Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.
Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.
Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.
“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.
“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
"Papa, gusto ko po sumama!" pakiusap niya sa ama habang naghahanda ito. "Maiinip ka lang doon," saad nito. "Mama, gusto ko po sumama kay papa!" minabuti niya ng sa ina na lang makiusap."Pa, sige na, isama mo na. Hindi naman iyan malikot," pakiusap ng mama niya dito. Napabuntong hininga na lang ito. "Wag kang magkukulit doon." Napangiti na lang siya sa sinabi ng ama, sabay dali-daling tumakbo papunta sa kuwarto niya para magbihis "Saan kayo pupunta? " salubong sa kanya ng kanyang kapatid pakalabas niya ng silid, kita ang pagkunot ng noo nito. "Sasama ako kay papa sa birthday," pagmamalaki niya dito na malapad ang ngisi "Gusto ko din sumama!" biglang habol ng kapatid niya, tumungo ito sa mama nila at kitang nakikiusap din. "Lucy, hindi kayo kayang dalawa ng papa mo, so dito ka na lang kasama ko, okay. Magba-bake na lang tayo! " paglalambing ng mama niya sa kakambal niya, nakanguso ito pero pumayag din naman sa paikusap dito. Tuwang-tuwa siyang nagtatalon habang patungo sa kots
"And the winner is!" alingawngaw ng boses sa mikropono.Lahat halos ng tao sa paligid ng entablado ay atentibong nakatuon sa sasabihin ng tagapagsalita. Halos hindi siya makahinga dahil sa kaba habang hinihintay ang hatol sa patimpalak, magkatikom ang kanyang mga kamay habang taimtim siyang nagdarasal habang nakapikit. "Abigail Freyja Salazar!" parang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang ianunsyo ang kanyang pangalan. Malakas ang hiyawan ng mga tao kasabay ng matunog na mga palakpakan habang iniaabot sa kanya ang bulaklak at tropeyo, naluluha-luha pa siya sa sobrang tuwa habang kumakaway sa mga manonood na naroon. "Ay bakla! ang galing mo talaga!" bati sa kanya ng kaibigan si Clifford pakababa niya ng entablado. Tinulungan na siya ng mga ito na magdala ng mga bitbit, napapatalon na lang sila sa galak dahil hindi nila maitago ang sobrang tuwa. "Salamat," natatawang saad na lang niya sa mga ito.Halos hating gabi na nang makauwi sila, pero hindi pa rin maalis sa mukha niya ang ng
"Dude, virgin ka pa ba?" pilit kalmang saad niya.Halata naman ang gulat ng kaibigan sa kanyang sinabi dahil napanganga na lang ito habang nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya. "Oo naman no!" balisa nitong saad. "Bakit mo naitanong? Huwag mong sabihing…" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil napahawak na lang ito sa bibig sabay namimilog na matang napahawak sa bibig, halata ang makulit na kapilyuhan sa mukha. "Ulol!" mabilisan niyang batok nang mabatid ang nasa isip nito. "Ano bang mayroon, bakit mo naitanong?" natatawa nitong haplos sa parteng nabatukan. "Wala lang, napapa-isip lang ako," kumunot na lang ang noo ng kaibigan sa kanya, isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya ng mga sandaling iyon dulo’t ng bagay na gumugulo sa kanyang isipan, "kasi, bakit parang may mga taong nahihirapan umiwas sa tukso kahit may mga asawa at karelasyon na?" sa wakas ay bulyaw niya dahil sa bigat ng bagay na dinadala.Bigla niya nanaman kasi naalala ang tagpo ng kanyang ama kasa
"Freyja, kamusta na pala nanay mo?" pag-uusisa ng kaibigan niya habang inaayos niya ang mga sabang inutang."Medyo umaayos na rin siya kahit papaano," ngiting sagot niya, "salamat dito George, pakisabi pala sa nanay mo sa makalawa ko na to babayaran," saad niya sa kababata."Wag mo iyon alalahanin, akong nang bahala doon," ngiting tugon nito sa kanya na namumungay pa ang mga mata sa kanya.Ganoon na lang tuloy ang pagyuko niya rito upang umiwas ng tingin. "Salamat ulit" nahihiyang balik niya na lang sa lalake."Tulungan na kita diyan," alok nito pakatapos itali ang bungkos ng mga saging na kanyang dadalhin."Ateng, ateng!" alingawngaw ng isang matinis na boses.Napalingon na lang sila sa tumatakbong si Clifford."Bakit?" pigil niya dito nang muntik na siyang lagpasan ng kaibigan."Iyong nanay mo!" taranta nitong saad na halos nagtatatalon na.Bigla na lang siyang nabalot ng pag-aalala dahil sa hitsura ng kaibigan. "A...anong nangyari kay nanay?" balisa niyang saad dito."Bilis" hinata
"Saan ka ba nanggaling na ugok ka!" isang malakas na batok ang sinalubong sa kanya ng galit na galit na kapatid."Hala, bakit ba ako pinagdidisikitahan mo!" balik niya kaagad dito dahil sa gulat."Ikaw ang lalake, ikaw dapat ang nagtatanggol sa amin!" bulyaw ng kakambal.Bigla na lang siyang kinabahan sa lumabas sa bibig nito, agad niyang pinalibot ang tingin sa bahay nila at mukhang nagkaroon nga ng gulo roon."Ano ba nangyari!" alala niyang saad."Matagal na palang niloloko ni papa si mama, tapos hindi mo man lang alam!" nanlilisik matang singhal nito sa kanya.Doon na sumikip ang dibdib ni Luke sa galit, ang buong akala niya kasi ay hindi na iyon mauulit pa at mananatili na lamang sa nakaraan subalit mali pala siya ng inakala.Napakuyom na lang siya ng palad, nakadagdag pa sa kanyang poot ang paghihinagpis ng kanyang kakambal kaya naman inakap niya na lang ito para pahinahunin."Sorry sis," pagpapakalma niya rito.Tuloy-tuloy lang ito sa paghampas sa kanyang dibdib habang humahagul
"Hoy ateng, kailan mo ba balak sagutin si papa George? grabe ang tagal na niyang nanliligaw sa iyo ah" napapigil na lang siya ng tawa sa pangungulit ng kaibigan."Ano ka ba naman Clifford sabi ko naman sa iyo diba, hindi pa ako handa para sa ganyan" isinawalang bahala niya na lang ang muna ito.Kahit alam niya naman na seryoso si George ay sadyang hindi niya kayang pumasok sa ganoong bagay lalo na sa kasalukuyan nilang kalagayan."Ay naku. kailan ka pa magiging handa, sige ka, kapag ikaw naunahan," sermon nito sabay namaywang sa harap niya.Natahimik na lang siya sa sinabi ng kaibigan, naroon naman kasi ang pagkagusto niya sa naturang binata, subalit tila parang hindi pa siya handa para sa ganoon na bagay.Ilang sandali rin gumulo sa kanyang isip ang mga bagay na iyon, gusto niya rin naman si George ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang takot. Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang katotohanan na maaaring may magustuhan ibang babae ang binata lalo na at alam niyang napakaraming ma
"Napaka simpleng bagay na nga lang ng iniuutos ko sa iyo hindi mo pa nagawa, anong klaseng pag-iisip ba mayroon ka!" bulyaw ng kanyang ama.Napakuyom na lang siya ng palada habang tinatanggap ang mga katagang iyon. Alam niya naman na ito ang magiging reaksyon nito subalit sadyang hindi niya mapigilan ang galit dahil alam niyang sinasadya lang ito, maliban doon ay nagkataon lang na iba ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpapirma ng mga dokumento."Paano mo pa mahahabol iyang mga papeles!" pagwawala nito sa opisina, nanatili lang siyang nakayuko at nanggagalaiti sa harapan nito. "Get out of my face!" bato na lang nito ng mga hawak na papel sa kanya.Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan niya habang pinupulot ang mga iyon bago tumalikod at naglakad palabas, hindi na siya nag atubili pang magpaliwanag, dahil alam niyang sarado na ang isipan ng kanyang ama.Napaghandaan nanaman niya ang naturang bagay na iyon at sigurado niyang sa pagkakataon na iyon ay siya ang mananaig, k
"Ang laki pa rin nito" napahawak na lang sa pisngi si Clifford sa pagkagulantang nang makita ang babayaran nila.Taas kilay itong hinablot ni Porsya. "Ilang araw lang naman tayo dito ah!" panglalaki ng mata nito."Hayaan niyo na, gagawan ko na lang ng paraan," kinuha niya na lang muli sa dalawa ang papel at pinakatitigan.Hindi lubos akalain ni Freyja na magiging ganoon kalaki ang babayaran sa hospital na iyon, lalo na at ilang araw lang naman ang pananatili nila roon.Nagawa niya nang humingi ng tulong sa mga kinauukulan, halos nalapitan na nila at nautangan ang lahat ng kakilala, ngunit hindi pa rin iyon naging sapat, sumasakit na ang ulo niya dahil sa ilang araw na siyang walang maayos na tulog, idagdag pa roon ang alalahanin niya habang nakaratay pa rin ang kanyang ina. Bakas na rin ang pangangayayat niya dahil ipinang bibili niya ng gamot ang pang gastos niya sa pagkain, tinitiis niya na lang ang matinding gutom at wala na lang siyang sinasabi sa mga kaibigan upang hindi mag-alal
Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni
Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang
Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.
Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.
Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.
"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan