Share

Chapter 37

Nanlalaki ang mata ni Clarissa sa ginawa ko. Umawang pa nga ang labi niya sa gulat pero hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Rod.

“HA-YUUUP KA!” Malakas na sigaw niya ngunit inunahan ko siyang sampalin.

“Hindi ako ang asawa pero anong klaseng babae ka? Bakit mo pinabayaan si Rod? Ngayon, may gana ka pang magalit? Kasi blinock niya ang ATM cards mo?”

Tumingin siya kay Rod.

“So nagkabalikan pala kayo ng kabit mo, Rod?”

Sinampal ko ulit siya sa galit ko na tinawag niya akong kabit. Napahawak siya sa pisngi niya.

“Kailanman hindi ako kabit. Ano man ako noon, iyon ay dahil wala akong kapangyarihan para ipaglaban ang karapatan ko.”

Pinagtanggol ko si Rod pero matapos kong sampalin si Clarissa, malakas na hinablot ni Rod ang kamay ko.

“Anong ginagawa mo?” kunot noong tanong niya.

Natulala ako.

“Rod, sinasaktan ka ng babaeng yan!” Ang sabi ko.

“Asawa ko ang sinasampal mo,” puno ng gigil na sabi niya.

Natigilan ako at parang napahiya. Nakita ko ang ngisi sa labi ni Clarissa.

MeteorComets

Naaawa ako kay Rod. Ako author, pero grabe, nawawasak ang puso ko sa pinagdadaanan niya.

| 7
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Malou Rico Lozano
Nakakatouch ang story..lalong nakakasabik ang mga susunod na pangyayari..congrats sa author nito..
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
salamat author sa update mo maganda ang story mo na ito ...
goodnovel comment avatar
Janet Nantes
gang d2 plng ako pero ga balde n ang luha ko haha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status