Share

Chapter 1

“Come and take a look of my house, Marcha. From now on, ito na ang bahay mo ah?” nakangiiting tugon sa akin ni Attorney Manilou habang nililibot ako sa bahay nila.

“A-Ano po…Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin dito,” ang sabi ko.

“Don’t mention it. Your mom and I are very close friends dati. By the way, I’m so sorry for your loss,” mahinahong sabi niya.

Kamamatay lang ni mama no’ng nakaraang linggo at wala akong malilipatan dahil wala naman akong ibang kaanak maliban sa kaniya.

“Ayos lang po,” ang sabi ko.

“Halika, baka gutom ka na..” Ang sabi niya sa akin at hinila ako papasok sa kusina nila.

Naabutan ko doon ang isang lalaki na matanda lang yata sa akin ng dalawang taon.

21 na ako at huling year nalang makaka-graduate na sa business ad kaya alam kong hindi ako magtatagal sa bahay na ito.

Nagkatinginan kami nong lalaki na sa tingin koy anak ni Attorney.

“Andito ka pala Rod,” ang sabi ni attorney. Rod ba ang pangalan niya?

Nagkatinginan kami sa mata. Bahagya akong nagulat at nailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“How’s your work?” ang tanong ni attorney.

“Dad is so stiff. He wanted me to take over his company.”

“Mabuti nalang wala silang anak ng kabit niya at nag-iisang tagapagmana ka pa rin. Anyway, this is March Yana.. From now on dito na siya titira,”

Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at alam ko at ramdam ko ang pagkailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

“Halika Marcha, sabayan natin si Rod sa pagkain—ah yes, he’s my only son, Rodie James Chavez.”

Magalang akong yumuko sa harapan niya at umupo sa tabi ni attorney. Halos hindi ako makatingin kay Rod dahil ramdam ko ang pagkadigusto niya sa presensya ko.

Matapos naming kumain—hindi ko alam kung nakakain nga ba ako, ay hinatid ako ng katulong sa matutuluyan ko. Sandali akong tulala sa kwarto habang hindi na alam ang gagawin.

Iniisip ko, kung aalis ko, saan ako titira? Kung kukuha ako ng boarding house, wala naman akong pera.

Napabuntong hininga nalang ako.

Humiga ako sa kama at naidlip ng konti. Pagkagising ko, lumabas ako para sa uminom ng tubig. Malalim na ang gabi at madilim na ang buong bahay.

Iidlip lang dapat ako pero mukhang tuluyan akong nakatulog ng hindi ko sinasadya.

Pagpasok ko sa kusina, nadatnan ko si Rod sa upuan habang may sigarilyo sa kamay at may alak sa harapan. Napalunok ako at agad tumalikod.

“Upo,” mahinahon ang pagkakasabi niya pero para na akong hihimatayin sa kaba.

Dahan-dahan akong umupo sa harapan niya. Alanganin akong ngumiti ngunit siya ay seryoso lang ang tingin sa akin na para bang hindi niya nagugustuhan ang presensya ko.

“Where the hell are you from?”

“Sa Salay po,” doon ako sa Salay nakatira.

“Ang layo,” aniya habang nakangisi. Nagbaba ako ng paningin.

“How long have you known my mother?”

“Nitong nakaraang buwan lang po k-kuya,” kinakabahan kong sabi.

“Why are you calling me kuya? Hindi kita kapatid,” sabi niya at binugahan ako ng usok mula sa sigarilyo. Nakamot ko ang ilong ko at pinigilang huwag huminga para hindi ko malanghap ang usok.

“March Yana is really your name?”

Tumango ako.

“How old are you?”

“21,”

Tumango siya.. Nakita kong pinatay niya ang sigarilyo niya at uminom naman siya ng alak. Nang tumingin siya sa akin, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog nito. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin.

“I hate you,” ang sabi niya.

Napalunok ako. Bakit naman?

“Umalis ka na,” malamig na sabi niya. Tumango ako at tumalikod saka nagmamadaling umalis. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero mas hindi ko siya maintindihan bakit ayaw niya sa akin.

Kinabukasan, naligo muna ako bago ako bumaba. Nakita ko agad si attorney dala ang suit case niya.

“Good morning Marcha, dito ka lang muna ah. Mamaya pa ako ng gabi makakauwi. Don’t worry, your kuya Rod will stay here.” Aniya at ngumiti sa akin.

Tumango ako sa sinabi niya at hinatid siya sa labas papasok ng sasakyan niya.

Ngayon na kami lang ni Rod ang naiwan, bigla na naman akong kinabahan.

Pagpasok ko ng bahay, nagulat ako nang makita si Rod na nasa sofa, nakaupo habang ang katulong na ka edad niya ay nakapatong sa kandungan niya at naghahaIikan ang dalawa.

Napasinghap ako kaya napatingin sila sa akin. Napatalikod ako bigla sa nakita.

“Nakaalis na ba si mama?” ang tanong niya.

“O-Opo,” kinakabahan kong sabi.

Such indecent. Para akong nakakita ng multo sa nasaksihan kanina. I’ve seen that in movie pero hindi ko inaasahan na pati katulong pinapatos niya, it’s a different story. Totally different.

“Sa kwarto lang po ako,” aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

“Let’s eat,” aniya. Napalunok ako at agad nagprotesta ang kalooban ko. Hindi yata ako makakakain habang iniisip ang nangyaring haIikan nilang dalawa kanina.

Pero nakakatakot ang boses ni Rod, sumunod ako sa kaniya sa kusina.

Para akong isang hostage sa harapan niya. Kinabahan talaga ako. Hindi ko siya matingnan sa mata.

“May boyfriend ka?” bigla akong napatuwid ng upo sa biglaang sinabi niya. Umiling ako.

“W-Wala po,”

“So hindi ka pa nahaIikan?” ang tanong niya. Bakit? Required ba na dapat mahaIikan na?

Hindi ako sumagot pero alam kong sa itsura ko ay alam na niya ang sagot sa tanong niya.

“Anyway, si mama, busy yun mamaya. Bukas pa yun uuwi,” aniya.

“P-Po?” kinakabahan kong sabi.

“Yes. Bukas pa siya uuwi at uuwi lahat ng mga katulong dito dahil rest day nila lahat bukas at sa linggo that means…” sinadya niyang putulin ang sasabihin niya.

Kinilabutan ako sa titig at boses niya. Ayaw kong marinig ang susunod pang sasabihin niya.

Nakita kong sumilay nag nakakaloko niyang ngiti bago siya tumayo at iniwan akong tulala at kinakabahan. Napatingin ako sa plato niyang halos hindi niya nagalaw.

Binilisan ko nalang ang pagkain dahil plano kong magkulong sa kwarto ko buong araw at buong magdamag.

Kinagabihan, totoo nga ang sinabi niya dahil tumawag si attorney sa akin na hindi makakauwi dahil a friend asked her out. At iyong mga katulong naman ay umuwi na kanina pa alas singko.

Alas siete na ng gabi. Binilinan kasi ako ng katulong na matanda na hintayin ko raw si Rod sa pag-uwi dahil walang magbubukas ng gate sa kaniya.

Wala akong nagawa kun’di ang tumango. Ngayon, hindi sa palabas sa TV ang attention ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ang malakas na kulog at kidlat.

Wala pa rin si Rod. Pinatay ko na ang TV at tahimik na hinihintay ang anak ni attorney na hindi ko alam saan nagtungo.

Maya-maya pa, bumisina ng malakas ang sasakyan at nagmamadali akong lumabas para buksan ang gate.

Gumilid ako at pumasok ang sasakyan ni Rod. Nang makapasok na, dali-dali kong nilock ang gate at plano kong pumasok ulit sa kwarto.

Lalagpasan ko na sana ang sasakyan ni Rod nang bigla itong bumukas at tinawag ako.

“Hoy!” Kumunot ang noo ko sa hoy niya. I’m sure pinakilala ako ng mama niya sa kaniya.

“I’m drunk.. Help me gets inside the house,” aniya habang nakasandal sa sasakyan niya.

Nakita ko ang mapupungay niyang mata at mula sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang alak. Bumalik ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya para iakbay sa akin.

“Hmm.. Smell so nice,” nanayo lahat ng balahibo ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi naman niya nilapit ang ilong niya sa akin pero nailang pa rin ako sa komento niya.

Ang lakas ng tib0k ng puso ko. Parang anytime, hihimatayin ako.

“Damn.. my head hurts,” reklamo niya ng bumagsak kami sa couch.

Aalis sana ako para kumuha ng tubig ng hawakan niya ang kamay ko.

“Where are you going?” tanong niya.

“To get a glass of water po,” ang sabi ko.

Tumango siya at kumislap ang mata. “You wanna take care of me?” nakangising sambit niya. Fvck! Why my heart is like this? Nakakabaliw. I should take this note. Huwag lumapit sa kaniya.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bobby Rex Saison
ganda ng story
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
hayyy hindi mabura itong story na ito sa library ko nakakainis babaing nanganak ng lima isang anakan tapus pinaalaga sa ibang tao tapos binalikan ang lalaking nagbigay ng anak sa kanya ang landi ng babaing ito hindi na isip ang anak na marami gusto pa magpaanak olit ng lima subrang landi grabii
goodnovel comment avatar
Iwaswiththestars
Omg ka Rod. Hahahahaha.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status