We still next update later
Early in the morning, kasama ko si attorney sa paghatid sa mga bata sa skwelahan. Ibabalik ko si DJ sa St. Lauren School. Sinabi niya sa akin kagabi anong sinabi ng tita Junisa niya sa kaniya. Sinabi ni Juni na huwag munang sabihin kay Rod about his siblings at hayaan ako ang magsabi. Since napakamasunurin ni DJ, tumango lang ito at hindi na nagtanong pa. "Mama, why uncle is not with us?" si DJ. Nasa sasakyan kami ni attorney at papuntang skwelahan ngayon. "Your papa has an urgent meeting, DJ but susunduin niya kayo mamaya." Sagot ko. Tumango siya at nakipag usap kay CJ na hindi pa rin maka get over sa mga gamit na meron sila na nasa bahay. Tumingin ako kay attorney na siyang nagmamaneho ngayon. "Alam mo ba bakit umatras si Clarissa kahapon?" ang tanong niya. Umiling ako. Hindi naman sinabi sa akin ni Rod. "Rod and her, mag-asawa lang talaga sa papel at publiko," panimula ni attorney. "Like Rod, may ibang kinikita si Clarissa." Kinikita? Lalaki? Kabit rin? "Really?" gul
"Nakaka-stress talaga ang araw na ito. Alis na tayo, hija?" tanong ni attorney. "Wala po ba kayong kukunin sa principal?" tanong ko kasi parang hindi naman siya nakaabot sa principal's office because of what happened. "Saka na. Wala na ako sa mood dahil sa babaeng iyon," ang sabi niya sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango. Umalis kami ni attorney hindi para umuwi. Pumunta lang kami ng Lifestyle para kumain. Kinausap lang niya ako tungkol sa mga bata. Tinanong niya ako kung kailan ang birthday, anong nangyari matapos kong umalis ng Cagayan de Oro at sino ang mga tumulong sa akin. I didn't answer her the truth. Ang iba doon, puro na kasinungalingan. Kung sasabihin ko sa kaniya lahat, malaki ang chance na malaman nini Rod na quintuplets talaga ang isinilang ko. I still look for the possibility na baka e trace ako ni attorney. Matapos naming mag-usap, agad na nagpaalam si attorney na aalis muna siya at kailangan niyang bumalik sa trabaho niya. Hindi na ako nag abala pa na tanung
(BACK TO PAST) “Oh,” tinignan ko ang bigay ni Euclid na isang supot ng prutas. “You need this,” dagdag niya. Ngumiti ako at tinanggap iyon. “Salamat,” sabi ko. “Why are you here? Mainit.” “Sabi kasi ni Eya kailangan kong lumabas kahit minsan at exercise daw. Sasamahan niya ako mamaya sa center para sa prenatal.” Tumango siya. “Eya is busy today. If she didn’t make it, ako nalang ang sasama sa ‘yo,” aniya. Ngumiti ako at tumango. “Salamat,” Sobrang bait nila magpipinsan kahit na hindi naman nila ako kaibigan no’ng una. Ngayon, sila na ang madalas na kasama ko sa pagbubuntis ko. “Samahan na kita maglakad lakad,” aniya. “Naku. Baka may ginagawa ka pa?” nakangiting tugon ko. “Hindi. Wala na,” aniya at naglakad siya palapit sa gawi ko. Tumabi siya sa akin at sabay kaming naglakad sa gilid ng kalsada. Buti hindi gaanong mainit ang araw ngayon. “May gusto ka bang pagkain?” “Pagkain?” nagtatakang tanong ko. “Pagkain. Hindi ba may cravings kapag buntis?” “Ah. Cravings? Wala nama
Tatlong araw na ang nakalipas mula no’ng prenatal, balik ulit ako sa boarding house. No signs of Rod. Hindi ko mapigilang isipin kung nasaan na siya. Gusto ko na siyang makita. Hindi ko alam bakit. Naiiyak tuloy ako dahil miss na miss ko na siya. “Carbonara?” si Euclid na kumatok pa sa kwarto ko para lang bigyan ako ng pagkain. Hindi ko alam bakit pero lagi nalang niya akong binibigyan ng pagkain. Sa labas kami kumain kasi hindi siya pwede sa kwarto ko. Mahigpit iyon pinagbabawal ng landlady. “Salamt Yu,” nakangiting sabi ko. “Kamusta ang baby?” aniya “Maayos naman,” nakangiti ako ngayon. “Pwede ba ako maging ninong nila?” tanong niya. Natawa ako at tumango. Oo naman, bakit hindi? “Oo naman, Yu,” sabi ko at kumain. “Ang sarap. Saan mo nabili ito?” “Niluto ko,” aniya sabay ngiti. Nagulat ako. “Marunong ka pala magluto. Naku pwede ka na mag-asawa,” “May hinihintay ako,” “Sino?” tanong ko sabay subo. “Secret,” sabi niya at ngumiti, tuloy kita ko ang dimple sa pisngi niya. “M
(BACK TO PRESENT) Umuwi ako sa bahay ni Rod, hapon palang pero ang aura ng bahay ay parang na Byernes Santo na. Sumama sa akin si Yu, gusto niya akong ihatid at pumayag na rin ako para maiharap ko siya kay Rod kung kailangan kong mag-explain. Ayaw ko kasing mag-away kami. Pagpasok pa lang namin, nakita na namin si Rod, nasa labas, nakasandal sa pintuan at masamang nakatingin kay Euclid. Naka-krus ang kamay niya at hindi pa nakabihis kasi ang suot niya ngayon ay siyang suot niya kanina pagpunta ng office. “Mga bata?” tanong ko. “Bakit? Kukunin mo? Magtatanan kayo?” ngumuso ako sa sagot niya. “Ah si Yu pala,” sabi ko trying to life the mood. “Pangatlong beses mo na siyang pinakilala sa akin,” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin kay Yu. “Look, hinatid ko lang dito si March,” “Ahh.. Mabuti alam mo saan siya dapat e uwi.” Alam kong napipikon na si Euclid sa tabi ko dahil sa pangpipilosop ni Rod sa kaniya. “We’re just friends, Rod.” “At may gusto siya sa ‘yo!” Sabi
Hindi ko pa rin pinapansin masiyado si Rod kahit pa sabihin niyang nagawa niya lang niya iyon out of anger and jealousy. “Why are you so quiet? Sorry na,” he said. “Rod, hindi pa rin excuse iyon.” Naiinis talaga ako. Dahil iyon lang? Magpapakamatay na siya? Napabuntong hininga siya at hinawakan ako sa kamay. “Alright. Sorry,” sabi nito. “Kahit na Rod. Next time, ayaw ko ng gawin mong excuse iyon para ilagay sa kapahamakan ang buhay mo. Parang iyon lang?” Kumunot ang noo niya. “Iyon lang…” ulit niya. “Hindi iyon ‘iyon lang’, March. Kung kaya mong makita akong masaya sa piling ng iba, ibahin mo ‘ko,” Napabuntong hininga ako. “I’m sorry pero hindi ko talaga gusto iyon, Rod. Kahit na anong mangyari sa akin, pilitin mong mabuhay. Ano ka ba?!” Kulang nalang umiyak ako sa harapan niya. Bumuntong hininga siya at dinala ako sa dibdib niya at hinaIikan sa ulo. “Fine. Uwi na tayo,” mahinang sabi niya. Tumango ako. Pabalik na kami sa bahay niya at dumidilim na rin. Pero sa labas ng gate
“Tito, nakabili ka na ng cruise ship?” tanong ni DJ kay Yu. “Yes, son, pero nasa Barcelona,” “Woah! What does it looks like?” “A big boat kuya? Just like a thousand sunny?” si CJ na iniisip kung gaano kalaki ang cruise ship na nabili ni Yu. “Nakabili ka na?” gulat na tanong ko. Yu chuckled. “Tss…” si Rod sa tabi ko. Narinig ko na tinawag niya ang bodyguard na standby lang sa tabi. “Bumili kayo ng dalawang cruise ship,” bulong niya. Pinipigilan kong mangiti. Umaandar na naman ang pagkaseloso niya. “Tito, is it big?” hindi makaget over si DJ sa cruise ship at hindi niya talaga titigilan si Yu kakatanong. “Oo naman. If malaki na kayo at pwede na mag travel ulit, you can come with me.” “As if papayag ako,” bulong ni Rod. Agad ko siyang kinalabit at pinandilatan ng mata. “Yey! I’m excited tito. Pwede sumama si papa, tito?” si DJ nagtanong dahilan kung bakit nag-angat nang tingin si Rod sa kaniya. Tumingin si Yu kay Rod at tinaasan ito ng kilay. “Oo naman, anak. Wala kasing crui
Hindi nawala sa isipan ko ang larawan na iyon. Nakabalik na si attorney sa tabi ko at kahit siya ay nagtataka bakit ang tahimik ko na ngayon. “May problema ba, hija?” “Wala po, attorney,” “Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo?” Napatitig ako sa kaniya at naisip na magkaibigan nga pala sila ni mama. Kilala din ba ni attorney si Miss Tanya dati? “Attorney, hindi ba po magkaibigan kayo ni mama? Gaano na po kayo katagal magkakilala?” “Hmm.. Your mom and I? Well… Dati kong kaibigan si Virginia noong bata pa ako but since lumipat kami sa Bataan no’ng 10 years old ako, kaya nawalan na kami ng contact ng mama mo sa isa’t-isa… e noon hindi pa naman masiyadong uso ang internet,” I see. Tumango ako. “So when I came back here in CDO, asawa ko na si Martin at naroon na si Rod. Nagkita kami ullit ni Virginia at ayun na, may anak na siya which is ikaw.” Kung ganoon, hindi niya kilala si Miss Tanya? Kasi kung si mama ang nasa litrato na hawak ni Miss Tanya, nasa around 17 years old siguro si