"Hoy ateng, magpahinga ka naman," parang wala lang ang naging pagtapik ni Clifford sa kinakapatid dahil nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.Isang matamis na ngiti lang ang ibinaling niya rito. "Ayos lang ako," turan niya na lang nang manatili pa rin ito sa kanyang tabi.Nakaguhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Ate, naglalaba ka sa gabi tapos nagtitinda ka sa umaga, ano iyan, ligaya lang ang peg." Pamamaywang naman ni Porsya sa kanyang harapan.Napapigil na lang siya ng tawa sa hitsura nito bago magpatuloy sa pagbobomba sa kalawangin nilang poso."Ateng, alalahanin mo, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo," sita nito.Tumakip ang anino ni Clifford sa kanya dahil humarang na ito sa tanging ilaw niya ng gabing iyon kaya nag-angat na siya ng kamay sa pagkakataong iyon para hawiin ito."Ayos nga lang ako." Namaywang na rin siya sa dalawa. "Wag niyo ako alalahanin, kayang-kaya ko ito!" Ipinakita niya pa ang braso sa dalawa.Dama niya naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ngunit sa
"Ma...mam, mali po ito!" pilit bawi niya ngunit hindi pa rin siya makaalis sa posisyon.Mas napahigpit na lang ang kapit niya sa mesa nang taasan siya nito ng kilay kasabay ng lalo nitong pagpisil sa kanyang ari. "That didn't stop you last time," mapang-asar nitong ngisi sa kanya habang pinipisil-pisil ang medyo nagigising niya ng pagkalalake."A...akala ko po kasi biyu..biyuda na kayo," sambit niya nang maalala ang ginawa nila noon nakaraan."You must be joking me!" bakas ang inis nito habang sapilitang binubuksan ang pantalon niya.Naroon man ang kaba at paglalaban sa kanyang isip ay hindi niya maipagkakaila ang kakaibang kiliting naidudulot ng ginagawa nito ng mga sandaling iyon."Mam, sandali lang po!" pigil niya sa pagluhod nito, ngunit napakabilis kumilos ng babae.Tila para itong isang mabangis na hayop ng mga sandaling iyon, marahil dala na rin ng sobra-sobrang galit ng mga oras na iyon. Nagawa nitong hatakin pababa ang kanyang pantalon kasama ang kanyang brief, kaya naman gan
“Iris!” agad niyang papansin sa babae.Kalalabas lang nito sa gate ng bahay at abala na nitong ikinakandado ang ang naturang tarangkahan.“Oh Freyja, nandito ka ulit? Wala dito ang tatay mo,” sambit na lang nito pakaharap.Isang malalim na paglunok ang ginawa niya upang hugutin ang natitirang lakas ng loob.“Alam ko, kailan ba siya nalagi sa isang lugar.” ngiwing sambit na lang niya.“Eh bakit ka nandito?” Ngising halukipkip na lang nito.“Baka may pera ka pa diyan,” agad na lang niyang bungad rito.Halos lahat kasi ng taong kilala at alam niyang mauutangan ay dinaanan niya na kanina, bago pa mang siya magtungo roon.Ito na ang huling taong nasa kanyang isip dahil na rin sa laki ng pera na nakuha nihiram niya rito roon.“Freyja naman, wala na ako ganoon kalaking pera,” napangiwi na lang ito sabay bagsak ng balikat.Muli na lang siyang lumunok ng tila asido dahil na rin sa naiisip niya ng mga oras na iyon, subalit wala na siyang ibang maisip na pwedeng gawin.“Alam mo ba kung saan ako
"Bakit dito ka lumipat!" Wala siyang magawa kung hindi ang magmaktol nang sumabay si Lucy sa kanya papasok. "Iniwan ka lang ni Jeff, nagtransfer ka na!" panggagalaiti niya rito. "Aray! Bakit nanaman," daing niya matapos makatanggap ng isang malakas na batok."Shut up!" singhal nito.Tinikom niya na lang ang bibig niya ng pandilatan siya nito, hindi niya maialis ang kaba dahil na rin sa kahihinatnan sa oras na tuluyan ng maubos ang pasensya ng kapatid."Ibaba mo na lang ako dito." Hatak nito sa manggas ng polo niya."Alright, alright." Naghanap na lang siya kaagad ng isang bakanteng lugar para itabi ang kotse bago ito pahintuin."Don't worry, ngayon lang ito, I just needed to know how to get here via car, since I'll be driving here tomorrow," pagtataray nito bago bumaba.Parang bata naman na ginaya ni Luke ang pagsasalita ng kapatid nang hindi na ito nakatingin. Napaihip na lang siya ng hangin sa biglang kawalan ng gana, lalo lang lumiit ang mundong ginagalawan niya ngayon nasa iisang
Paulit ulit niyang inaayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin, pakiramdam niya may mali roon at hindi niya maintindihan kung anong problema nito ng araw na iyon, kung dati naman ay madali lang sa kanya ang mag ayos ngayon ay inaabot na siya ng ilang oras sa paghahanda, binugahan niya pa ang kanyang kamay para amuyin ang kanyang hininga, wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang mapansin ng nagugustuhan na si Celina na kaibigan ng kapatid.Nang makuntento na siya sa ayos ay tsaka niya tinawagan ang kapatid, sigurado niyang makikita niya ang dalaga kung sasabayan niya si Lucy."Hey sis, susundin na kita." Guhit na guhit pa sa kanyang mukha ang ngiti habang nakikipag-usap dito.Pinapa-ikot-ikot niya pa ang kanyang mga susi sa daliri dahil sa pagkasabik."Nasa school na ako," walang gana nitong sagot"What! Ang aga mo naman." Naikuyom niya na lang ang kamay sa telepono."Duh, maaga kaya talaga ang pasok ko," bara ng kakambal.Mabilis na kumusot ang kanyang mukha, doon niya la
Nakasuot ang panibagong babae ng suit at slacks at mukhang kagagaling lang sa trabaho dahil bakas ang pagod sa mga mata nito, pero nangingibabaw pa rin ang pagiging dominante sa hitsura."Good evening po," kaswal niyang bati dito.Binalingan siya nito ng isang tipid na tingin, pagkatapos ay napahikab na lamang ang babae bago muling maglihis ng tingin.Natameme na lamang siya sa naging reaksyon nito, tila wala bang kabuhay-buhay o kahit anong pakiramdam ng gana."Ellen, I'd like you to meet baby boy and his friend." pagitna na ni madam boss niya.Isang simpleng tango lang ang ibinati nito sa kanila."The two of you should talk, while baby boy and I prepare some drinks," saad ni madam boss niya sabay senyas sa kanya na sumunod.Niyakag niya na lang na maupo si Jordan sa tabi ng babaeng nagngangalang Ellen, dahil nanatili lang itong tahimik habang nakatulala sa may bintana.Maganda rin ang naturang babae, kaya sigurado niyang hindi malayong magustuhan rin ito ng kaibigan. Iyon nga lang,
Matapos nang araw na iyon ay tila mas naging malapit pero komplikado ang relasyon nila ni mrs. Albueno, lalo pa’t sinisimulan na nila ang pagtatayo ng sariling negosyo, kaya naman kahit nanliligaw siya sa babae na napupusuan ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsunod sa mga ipinapagawa nito upang hindi masira ang kanyang mga plano.Kaya naman kahit nasa kaarawan siya ng kaibigan nang araw na iyon ay hindi niya magawang balewalain ang ginang nang makitang tumatawag na ito sa kanyang telepono."Hello baby boy," turan ng babae.Napalunok na lang siya sa boses sa kabilang linya, malambing ang tono nito ngunit dinig niya na may halong galit roon."Mam," magalang niyang bati."Your friends been very naughty lately," tuwid nitong saad.Doon na niya nahigit ang hininga dulot ng kaba, hindi niya lubos akalain na malalaman nito ang tungkol sa video na ginawa nila para tulungan ang nagigipit na kaibigan na si Andrew."Oh, about that." Napapunas na lang siya sa kanyang noo."I just want to make sure t
Nakapasok ang ilang daliri nito sa looban ng maliit na tuwalya at pasimpleng umaangat, hindi niya tuloy naiwasan mapapitlag nang masagi noon ang ulo ng kanyang pagkalalake.Halata naman nabigla ito sa naging reaksyon ni Luke at mabilis ang pagkailang kasabay ng mabilisan nitong pagtatanggal ng kamay dahil sa nangyari."I think I've had enough to drink," saad ng lalake bago lagukin ang iniinom.Napalunok na lang siya sa naisip at napagtanto ng mga sandaling iyon. Naglalaban tuloy ang loob niya dahil dito, pero wala na siyang ibang mapagpilian na pwedeng gawin, kinailangan niyang kumilos ng mabilis upang hindi umalis ang kasama dahil sa kanya nakasalalay ang lahat.Mabilisan at walang pag-aalinlangan na lang inakbayan ni Luke ang lalake nang tumayo na paalis sa kanyang tabi."Sir, sayang naman po itong beer, tulungan niyo na po akong ubusin ito," lambing niya dito sabay turo sa dalawa pang boteng naroon.Isang nakakalokong ngiti ang ipinukol ni Luke sa lalake nang kunot noong mapatingin
Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni
Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang
Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.
Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.
Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.
"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan