'Umalis ka na' pero takot pala iwan, Rod, ano?
Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ko na may kung anong bagay ang dumampi sa gilid ng labi ko. Nang magmulat ako ng mata, nakita ko si Rod na mahimbing na natutulog sa hita ko. Nasa sofa pa rin kaming dalawa ngayon. “Rod,” tawag ko sa kaniya. Nagmulat siya ng mata. Akala ko babangon ulit siya, pero nagulat ako ng makitang pumikit ito. Matutulog ulit siya? Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Wala ba siyang plano na tumayo? “Tayo na Rod, magluluto na ako.” Ang sabi ko sa kaniya. Tapos kailangan pa niyang maligo. Nakasimangot ang mukha niya ng umupo siya sa sofa. “Maayos na ang pakiramdam mo?” ang tanong ko. “Wala naman akong sakit,” pagsusungit niya. Ngumuso ako. Balik na naman yata kami sa dati. “Luto ako lomi. Gusto mo?” “Lomi? Not the quick chow, right?” Naitikom ko ang labi ko sa sinabi niya. Naalala pa niya yun? “Masarap naman yung quick chow, ah?” sabi ko, pinipigilang matawa. Ayaw niya sa quick chow. Sinamaan niya ako ng tingin. Natatawa akong lumapit sa kaniya at it
(Back to past) “March, iwan mo na si Rod,” ang sabi ni Juni habang nasa auditorium kami para sa graduation practice. Umiling ako. “Kaya ko pa naman Juni,” “March naman.. Alam mo bang balita na na kabit ka raw ni Rod?” “Sinong nagsabi?” “Narinig kong sabi ni dad,” aniya. Natahimik ako. “Iyon ang pinakalat ni Clarissa.. Mabuti sana kung nag-iingat kayo ni Rod e hindi e. Makikita ko nalang kayo magkasama sa kahit saan e alam mo naman na engage na ang tao at kilalang tao siya.” Tumingin ako sa harapan. Paano ko naman iiwan si Rod? E hindi ko na nga yata kaya mabuhay na hindi siya kasama. “Sabi niya magta-tanan kami,” “WHAT?” gulat na sabi niya. “Pero hindi ako pumayag kasi kung umalis siya, mawawalan siya ng mana.” “Kailan ka niya inaya?” tanong ni Junisa. “A month ago,” tipid na sagot ko. “Oh my God! Nababaliw na si Rod,” para ng maiihi na sabi niya sa akin. Sumasakit na nga ang ulo niya. “Pero alam mo ba Juni na gusto kong sumama sa kaniya,” matapos kong sabihin iyon, bigla
“Paano ka nakarating doon? Sinusundan mo ba kami?” ang tanong ko. “That’s my tita’s coffee shop. Hindi ko alam na doon pala kayo pumunta ng boyfriend mo.” “Anong ginagawa mo doon? Don’t tell naisipan mo lang na pumunta doon?” “Sandali lang,” aniya at hinarap ako. Nakabalik na kami ng boarding house. “Hindi ko kayo sinusundan kung iyan ang naiisip mo. Nagkataon lang na umorder ako ng kape kay tita dahil kailangan ko pang matapos ang project na ginagawa ko para sa isang client.” Nagta-trabaho na siya? Hindi ba studyante pa siya? Napatingin ako sa hawak niya, kape nga. “Nagkataon na walang mag deliver kaya ako na ang pinapunta niya doon. Then nakita kita at si Rod. Since I know what happened to you, kaya tinulungan na kita.” Pinagsingkitan ko siya ng mata. “Bakit? Anong alam mo sa nangyari sa amin?” “That you’re a mistress,” seryoso at walang halong biro na sabi niya. Napaawang ang bibig ko. Kahit pala sa kaniya, umabot iyon. Sabagay, ano bang tawag sa akin? “Right. Mistress ng
(BACK TO PRESENT) “You can walk by yourself now?” “I guess so,” Rod said habang sinusubukang maglakad mag-isa na wala ng gamit na saklay. Lumapad ang ngiti ko nang makita siyang nakakalakad na nga. Pumalakpak ako sa tuwa. It’s Saturday morning at mula no’ng hinintay niya akong makauwi nong galing ako sa office, masasabi kong naging maayos na ang trato niya sa akin. “Sige, punta ka dito. Hihintayin kita,” ani ko at excited na tumayo saka pumunta sa dulo palayo sa kaniya habang nakataas ang dalawang kamay. Ngumuso siya sa akin, pinipigilan na huwag matawa. That’s when I realize na ginagawa ko siyang toddler. Nahihiya kong ibinaba ang dalawang kamay ko. “Ah- hehe,” “Watch me,” sabi niya. Tumango ako ulit at tumingin sa kaniya. Naglakad siya ulit palapit sa akin ng dahan-dahan. Nakakalakad na siya ng maayos. Ibig bang sabihin nito, tapos na ang papel ko sa buhay niya? Lumaki ang ngiti ko nang makalapit siya sa akin at nahawakan niya ako. “Very good,” sabi ko, tinutukso siya gaya
LINGGO, nasa labas ako ng kwarto ni Rod dahil magpapa-alam ako sa kaniya na aalis na ako pero bago pa man ako kumatok, narinig ko siyang may kausap sa phone. “I don’t believe her at all. Akala ko talaga ayos na kami but she lied. Hindi na siya ang dating March na nakilala ko,” hindi ko alam sinong kausap niya. “No. Itutuloy ko ang plano ko sa kaniya,” dagdag niya. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Umalis na ako ng walang paalam sa kaniya. Whatever Rod is planning, sana hindi iyon ang dahilan para sukuan ko siya. Umuwi ako sa bahay ni Eya kung nasaan ang mga anak ko. Tumambad sa akin ang mga bata na naglalaro sa sala. “MAMA!!” Sigaw nila at dinumog ako ng sabay. “Naku! Iyang quintuplets mo sobrang miss ka na,” nakangiting sabi ni Karen. “Nasaan sina Sy?” tanong ko sa kaniya. “Umalis sila ni Eya. Si Juni, dinalaw ang pamilya sa Tagoloan,” ah okay. “Mama, up!” Napangiti ako sa sinabi ni AJ. “Kamusta na ang baby girl ni mama ah?” tanong ko. “Mama, miss na miss na po kita. B
“Who’s t-that child?” tanong ng chairman na gulat na gulat na nakatitig sa anak ko. Nagpababa ang anak ko sa akin kaya wala akong nagawa kun’di ang ibaba siya. “Are you the one I talked last time?” umiiyak pa rin si CJ at masama ang tingin niya kay chairman. Talked last time? Anong ibig sabihin ng anak ko? “Attorney, bakit mo siya kasama?” tanong ko sabay punas ng luha na ayaw matigil sa kakaiyak. Nagulat ako bakit magkasama sila. Ang mukha ni attorney na nalilito, agad na lumapit sa akin. “He approached me and gave me this, hija,” nanginginig ang kamay niya na binigay ang maliit na pirasong papel. May nakasulat doon na address ni Rod. “He said if I know this address. Gusto niya raw puntahan cause he has some business to do here. Alam kong kay Rod kaya sinama ko siya dito cause I am curious anong gagawin niya. H-Hindi ko alam na anak mo siya.. T-Teka, naguguluhan ako.” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. CJ, bakit may address ka ng papa mo? “Cam, who gave you the address?” l
“CJ, let’s go,” sabi ko sa anak ko. But Rod hold me once again at mas lalo akong nagulat nang makita na lumuhod siya sa harapan ko. “I’m sorry…” umiiyak na aniya. “I’m so sorry..” ulit niya. Hindi ko alam anong susunod kong gagawin nang makita siya na nakaluhod at nakahawak ng mahigpit sa binti ko. He’s crying real bad at mukhang naiintindihan ni CJ ang nangyayari dahil isinobsob niya ang mukha niya sa leeg ko. “Mama, is he really my father?” tanong niya. Mahina lang ngunit narinig ng tatlo sa harapan. Now it’s confirmed na I’m not really married. Na gawa-gawa ko lang iyon. Dahil kung may asawa ako, may ama sanang kinikilala ang anak ko. “He said his name is James. Is he my father?” Umiiyak akong tumango. Mas lalong humagolhol si CJ. Iyak ng isang bata na para bang buong mundo ang umaway sa kaniya. Kahit ako ay nasasaktan habang pinapakinggan ang mga iyak niya. Namataan ko ang chairman na pinupunasan ang mata niya. Why is he crying? “Mama, ayaw ko po.” Umiiling si CJ, hindi n
“March, hija, hindi mo kami kaaway.. Hindi ba, hindi kita kailanman itinuring na iba?” sabi ni attorney. Nakatulog na si CJ sa bisig ko at gabi na rin. Si Rod, nasa harapan at nakatingin sa anak namin. “Is this the reason why you suddenly disappeared seven years ago?” tanong ni Rod. “Umalis ako para sa anak ko- “Anak natin,” pagtatama niya sa sinabi ko. “Ayaw kong makipagtalo sayo. Nalilito ang utak ko. Ang gulo ng utak ko at sumasakit ang ulo ko. Nagulat nalang ako na may batang galit sa akin kanina. Tapos malalaman ko nalang na anak ko pala ang batang iyon.” “Rod,” si attorney, pinapakalma si Rod. Pumikit siya. “Ang hirap ma e. Hindi ko alam anong dapat kong e react. Galit na galit ako. Naguguluhan ako.” “Rod, set aside your feelings. Pag-usapan natin iyan. Huwag mong isipin ang sarili mo. Isipin mo ang anak mo na hindi ka matanggap.” Natahimik siya at napatingin kay CJ. “He acts like you, son,” biglang sabi ni attorney kay Rod. “Si Elias ang nakikita kong small version m