sa kanyang ama kaya may kung anong sumagi nanaman sa kanyang isip na nagpa-init sa kanyang dugo.

Related chapters

  • His Circus   Chapter 8 Pulling down

    "Ang laki pa rin nito" napahawak na lang sa pisngi si Clifford sa pagkagulantang nang makita ang babayaran nila.Taas kilay itong hinablot ni Porsya. "Ilang araw lang naman tayo dito ah!" panglalaki ng mata nito."Hayaan niyo na, gagawan ko na lang ng paraan," kinuha niya na lang muli sa dalawa ang papel at pinakatitigan.Hindi lubos akalain ni Freyja na magiging ganoon kalaki ang babayaran sa hospital na iyon, lalo na at ilang araw lang naman ang pananatili nila roon.Nagawa niya nang humingi ng tulong sa mga kinauukulan, halos nalapitan na nila at nautangan ang lahat ng kakilala, ngunit hindi pa rin iyon naging sapat, sumasakit na ang ulo niya dahil sa ilang araw na siyang walang maayos na tulog, idagdag pa roon ang alalahanin niya habang nakaratay pa rin ang kanyang ina. Bakas na rin ang pangangayayat niya dahil ipinang bibili niya ng gamot ang pang gastos niya sa pagkain, tinitiis niya na lang ang matinding gutom at wala na lang siyang sinasabi sa mga kaibigan upang hindi mag-alal

    Last Updated : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 9 Revenge

    "Ayos ka na ba?" tapik niya kay Jordan nang makitang medyo wala na ang pamumula nito.Tumango ito pero hindi nagsalita, nagising lang ang diwa ng kaibigan niya nang bigla na lang mag ring ang cellphone nito, parang itong nabuhusan ng malamig na tubig sa bilis ng pagdilat kasabay ng pagsagot."Hello!" balisang saad nito. "Opo ma, pauwi na po ako," buong lambing nitong pagpapaalam.Napapigil na lang siya ng tawa habang pinagmamasdan si Jordan, tila kasi para nanaman itong isang makulit na bata habang kausap ang ina."May tinapos lang po kasi kaming magkakaklase na project." Pinandidilatan siya nito ngunit sadyang hindi niya mapigil ang hagikgik. "Po?" Nasuntok na lang ni Jordan si Luke sa balikat nang kumawala ang malakas na bungisngis.Isang malalim na hininga muna ang ginawa niya bago magsalita. "Kasama niya po ako tita!" singit niya na lang dito.Halata naman ang gulat nito sa ginawa niya. "Si Luke po!" ganoon na lang ang pagkatulala nito. "Opo," magiliw nitong saad matapos nag ilan

    Last Updated : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 10 Bad, bad luck

    "Hoy ateng, magpahinga ka naman," parang wala lang ang naging pagtapik ni Clifford sa kinakapatid dahil nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.Isang matamis na ngiti lang ang ibinaling niya rito. "Ayos lang ako," turan niya na lang nang manatili pa rin ito sa kanyang tabi.Nakaguhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Ate, naglalaba ka sa gabi tapos nagtitinda ka sa umaga, ano iyan, ligaya lang ang peg." Pamamaywang naman ni Porsya sa kanyang harapan.Napapigil na lang siya ng tawa sa hitsura nito bago magpatuloy sa pagbobomba sa kalawangin nilang poso."Ateng, alalahanin mo, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo," sita nito.Tumakip ang anino ni Clifford sa kanya dahil humarang na ito sa tanging ilaw niya ng gabing iyon kaya nag-angat na siya ng kamay sa pagkakataong iyon para hawiin ito."Ayos nga lang ako." Namaywang na rin siya sa dalawa. "Wag niyo ako alalahanin, kayang-kaya ko ito!" Ipinakita niya pa ang braso sa dalawa.Dama niya naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ngunit sa

    Last Updated : 2023-11-21
  • His Circus   Chapter 11 Payback

    "Ma...mam, mali po ito!" pilit bawi niya ngunit hindi pa rin siya makaalis sa posisyon.Mas napahigpit na lang ang kapit niya sa mesa nang taasan siya nito ng kilay kasabay ng lalo nitong pagpisil sa kanyang ari. "That didn't stop you last time," mapang-asar nitong ngisi sa kanya habang pinipisil-pisil ang medyo nagigising niya ng pagkalalake."A...akala ko po kasi biyu..biyuda na kayo," sambit niya nang maalala ang ginawa nila noon nakaraan."You must be joking me!" bakas ang inis nito habang sapilitang binubuksan ang pantalon niya.Naroon man ang kaba at paglalaban sa kanyang isip ay hindi niya maipagkakaila ang kakaibang kiliting naidudulot ng ginagawa nito ng mga sandaling iyon."Mam, sandali lang po!" pigil niya sa pagluhod nito, ngunit napakabilis kumilos ng babae.Tila para itong isang mabangis na hayop ng mga sandaling iyon, marahil dala na rin ng sobra-sobrang galit ng mga oras na iyon. Nagawa nitong hatakin pababa ang kanyang pantalon kasama ang kanyang brief, kaya naman gan

    Last Updated : 2023-11-21
  • His Circus   Chapter 12 Blessings

    “Iris!” agad niyang papansin sa babae.Kalalabas lang nito sa gate ng bahay at abala na nitong ikinakandado ang ang naturang tarangkahan.“Oh Freyja, nandito ka ulit? Wala dito ang tatay mo,” sambit na lang nito pakaharap.Isang malalim na paglunok ang ginawa niya upang hugutin ang natitirang lakas ng loob.“Alam ko, kailan ba siya nalagi sa isang lugar.” ngiwing sambit na lang niya.“Eh bakit ka nandito?” Ngising halukipkip na lang nito.“Baka may pera ka pa diyan,” agad na lang niyang bungad rito.Halos lahat kasi ng taong kilala at alam niyang mauutangan ay dinaanan niya na kanina, bago pa mang siya magtungo roon.Ito na ang huling taong nasa kanyang isip dahil na rin sa laki ng pera na nakuha nihiram niya rito roon.“Freyja naman, wala na ako ganoon kalaking pera,” napangiwi na lang ito sabay bagsak ng balikat.Muli na lang siyang lumunok ng tila asido dahil na rin sa naiisip niya ng mga oras na iyon, subalit wala na siyang ibang maisip na pwedeng gawin.“Alam mo ba kung saan ako

    Last Updated : 2023-11-21
  • His Circus   Chapter 13 Heart

    "Bakit dito ka lumipat!" Wala siyang magawa kung hindi ang magmaktol nang sumabay si Lucy sa kanya papasok. "Iniwan ka lang ni Jeff, nagtransfer ka na!" panggagalaiti niya rito. "Aray! Bakit nanaman," daing niya matapos makatanggap ng isang malakas na batok."Shut up!" singhal nito.Tinikom niya na lang ang bibig niya ng pandilatan siya nito, hindi niya maialis ang kaba dahil na rin sa kahihinatnan sa oras na tuluyan ng maubos ang pasensya ng kapatid."Ibaba mo na lang ako dito." Hatak nito sa manggas ng polo niya."Alright, alright." Naghanap na lang siya kaagad ng isang bakanteng lugar para itabi ang kotse bago ito pahintuin."Don't worry, ngayon lang ito, I just needed to know how to get here via car, since I'll be driving here tomorrow," pagtataray nito bago bumaba.Parang bata naman na ginaya ni Luke ang pagsasalita ng kapatid nang hindi na ito nakatingin. Napaihip na lang siya ng hangin sa biglang kawalan ng gana, lalo lang lumiit ang mundong ginagalawan niya ngayon nasa iisang

    Last Updated : 2023-11-21
  • His Circus   Chapter 14 First move

    Paulit ulit niyang inaayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin, pakiramdam niya may mali roon at hindi niya maintindihan kung anong problema nito ng araw na iyon, kung dati naman ay madali lang sa kanya ang mag ayos ngayon ay inaabot na siya ng ilang oras sa paghahanda, binugahan niya pa ang kanyang kamay para amuyin ang kanyang hininga, wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang mapansin ng nagugustuhan na si Celina na kaibigan ng kapatid.Nang makuntento na siya sa ayos ay tsaka niya tinawagan ang kapatid, sigurado niyang makikita niya ang dalaga kung sasabayan niya si Lucy."Hey sis, susundin na kita." Guhit na guhit pa sa kanyang mukha ang ngiti habang nakikipag-usap dito.Pinapa-ikot-ikot niya pa ang kanyang mga susi sa daliri dahil sa pagkasabik."Nasa school na ako," walang gana nitong sagot"What! Ang aga mo naman." Naikuyom niya na lang ang kamay sa telepono."Duh, maaga kaya talaga ang pasok ko," bara ng kakambal.Mabilis na kumusot ang kanyang mukha, doon niya la

    Last Updated : 2023-11-21
  • His Circus   Chapter 15 His side way

    Nakasuot ang panibagong babae ng suit at slacks at mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil bakas ang pagod sa mga mata nito, pero nangingibabaw pa rin ang pagiging dominante sa hitsura."Good evening po," kaswal niyang bati dito.Binalingan siya nito ng isang tipid na tingin, pagkatapos ay napahikab na lamang ang babae bago muling maglihis ng tingin.Natameme na lamang siya sa naging reaksyon nito, tila wala bang kabuhay-buhay o kahit anong pakiramdam ng gana."Ellen, I'd like you to meet baby boy and his friend." pagitna na ni madam boss niya.Isang simpleng tango lang ang ibinati nito sa kanila."The two of you should talk, while baby boy and I prepare some drinks," saad ni madam boss niya sabay senyas sa kanya na sumunod.Niyakag niya na lang na maupo si Jordan sa tabi ng babaeng nagngangalang Ellen, dahil nanatili lang itong tahimik habang nakatulala sa may bintana.Maganda rin ang naturang babae, kaya sigurado niyang hindi malayong magustuhan rin ito ng kaibigan. Iyon nga lang,

    Last Updated : 2023-11-21

Latest chapter

  • His Circus   Chapter 66 Forgiveness and happiness

    Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay

  • His Circus   Chapter 65 Redemption

    Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni

  • His Circus   Chapter 64 Is it over?

    Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang

  • His Circus   Chapter 63 What's next?

    Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.

  • His Circus   Chapter 62 Last will

    Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.

  • His Circus   Chapter 61 Painful sacrifices

    Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.

  • His Circus   Chapter 60 Clearance

    "Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.

  • His Circus   Chapter 59 Final Consequences

    "Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang

  • His Circus   Chapter 58 After shock

    "Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status