"Hoy ateng, kailan mo ba balak sagutin si papa George? grabe ang tagal na niyang nanliligaw sa iyo ah" napapigil na lang siya ng tawa sa pangungulit ng kaibigan.
"Ano ka ba naman Clifford sabi ko naman sa iyo diba, hindi pa ako handa para sa ganyan" isinawalang bahala niya na lang ang muna ito.
Kahit alam niya naman na seryoso si George ay sadyang hindi niya kayang pumasok sa ganoong bagay lalo na sa kasalukuyan nilang kalagayan.
"Ay naku. kailan ka pa magiging handa, sige ka, kapag ikaw naunahan," sermon nito sabay namaywang sa harap niya.
Natahimik na lang siya sa sinabi ng kaibigan, naroon naman kasi ang pagkagusto niya sa naturang binata, subalit tila parang hindi pa siya handa para sa ganoon na bagay.
Ilang sandali rin gumulo sa kanyang isip ang mga bagay na iyon, gusto niya rin naman si George ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang takot. Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang katotohanan na maaaring may magustuhan ibang babae ang binata lalo na at alam niyang napakaraming mas higit sa kanya sa lugar na iyon.
Hati ang kanyang isipan, nagtatalo sa dalawang bagay na gusto niyang gawin. Lalo pa at hindi niya nais na magkamali sa kaisa-isang bagay na kinokonsidera niyang maganda sa kanyang buhay.
Natigilan lamang siya sa pagmumuni-muni nang makita si Porysa na tumatakbo sa hindi kalayuan at kumakaway sa kanila.
"Ateng!" tili nitong tawag.
Napangiti na lang siya ng malapad sa aligagang hitsura nito. "Uy, Porsya, nagmamadali ka?" masaya niyang turan dito.
"Tara ateng bilis!" agad na hawak ng kaibigan sa kanya.
Nanlaki na lang ang mata niya nang bigla siyang hatakin nito.
"Hoy bakla, ano bang problema mo?" sita ni Clifford na sumunod na rin dito.
"Mamaya ko na sasabihin, bilis!" hila nitong muli.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang umunod sa kaibigan, napakunot na lang siya ng noo nang makitang may nakaabang ng tricycle sa kanila sa hindi kalayuan.
“Hoy, ano bang mayroon?” alala niyang sita nang itulak siya nito papasok sa naturang sasakyan.
Agad naman itong pumasok nang makaupo na siya at si Clifford sa loob. "Manong, sa hospital po, bilis!" sigaw na lang nito sa nagdridrive.
Parang piniga ang kanyang dibdib dahil sa kaba sa nadinig mula rito, panandalian siyang natahimik hanggang sa mahimasmasan.
"Po...Porsya, ano nangyari!" kapit niya sa braso ng kaibigan.
Batid ang pagkabalisa nito, pawis na pawis at balisa habang nakatutulala at namumutla. Nanginginig pa ito nang dahan-dahan na bumaling sa kanya.
"A...ateng, ang nanay mo," nanghihina nitong sambit.
Parang bigla na lang dumilim ang buo niyang paligid at tila nakarinig na lang siya ng mga kalansing sa kanyang tenga nang mapagtanto ang mga katagang iyon.
Halos kumaripas sila ng takbo papasok sa hospital, kahit na hindi na siya makahinga sa kakapusan ng hangin ay pilit pa rin niyang kinaladkad ang mga paa para gumalaw.
"Ninang!" Namamaos na ang boses niya nang tawagin ang babae sa di kalayuan.
Nakayakap ito sa sarili habang nakatayo sa harap ng pinto at magang-maga na ang mga mata. Lumingon naman ang ginang nang madinig ang boses niya.
"Abigail!" Punong-puno pa ng luha ang mukha nito pakatingin sa kanya.
"A...ano pong nangyari?" napakapit na lang siya rito dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod.
Napayakap naman ito sa kanya. "Ang mama mo!" Subsob nito sa balikat niya.
Nanginig na lamang siya nang madama ang basang-basang mukha nito dahil na rin sa kung anong panlalambot niya ng mga sandaling iyon.
"Ninang, ano po ba ang nangyari?" Layo niya dito para makita ang mukha nito.
"I...inatake siya sa puso," hagulgol na lang nito.
Ganoon na lang ang pagguho ng kanyang mundo sa mga katagang lumabas sa bibig nito, nagsimula na siyang huminga ng mas malalim dahil sa takot at kabang agaran bumalot sa kanyang dibdib.
Ilang sandali rin siyang nanatiling tulala matapos ang mga nalaman, kaya naman ganoon na lang ang pilit pag-aalo ni Clifford sa kanya, Ssubalit hindi niya magawang gumalaw dahil sa tindi ng panlulumo ng mga sandaling iyon.
"Ateng, ano ba, huwag ka naman ganyan," alog sa kanya ni Clifford, batid ang matinding pag-aalala sa boses nito. "Malakas ang mama mo, lalaban siya kaya umayos ka na," sambit na lang nito.
Tuluyan na siyang napahagulgol nang hindi niya na kinaya ang bigat sa kanyang dibdib. Napaluhod na lang siya rito kaya naman niyakap siya ng mahigpit ng kinakapatid.
"Clifford, hindi ko kayang mawala si mama!" malakas na hagulgol niya rito.
Hindi na siya mapakali ng mga sandaling iyon dahil sa kaalaman at posibilidad na mawawala ang kaisa-isang taong nagsisilbing lakas niya.
Buong ingat na hinaplos na lang ni Clifford ang likuran ni Freyha. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, malakas ang mama mo, lalaban siya," alo nito.
Ngunit hindi niya magawang pigilan ang pangamba at pag-iyak dahil sa katotohanan na halos wala ng lakas at kakayahan ang kanyang ina na labanan pa ang kinakahrap nito, matapos ng lahat ng pinagdaanan nila.
Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin na ilang oras na ang lumilipas pero wala pa rin silang balita sa mga doctor ukol sa lagay nito.
Bahagya lang siyang nakahuma nang matapos ang ilan pang oras ay may mangilan-ngilan na silang nurse na nakakausap ukol sa kalagayan ng ina.
"Ano bang nangyari?" muli niyang tanong sa mga kasama nang tuluyan ng makabawi.
Tahimik at buong taimtim na kasi silang naghihintay ng mga sandaling iyon habang nakaupo sa may pasilyo malapit sa emergency room.
"Tinakbo namin siya kaagad dito sa hospital kasi napansin namin na namumutla na siya at hindi namin siya magawang magising kanina," pigil hikbi na lang ng ninang niya.
Napaluha na lang siyang muli nang maisip kung ano ang posibleng naging dahilan ng tila pagkakaganoon nito.
Napatigil lang siya sa mga iniisip nang lumingon ang ninang niya sa silid na pinagdalhan sa mama niya dahil may ilang mga tao na ang lumabar mula roon.
"Ayan na iyong doctor!" paalam na lang nito.
Sabay-sabay silang napatayo dahil sa sinabi ng kanyang ninang. Dinumog kaagad nila ang nasabing lalake nang makalapit na ito.
"Doc, kamusta na po ang mama ko?" Nakadama na siya ng ginhawa nang makita ang pagngiti nito.
"Ayos na siya ngayon, pero kailangan pa namin siyang obserbahan ng ilang araw," paliwanag ng lalake.
Napahawak na lang siya sa kanyang bibig para pigilan ang bahagyang paghikbi sa narinig dahil sa tuwa sa nalaman.
"Ano po bang nangyari?" singit kaagad ni Clifford.
"Nakaranas siya ng stroke," pagpapaalam nito. "Makabubuti kung hahayaan muna natin siyang magpahinga," payo nito sa kanila bago sila tanguan.
“Opo, pwede na po ba siyang makita?” singit naman ng kanyang ninang dito.
“Ililipat na namin siya sa silid niya, hintayin niyo na lang siya roon,” turan nito.
“Salamat po doc,” paalam na lang nila rito matapos nitong tumango.Ilang sandali lang ang hinintay nila at inilabas na rin sa emergency room ang kanyang mama, ganoon na lamang ang pagmamaali nila na sumunod dito hanggang sa makarating sa naturang silid na paglalagyan dito.
Nanginginig pa rin ang mga paa niya ng mga sandaling iyon habang inaalalayan siya ng mga kaibigan para tumungo sa loob, ganoon na lang ang hinagpis niya nang makita ang nakaratay na ina sa higaan.
Sa loob lamang ng ilang araw ay napakalaki na ng ipinayat nito at bakas ang matinding pagod sa mukha. Naroon ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito at ang lalim noon.
Lalo pa siyang nanlumo dahiul sa kasalukuyan na hitsura nito, ngayon na mayroon ng nakakabit na mga aparato sa katawan nito habang nakaratay.
Napatakbo na lang siya sa tabi nito upang mahawakan at makasiguro na naroon pa rin ang ina. Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para maramdaman ang mainit nitong mga palad na agad niya naman inilapat sa kanyang mukha.
Walang ibang tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon kung hindi ang pagnanais na makita ang pagdilat nitong muli.
“Nay, ayos lang po ba kayo?” buong lambing niyang sambit habang pinagmamasdan ito.
Tila parang natutulog lang ito ng mga oras na iyon, subalit kahit ganoon ay hindi pa rin siya mapanatag dahil wala siyang kasiguraduhan sa lagay nito at hindi niya alam ang kahihinatnan nito kapag tumagal pa sa ganoon kalagayan.
“Gumising na kayo nay, pakiusap po,” buong pagsusumamo niya habang mahigpit na kumakapit sa kamay nito.Wala na siyang ibang masabi ng mga sandaling iyon upang magising ito. Ngunit iyon na lamang ang tanging kaya niyang gawin.
Hindi niya na mapigilan ang tuluyan panghinaan ng loob dahil sa kawalan ng kakayahan, lakas at magagawa upang magising itong muli.
Pakiramdam niya tuloy ay napakawala niyang kuwenta ng mga oras na iyon, dahil hanggang tingin at pakiusap lamang ang tangi niyang nagagawa ng mga sandaling iyon.
“Ateng, hayaan mo muna magpahinga si ninang, gigising rin iyan kapag nakabawi na,” maingat na haplos na lang ni Clifford sa kanyang balikat.
“Oo nga. Mabuti pa kung hahayaan na muna natin ang nanay mo para naman mabilis siya kaagad lumakas,” tudyo naman ng ninang niya.
“Ateng, maging malakas ka, kailangan ka ni tita,” dugtong naman ni Porsya.
Pinilit niya na lamang kumalma at umayos upang kahit papaano ay mapanatili ang natitirang lakas, para na rin sa ikabubuti ng kanyang ina.
Naroon kasi ang takot niya na tuluyan itong mawala at hindi niya na alam kung ano na ang kanyang gagawin sa pagkakataon na mangyari iyon.
Napatigil lamang sila sa pag-uusap nang may isang nurse ang bigla na lang lumapit sa higaan ng kanyang ina na may dalang isang maliit na lalagyan.
“Mam, kailangan niyo po pala ito bilhinn na gamot para kay mam,” saad nito habang inaabot ang isang reseta sa kanila.
“Ma…magkano po kaya ito lahat?” saad niya nang makita ang dami noon.
Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay sa kanya ng babae. “Sa pharmacy na lang po kayo magtanong mam, pero ito pong dalawa sa baba kailangan niyo po bilhin sa labas, hanap na lang po kayo kung saan mas mura sa mga botika diyan,” pagbibigay alam nito pakaturo sa mga naturang gamot.
Napalunok na lang siya ng mapait habang pinapakatitigan ang dami ng kailangan at kung ilan beses iyon sa isang araw kailangan ng kanyang ina.
“Thank you miss,” iyon na lang ang tangi niyang nasagot dahil sa unti-unti nanaman siyang pinanghihinaan.
“Mabuti po na mabili na iyan kaagad, dahil kailangan na po iyan ni nanay,” pagpapaalam nitong muli.Isang malalim na paglunok na lang ang nagawa niya dahil doon. “Kailangan na po ba ito kaagad?” pakiwari na lang niya dahil tanging ang pinagbentahan niya lang ng araw na iyon ang kanyang dala.
“Oo, pero huwag ka mag-alala, mayroon kami sobra ngayon dito galing sa isang pasyente dati, para malagyan na natin siya,” buong tamis na ngiti na lang nito habag iniaangat ang ilang mga maliliit na botelya sa kanila.
Bahagya siyang nakadama ng ginhawa at gaan ng loob kaya ganoon na lang ang paghinga niya ng maluwag dahil dito.
“Maraming salamat ate,” sambit na lang niya dito.
Tumango na lang ito bago simulan na iturok ang mga naturang gamot sa tubo na nakakabit sa dextrose ng kanyang ina.
“Ateng, tara, mabuti pa tingnan na natin kung magkano iyang gamot,” tapik na lang sa kanya ni Clifford.
Binalingan na lang niya ang kanyang iba pang mga naroon. “Ninang, okay lang po ba na iwan ko muna kayo sandali,” pakiusap na lang niya.
“Sige na, kami na muna bahala rito,” ngiting tango na lang nito.
Agad na lang niya niyakap ang ninang niya bago sumama sa kaibigan upang tumungo na sa botika ng hospital. Mas lalo lamang siyang nabagabag nang malaman ang presyo ng bawat isang gamot, mas lalo pa siyang napanghinaan ng loob dahil tila hindi ganoon kalaki ang bawas sa naturang gamot sa mga tindahan na nasa labas.
Kulang na kulang pa ang kinita niya nang araw na iyon, kaya naman tulad kanina ay unti-unti na siyang naluluha dahil wala pa sa kalahati ang nabibili niyang gamot.
“Ateng, huwag ka naman ganyan, makakaraos din tayo.” Agad na yakap na lang ni Clifford sa kanya habang bahagyang hinahaplos ang likod niya.
“Pang-isang araw lang ito eh, anong gagawin ko, paano na si nanay,” tuloy-tuloy na lang niyang hagulgol dahil sa unti-unti nanaman na panghihina sa tila kawalan nanaman ng pag-asa ng mga oras na iyon.
"Napaka simpleng bagay na nga lang ng iniuutos ko sa iyo hindi mo pa nagawa, anong klaseng pag-iisip ba mayroon ka!" bulyaw ng kanyang ama.Napakuyom na lang siya ng palada habang tinatanggap ang mga katagang iyon. Alam niya naman na ito ang magiging reaksyon nito subalit sadyang hindi niya mapigilan ang galit dahil alam niyang sinasadya lang ito, maliban doon ay nagkataon lang na iba ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpapirma ng mga dokumento."Paano mo pa mahahabol iyang mga papeles!" pagwawala nito sa opisina, nanatili lang siyang nakayuko at nanggagalaiti sa harapan nito. "Get out of my face!" bato na lang nito ng mga hawak na papel sa kanya.Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan niya habang pinupulot ang mga iyon bago tumalikod at naglakad palabas, hindi na siya nag atubili pang magpaliwanag, dahil alam niyang sarado na ang isipan ng kanyang ama.Napaghandaan nanaman niya ang naturang bagay na iyon at sigurado niyang sa pagkakataon na iyon ay siya ang mananaig, k
"Ang laki pa rin nito" napahawak na lang sa pisngi si Clifford sa pagkagulantang nang makita ang babayaran nila.Taas kilay itong hinablot ni Porsya. "Ilang araw lang naman tayo dito ah!" panglalaki ng mata nito."Hayaan niyo na, gagawan ko na lang ng paraan," kinuha niya na lang muli sa dalawa ang papel at pinakatitigan.Hindi lubos akalain ni Freyja na magiging ganoon kalaki ang babayaran sa hospital na iyon, lalo na at ilang araw lang naman ang pananatili nila roon.Nagawa niya nang humingi ng tulong sa mga kinauukulan, halos nalapitan na nila at nautangan ang lahat ng kakilala, ngunit hindi pa rin iyon naging sapat, sumasakit na ang ulo niya dahil sa ilang araw na siyang walang maayos na tulog, idagdag pa roon ang alalahanin niya habang nakaratay pa rin ang kanyang ina. Bakas na rin ang pangangayayat niya dahil ipinang bibili niya ng gamot ang pang gastos niya sa pagkain, tinitiis niya na lang ang matinding gutom at wala na lang siyang sinasabi sa mga kaibigan upang hindi mag-alal
"Ayos ka na ba?" tapik niya kay Jordan nang makitang medyo wala na ang pamumula nito.Tumango ito pero hindi nagsalita, nagising lang ang diwa ng kaibigan niya nang bigla na lang mag ring ang cellphone nito, parang itong nabuhusan ng malamig na tubig sa bilis ng pagdilat kasabay ng pagsagot."Hello!" balisang saad nito. "Opo ma, pauwi na po ako," buong lambing nitong pagpapaalam.Napapigil na lang siya ng tawa habang pinagmamasdan si Jordan, tila kasi para nanaman itong isang makulit na bata habang kausap ang ina."May tinapos lang po kasi kaming magkakaklase na project." Pinandidilatan siya nito ngunit sadyang hindi niya mapigil ang hagikgik. "Po?" Nasuntok na lang ni Jordan si Luke sa balikat nang kumawala ang malakas na bungisngis.Isang malalim na hininga muna ang ginawa niya bago magsalita. "Kasama niya po ako tita!" singit niya na lang dito.Halata naman ang gulat nito sa ginawa niya. "Si Luke po!" ganoon na lang ang pagkatulala nito. "Opo," magiliw nitong saad matapos nag ilan
"Hoy ateng, magpahinga ka naman," parang wala lang ang naging pagtapik ni Clifford sa kinakapatid dahil nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.Isang matamis na ngiti lang ang ibinaling niya rito. "Ayos lang ako," turan niya na lang nang manatili pa rin ito sa kanyang tabi.Nakaguhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Ate, naglalaba ka sa gabi tapos nagtitinda ka sa umaga, ano iyan, ligaya lang ang peg." Pamamaywang naman ni Porsya sa kanyang harapan.Napapigil na lang siya ng tawa sa hitsura nito bago magpatuloy sa pagbobomba sa kalawangin nilang poso."Ateng, alalahanin mo, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo," sita nito.Tumakip ang anino ni Clifford sa kanya dahil humarang na ito sa tanging ilaw niya ng gabing iyon kaya nag-angat na siya ng kamay sa pagkakataong iyon para hawiin ito."Ayos nga lang ako." Namaywang na rin siya sa dalawa. "Wag niyo ako alalahanin, kayang-kaya ko ito!" Ipinakita niya pa ang braso sa dalawa.Dama niya naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ngunit sa
"Ma...mam, mali po ito!" pilit bawi niya ngunit hindi pa rin siya makaalis sa posisyon.Mas napahigpit na lang ang kapit niya sa mesa nang taasan siya nito ng kilay kasabay ng lalo nitong pagpisil sa kanyang ari. "That didn't stop you last time," mapang-asar nitong ngisi sa kanya habang pinipisil-pisil ang medyo nagigising niya ng pagkalalake."A...akala ko po kasi biyu..biyuda na kayo," sambit niya nang maalala ang ginawa nila noon nakaraan."You must be joking me!" bakas ang inis nito habang sapilitang binubuksan ang pantalon niya.Naroon man ang kaba at paglalaban sa kanyang isip ay hindi niya maipagkakaila ang kakaibang kiliting naidudulot ng ginagawa nito ng mga sandaling iyon."Mam, sandali lang po!" pigil niya sa pagluhod nito, ngunit napakabilis kumilos ng babae.Tila para itong isang mabangis na hayop ng mga sandaling iyon, marahil dala na rin ng sobra-sobrang galit ng mga oras na iyon. Nagawa nitong hatakin pababa ang kanyang pantalon kasama ang kanyang brief, kaya naman gan
“Iris!” agad niyang papansin sa babae.Kalalabas lang nito sa gate ng bahay at abala na nitong ikinakandado ang ang naturang tarangkahan.“Oh Freyja, nandito ka ulit? Wala dito ang tatay mo,” sambit na lang nito pakaharap.Isang malalim na paglunok ang ginawa niya upang hugutin ang natitirang lakas ng loob.“Alam ko, kailan ba siya nalagi sa isang lugar.” ngiwing sambit na lang niya.“Eh bakit ka nandito?” Ngising halukipkip na lang nito.“Baka may pera ka pa diyan,” agad na lang niyang bungad rito.Halos lahat kasi ng taong kilala at alam niyang mauutangan ay dinaanan niya na kanina, bago pa mang siya magtungo roon.Ito na ang huling taong nasa kanyang isip dahil na rin sa laki ng pera na nakuha nihiram niya rito roon.“Freyja naman, wala na ako ganoon kalaking pera,” napangiwi na lang ito sabay bagsak ng balikat.Muli na lang siyang lumunok ng tila asido dahil na rin sa naiisip niya ng mga oras na iyon, subalit wala na siyang ibang maisip na pwedeng gawin.“Alam mo ba kung saan ako
"Bakit dito ka lumipat!" Wala siyang magawa kung hindi ang magmaktol nang sumabay si Lucy sa kanya papasok. "Iniwan ka lang ni Jeff, nagtransfer ka na!" panggagalaiti niya rito. "Aray! Bakit nanaman," daing niya matapos makatanggap ng isang malakas na batok."Shut up!" singhal nito.Tinikom niya na lang ang bibig niya ng pandilatan siya nito, hindi niya maialis ang kaba dahil na rin sa kahihinatnan sa oras na tuluyan ng maubos ang pasensya ng kapatid."Ibaba mo na lang ako dito." Hatak nito sa manggas ng polo niya."Alright, alright." Naghanap na lang siya kaagad ng isang bakanteng lugar para itabi ang kotse bago ito pahintuin."Don't worry, ngayon lang ito, I just needed to know how to get here via car, since I'll be driving here tomorrow," pagtataray nito bago bumaba.Parang bata naman na ginaya ni Luke ang pagsasalita ng kapatid nang hindi na ito nakatingin. Napaihip na lang siya ng hangin sa biglang kawalan ng gana, lalo lang lumiit ang mundong ginagalawan niya ngayon nasa iisang
Paulit ulit niyang inaayos ang buhok niya habang nakatingin sa salamin, pakiramdam niya may mali roon at hindi niya maintindihan kung anong problema nito ng araw na iyon, kung dati naman ay madali lang sa kanya ang mag ayos ngayon ay inaabot na siya ng ilang oras sa paghahanda, binugahan niya pa ang kanyang kamay para amuyin ang kanyang hininga, wala siyang ibang gusto ngayon kung hindi ang mapansin ng nagugustuhan na si Celina na kaibigan ng kapatid.Nang makuntento na siya sa ayos ay tsaka niya tinawagan ang kapatid, sigurado niyang makikita niya ang dalaga kung sasabayan niya si Lucy."Hey sis, susundin na kita." Guhit na guhit pa sa kanyang mukha ang ngiti habang nakikipag-usap dito.Pinapa-ikot-ikot niya pa ang kanyang mga susi sa daliri dahil sa pagkasabik."Nasa school na ako," walang gana nitong sagot"What! Ang aga mo naman." Naikuyom niya na lang ang kamay sa telepono."Duh, maaga kaya talaga ang pasok ko," bara ng kakambal.Mabilis na kumusot ang kanyang mukha, doon niya la
Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay
Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni
Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang
Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.
Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.
Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.
"Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.
"Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang
"Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan