See you tomorrow.
“Eya, please huwag na,” pabulong ko. Nasa kwarto ako at kinulong ni Rod. Nasa akin ang anak kong si CJ at mahimbing ng natutulog sa kama. “Ipapapulis namin yang hayop na yan!” “Eya, magkakagulo lang. Alam mo gaano kayaman ang mga Chavez.” “But that’s kidnapping, March!” “Ayaw niyang umalis kami ni CJ. Gusto niyang manatili kami sa tabi niya.” “What? Nababaliw na talaga yang gagong yan. May asawa na siya.” Hindi ko alam. Hindi ko alam anong plano ni Rod. Kahit si attorney kanina ay hindi siya napigilan. Alam kong nag-aaway sila ng mama niya kanina bago niya utusan ang mga body guards na dalhin kami ni CJ sa kwarto. “Hindi niya ako ikukulong dito, Eya. Pero sabi niya, kukunin niya sa akin si CJ kung pipilitin kong umalis. Ilalayo niya sa akin ang anak ko.” Nagmura si Eya sa kabilang linya. Alas dose na ng madaling araw at heto at nag-uusap pa kami. “What do you want us to do?” Tumingin ako sa anak ko. Namo-mroblema na ako na katauhan pa lang ni CJ ang na expose paano pa kaya ku
No’ng magising ulit si CJ, agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Wala si Rod, at hindi ko alam nasaan siya. Pagkatapos niyang ihatid kami ni CJ dito sa kwarto niya, umalis na rin siya. “Gutom ka na?” tumango si Cam. “Mama, where’s your boss?” tanong niya sa akin. “I don’t know,” sagot ko sabay buhat sa kaniya para makababa kami. Pagdungaw ko sa sala, halos wala ng space sa dami ng bodyguards at maid. Nasaan si Rod? Andami na yatang bodyguards dito? “Saan po kayo ma’am?” tanong no’ng katulong sa akin. “Kakain,” sagot ko. “Mama, bakit maraming tao?” tanong ni CJ Hindi ko rin alam anak. “Bilin po ni sir Rod ma’am na huwag kayong paalisin ng bata,” it explains why. “Nasaan siya?” “Nasa kumpanya po. Sabi niya may kailangan daw siyang gawin doon.” Sabi no’ng katulong. Tumango ako. Sa mesa, marami ng nakahandang pagkain. Inupo ko si CJ at nilagyan ko ng pagkain ang plato niya. “May gustong pumasok,” rinig kong sabi nong security guard sa katulong na kumausap sa akin kanina. “Si
“Bye mama!” Ang sabi ng anak ko habang kumakaway sa akin. Si Rod sa tabi ng niya, nakangiti habang pinapanood ang anak namin. Nang makaalis na sila sa harapan ko, malakas akong napabuntong hininga. Papasok na sana ulit ako sa bahay nang makita ko si Miss Tanya sa loob ng isang sasakyan na nakatingin sa direction ko. Lumingon ako sa likuran at busy ang boydyguards kaya umalis ako para puntahan si Miss Tanya. Paglapit ko, ibinaba niya ng tuluyan ang bintana ng sasakyan niya. “Bakit ka pa bumalik?” para sa isang sekretarya ni Rod at chairman, hindi ko lubos maintindihan bakit parang ang galit niya sa akin ay personal na. “Pinapunta ka ba dito ni chairman?” “Talaga bang talent mo na ang manira ng relasyon?” “Anong inutos ng chairman sayo?” Tumingin siya sa akin. Si Miss Tanya lang ang kilala kong grabe ang loyalty sa chairman na kahit ang kasamaan ng ugali ay sinusunod din. “At talang binuhay mo ang bastardo ni Rod?” Nagngitngit ang kalooban ko sa sinabi niya. Bastardo? “Ano ban
Dahil absent si CJ kahapon, kaya excited siyang pumasok pagka gising niya. Hindi niya binanggit na excited siyang makita ang mga kapatid niya but alam kong iyon ang rason bakit excited siyang pumasok. May bago siyang uniform at gamit sa slwelahan. Pinabilhan siya ni Rod. Lahat nalang talaga gusto niyang gawin para sa anak niya. Ilang araw palang mula ng malaman niyang anak niya ito, heto’t kulang nalang pati mundo ay ibigay. "My son looks so happy. I wonder why?" ani ni Rod nang tumabi siya kay CJ sa hapagkainan. "Kasi papa na miss ko ang school," nakangiting sagot ng anak ko. Nanlaki muli ang mata niya ng madulas na naman siya at tawagin niyang papa ang papa niya instead of mister. Kita ko ang pag ngiti ni Rod. "Talaga? Namiss mo ang school?" "Yes po mister," natawa ako ng balik mister ulit siya. Pinabayaan ko nalang sila mag-usap at kumain na rin. Kinakabahan ako oras na malaman ni CJ na hindi na nag-aaral ang mga kapatid niya sa St. Lauren. Tiyak na magtatanong siya sa aki
Kinakabahan akong lumapit kina Rod. Umupo ako sa tabi nila ni CJ. “Are you okay?” tanong ni Rod sa akin na nag-aalala. “Yes,” alanganin akong ngumiti. “Y-Your wallet,” inabot ko sa kaniya ang wallet niya but nilayo lang niya sa akin ang kamay ko kasama ang wallet niya na maraming pera at cards. “Keep it,” ang sabi pa niya. Nanlaki ang mata ko. “Aanhin ko ito?” “You can use it to buy anything, babe,” sabi niya na para bang hindi ko gets para saan ang pera at atm cards. Sinimangutan ko siya ngunit natawa lang siya. “Papa, so kanina po, my teacher praised me cause I’ve got the correct answers kahit absent ako kahapon.” Tumingin ako kay CJ pabalik kay Rod na todo ngiti. “He called me papa a lot of times,” bulong niya sa akin. Hindi nga napapansin ni CJ ang mga sinasabi niya kasi puro na siya papa ngayon. Halos wala ng mister sa bibig niya. He’s too overwhelmed. Tumingin ako sa direksyon sa CR at nagtama ang paningin namin ni Juni. Siya ang kasama ni DJ dito. Nanlalaki ang mata
Tahimik. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Tumingin ako kay Rod at nakitang niluwagan niya ang necktie niya at galit siya. Iyong galit na konti nalang ay sasabog na. Nga naman, nitong nakaraan lang, bumabalik na kami sa dati and now, malalaman niya na may sikreto pa pala akong tinatago sa kaniya. Nasa kandungan ko si DJ habang nasa likuran si Juni at CJ. “Mama, CJ mentioned that that uncle is his dad. Why?” alam kong narinig ni Rod ang sinabi ng anak. “Kuya, he’s our papa.” Si CJ ang sumagot. Nakita kong bahagyang natigilan si Rod nang marinig ang anak. “Papa?” si DJ at tumingin kay Rod. “He’s mean so how can he be our papa?” tumingin si Rod sa amin ngunit ang matatalim niyang tingin ay naka direkta sa akin. Nag-iwas tingin ako sa kaniya. “Mag-usap tayo mamaya,” ang sabi niya sa akin. Pinaandar niya ang sasakyan niya pauwi sa bahay niya. Si DJ ay nakatitig kay Rod buong byahe. Pinagmamasdan niya ang mukha ng papa niya tapos minsan ay iiling. Hindi naman kasi galit si Danie
Sa loob ng bahay, nakatingin kami kay Rod at DJ na nagtitigan sa isa’t-isa. Kami nina Junisa ay kumakain sa harapan nila lalo’t nagpahanda si Rod for Juni. “May staring competition ba?” Junisa asked habang nakatingin kay Rod at DJ. Si CJ naman ay nilantakan ang chocolate bun at fish fillet at pinabayaan ang ama at kapatid na parang may sariling mundo. “Ayaw niyong kumain?” I asked them pero ang mukha lang ni Daniel ang lumingon sa akin. “Mama, this uncle is creeping me out.” Ngumiwi ako sa sinabi ni DJ. Si Juni sa tabi ko ay naubo, nabulunan yata. Kawawa talaga si Rod sa mga anak dahil kung hindi mister ang tawag sa kaniya ng anak, uncle naman. “Creeping you out?” tanong ko, nagtataka. “Because he keeps on staring at me, mama,” aniya. Ngumuso ako. Ikaw rin kaya anak, nakikipagtitigan sa papa mo. Tumingin ako kay Rod at natawa ako nang makita siya na nakatingin sa anak naming si DJ at sinusuyo niya ito kahit pa tinawag siyang uncle. Unlike CJ, hindi naman kasi pangit ang nadatn
"Ma, bakit ka nandito?" tanong ni Rod. "Nabalitaan ko ang nangyari kanina. Ipapakulong ni Clarissa, si March?" "I already fixed it ma. Nothing to worry about." Si Rod habang nakatingin sa mama niya. "Hindi pwede iyon, Rod. Paano kung si March lang ang nandito kanina at mga bata, e anong nangyari? Baka may nangyari ng masama sa kanila!" Naitikom ko ang labi ko habang nakikinig kay attorney na galit na galit. "Kapag ako talaga napuno, ilalabas ko lahat ng baho niyang babaeng yan." "Ma," si Rod na pinipigilan ang mama niya at stress na stress na talaga si attorney. Tumingin si attorney sa akin saka sa anak niya. "Ayusin mo 'yang asawa mo, Rod. Oras na hindi kayo na divorce sa loob ng tatlong buwan, ilalayo ko si March sa 'yo." Banta ni attorney bagay na inangalan ni Rod. Kahit ako rin ay nagulat. "Ma naman," "March shouldn't settle for less, Rod. You can be the father of your children but I will never let you make Marcha as your mistress. Kaya divorce your wife and marry March a