Thank you for reading this story po.
“Kain ka pa,” sabi ni Symon at inabot sa akin ang meat crab galing sa King crab. Nagmumukbang yata kaming dalawa ngayon. “Ikaw? Busog ka na?” ang sabi ko nang mapansin na hindi man lang niya masiyadong ginagalaw ang pagkain niya. Ngumiwi siya at sinilip si Rod sa lamesa nina chairman gamit ang wine glass. Pinapanood niya ang reflection ni Rod gamit ang baso. “Tingin mo makakalunok ako?” Nakagat ko nang mariin ang labi ko sa sinabi niya. Kanina pa nakatitig sa amin si Rod. Iyong mata niya ay parang lawin na binabantayan ang galaw ng kalaban. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niyang tinitignan ko siya. “Normal lang naman siyang nakatingin, Sy,” sabi ko. “Sa’yo, normal lang, sa akin hindi.” Lumingon ulit ako kay Rod and this time, nahuli ko siyang sinamaan nang tingin ang likuran ni Symon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya. Ako: Quit killing him with your stares. Tumingin ulit ako sa gawi niya at kunot noo na siyang nagtitipa sa cellphone niya habang ang dalawang m
Pagdating namin ng Seven Seas, bumungad sa amin ang ilang mga tao na nag overnight din dito. Si Rod na ang nag-asikaso sa cottage namin. May pagkain rin kami mula sa drive thru, tama lang total uuwi rin naman kami mamaya dahil may work pa. “Rod, pasama ako,” sabi ko dahil balak kong magpalit ng swimwear kaya lang may mga lalaking lasing sa unahan na sa tingin ko ay ka edad ko lang. “Huwag ka na kaya mag swimsuit?” Natatawa akong lumapit sa kaniya. “Anong huwag na?” “Nagsisisi ako kung bakit pa ako bumili no’n e,” nakasimangot na aniya. “Halika na! Samahan mo na ako magpalit,” sabi ko. Napipilitan siyang tumayo para samahan ako magpalit ng swimwear. Maraming mata ang nakasunod sa amin. Iyong ilan sa kanila ay kababaihan na nakatitig kay Rod. Sumimangot ako. Ba’t ba kasi ang gwapo ng isang ito? Humawak ako sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Pumunta ang tingin niya sa kamay kung saan ay hawak ko at ngumiti siya… kinikilig. Tinaasan ko siya ng kilay. “That’s your bigge
Nakauwi na kami sa bahay niya. Hindi niya ako kinikibo. Dumiretso siya sa banyo sa kabilang kwarto habang ako ay naliligo na sa bathroom niya. Nang matapos, nagbihis ako at hinintay siya na makabalik sa kwarto ngunit hindi siya bumalik. Tatlong oras akong naghintay at alas dose na ng gabi pero wala pa rin siya. Humiga nalang ako at sinubukang matulog. Kinabukasan, maaga akong nagising para magluto ng breakfast namin. Paglabas ko ng kwarto, napatingin ako sa kabilang room kung saan sa tingin ko ay naroon siya natutulog. Naalala ko ang sinabi ni Junisa tungkol sa ate Savy niya. Tinanong ko ang sarili ko kung may nagbago ba sa pagtingin ko sa kaniya, pero wala. Wala talaga kahit pagkamuhi, wala. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Rod sa ate ni Symon, kung ano man yun, gusto ko pa rin yata siya. Pagpunta ko ng kusina, nilabas ko na sa ref lahat ng lulutuin. Iyon lang madaling lutuin. Gusto kong bumawi kay Rod. Madali lang naman magsaing, magprito ng itlog at hotdog kaya sinunod k
(Present Day) “Mama, ayaw ko po muna mag school,” “AJ, hindi pwede anak. Iyong mga kuya mo, nag-aaral na, kaya hindi pwede na hindi ka kasama.” Si BJ, CJ, DJ, and EJ ay nasa school na. Kindergarten na at buti ay teacher nila doon si Karen kaya kampante akong iwan sila. “Pero mama, may sick pa po ako.” Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa anak kong nakanguso na. She’s making excuses. “Hindi ba ang sabi ni mama na kailangan niyong magschool? Saka wala ka ng lagnat anak.” “Yes mama buuut pwede ba next year na?” Natatawa akong lumuhod sa harapan niya. Hindi siya nakasama no’ng pasukan dahil nilalagnat pa siya. Kaya heto at binibilhan ko siya ng uniform niya dahil magaling na siya. Nasa mall kami para maghanap ng uniform na babagay sa kaniya. “Hindi pwede, Alexa Jane. Mahuhuli ka sa mga kuya mo.” Ngumuso siya at humawak ng mahigpit sa kamay ko. Akala ko tatahimik na siya pero mali ako. “Mama, bakit ako lang po ang girl sa amin lima?” tanong niya bigla. May mga bagay talaga
“Hija, kamusta ka na? Bakit bigla kang nawala sa Cagayan de Oro?” tanong ni Attorney. Nasa Milktea Avenue kami. “Ah- nag abroad po ako attorney. Pasensya na po,” sabi ko sa kaniya at bumaba ang paningin sa mga kamay ko. Hindi ko kayang magsinungaling. Napatingin ako sa phone ko at nabasa ang text ni Karen. Karen: Kanina, muntik ko ng banggitin ang apelyido no’ng apat mabuti nakita ko si attorney paparating. Nakausap niya kanina si CJ. Pero mukhang hindi naman siya nagduda na may ugnayan sa’yo ang bata. Napatingin ako kay attorney na nakatingin sa cellphone ko. Agad ko itong pinatay. “Ano palang ginagawa mo sa school kanina?” Napalunok ako at naghanap agad ng rason. “May lakad po kasi kami ni Karen,” sagot ko. Tumango siya. “Hindi ba may klase, half day lang ba siya kaya may time siya makagala?” Napapikit ako at hindi na sumagot. I must be careful. Isang attorney ang kaharap ko. “Sino iyong mga bata kanina?” “P-Po?” “Ah—wala. Kanina kasi, I took a glimpse of four children
“Mama, DJ doesn’t want to give me my toy!” reklamo ni BJ. “Daniel, bakit ayaw mong ibigay kay Blake ang laruan niya?” “But mama, hiram lang naman ako.” “DJ, you have your toy,” sabat ni CJ short for Cam James, sa kapatid. Elias James in short, EJ. Daniel James, DJ. Cam James, CJ. Blake James naman sa BJ. And our princess is Alexa Jane, in short, AJ. Sinunod ko ang boys sa ama nila na Rodie James. Hindi ko alam anong nakain ko na kahit pa gaano kasakit ang naranasan ko kay Rod, gusto kong isunod ang pangalan ng mga anak namin sa kaniya. “Fine, here..” Nakangusong sabi ni DJ kay Blake. Napailing ako at pinagpatuloy ang pagtitipa ko sa laptop para sa Realistic Fiction na pinapagawa ng client from US. “Mama, can you look at my assignment?” tanong ni EJ sabay pakita sa akin ng assignment niya. “Elias, anak.. si tita ninang na magchi-check,” sabi ni Karen habang binababa ang mga gatas para sa mga bata. Dito na rin siya matutulog sa bahay ni Eya. “Nagta-trabaho ka pa rin?” “Kai
“Saang room, Eya?” tanong ko habang binabaybay ko ang daan papasok ng hospital na pinagdalhan kay Rod. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko dahil baka mabitawan ko ito sa panginginig. Matapos niyang sabihin sa akin kanina na naaksidente si Rod, namalayan ko nalang ang paa ko na nasa tapat ng hospital. “Hindi ko alam, March. Teka tatanungin ko si Bal.” Nngunit nakita ko agad si attorney na nagmamadaling pumasok ng hospital kaya pinatayan ko na ng tawag si Eya para sundan si attorney Manilou. Nakarating kami sa OR pero hindi ako nagpakita kaagad dahil nadatnan ko doon si Clarissa na umiiyak habang sinasampal siya ni attorney. “Kapag mag nangyaring masama kay Rod, ipapakulong kita!” Iyon ang banta ni attorney na narinig ko. Sumandal ako sa dingding at nagtago. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko habang iniisip ang kalagayan ni Rod sa Operating Room. Sumilip ako ulit at nakita si Clarissa na umiiyak habang paalis. Nagtago ako muli at saka lang sumilip nang malagpasan niya ak
“Attorney, ano.. nandito po kayo?” hilaw ang ngiti ko at hindi na mapakali sa kinatatayuan. Mabuti at hindi sila nagpang-abot ng mga anak ko. “Akala ko nasa malayo ka nakatira e ang lapit mo lang pala sa bahay ni Rod,” nakangiting sabi ni attorney. “Paano niyo po nalaman na dito ako nakatira?” “Nong isang araw pa kita hinahanap. Pumunta ako sa bahay ni Karen, akala ko kasi naroon ka malapit sa kaniya nakatira buti may kapit-bahay niya na nagturo kung saan ka nakatira.” Nanlaki ang mata ko. Lumingon ako sa bahay, at mabuti nalang dahil wala na ang mga bata pero magtataka si attorney oras na pumasok siya at makita niya na maraming gamit pang bata sa loob. “M-May kailangan po kayo sa akin, attorney? Pwede niyo naman po ako tawagan.” “Ay iyon na nga hija. Na misplace ko yata ang cellphone ko dahil hindi ko na makita saan iyon.” Tumango ako. “May gagawin ka ba? Pwede ba kitang makausap?” Nag-aalangan ako, tumingin ako sa kaniya at nakita siyang sumisilip sa bahay ko. “Pwede po ba