Hindi ito mala fairytale na story. Sa synopsis or preview pa lang, March already stated she's a mistress. Sa buhay dalaga-binata muna tayo bago sa quintuplets. You'll love this story for sure.
Natuloy kami sa Kibanban Stream. Inoff ko rin ang phone ko habang nasa Balingasag kami. Ayaw ko siyang kausapin. Si Rod. Sobra akong nasaktan after finding out na ang kinita pala nila sa Manila ay hindi investors kun’di ang fiancée niya. Pero hindi naman kami mag boyfriend talaga, still masakit pa rin. “You okay?” tanong ni Symon nang hindi ako sumama kina Junisa para magpicture taking. The place is greeny. Ang lakas maka mother nature. Nasa tubig lang ako at tinatanaw sila. “Yes,” ngumiti ako kay Symon. “You don’t look… okay,” ang sabi niya at tinanaw rin sina Junisa sa unahan. “Bakit mo nasabi?” natatawa kong sabi sa kaniya. “Matapos mong makauwi nong pumunta ka sa Salay, para kang namatayan.” He said seriously. Alanganin akong ngumiti. Inoobserbahan niya ba ako? “No’ng nagkita tayo sa Ayala, you were with Rodie James Chavez, right?” Napatingin ako sa kaniya. Kilala niya si Rod? “And before that, iyong sa food court, pinaalis niya kami…” Naitikom ko ang bibig ko. Masiya
I never seen Rod since then. Nabusy na siya sa kumpanya niya at ako naman ay inaasikaso na ang resume for practicum. Mabilis lumipas ang araw at oras. Second sem na kami, konting kibot nalang, graduate na ako. I am with Symon at sinasamahan niya ako papunta sa kumpanya ni Rod. “Sy, ayos lang naman kung hindi ka na sumama pa,” “No. It’s fine. Really..” Aniya at ngumiti sa akin. Kasalanan ito ni Junisa e. Nagpasama kasi ako sa kaniya sa pag-punta dito but hindi ko inaasahan na si Symon pala ang uutusan niyang magsama sa akin sa lakad ko. Tanda ko pa ang sabi niya kanina, “Maaaaarch, sorry.. nagka LBM ako e. Si Symon nalang ang papuntahin ko diyan.” Iyan ang eksaktong sinabi niya. Napabuntong hininga ako habang papasok kami sa building kung saan si Rod ngayon. “Kailan ka pala luluwas ng Cebu?” tanong ko kay Symon. “Maybe next week.” Tumango ako. Lumapit kami sa front desk to ask the assigned employee kung saan ang office ni Rod. “May I know your query with Mr. Chavez ma’am?” “
“Rod, a-alis,” sumimangot ako para malaman niya na hindi na ako natutuwa. Kumibot ang labi niya. “Hindi umepekto?” patukoy niya sa banat niya sa akin kanina. Kung alam lang niya gaano kalakas ang tib0k ng puso ko ngayon dahil sa kaniya. “Bakit ka ba ganiyan?” “Anong ganiyan?” “Iyan…bakit ka ganiyan? Bakit ka nandito sa harapan ko? Hindi ba engaged ka na?” Tinaasan niya ako ng kilay. Umisog siya paharap kaya napasandal ako sa upuan. Itinuko niya ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Na corner ako. Nakatitig ako ngayon sa mga mata niyang nakatitig sa akin. “Hindi ako engage,” aniya at inilapit ang labi sa akin sa isang mabilis na galaw. “Wala akong fiancée,” hinaIikan niya uli ako. “So I don’t know what you’re talking about,” pagtatapos niya. Alam kong dapat akong magalit sa kaniya ngayon but daaamn. Hindi. Alam kong kitang kita niya gaano kapula ang mukha ko. Alam kong alam niya kung gaano kabilis ang paghahabol ko ng hininga ngayon. By now, alam kong alam niya na mabilis
“Anong niluto mo?” tanong ko matapos kong makapagbihis ng damit. Pinahiram niya ako ng damit niya at boxer na hindi pa nasusuot. “Akala ko ba mag date tayo?” tinaasan ko siya ng kilay. “You want to date me?” Ngumuso ako. “Hindi ba pwede?” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Hindi ka natatakot?” Humilig ako sa mesa at tumitig sa kaniya. “May dapat ba akong katakutan?” Tumaas ang sulok ng labi niya at nilagay sa plato ang pasta na niluluto niya. Gustom na ako. Hindi ako nakakain ng maayos kanina. “The last time, you were so afraid dahil ayaw mong malaman ni mama,” Hindi ako sumagot. Pareho pa rin naman ngayon ang stand ko. Ayaw kong malaman ni attorney ang tungkol sa amin ni Rod. “And now, hindi ka makapagsalita?” nanghahamon na aniya, pinipigilan huwag matawa. Lumabi ako nang makita ang kislap sa mga mata niya. “My cloth looks good on you,” aniya at nilapit sa akin ang pasta. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakat kaya ang dibdib ko sa damit niya. Umupo siya sa harapan ko at nakan
“Masakit pa ba?” tanong ko habang nakahawak sa pisngi ni Rod. Umiling siya. “Nakita mo kanina?” Tumango ako. “I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin dahil pakiramdam ko kasalanan ko lahat bakit siya nasampal. “Hindi mo naman kasalanan,” ang sabi niya. Hindi ako sumagot. Guilty pa rin ako at alam kong malakas ang sampal na natamo niya kanina sa papa niya. “Let’s not talk about that old hag. So can you tell me about your life? Iyong kayo ng mama niyo?” Tinawag pa talaga niyang old hag ang papa niya. Kakaiba talaga ang talent nitong ni Rod. “Hmm.. Wala namang ganap masyado sa buhay ko maliban sa scholar ako, at hindi ko nakilala ko ang papa ko.” “Really?” tanong niya. Tumango ako. I haven’t meet papa even once. “Mama remarried again na tinatawag kong tito but namatay na siya,” “Why?” Naalala ko noong grade 8 ako. Tanda ko pa kung paano ako iligtas ni tito. “Because he saved me.. a-ano..matulog na tayo,” ang sabi ko cause I’m not really comfortable talking about him. Tito Leon
“Ms. Yana,” nag-angat ako nang tingin kay Miss Tanya. “Can you go to the ground floor? Pakikuha ang pagkaing inorder ko para kay sir Rod and Ms. Clarissa.” Napatingin si Rod sa akin. Alam kong aangal siya kaya tumayo na ako bago pa man siya may masabi. “Rod, can we go out later? I ask your dad about it and pumayag siya.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Rod. Lumabas na ako ng opisina. Sobrang clingy ni Clarissa sa kaniya. Rinig ko ang mga harutan niya kay Rod. Alam kong panay ang tingin ni Rod sa akin kaya iniiwasan kong huwag silang tignan dahil baka mahalata pa ako ni Miss Tanya. Kinuha ko na ang order sa grab driver at bumalik. Wala akong lunch. Pagbalik ko sa opisina niya, nakita ko si Clarissa na pinaglalaruan ang dibdib ni Rod na ngayon ay naiinis dahil hindi siya maka focus sa pagsusulat. “Miss Tanya, heto na po..” Kinuha ni Miss Tanya sa akin ang mga pagkain at pinagkunutan ako ng noo. “Ikaw? May lunch ka ba?” Ramdam ko ang titig ni Rod sa ‘kin and I tried my best n
“Ka-klase mo ba iyang si Symon, hija?” nakangiting tanong ni attorney. Tinanaw ko si Symon na kausap sina Junisa na hindi na pumunta dito at umalis na dahil natatakot silang makaharap si chairman. Kahit ako dito ay hindi na makahinga. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao sa kabilang table. “Hindi po,” magalang na sagot ko. “I see. So you went out and had a lunch date together?” Nagbaba ako nang tingin. Expect ko nang ito nga ang iniisip nila attorney… na may something sa amin ni Symon kahit na wala naman. “Kasama po namin kanina ang dalawang ka klase ko po, attorney. Isa doon ay pinsan ni Symon na si Junisa.” “Oh. Iyong anak ni Julie?” tumango ako. “Opo,” Hindi na nakapagsalita si attorney dahil bumalik si chairman at Symon na katatapos lang tawagan ang pamilya niya. “Nakapag-paalam na po ako kina dad,” ang sabi niya kina chairman. Tumango si chairman sa kaniya. “Martin, what do you like to drink?” ang tanong ni attorney sa ex-husband niya. Hindi ko alam paano ko sila ilal
“Talaga bang hindi mo crush si Symon?” tanong ni attorney nang papasakay na kami sa sasakyan nila. Ramdam kong natigilan si Rod sa tabi namin. Umuusisa sa amin ng mama niya. “May nililigawan pong iba si Symon, attorney,” sagot ko habang nakatingin kay Rod “Naku! Baka nahihiya ka lang na magsabi sa akin, hija,” sabi niya. Si Rod ayun, nakasimangot na sa mama niya. “Bakit ba pinagpipilitan mo siya sa onggoy na iyon, ma?” napangiti ako ng palihim sa tinawag niya kay Symon. Sorry, Sy. “Ano namang masama doon anak? Syempre, matutuwa ako kung mag click sila no’ng batang Lapesigue. Gwapo, mayaman, matalino, at magalang.” “May mali na ba sa mata mo ma? Saan ang gwapo doon?” naiinis na tanong ni Rod. Natawa si attorney sa kaniya. He’s so visible. Malalagot talaga kami kung mapansin ito ni attorney. “Anak naman, normal lang talaga sa ina na matuwa pag ang dalaga nila ay napunta sa karapat dapat na lalaki. I’m sure Marcha na matutuwa si Viriginia sa kalagayan mo ngayon.” Inis na sinirado