Share

Chapter 38

Mas naging masungit at tahimik si Rod. Pero madalas, hindi niya ako pinapansin.

Isang linggo na ako sa kaniya at ginagawa ko pa rin ang trabaho ko. Ang alalayan siya sa lahat ng oras.

“Rod,” tawag ko nang makapasok ako sa kwarto niya.

“Gusto mo bang maglakad?”

“Ayaw ko,” simpleng sagot niya.

“Maganda ang panahon sa labas. Hindi na gaanong mainit. Halika labas tayo para ma exercise mo ang mga paa mo.”

Binalingan niya ako ng nakamamatay na tingin.

“Sawa ka na ba na alagaan ako? Kaya atat na atat ka na gumaling ako? Bakit? Gusto mo ng umalis? Umalis ka kung gusto mo.”

Napaawang ang labi ko sa galit niya.

“Hindi mo naman kailangan magalit. Tinatanong lang naman kita. Kung ayaw mo, ayos lang.”

Nang maisarado ko ang pintuan ng kwarto niya, doon lang ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Ilang araw ko na siyang sinusuyo, ayaw naman niya akong palapitin sa kaniya. Naging bato na ba ang puso niya? Kaaway na ba ako sa mga mata niya?

Nakakatayo na siya at nakakahakbang
MeteorComets

May update pa ulit mamaya. Happy lunch po.

| 10
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
nakakaexcite na every chapter....
goodnovel comment avatar
Merlita Quidaben
thank you s update
goodnovel comment avatar
Xienne Gutierrez
hay naku Buti p si Atty. sana lng walang masamang mangyati sa kanya !
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status