Maaaarch...
LINGGO, nasa labas ako ng kwarto ni Rod dahil magpapa-alam ako sa kaniya na aalis na ako pero bago pa man ako kumatok, narinig ko siyang may kausap sa phone. “I don’t believe her at all. Akala ko talaga ayos na kami but she lied. Hindi na siya ang dating March na nakilala ko,” hindi ko alam sinong kausap niya. “No. Itutuloy ko ang plano ko sa kaniya,” dagdag niya. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Umalis na ako ng walang paalam sa kaniya. Whatever Rod is planning, sana hindi iyon ang dahilan para sukuan ko siya. Umuwi ako sa bahay ni Eya kung nasaan ang mga anak ko. Tumambad sa akin ang mga bata na naglalaro sa sala. “MAMA!!” Sigaw nila at dinumog ako ng sabay. “Naku! Iyang quintuplets mo sobrang miss ka na,” nakangiting sabi ni Karen. “Nasaan sina Sy?” tanong ko sa kaniya. “Umalis sila ni Eya. Si Juni, dinalaw ang pamilya sa Tagoloan,” ah okay. “Mama, up!” Napangiti ako sa sinabi ni AJ. “Kamusta na ang baby girl ni mama ah?” tanong ko. “Mama, miss na miss na po kita. B
“Who’s t-that child?” tanong ng chairman na gulat na gulat na nakatitig sa anak ko. Nagpababa ang anak ko sa akin kaya wala akong nagawa kun’di ang ibaba siya. “Are you the one I talked last time?” umiiyak pa rin si CJ at masama ang tingin niya kay chairman. Talked last time? Anong ibig sabihin ng anak ko? “Attorney, bakit mo siya kasama?” tanong ko sabay punas ng luha na ayaw matigil sa kakaiyak. Nagulat ako bakit magkasama sila. Ang mukha ni attorney na nalilito, agad na lumapit sa akin. “He approached me and gave me this, hija,” nanginginig ang kamay niya na binigay ang maliit na pirasong papel. May nakasulat doon na address ni Rod. “He said if I know this address. Gusto niya raw puntahan cause he has some business to do here. Alam kong kay Rod kaya sinama ko siya dito cause I am curious anong gagawin niya. H-Hindi ko alam na anak mo siya.. T-Teka, naguguluhan ako.” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. CJ, bakit may address ka ng papa mo? “Cam, who gave you the address?” l
“CJ, let’s go,” sabi ko sa anak ko. But Rod hold me once again at mas lalo akong nagulat nang makita na lumuhod siya sa harapan ko. “I’m sorry…” umiiyak na aniya. “I’m so sorry..” ulit niya. Hindi ko alam anong susunod kong gagawin nang makita siya na nakaluhod at nakahawak ng mahigpit sa binti ko. He’s crying real bad at mukhang naiintindihan ni CJ ang nangyayari dahil isinobsob niya ang mukha niya sa leeg ko. “Mama, is he really my father?” tanong niya. Mahina lang ngunit narinig ng tatlo sa harapan. Now it’s confirmed na I’m not really married. Na gawa-gawa ko lang iyon. Dahil kung may asawa ako, may ama sanang kinikilala ang anak ko. “He said his name is James. Is he my father?” Umiiyak akong tumango. Mas lalong humagolhol si CJ. Iyak ng isang bata na para bang buong mundo ang umaway sa kaniya. Kahit ako ay nasasaktan habang pinapakinggan ang mga iyak niya. Namataan ko ang chairman na pinupunasan ang mata niya. Why is he crying? “Mama, ayaw ko po.” Umiiling si CJ, hindi n
“March, hija, hindi mo kami kaaway.. Hindi ba, hindi kita kailanman itinuring na iba?” sabi ni attorney. Nakatulog na si CJ sa bisig ko at gabi na rin. Si Rod, nasa harapan at nakatingin sa anak namin. “Is this the reason why you suddenly disappeared seven years ago?” tanong ni Rod. “Umalis ako para sa anak ko- “Anak natin,” pagtatama niya sa sinabi ko. “Ayaw kong makipagtalo sayo. Nalilito ang utak ko. Ang gulo ng utak ko at sumasakit ang ulo ko. Nagulat nalang ako na may batang galit sa akin kanina. Tapos malalaman ko nalang na anak ko pala ang batang iyon.” “Rod,” si attorney, pinapakalma si Rod. Pumikit siya. “Ang hirap ma e. Hindi ko alam anong dapat kong e react. Galit na galit ako. Naguguluhan ako.” “Rod, set aside your feelings. Pag-usapan natin iyan. Huwag mong isipin ang sarili mo. Isipin mo ang anak mo na hindi ka matanggap.” Natahimik siya at napatingin kay CJ. “He acts like you, son,” biglang sabi ni attorney kay Rod. “Si Elias ang nakikita kong small version m
“Eya, please huwag na,” pabulong ko. Nasa kwarto ako at kinulong ni Rod. Nasa akin ang anak kong si CJ at mahimbing ng natutulog sa kama. “Ipapapulis namin yang hayop na yan!” “Eya, magkakagulo lang. Alam mo gaano kayaman ang mga Chavez.” “But that’s kidnapping, March!” “Ayaw niyang umalis kami ni CJ. Gusto niyang manatili kami sa tabi niya.” “What? Nababaliw na talaga yang gagong yan. May asawa na siya.” Hindi ko alam. Hindi ko alam anong plano ni Rod. Kahit si attorney kanina ay hindi siya napigilan. Alam kong nag-aaway sila ng mama niya kanina bago niya utusan ang mga body guards na dalhin kami ni CJ sa kwarto. “Hindi niya ako ikukulong dito, Eya. Pero sabi niya, kukunin niya sa akin si CJ kung pipilitin kong umalis. Ilalayo niya sa akin ang anak ko.” Nagmura si Eya sa kabilang linya. Alas dose na ng madaling araw at heto at nag-uusap pa kami. “What do you want us to do?” Tumingin ako sa anak ko. Namo-mroblema na ako na katauhan pa lang ni CJ ang na expose paano pa kaya ku
No’ng magising ulit si CJ, agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Wala si Rod, at hindi ko alam nasaan siya. Pagkatapos niyang ihatid kami ni CJ dito sa kwarto niya, umalis na rin siya. “Gutom ka na?” tumango si Cam. “Mama, where’s your boss?” tanong niya sa akin. “I don’t know,” sagot ko sabay buhat sa kaniya para makababa kami. Pagdungaw ko sa sala, halos wala ng space sa dami ng bodyguards at maid. Nasaan si Rod? Andami na yatang bodyguards dito? “Saan po kayo ma’am?” tanong no’ng katulong sa akin. “Kakain,” sagot ko. “Mama, bakit maraming tao?” tanong ni CJ Hindi ko rin alam anak. “Bilin po ni sir Rod ma’am na huwag kayong paalisin ng bata,” it explains why. “Nasaan siya?” “Nasa kumpanya po. Sabi niya may kailangan daw siyang gawin doon.” Sabi no’ng katulong. Tumango ako. Sa mesa, marami ng nakahandang pagkain. Inupo ko si CJ at nilagyan ko ng pagkain ang plato niya. “May gustong pumasok,” rinig kong sabi nong security guard sa katulong na kumausap sa akin kanina. “Si
“Bye mama!” Ang sabi ng anak ko habang kumakaway sa akin. Si Rod sa tabi ng niya, nakangiti habang pinapanood ang anak namin. Nang makaalis na sila sa harapan ko, malakas akong napabuntong hininga. Papasok na sana ulit ako sa bahay nang makita ko si Miss Tanya sa loob ng isang sasakyan na nakatingin sa direction ko. Lumingon ako sa likuran at busy ang boydyguards kaya umalis ako para puntahan si Miss Tanya. Paglapit ko, ibinaba niya ng tuluyan ang bintana ng sasakyan niya. “Bakit ka pa bumalik?” para sa isang sekretarya ni Rod at chairman, hindi ko lubos maintindihan bakit parang ang galit niya sa akin ay personal na. “Pinapunta ka ba dito ni chairman?” “Talaga bang talent mo na ang manira ng relasyon?” “Anong inutos ng chairman sayo?” Tumingin siya sa akin. Si Miss Tanya lang ang kilala kong grabe ang loyalty sa chairman na kahit ang kasamaan ng ugali ay sinusunod din. “At talang binuhay mo ang bastardo ni Rod?” Nagngitngit ang kalooban ko sa sinabi niya. Bastardo? “Ano ban
Dahil absent si CJ kahapon, kaya excited siyang pumasok pagka gising niya. Hindi niya binanggit na excited siyang makita ang mga kapatid niya but alam kong iyon ang rason bakit excited siyang pumasok. May bago siyang uniform at gamit sa slwelahan. Pinabilhan siya ni Rod. Lahat nalang talaga gusto niyang gawin para sa anak niya. Ilang araw palang mula ng malaman niyang anak niya ito, heto’t kulang nalang pati mundo ay ibigay. "My son looks so happy. I wonder why?" ani ni Rod nang tumabi siya kay CJ sa hapagkainan. "Kasi papa na miss ko ang school," nakangiting sagot ng anak ko. Nanlaki muli ang mata niya ng madulas na naman siya at tawagin niyang papa ang papa niya instead of mister. Kita ko ang pag ngiti ni Rod. "Talaga? Namiss mo ang school?" "Yes po mister," natawa ako ng balik mister ulit siya. Pinabayaan ko nalang sila mag-usap at kumain na rin. Kinakabahan ako oras na malaman ni CJ na hindi na nag-aaral ang mga kapatid niya sa St. Lauren. Tiyak na magtatanong siya sa aki