Share

Chapter 3

“Where’s your resume?” ang sabi ni Rod habang busy ako sa research dito sa ibabaw ng kama. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita siya sa labas ng kwarto ko.

“You didn’t close the door. I presumed you intend to open it.”

“H-Hindi totoo yan. Nakalimutan ko lang,” ang sabi ko at nagmamadaling pumunta sa harapan niya para sana isarado ang pinto pero natigilan ako at napatitig sa kaniya.

Isasarado ko ang pinto? E nasa harapan na siya nakatayo. Anong gagawin ko?

“Pagsasaraduhan mo ‘ko ng pintuan?” tinaasan niya ako ng kilay.

“Wala pa akong resume,” kinakabahang sabi ko sa kaniya.

“What are you doing? Can I come?” ang sabi niya. Hindi pa man ako nakasagot nasa kama ko na siya, nakaupo habang nakatingin sa research ko.

Tumango-tango siya at binasa ang mga nasulat ko doon.

Napaiwas tingin ako sa kaniya at pilit pinapakalma ang sarili ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nabibingi na ako sa sobrang lakas.

Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing kaharap ko siya? Is this normal? O nababaliw na ako sa kaniya?

“If I were the panelist, title mo pa lang bagsak ka na.” Aniya at sumandal sa kama ko.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.

Ano bang ginagawa niya sa kwarto ko? Bakit hindi pa siya umaalis?

“Are you busy?” tanong niya.

Gumagawa ako ng research pero alam naman niya. Bakit niya ako tinatanong? Gusto ba niyang sumama ako sa lakad niya?

“I’ll go to the bar. Wanna come with me?”

“Anong gagawin mo sa bar?” tanong ko na agad kong pinagsisihan. That sounded so wrong.

“B-Busy ako,” sabi ko at nagmamadaling pumunta sa kaniya para kunin ang laptop ko. Nakita ko kung paano siya napapikit habang tila nilalanghap ang amoy ko.

Kinilabutan ako nang magtama ang paningin namin.

“What’s your perfume?” tanong niya.

Umiling ako. Hindi ako naglagay ng perfume.

Nakita kong namilog ang mata niya at pagkaraan ay ngumisi. Nanayo ang balahibo ko sa katawan.

“If you don’t want to come, isasama ko nalang si Elena,” napatingin ako sa kaniya agad. Elena? Iyong katulong nila na kahaIikan niya.

Nakita kong ngumisi siya sa naging reaction ko. Bakit? Ano bang naging reaction ko? Damn! I lose my composure when he’s around.

Nakita kong naglakad siya palabas ng kwarto ko. Kagat ko ang labi ko para pigilang huwag magsalita but damn! I failed. Fvcking shit!

“S-Sasama ako!”

Gusto kong sapakin ang sarili ko but it’s too late to take back what I said cause Rod right now is grinning from ear to ear.

“I’ll wait downstairs. Don’t be long,” aniya at tinapunan muna ako ng nakakalokong ngisi bago umalis.

Nagpapadyak ako sa inis dahil heto na naman at hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko.

Hindi ko alam kung dahil sa kaba kung bakit ako nanginginig ngayon. It didn’t take me 30 minutes to prepare. Hindi na ako naligo.

Nagsuot lang ako ng spaghetti strap na pinagsisihan ko kasi dumadausdos pababa sa balikat ko ang dapat nasa balikat lang.

“Maluwag?” aniya habang nakangusong nakatingin sa akin. Napalunok ako ng magkakasunod na beses bago umiling.

Fit naman sa akin ayaw lang makisama ng damit ngayon.

“Bakit mo pala ako gustong isama?” mahinang tanong ko.

“Bakit? Ayaw mo ba?” I was caught off guard nang agad na nagreact ang ulo ko. Damn. Bakit ako umiling na parang sinasabi na hindi, gusto kong sumama.

Nakita kong ngumisi siyang muli at naunang lumabas. Nakita ko pang nakasunod sa akin ang tingin ng katulong na kahaIikan niya.

Sumakay ako shotgun seat habang siya naman ay nasa driver’s seat. Magkatabi kami pero parang gusto ko nalang bumaba nang makita ang simangot sa mukha niya.

“Ah—ano.. sa likod nalang ako kung ayaw mo,” kinakabahan kong sabi.

“Don’t. Just stay there.” Aniya at tumikhim saka pinaandar ang sasakyan paalis ng bahay nila. Nilingon ko pa ang signage na San Roque habang papaalis kami ng Dayawan.

Lumingon ako kay Rod. Alam kong may bar sa sentro sa ibabaw ng building ng 7/11 pero nakita kong papunta kami ng Cagayan de Oro.

Then it hits me. This man besides me is no an ordinary man. I won’t be surprise kung sa bar kami na puro elites at galing sa kilalang pamilya ang naroon.

Tumikhim ako.. Sana naman huwag malapit sa school ko. Hindi naman sa bawal akong magbar but I am protecting my image as a scholar.

“Are you hungry?” napatuwid ako sa pag-upo sabay hawak ko sa seatbelt sa biglang tanong ni Rod.

“B-Busog ako. Kumain ako kanina,” namumula kong sabi. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Minsan na nga lang ako makisalimuha sa ibang tao, ganito pa…nauutal..kinakabahan.

“Kanina pa? So probably mamaya, gutom ka na.” Ang sabi niya.

“We’ll stop by in Ayala and we’ll eat there..” Tumango ako. Malapit lang iyon sa school. Baka mamaya makita ako ng classmates ko.

It’s not a good idea na makita nila akong may kasama. Baka isipin nilang boyfriend ko itong si Rod.

“Hindi po ba kayo busy sa company niyo?” nakita kong lumingon siya sa akin bago niya ibalik ang paningin sa harapan. Nasa Casinglot na kami at madilim na ang lugar.

I’m not use to go outside in this hour. Probably, kung sa school ako, nagmamadali na akong umuwi dahil gabi na. Ngayon, relax ako habang hindi inaalala na gabi na.

“I’m sorry..” Ang sabi ko nang makita na hindi siya sumagot sa tanong ko.

“It’s fine. Company is fine without me. Hindi pa naman ako ang magma-manage non so I’m enjoying my life hangga’t wala pa akong responsibilidad.”

Tumango lang ako at napatingin sa gilid. Nasa Puerto na kami by now at mabuti nalang talaga walang traffic kaya mabilis ang byahe namin.

“Bakit wala kang boyfriend?” ang tanong niya dahilan kung bakit ako napatingin sa kaniya. Nakita ko kung paano pasadahan ng dila niya ang mga labi niya.

Kumunot ang noo ko at tumikhim.

“Wala akong panahon mag boyfriend,” ang sabi ko. Nakita kong sinilip ako ni Rod.

“Kailan mo plano mag boyfriend?”

Bakit ba interesado siya sa lovelife ko?

“Pagka graduate siguro,” nakayuko kong sabi.

Tumango siya at kinagat na naman ang labi niya. Napailing ako. Bakit ba panay tingin ako sa labi niya?

“Crush? May crush ka?”

Agad na pumasok si Symon sa isipan ko. Tumingin ako kay Rod at alam kong hinihintay niya ang sagot ko.

“M-Meron,” sabi ko sabay lingon sa kabilang side. Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero nakita ko ang repleksyon niya sa salamin. Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya.

Alam ko kung paano siya nagtiim bagang. At baliw na talaga ako kasi ang puso ko ay nagsimula na namang tumibok ng mabilis.

Naloko na! May crush ba ako sa anak ni attorney?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status