Home / Romance / His Circus / Chapter 2 Broken

Share

Chapter 2 Broken

Author: Remnis Luz
last update Huling Na-update: 2023-11-04 00:26:29

"And the winner is!" alingawngaw ng boses sa mikropono.

Lahat halos ng tao sa paligid ng entablado ay atentibong nakatuon sa sasabihin ng tagapagsalita. Halos hindi siya makahinga dahil sa kaba habang hinihintay ang hatol sa patimpalak, magkatikom ang kanyang mga kamay habang taimtim siyang nagdarasal habang nakapikit.

"Abigail Freyja Salazar!" parang tumigil ang tibok ng kanyang puso nang ianunsyo ang kanyang pangalan.

Malakas ang hiyawan ng mga tao kasabay ng matunog na mga palakpakan habang iniaabot sa kanya ang bulaklak at tropeyo, naluluha-luha pa siya sa sobrang tuwa habang kumakaway sa mga manonood na naroon.

"Ay bakla! ang galing mo talaga!" bati sa kanya ng kaibigan si Clifford pakababa niya ng entablado.

Tinulungan na siya ng mga ito na magdala ng mga bitbit, napapatalon na lang sila sa galak dahil hindi nila maitago ang sobrang tuwa.

"Salamat," natatawang saad na lang niya sa mga ito.

Halos hating gabi na nang makauwi sila, pero hindi pa rin maalis sa mukha niya ang ngiti. Umaakto pang isang modelo ang kaibigan niya habang naglalakad sila.

"Sa susunod na pista, sasali na ako sa miss gay pageant," sambit na lang ng kaibigan.

Natatawa na lang siya sa pagkaway kaway nito na wariy nasa mismong patimpalak na ng mga sandaling iyon.

"Turuan mo ako ha! para dalawa na tayong beauty queen sa baryo!" iwinasiwas pa ng kaibigan ang kamay sa kunwaring mahabang buhok.

"Oo naman, sigurado ko wala silang panama sa iyo," masaya niyang paalam sa kaibigan.

Napapalakpak naman ito sa tuwa, kaya ganoon na lang rin ang hagikgik niya dahil na rin sa pagtalon-talon ng kaibigan.

"Ay ateng, nanay mo!" doon lang ito tumigil sabay turo ng nguso sa ina niya na nakaabang sa may harap ng kanilang bahay.

Napabuntong hininga na lang siya nang makita ito. "Nay, nasa labas pa po kayo?" bati niya sabay mano nang makalapit na dito.

"Magandang gabi po nanay Elsa," bati naman ng kaibigan.

Nginitian naman sila ng ina. "Wala pa kasi ang tatay mo," saad nito, bakas ang pag-aalala sa mukha habang nagpapalinga-linga ng tingin sa paligid.

"Nay, baka bukas na po iyon makauwi, pumasok na po tayo, baka mahamugan pa po kayo dito," yakag niya sa ina.

"Ay sige ateng, mauna na ako, sige po nanay," paalam ng kaibigan niya habang ibinabalik ang tropeyong napanalunan sa kanya.

"Tara na po nay," muli niyang hatak dito, napangiti na lang ito sabay yumakap na rin sa kanya upang maalalayan papasok.

"Kamusta naman iyong sinalihan mo?" saad nito habang isinasarado ang pinto nila.

"Nanalo po ako nay, heto po," masaya niyang iniabot ang sobreng naglalaman ng kanyang napanalunan sa ina.

"Naku anak, itago mo na lang iyan" tulak nito sa iniabot.

"Pero nay," napangusong maktol na siya dito.

"Sige na, sa iyo iyan, gamitin mo para sa matrikula mo," nakangiti nitong banggit.

Agad niya naman itong niyakap. "Salamat nay," isang halik ang ibinigay niya rito bago tumungo sa kanyang kuwarto.

Nagpapasalamat na lang siya sa suportang ibinibigay ng kanyang ina sa plano niya na muling mag-aral, alam nito na pinag-iipunan niya ang kanyang ipang-enroll sa darating na pasukan.

Kinabukasan ay balik nanaman siya sa nakagawian, wala na ang maaayos na buhok, ang magagarang damit at makikinang na sapatos. Balik nanaman siya sa dating daster na tagpi-tagpi at tsinelas.

"Bananacue, bananacue" masigasig niyang sigaw sa daan habang inilalako ang paninda, isa ito sa mga pinagkakakitaan niya ng pera para sa kanyang pag-iipon.

"Freyja,

ateng!" alingawngaw ng matining na boses.

Napalingon na lang siya sa sigaw ni Clifford, pawis na pawis ito at kita ang pagkabalisa sa mukha.

"Bakit, ano nangyari?" saad niya sa humahangos na kaibigan nang makalapit ito.

"Bi...bilis, umuwi ka! ang nanay mo," tarantang saad nito nang makahupa.

Napapigil na lang siya ng hinga sa sinabi nito, nandoon din ang mabilisang pagsikip ng kanyang dibdib sa pag-aalala.

Wala sa sariling ibinigay niya ang dala-dala sa kaibigan upang

makatakbo pauwi, halos mapigtas na ang kanyang tsinelas sa bilis ng kanyang pagtakbo, subalit di niya iyon inalintana dahil sa pangamba.

Mas lalo lang siyang kinabahan nang makita ang kumpulan ng mga tao malapit sa kanilang bahay.

"Makikiraan lang po!" pagsiksik niya sa mga ito, napatigil na lang siya sa paggalaw nang masaksihan ang mga nangyayari.

"Dodong, pakiusap, huwag mo kami iwan!" halos nakakaladkad na ang kanyang ina habang nakahawak sa paanan ng kanyang ama, mugtong-mugto na ang mga mata nito sa pag-iyak subalit halatang hindi iyon pinapansin ng ama niya dahil patuloy lang ito sa paglalakad papapunta sa tricycle na naghihintay sa harapan ng kanilang bahay.

"Nay!" napatakbo na lang siya sa ina nang sipain ito bigla ng kanyang ama upang bumitaw.

Mabilis naman itong yumakap sa kanya. "Anak, ang tatay mo!"

Naintindihan niya ang gusto nitong iparating kaya agad siyang tumayo para tumungo sa ama, subalit nagsimula ng umandar ang sinasakyan nito.

"Tay, tay!" pilit niyang habol dito ngunit tuluyan na siyang napag-iwanan sa bilis ng takbo ng tricycle.

Muli niya na lang binalikan ang kanyang ina upang yakapin ito at alalayan papasok sa kanilang bahay.

Walang tigil pa rin ito sa paghagulgol, wala siyang maintindihan sa mga nangyayari kaya naman napaiyak na lang din siya sa sobrang sama ng loob.

Matinding kalungkutan ang namutawi sa kanilang mag-ina matapos ng mga pangyayari, hanggang ng mga oras na iyon ay nahihirapan pa rin siyang tanggapin ang sinasapit nila.

Bali-balita na sa buong lugar nila ang pagsama ng kanyang ama sa isang babae sa kabilang baryo kaya naman napag-alaman niya na ang dahilan ng pag-alis nito.

Ang bagay na iyon ang naging dahilan kung kaya’t nanatili ng tulala ang kanyang ina at hindi na makausap dahil sa sobrang pagdadalamhati.

"Nay, kumain na po tayo," pag-aya niya rito nang makapaghain. "Niluto ko po iyong paborito niyong sinigang."

Ngunit nanatili lamang na tahimik ang kanyang ina habang nakaupo sa silyang nakaharap malapit sa kanilang bintana, naghihintay, nagbabakasakali sa pagbabalik ng kanyang ama.

"Tao po," magiliw na tawag ng malumanay pero matinis na boses mula sa labas.

Hinayaan niya na muna ang kanyang ina na manatili sa kinalalagyan

upang

masalubong ang mga dumating nilang bisita.

"Ateng!" agad na sigaw ng kaibigan niyang si Clifford nang makita siya.

"Musta na anak," bati naman ng nanay nito na nasa likod pala ng kaibigan.

"Ayos naman po ninang." Mano niya kaagad dito.

"Ang nanay mo, kamusta na?" kunot noong saad na lang nito.

Pinilit niya na lang ngumiti para itago ang sakit na nadarama sa sinapit ng ina. Napapamaywang na lang tulog ang ninang niya.

"Hay, gago talaga iyan tatay mo, sabi ko na nga ba wala iyan maidudulot na mabuti sa nanay mo e, ewan ko ba kung bakit pinakisamahan pa niya iyan, kung nabubuhay lang ang lolo mo naku," nanggigigil nitong saad.

"Nay, tama na nga, kita niyo na ngang down na down na si Frey, dinadagdagan niyo pa," siko ni Clifford dito.

"Oh, heto pala, pagpasensyahan niyo na itong mga gulay," abot na lang nito sa dala-dala.

"Salamat po nang," kuha niya na lang sa mga iyon. "Pasok na muna po kayo." Pagpapasunod niya sa mga ito sa may sala.

Napabuntong hininga na lang ang kanyang ninang nang makita ang lagay ng kanyang ina, maingat itong umupo sa tabi ng ginang sabay hinaplos ang balikat nito.

Nagtungo na lang siya sa kusina kasama si Clifford para ayusin ang mga gulay na dala sa kanila.

"Ateng, bakit di natin sugurin iyong mahaderang bruha na umagaw sa tatang mo," turan ni Clifford na nakapamaywang, "nasa kabilang baryo lang naman iyon, hala tara ng maturuan ng leksyon," ngitngit na saad na lang nito.

Napangiti na lang siya dito. "Hayaan mo na, wala rin naman mangyayari kung gagawin natin iyon," marahan niyang haplos sa balikat nito para pakalmahin.

Hindi niya na naman nais pang lumikha ng gulo, lalo pa at ito pa rin naman ang ama niya, maliban doon ay abala pa siya sa pag-aasikaso sa ina.

"Martyr," busangot na lang ni Clifford sa kanya sabay irap.

"Sabayan niyo na lang kami ni Nanay kumain, nagsigang ako ng bangus," pilit tuwang saad na lang niya.

Kita naman ang pagkutitap ng mga mata nito sa sinabi niya, kaya dali-dali na lang itong kumuha ng mga plato at kubyertos para kanila.

Si Clifford at ninang niya na ang umalalay sa kanyang ina sa pagpunta sa sa may hapag dahil tila wala pa rin itong gana na kumilos.

Minadali na lang niya ang pag-aayos ng mga gulay upang maitabi na at makasalo na sa pagkain. Akmang papunta na siya sa may hapag nila nang mabatid niya ang ilan mga tao sa may harapan ng kanilang bahay.

"Nandiyan po ba si Eduardo Salazar!" sambulat na lang ng mga ito nang makita siya sa pintuan.

Agad na lang siyang napatigil upang tumungo sa mga ito. "Sino ho sila?" magalang niyang salubong sa mga taong nasa may labas ng bakuran.

"Pasensya na sa abala, dito ba nakatira si Eduardo Salazar?" muli nitong tanong sa kanya.

"Ano pong kailangan nila?" datapwat wala na doon ang kanyang ama ay minabuti niya pa rin ang mangusisa.

"Mga kaibigan niya kami," ngiti nitong saad.

Ngunit batid niya na may kakaiba sa hitsura ng mga lalaking naroon. "Wala na po siya rito, lumipat na po at sumama sa ibang babae," mapait niyang saad sa mga ito. "Hanapin niyo na lang po siya sa kabilang baryo," pagbibigay alam niya sa mga lalake.

"Ah, ganoon ba, pasensya na iha," ngiting yuko na lang nito sa kanya.

"Sige po," agad niyang paalam sa mga ito bago tumalikod upang bumalik na sa loob ng tahanan at makisalo sa mga naroon.

Matapos nang araw na iyon ay nanatili naman na tahimik ang kanilang lagay. Halos mag-iilang buwan na rin ang lumipas mula nang iwan sila ng kanyang ama, kahit papaano ay nakakabawi na ang kanyang ina mula sa pagdadalamhati nito.

Wala naman silang naging problema sa pagkain at pera dahil sa umpisa pa lang ay silang dalawa na ng kanyang ina ang nagtratrabaho, kaya hindi naging mahirap ang pag-iwan ng ama sa kanila. Iyon nga lang kinailangan niyang doblehin ang pagkayod upang sumapat ang panggastos nila dahil na rin sa ilang araw linggong pagkawala ng tulong mula sa kanyang ina.

"Tao po!" tawag na lang ng isang malalim na tinig mula sa labas ng bahay.

Hindi maialis ni Freyja ang pagtataka nang may tumungo nanaman mga tao sa kanilang tirahan, dati rati'y wala naman mga bisita ang kanyang ama, ngunit nitong nakaraan ay sunod-sunod na ang punta ng ilang mga hindi kilalang lalake sa kanilang tahanan.

"Sino po sila?" bati niya pakalapit sa may tarangkahan nila na gawa sa kawayan.

Hindi niya mapigilan ang mapakunot ng noon nang mapansin na iba ang hitsura ng mga taong dumating ngayon. Mga mukha itong kagalang-galang at nakaayos ng suot.

"Ah, magandang araw po" ngiting saad sa kanya ng isang lalake na naka puting long sleeves at necktie.

"Magandang araw din po," pilit ngiti niyang sagot.

"Hindi ba't ito po ang bahay ni Eduardo Salazar?" magiliw nitong sabi.

Napakunot nanaman siya nang marinig ang buong pangalan ng kanyang ama. "Opo," agad niyang saad "Pero hindi na po siya nakatira dito," pagbibigay alam niya sa lalake, subalit nanatili pa rin itong nakangiti.

Nakadama na lamang siya ng kaunting kaba at pagtataka dahil sa inaasal nito.

"Alam ho namin iyon. Heto, pakibasa na lang," abot nito sa isang kulay brown na envelope.

Kunot noo niya iyong inabot at binuksan, mas lalo lang siyang napa-isip dahil hindi niya maintindihan ang mga nakasaad doon.

"A...Ano ho ito?" angat niya sa hawak-hawak.

"Notice iyan iha," paliwanag ng lalake.

"Ho?" hindi niya maisip kung bakit sila magkakaroon ng ganoon, kaya naman lalo lang kumusot ang kanyang mukha.

"Kinukuha na ng bangko itong bahay bilang pambayad utang," pilit hinahon na saad na lang nito.

Napatigil siya sa paghinga kasabay ng panlalaki ng mga mata sa narinig. "Ano ho!" gulat niyang sambit.

"Bibigyan pa namin kayo ng isang buwan para makahanap ng malilipatan," pagbibigay alam nito.

"Pero hindi po iyon pwede," pigil niya sa lalake bago ito makatalikod "Pamana po ang bahay na ito sa mama ko," pagpapaliwanag niya.

"Pasensya na iha, pero pagmamay-ari na ng bangko itong lupa, kaya makabubuting maghanap na kayo ng ibang matitirahan," saad na lang nito.

"Pero paano po iyon nangyari?" pilit niyang pagpapaintindi.

"Ginamit ni ginoong Eduardo Salazar ang lupang ito bilang collateral sa pagpapahiram ng pera sa kanya para sa negosyo nito." pagpapaalam ng lalake.

Napaatras na lang siya nang marinig nanaman ang pangalan ng kanyang ama. "Anong pera, wala po kaming nalalaman diyan," d***g niya.

"Pasensya na, pero nandito lang ako para maningil, ipinaalam na rin namin ito kay ginoong at ginang Salazar ilang buwan na ang nakakaraan at wala naman naging problema," turan na lang nito.

Nalukot niya na lang ang hawak dahil sa nalaman. "Hindi po iyon pwedeng mangyari!" sita niya sa mga ito.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko iha, kailangan na namin kunin ang lupa dahil lagpas-lagpas na ang palugit para sa utang ninyo," hindi na siya nakapagsalit sa sinabi nito. "Isang buwan lang iha," pahabol nito bago muling tumalikod.

Pinabayaan niya na lang na umalis ang mga lalake at dali-dali na lang na tumakbo papasok sa loob papunta sa kanyang ina para ipaalam ang mga nalaman.

"Nay, nay!" humahangos niyang saad nang makita ito.

"Ano iyon anak?" bakas pa rin ang panghihina at lungkot sa mga mata nito habang nagtutupi ng mga gamit nila.

"May mga pumunta ditong taga bangko, kinukuha na po itong bahay natin!" balisa niyang saad.

"Ah, ganoon ba," walang ganang sambit nito.

"Alam niyo ba to nay?" sita niya rito.

Tiningnan lang siya nito ng mga malungkot na mata. "Matagal na rin iyan," saad nito. "Gusto kasi mag negosyo ng tatay mo noon, kaso nalugi, hindi ko alam kung bakit, kaya hindi na namin iyan nabayaran," kuwento ng kanyang ina.

Napaupo na lang siya sa isang tabi dahil sa panlalambot at kawalan bigla ng lakas sa sobrang pagkasorpresa hindi niya lubos akalain na may kasunod pa ang mga masalimuot na pangyayaring nadadanasan nila.

Doon na siya nagsimulang makadama ng poot para sa kanyang ama, hindi niya lubos akalain na ganoon na pala kalala ang kawalang hiyaan nito sa kanilang pamilya.

Kaugnay na kabanata

  • His Circus   Chapter 3 Lost

    "Dude, virgin ka pa ba?" pilit kalmang saad niya.Halata naman ang gulat ng kaibigan sa kanyang sinabi dahil napanganga na lang ito habang nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kanya. "Oo naman no!" balisa nitong saad. "Bakit mo naitanong? Huwag mong sabihing…" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil napahawak na lang ito sa bibig sabay namimilog na matang napahawak sa bibig, halata ang makulit na kapilyuhan sa mukha. "Ulol!" mabilisan niyang batok nang mabatid ang nasa isip nito. "Ano bang mayroon, bakit mo naitanong?" natatawa nitong haplos sa parteng nabatukan. "Wala lang, napapa-isip lang ako," kumunot na lang ang noo ng kaibigan sa kanya, isang buntong hininga naman ang pinakawalan niya ng mga sandaling iyon dulo’t ng bagay na gumugulo sa kanyang isipan, "kasi, bakit parang may mga taong nahihirapan umiwas sa tukso kahit may mga asawa at karelasyon na?" sa wakas ay bulyaw niya dahil sa bigat ng bagay na dinadala.Bigla niya nanaman kasi naalala ang tagpo ng kanyang ama kasa

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 4 Sweet and sour

    "Freyja, kamusta na pala nanay mo?" pag-uusisa ng kaibigan niya habang inaayos niya ang mga sabang inutang."Medyo umaayos na rin siya kahit papaano," ngiting sagot niya, "salamat dito George, pakisabi pala sa nanay mo sa makalawa ko na to babayaran," saad niya sa kababata."Wag mo iyon alalahanin, akong nang bahala doon," ngiting tugon nito sa kanya na namumungay pa ang mga mata sa kanya.Ganoon na lang tuloy ang pagyuko niya rito upang umiwas ng tingin. "Salamat ulit" nahihiyang balik niya na lang sa lalake."Tulungan na kita diyan," alok nito pakatapos itali ang bungkos ng mga saging na kanyang dadalhin."Ateng, ateng!" alingawngaw ng isang matinis na boses.Napalingon na lang sila sa tumatakbong si Clifford."Bakit?" pigil niya dito nang muntik na siyang lagpasan ng kaibigan."Iyong nanay mo!" taranta nitong saad na halos nagtatatalon na.Bigla na lang siyang nabalot ng pag-aalala dahil sa hitsura ng kaibigan. "A...anong nangyari kay nanay?" balisa niyang saad dito."Bilis" hinata

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 5 Opportunities

    "Saan ka ba nanggaling na ugok ka!" isang malakas na batok ang sinalubong sa kanya ng galit na galit na kapatid."Hala, bakit ba ako pinagdidisikitahan mo!" balik niya kaagad dito dahil sa gulat."Ikaw ang lalake, ikaw dapat ang nagtatanggol sa amin!" bulyaw ng kakambal.Bigla na lang siyang kinabahan sa lumabas sa bibig nito, agad niyang pinalibot ang tingin sa bahay nila at mukhang nagkaroon nga ng gulo roon."Ano ba nangyari!" alala niyang saad."Matagal na palang niloloko ni papa si mama, tapos hindi mo man lang alam!" nanlilisik matang singhal nito sa kanya.Doon na sumikip ang dibdib ni Luke sa galit, ang buong akala niya kasi ay hindi na iyon mauulit pa at mananatili na lamang sa nakaraan subalit mali pala siya ng inakala.Napakuyom na lang siya ng palad, nakadagdag pa sa kanyang poot ang paghihinagpis ng kanyang kakambal kaya naman inakap niya na lang ito para pahinahunin."Sorry sis," pagpapakalma niya rito.Tuloy-tuloy lang ito sa paghampas sa kanyang dibdib habang humahagul

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 6 New life and trials

    "Hoy ateng, kailan mo ba balak sagutin si papa George? grabe ang tagal na niyang nanliligaw sa iyo ah" napapigil na lang siya ng tawa sa pangungulit ng kaibigan."Ano ka ba naman Clifford sabi ko naman sa iyo diba, hindi pa ako handa para sa ganyan" isinawalang bahala niya na lang ang muna ito.Kahit alam niya naman na seryoso si George ay sadyang hindi niya kayang pumasok sa ganoong bagay lalo na sa kasalukuyan nilang kalagayan."Ay naku. kailan ka pa magiging handa, sige ka, kapag ikaw naunahan," sermon nito sabay namaywang sa harap niya.Natahimik na lang siya sa sinabi ng kaibigan, naroon naman kasi ang pagkagusto niya sa naturang binata, subalit tila parang hindi pa siya handa para sa ganoon na bagay.Ilang sandali rin gumulo sa kanyang isip ang mga bagay na iyon, gusto niya rin naman si George ngunit sadyang nangingibabaw ang kanyang takot. Nakadagdag pa sa kanyang alalahanin ang katotohanan na maaaring may magustuhan ibang babae ang binata lalo na at alam niyang napakaraming ma

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 7 Champions

    "Napaka simpleng bagay na nga lang ng iniuutos ko sa iyo hindi mo pa nagawa, anong klaseng pag-iisip ba mayroon ka!" bulyaw ng kanyang ama.Napakuyom na lang siya ng palada habang tinatanggap ang mga katagang iyon. Alam niya naman na ito ang magiging reaksyon nito subalit sadyang hindi niya mapigilan ang galit dahil alam niyang sinasadya lang ito, maliban doon ay nagkataon lang na iba ang dahilan kung bakit hindi siya nakapagpapirma ng mga dokumento."Paano mo pa mahahabol iyang mga papeles!" pagwawala nito sa opisina, nanatili lang siyang nakayuko at nanggagalaiti sa harapan nito. "Get out of my face!" bato na lang nito ng mga hawak na papel sa kanya.Isang malalim na hininga na lang ang pinakawalan niya habang pinupulot ang mga iyon bago tumalikod at naglakad palabas, hindi na siya nag atubili pang magpaliwanag, dahil alam niyang sarado na ang isipan ng kanyang ama.Napaghandaan nanaman niya ang naturang bagay na iyon at sigurado niyang sa pagkakataon na iyon ay siya ang mananaig, k

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 8 Pulling down

    "Ang laki pa rin nito" napahawak na lang sa pisngi si Clifford sa pagkagulantang nang makita ang babayaran nila.Taas kilay itong hinablot ni Porsya. "Ilang araw lang naman tayo dito ah!" panglalaki ng mata nito."Hayaan niyo na, gagawan ko na lang ng paraan," kinuha niya na lang muli sa dalawa ang papel at pinakatitigan.Hindi lubos akalain ni Freyja na magiging ganoon kalaki ang babayaran sa hospital na iyon, lalo na at ilang araw lang naman ang pananatili nila roon.Nagawa niya nang humingi ng tulong sa mga kinauukulan, halos nalapitan na nila at nautangan ang lahat ng kakilala, ngunit hindi pa rin iyon naging sapat, sumasakit na ang ulo niya dahil sa ilang araw na siyang walang maayos na tulog, idagdag pa roon ang alalahanin niya habang nakaratay pa rin ang kanyang ina. Bakas na rin ang pangangayayat niya dahil ipinang bibili niya ng gamot ang pang gastos niya sa pagkain, tinitiis niya na lang ang matinding gutom at wala na lang siyang sinasabi sa mga kaibigan upang hindi mag-alal

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 9 Revenge

    "Ayos ka na ba?" tapik niya kay Jordan nang makitang medyo wala na ang pamumula nito.Tumango ito pero hindi nagsalita, nagising lang ang diwa ng kaibigan niya nang bigla na lang mag ring ang cellphone nito, parang itong nabuhusan ng malamig na tubig sa bilis ng pagdilat kasabay ng pagsagot."Hello!" balisang saad nito. "Opo ma, pauwi na po ako," buong lambing nitong pagpapaalam.Napapigil na lang siya ng tawa habang pinagmamasdan si Jordan, tila kasi para nanaman itong isang makulit na bata habang kausap ang ina."May tinapos lang po kasi kaming magkakaklase na project." Pinandidilatan siya nito ngunit sadyang hindi niya mapigil ang hagikgik. "Po?" Nasuntok na lang ni Jordan si Luke sa balikat nang kumawala ang malakas na bungisngis.Isang malalim na hininga muna ang ginawa niya bago magsalita. "Kasama niya po ako tita!" singit niya na lang dito.Halata naman ang gulat nito sa ginawa niya. "Si Luke po!" ganoon na lang ang pagkatulala nito. "Opo," magiliw nitong saad matapos nag ilan

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • His Circus   Chapter 10 Bad, bad luck

    "Hoy ateng, magpahinga ka naman," parang wala lang ang naging pagtapik ni Clifford sa kinakapatid dahil nagpatuloy pa rin ito sa ginagawa.Isang matamis na ngiti lang ang ibinaling niya rito. "Ayos lang ako," turan niya na lang nang manatili pa rin ito sa kanyang tabi.Nakaguhit pa rin ang pag-aalala sa mga mata nito. "Ate, naglalaba ka sa gabi tapos nagtitinda ka sa umaga, ano iyan, ligaya lang ang peg." Pamamaywang naman ni Porsya sa kanyang harapan.Napapigil na lang siya ng tawa sa hitsura nito bago magpatuloy sa pagbobomba sa kalawangin nilang poso."Ateng, alalahanin mo, kailangan mo rin alagaan ang sarili mo," sita nito.Tumakip ang anino ni Clifford sa kanya dahil humarang na ito sa tanging ilaw niya ng gabing iyon kaya nag-angat na siya ng kamay sa pagkakataong iyon para hawiin ito."Ayos nga lang ako." Namaywang na rin siya sa dalawa. "Wag niyo ako alalahanin, kayang-kaya ko ito!" Ipinakita niya pa ang braso sa dalawa.Dama niya naman ang pag-aalala ng mga kaibigan ngunit sa

    Huling Na-update : 2023-11-21

Pinakabagong kabanata

  • His Circus   Chapter 66 Forgiveness and happiness

    Katahimikan at kapayapaan, iyon ang isang bagay na hindi niya lubos akalain na muli niyang mararanasan matapos ng lahat ng nangyari. Sa tagal ng paghihirap at dami ng pagsubok na dinanas hindi na pumasok sa kanyang isipan na makakatakas pa sa pagkalugmok na iyon.Naroon ang sobra-sobra niyang pasasalamat sa kasalukuyan na lagay na tila ba idinulot ng langit dahil komplikado man ang naging sitwasyon niya ngayon, hindi maitatanggi na malayong-malayo ang kasalukuyan niyang buhay sa pinagmulan, kaya naman sobra-sobra ang kanyang pasasalamat ng mga oras na iyon.Ang malalim niyang pagmumuni ay nahinto lamang nang madinig ang ilang makukulit na katok sa pinto nila, dali-dali na lang siyang napatakbo papunta roon nang makita mula sa bintana kung sino ang mga naroon.“Ateng! Kamusta ka na,” tiling bati ni Clifford pakapasok nito kasama ang kaibigan nila.“Clifford, Porsya, buti napasyal kay

  • His Circus   Chapter 65 Redemption

    Halos nanghihina pa siya habang iminumulat ang mga mata, subalit hindi niya nagawang makagalaw pa nang madama ang init ng mga bisig na nakapulupot sa kanyang baywang, kaya naman medyo napabaluktot siya ng kaunti sa pagkailang nang mabatid ang mga nangyayari. Mas lalo lang iyon humigpit, kasunod ng pagdampi ng mainit na hininga sa kanyang leeg."Hey, musta tulog mo?" malambing na saad ni Luke habang mas ipinagdidikit sila."Nasaan ako?" hindi niya masyadong maaninag ang paligid dahil sa dilim ng lugar."Nasa kuwarto." Subsob na lang lalo ni Luke ng mukha sa kanyang balikat.Napasinghap na lang siya sa ginawa ng lalake, sigurado niyang alam na ng lalake ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa inaasal nito."Huh? Nasaan na si Lukas?" Sinubukan niya ng bumangon nang maalala ang bunso nito, subalit naroon pa rin ang kakatwang hilo niya."Tulog na, kasama mga kuya ni

  • His Circus   Chapter 64 Is it over?

    Halos tulala na lang siya buong tanghali sa hapag, pinapakatitigan ang pagkain na naiwan sa lamesa na halatang inihanda ng maaga. Para siyang biglang naupos na kandila ng mga sandaling iyon.Napabalik na lang siya sa lahat ng mga nangyari sa mga nakaraang taon, pilit isinisiksik sa kanyang isipan ang lahat ng nagawa na maaaring naging dahilan ng kalagayan ngayon. Sa isip-isip niya ito na marahil ang kaparusahan sa mga ginawa niyang kasalanan.Natigil lang siya sa pagdadalamhati nang madinig ang pagbukas ng pintuan, kunot noo pero wala pa rin siya sa sarili nang mapalingon doon."Daddy!" Umalingawngaw sa buong lugar ang malakas at masiglang hiyaw ni Thorin, halata ang matinding galak nito habang papasok.Agaran na lang nagbalik ang kulay sa mukha Luke, hindi niya napigilan ang matinding pagbugso sa kanyang dibdib dahil sa pinaghalong kaba at galak."Thorin!" medyo naluluha niyang

  • His Circus   Chapter 63 What's next?

    Nagising na lang siya ng hatinggabi sa lamig sa kanyang kapaligiran, bahagya niyang kinapa ang kanyang tabi para pakiramdaman, subalit napabuntong hininga na lang siya ng malalim nang mabatid na wala pa rin siyang katabi.Ganoon na lang ang pagpapakalma niya sa kakaibang kirot na nadarama sa kanyang dibdib, pilit na isinasantabi ang nararamdaman para intindihin ang pinagdadanan ni Freyja.Halatang matindi pa rin ang pagdadamdam nito dahil mag-iilang araw na rin itong hindi tumatabi sa kanya. Hindi tulad ng dati na kapag nasigurado na nitong tulog na ang anak nila ay bumabalik na ito sa kanilang kuwarto. Ngayon, kahit gaano pa siya katagal maghintay roon ay wala siyang napapala.Ngunit matapos ang ilan pang araw ay hindi niya na nagawang matiis pa ang malamig na pakikitungo nito sa kanya at pagsasawalang bahala."Freyja, Freyja!" Agad niyang hinagilap ang babae pakatapos ng pakikipag usap sa abogado.

  • His Circus   Chapter 62 Last will

    Ganoon na lamang ang pagmamadali niyang tumalikod upang makaalis matapos maihatid si Luke sa home office nito, hindi niya na nais pang madagdagan pa ang panibughong nadarama ng mga sandaling iyon sa mga maari pang malaman.Napatigil na lang siya nang mabilis na hulihin ni Luke ang kanyang kamay, nakasunod pala ito sa kanya hanggang sa may pintuan. Dahan-dahan ang naging paglingon niya rito, pilit na ikinukubli ang pait sa kanyang mukha."My, magpapaliwanag ako, mag-usap muna tayo," nagmamakaawang saad nito.Naroon ang higpit pero lambing sa mga kapit nito na halatang hindi siya nais na umalis."Ayos lang ako, mabuti pa kausapin mo na muna si sir Romero." Pinilit niya na lang ngumiti para mawala ang pag-aalala nito.Hindi niya kasi nais pang makaabala sa pag-uusapan ng dalawa, lalo na at mukhang personal iyon, maliban doon ay hindi niya nais ipakita ang pagdadalamhati sa lalake.

  • His Circus   Chapter 61 Painful sacrifices

    Ilang araw pa at nakalabas na rin ang mga ito sa hospital, sa hindi inaasahang pangyayari ay mabilis na nanumbalik sa dati ang mga bagay-bagay at ngayon ay tila mas naging mas maayos pa ang lahat ngayon, lalo pa at nilinaw na ni Luke ang lahat sa pagitan nila.Hindi niya nga lubos akalain na muli niyang makakausap at makakasama ng ganoon si Luke, kaya’t matapos noon ay hindi niya na hinayaan pang makasagabal ang nadarama niyang galit at pagtatampo rito, kung kaya nagbalik na rin ang kanilang dating pagsasama ng wala ng kahit anong alinlangan at pagtatago.

  • His Circus   Chapter 60 Clearance

    "Ayos naman po ang lagay nang bata, luckily tumagos lang iyong bala sa katawan niya, there were no signs of any serious damage," mahinahon na saad ng doctor.Halos lahat ng taong naroon ay nakahinga ng maluwag, kahit siya ay parang natanggalan ng mabigat na pasanin at tinik sa dibdib."Mabuti naman," masayang yakap na lang ni Porsya sa kanya.Ngiting tumango naman ang doctor sa kanila bago nito tingnan ang hawak nitong clipboard, umubo ito ng bahagya na para bang may kung ano itong pinaghahandaan na sabihin.Natahimik na lang silang lahat, napalunok na lang siya nang maalala na hindi nga lang pala ang anak ang nasa loob ng emergency room. May kung anong sikip na lang ang nadama niya sa dibdib nang makita ang muling pagseseryoso ng kausap nila.Nabalot din muli ng tensyon ang lahat ng naroon dahil sa biglaan kaatahimikan. Halos lahat ay atentibong nakatuon ang atensyon sa doctor.

  • His Circus   Chapter 59 Final Consequences

    "Ateng, nasaan na si Miko? Nasaan na siya!" Walang tigil na pagwawala ni Clifford sa higaan nito.Mula nang magising ang kinakapatid ay wala na itong tigil sa paghahanap sa kanyang anak. Ito ang nabaril nang subuka nitong pigilan ang pagkuha sa bata, nagpapasalamat na lang sila at sa bandang hita lang ito tinamaan at nahimatay lang mula sa sugat."Sister, magpahinga ka na muna, sina sir Luke na iyong bahala sa kidnapper," pilit pagpapahinahon ni Porsya dito, pero mas lalo lang itong nagwala."Jusko, si Miko!" sigaw na lamanag ni Clifford"Ateng, umayos ka!" sampal na lang ni Porsya rito."Aray ha!" sita nito sa kaibigan.Pinakatitigan naman ni Porsya si Clifford ng masama bago ibaling ang tingin sa kanya. Doon lang nito nabatid ang panaka-naka niyang hikbi."Hi...hindi ko na alam ang gagawin ko." Napatakip na lang siya ng mukha sa sobrang

  • His Circus   Chapter 58 After shock

    "Shit!" buong lakas na sigaw niya pakapreno ng motor. Muntik pa siyang mabangga ng rumaragasang mga sasakyan dahik sa kawalan ng kontrol sa pagmamadali.Kahit halos paharurutin niya na ang motor ay hindi niya nagawang maabutan ang kotseng hinahabol, napatigil pa siya dahil sa biglaan pagpula ng traffic light at agaran harang ng mga sasakyan mula sa kabilang kalasada.Hindi na mawala ang nadadama niyang pagkataranta at kaba ng tuluyan ng makalayo ang naturang kotse sa kanyang paningin."Fuck, fuck, fuck!" Naiiyak niya na lang na hampas sa motor habang pilit naghahanap ng pwedeng lusutan.Para na siyang mababaliw ng mga sandaling iyon sa tindi ng pag-aalala. Ang bawat minutong nagdadaan ay parang oras sa bagal ng takbo noon. Sa sobrang taranta ay wala na siyang ibang napagpilian kung hindi ang kunin ang kanyang telepono para humingi na ng tulong.Natigilan lang siya sa pagtawag nan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status