I feel you, March. Madaling ma attach sa tao.
“Masakit pa ba?” tanong ko habang nakahawak sa pisngi ni Rod. Umiling siya. “Nakita mo kanina?” Tumango ako. “I’m sorry,” paghingi ko ng paumanhin dahil pakiramdam ko kasalanan ko lahat bakit siya nasampal. “Hindi mo naman kasalanan,” ang sabi niya. Hindi ako sumagot. Guilty pa rin ako at alam kong malakas ang sampal na natamo niya kanina sa papa niya. “Let’s not talk about that old hag. So can you tell me about your life? Iyong kayo ng mama niyo?” Tinawag pa talaga niyang old hag ang papa niya. Kakaiba talaga ang talent nitong ni Rod. “Hmm.. Wala namang ganap masyado sa buhay ko maliban sa scholar ako, at hindi ko nakilala ko ang papa ko.” “Really?” tanong niya. Tumango ako. I haven’t meet papa even once. “Mama remarried again na tinatawag kong tito but namatay na siya,” “Why?” Naalala ko noong grade 8 ako. Tanda ko pa kung paano ako iligtas ni tito. “Because he saved me.. a-ano..matulog na tayo,” ang sabi ko cause I’m not really comfortable talking about him. Tito Leon
“Ms. Yana,” nag-angat ako nang tingin kay Miss Tanya. “Can you go to the ground floor? Pakikuha ang pagkaing inorder ko para kay sir Rod and Ms. Clarissa.” Napatingin si Rod sa akin. Alam kong aangal siya kaya tumayo na ako bago pa man siya may masabi. “Rod, can we go out later? I ask your dad about it and pumayag siya.” Hindi ko na hinintay ang sagot ni Rod. Lumabas na ako ng opisina. Sobrang clingy ni Clarissa sa kaniya. Rinig ko ang mga harutan niya kay Rod. Alam kong panay ang tingin ni Rod sa akin kaya iniiwasan kong huwag silang tignan dahil baka mahalata pa ako ni Miss Tanya. Kinuha ko na ang order sa grab driver at bumalik. Wala akong lunch. Pagbalik ko sa opisina niya, nakita ko si Clarissa na pinaglalaruan ang dibdib ni Rod na ngayon ay naiinis dahil hindi siya maka focus sa pagsusulat. “Miss Tanya, heto na po..” Kinuha ni Miss Tanya sa akin ang mga pagkain at pinagkunutan ako ng noo. “Ikaw? May lunch ka ba?” Ramdam ko ang titig ni Rod sa ‘kin and I tried my best n
“Ka-klase mo ba iyang si Symon, hija?” nakangiting tanong ni attorney. Tinanaw ko si Symon na kausap sina Junisa na hindi na pumunta dito at umalis na dahil natatakot silang makaharap si chairman. Kahit ako dito ay hindi na makahinga. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao sa kabilang table. “Hindi po,” magalang na sagot ko. “I see. So you went out and had a lunch date together?” Nagbaba ako nang tingin. Expect ko nang ito nga ang iniisip nila attorney… na may something sa amin ni Symon kahit na wala naman. “Kasama po namin kanina ang dalawang ka klase ko po, attorney. Isa doon ay pinsan ni Symon na si Junisa.” “Oh. Iyong anak ni Julie?” tumango ako. “Opo,” Hindi na nakapagsalita si attorney dahil bumalik si chairman at Symon na katatapos lang tawagan ang pamilya niya. “Nakapag-paalam na po ako kina dad,” ang sabi niya kina chairman. Tumango si chairman sa kaniya. “Martin, what do you like to drink?” ang tanong ni attorney sa ex-husband niya. Hindi ko alam paano ko sila ilal
“Talaga bang hindi mo crush si Symon?” tanong ni attorney nang papasakay na kami sa sasakyan nila. Ramdam kong natigilan si Rod sa tabi namin. Umuusisa sa amin ng mama niya. “May nililigawan pong iba si Symon, attorney,” sagot ko habang nakatingin kay Rod “Naku! Baka nahihiya ka lang na magsabi sa akin, hija,” sabi niya. Si Rod ayun, nakasimangot na sa mama niya. “Bakit ba pinagpipilitan mo siya sa onggoy na iyon, ma?” napangiti ako ng palihim sa tinawag niya kay Symon. Sorry, Sy. “Ano namang masama doon anak? Syempre, matutuwa ako kung mag click sila no’ng batang Lapesigue. Gwapo, mayaman, matalino, at magalang.” “May mali na ba sa mata mo ma? Saan ang gwapo doon?” naiinis na tanong ni Rod. Natawa si attorney sa kaniya. He’s so visible. Malalagot talaga kami kung mapansin ito ni attorney. “Anak naman, normal lang talaga sa ina na matuwa pag ang dalaga nila ay napunta sa karapat dapat na lalaki. I’m sure Marcha na matutuwa si Viriginia sa kalagayan mo ngayon.” Inis na sinirado
“You’ve been flirting so much now, Rod,” nakasimangot na sabi ko. Tumawa siya at sinubuan ako ng apple na hiniwa niya kanina. “Kanino naman ako nakikipag-flirt?” he teasingly said. Nakatutok ang siko niya sa sandalan at ako ang pinapanood imbes na ang TV. “Sa akin,” namumulang sabi ko. Humalakhak siya. Sa sobrang hiya na nararamdaman ko ay tinago ko ang mukha ko sa unan. “Damn. Don’t do that. You look so adorable,” komento niya kaya mas lalo akong nahiya. “Hindi ako maka concentrate sa pinanood natin,” nakangusong sabi ko. Paano ba naman kasi, itong si Rod, kakalabit bigla, biglang nanghahaIik at kung anu-ano pang mga kaland!an ang naiisip. “Ayaw mong nilaland! ka?” Ngumuso ako. Uminit ang pisngi ko dahil alam ko ang sagot sa tanong niya. “G-Gusto,” sabi ko sabay iwas nang tingin. Tumawa siya ulit. Kanina pa niya ako pinagti-tripan e. “Hindi talaga ako magsasawa sa ‘yo, baby..” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin sa kaniyang nakangiti sa akin. Nangingig na ang la
“Kain ka pa,” sabi ni Symon at inabot sa akin ang meat crab galing sa King crab. Nagmumukbang yata kaming dalawa ngayon. “Ikaw? Busog ka na?” ang sabi ko nang mapansin na hindi man lang niya masiyadong ginagalaw ang pagkain niya. Ngumiwi siya at sinilip si Rod sa lamesa nina chairman gamit ang wine glass. Pinapanood niya ang reflection ni Rod gamit ang baso. “Tingin mo makakalunok ako?” Nakagat ko nang mariin ang labi ko sa sinabi niya. Kanina pa nakatitig sa amin si Rod. Iyong mata niya ay parang lawin na binabantayan ang galaw ng kalaban. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niyang tinitignan ko siya. “Normal lang naman siyang nakatingin, Sy,” sabi ko. “Sa’yo, normal lang, sa akin hindi.” Lumingon ulit ako kay Rod and this time, nahuli ko siyang sinamaan nang tingin ang likuran ni Symon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Ako: Quit killing him with your stares. Tumingin ulit ako sa gawi niya at kunot noo na siyang nagtitipa sa cellphone niya habang ang dalawang m
Pagdating namin ng Seven Seas, bumungad sa amin ang ilang mga tao na nag overnight din dito. Si Rod na ang nag-asikaso sa cottage namin. May pagkain rin kami mula sa drive thru, tama lang total uuwi rin naman kami mamaya dahil may work pa. “Rod, pasama ako,” sabi ko dahil balak kong magpalit ng swimwear kaya lang may mga lalaking lasing sa unahan na sa tingin ko ay ka edad ko lang. “Huwag ka na kaya mag swimsuit?” Natatawa akong lumapit sa kaniya. “Anong huwag na?” “Nagsisisi ako kung bakit pa ako bumili no’n e,” nakasimangot na aniya. “Halika na! Samahan mo na ako magpalit,” sabi ko. Napipilitan siyang tumayo para samahan ako magpalit ng swimwear. Maraming mata ang nakasunod sa amin. Iyong ilan sa kanila ay kababaihan na nakatitig kay Rod. Sumimangot ako. Ba’t ba kasi ang gwapo ng isang ito? Humawak ako sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Pumunta ang tingin niya sa kamay kung saan ay hawak ko at ngumiti siya… kinikilig. Tinaasan ko siya ng kilay. “That’s your bigge
Nakauwi na kami sa bahay niya. Hindi niya ako kinikibo. Dumiretso siya sa banyo sa kabilang kwarto habang ako ay naliligo na sa bathroom niya. Nang matapos, nagbihis ako at hinintay siya na makabalik sa kwarto ngunit hindi siya bumalik. Tatlong oras akong naghintay at alas dose na ng gabi pero wala pa rin siya. Humiga nalang ako at sinubukang matulog. Kinabukasan, maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin. Paglabas ko ng kwarto, napatingin ako sa kabilang room kung saan sa tingin ko ay naroon siya natutulog. Naalala ko ang sinabi ni Junisa tungkol sa ate Savy niya. Tinanong ko ang sarili ko kung may nagbago ba sa pagtingin ko sa kaniya, pero wala. Wala talaga kahit pagkamuhi, wala. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Rod sa ate ni Symon, kung ano man yun, gusto ko pa rin yata siya. Pagpunta ko ng kusina, nilabas ko na sa ref lahat ng lulutuin. Iyon lang madaling lutuin. Gusto kong bumawi kay Rod. Madali lang naman magsaing, magprito ng itlog at hotdog kaya sinunod k