Share

Chapter 2

Hindi ako lumabas buong magdamag matapos kong bigyan ng tubig si Rod. Nakatulog siya sa couch matapos ko siyang balikan.

Naging matiwasay naman ang buhay ko sa loob ng isang linggo. Nag-aaral ako sa isa sa prestigious school dito sa Cagayan de Oro sa harapan ng Lifestyle District.

Matapos ng klase, dumiretso ako sa katabing mall na walking distance lang sa pinapasukan ko. Hindi ako makapili ano ang bibilhin kong inumin. Binigyan naman ako ni attorney ng pera, baon ko at malaking halaga ito.

Hindi naman niya problema ang pagpapaaral sa akin dahil bayad na ako sa tuition dahil scholar ako ng skwelahan. Kaya medyo busy ako at kailangan kong sumasali sa events bilang bayad sa pagpapaaral sa akin.

Papunta ako ng fourth floor para makakain nalang kahit ng Beef Siopao pero sa railings sa itaas, nakita kong nakadungaw sa akin si Rod. Sa tabi niya naroon ang isang magandang babae na nagsasalita sa tabi niya.

Panay tango lang siya habang nakatitig sa akin. Kinakabahan ako kaya binaling ko nalang sa harapan ang paningin ko. Nakasakay ako sa escalator at parang gusto ko nalang bumaba kahit na paakyat ako.

Tumingin ako sa likuran at marami ng nakasunod sa akin plus naroon pa si Symon, ang crush ko kasama ng mga barkada niya. Nakasuot sila ng pang marine na uniform.

Nagbalik tingin ako sa harapan at baka madisgrasya pa ako. Hindi ko alam kung bababa ba ako ulit pero magmumukha lang akong tanga sa harapan ni Rod kaya taas noo akong pumunta ng food court at nagkunwaring hindi siya kilala.

Maingay sila Symon sa likuran. They were all talking about this girl na famous sa nursing department. Boys…

Pumunta na ako ng counter at umorder ng Siopao at coca cola. Matapos kong magbayad, umupo ako sa bakanteng mesa.

I don’t like to share tables to anyone pero dahil medyo maraming tao, I’m pretty sure may tatabi sa akin mamaya.

I was about to eat my Siopao ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Napatigil ako ng matunugan ang boses ni Symon.

“Are you alone?” he asked showing me his complete set of teeth na para bang model ng toothpaste. Gusto kong pumikit when I smelled his scent. Good in nose. I like it.

“Hey sister,” hindi ako nakasagot when Rod voice echoed between me and Symon. Sabay kaming napatingin sa kaniya ng bigla niya akong inakbayan at umupo sa tabi ko.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. What is he doing?

“I’m sorry.. I didn’t know may kasama ka pala,” sabi ni Symon at napapahiyang umalis kasama ng mga kaibigan niya.

Nang mawala sila sa harapan ko, bumaling ako kay Rod. His death glare thrown to me. I gulped. What did I do wrong?

“You should focus on your study. Ayaw kong winawaldas mo ang pera ni mama sa walang kabuluhang bagay.” Aniya at napatingin sa labi ko—or I just assumed things?

Dahan-dahan akong tumango. Hindi naman siguro masama bumili ng pagkain galing sa pera na bigay ng mama niya?

“Good,” he coldly said at kinuha ang siopao ko saka kinagatan ito.

“Ubusin mo yan. Sayang ang pera,” aniya at umalis dala ang suitcase niya. Napatingin ako sa siopao na kinagatan niya.

For some reason, nablangko ang utak ko at parang nababaliw na yata ako. Ewan. Hindi ko na alam.

Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko ang sasakyan ni Rod sa labas.. May kahalikan na naman siyang iba. Kumunot ang noo ko.

Ilan ba ang babae niya? Is he like this? A playboy?

Hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy ako sa pagpasok ng bahay.

“Hello hija. How’s school?”

Nagulat ako nang makita si attorney na nasa couch at nag ri-review. May bago siguro siyang kaso na hawak niya  ngayon.

“Hello po attorney. Ayos lang naman po,” ang sabi ko.

“Hindi ba sa second sem ay OJT niyo na? May plano ka na bang applyan?”

Umiling ako. “Wala pa po. Magpapasa pa lang po ng resume siguro before the first semester ends.”

“Naku huwag na hija. Your kuya Rod can help you. He’s the acting CEO of his father’s business. Pwede ka niyang ipapasok sa kumpanya niya.”

Agad na nag react ang utak ko lalo na nong maalala na may kahalikan siya sa labas. Hindi ko yata kaya makita ang araw araw na ganoon. That’s so displeasing in the eyes.

But who am I to say NO? Nakakahiya naman kay attorney. Siya na nga ang nag offer, tatanggi pa ako.

“Thank you po attorney,” ang sabi ko nalang at nagpaalam na papasok na sa kwarto ko.

Long day, tiring one.

Nang dinner na, pinatawag ako ni Attorney Manilou para sabay sabay na kumain. Of couse, Rod is there smirking at me kaya heto at naiilang na naman ako.

Tahimik lang akong kumakain while Rod was being scolded by his mother. Ayan, nahuli kasing may ibang babae na kinakanti sa kahit saan.

I wonder if he has AIDS. I mean, hindi na ako magtataka kung araw-araw siyang iba ang kinakama niya. Hindi ako naniniwalang hanggang kiss lang. It’s more than that.

Ginawa ko lang ang PT ko at alas diez na ako natapos. Dahil nauhaw ako, bumaba ako para uminom ng tubig. I’m just praying the Rod isn’t there dahil baka mahimatay ako.

Naghihestirikal talaga ako kung nakikita ko siya. Naalala ko pa ang Siopao kanina. I eat that but I left the part kung saan may kagat niya. Baka mamaya may virus yun.

Papaliko na ako sa kusina pero tumigil ako sandali. Sumilip muna ako sa loob at nang makita na wala siya ay nakahinga ako ng maluwag.

“You looked relieved,”

Napasigaw ako sa bulong ni Rod sa tenga ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Nilagay niya ang kamay niya sa bibig ko to shut me up!

“What are you peeking at?”

“N-Nothing,”

Tinaasan niya ako ng kilay at saka niya ibinaba ang kamay niyang nakatabon sa bibig ko.

“Hmm…” Aniya na hindi naniniwala sa nothing ko.

“Are you looking for me?” nakita ko ang kakaibang kislap sa mata niya.

Agad akong kinabahan at parang nanuyot ang lalamunan ko habang nakatingin sa mga labi niyang kagat na niya ngayon.

I want to escape but his grips pushed me to stay.

“Tell me… hinahanap mo ba ako ah?”

Gusto ko ng umalis cause I know, anytime by now, manginginig na ako sa kaba dahil sa kaniya. I don’t know what Rod done to me.

Kailangan ko na yatang magpatawas dahil baka ginamitan niya ako ng kung ano.

How can he do this to me?

“Did I make you uncomfortable?” aniya at binitawan ako. Sumandal siya sa dingding at pinagkrus ang kamay sa kaniyang dibdib. Tinitigan niya ako ng mabuti.

Gusto kong labanan ang titig niya but I got intimidated. I cursed myself. This is so unfair.

Umiling siya at tumalikod para umalis. At swear to God, doon lang ako nakahinga ng maluwag ng mawala siya sa paningin ko. His presence can take my breathe easily. What the hell?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nikki Ababat Dongon
nice story
goodnovel comment avatar
Nemia Buid
nakakatakot nmn tong SI Rod mukhang manyakis
goodnovel comment avatar
Claire Grant Sieverding
When will this be in ENGLISH ???
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status