There's still an update po later.
Hindi nawala sa isipan ko ang larawan na iyon. Nakabalik na si attorney sa tabi ko at kahit siya ay nagtataka bakit ang tahimik ko na ngayon. “May problema ba, hija?” “Wala po, attorney,” “Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo?” Napatitig ako sa kaniya at naisip na magkaibigan nga pala sila ni mama. Kilala din ba ni attorney si Miss Tanya dati? “Attorney, hindi ba po magkaibigan kayo ni mama? Gaano na po kayo katagal magkakilala?” “Hmm.. Your mom and I? Well… Dati kong kaibigan si Virginia noong bata pa ako but since lumipat kami sa Bataan no’ng 10 years old ako, kaya nawalan na kami ng contact ng mama mo sa isa’t-isa… e noon hindi pa naman masiyadong uso ang internet,” I see. Tumango ako. “So when I came back here in CDO, asawa ko na si Martin at naroon na si Rod. Nagkita kami ullit ni Virginia at ayun na, may anak na siya which is ikaw.” Kung ganoon, hindi niya kilala si Miss Tanya? Kasi kung si mama ang nasa litrato na hawak ni Miss Tanya, nasa around 17 years old siguro si
Pagdating ng hospital, nakita ko si Blake na nasa tabi ng chairman at kumakain ng hamburger. Nag-uusap ang dalawa at si Blake, prenteng nakaupo sa upuan sa waiting area. Si chairman ay nakangiti lang kay Blake at mawawari sa mukha na natutuwa siya dito. “Lolo, this is so delicious. I was so hungry earlier kasi kanina pa ako naglalakad.” Pinanood ko ang reaction ng chairman nang tawagin siya ng anak ko na lolo, but the chairman smiled whole-heartedly to his grandson. “Paano mo nalaman na sa hotel nagta-trabaho ang mama mo?” “My tito Yu showed me the address of the company sa boss ni mama. So I assumed na nasa company rin si mama ngayon but sadly, I got lost on my way,” sabi nito at parang matanda na umiiling na tila disappointed. Natawa ang chairman ulit. Panay tawa siya ngayon, kabaliktaran sa iniisip ko dapat na maging reaction niya. “So paano ka nakapunta sa hotel?” “I rode a jeep lolo at bumaba ako doon sa mall. I was with an old lady so probably the driver was thinking na
Hindi ko alam anong sasabihin o gagawin ko habang nakatingin sa mag-ama ko. Napabuntong hininga ako at napailing nang makita si Rod na tinutusok tusok ang pisngi ni BJ ngunit tinatampal ni BJ ang kamay niya paalis. “Hayaan mo na sila,” si Junisa na natatawa. Nasa tabi niya si AJ, natutulog. Pinakita ko sa kanila ang kaganapan sa kwartong ito. “Oo nga March,” sabi ni Eya at sa likuran niya si Symon, nakatayo habang karga si EJ na natutulog na. “Tito, the cruise ship is big! (snores)” natawa si Euclid. Nag video call kami ngayon para ipaalam sa kanila na maayos na si BJ. At lahat ng mga anak ko ay natutulog na sa tabi ng mga tao na pinagkakatiwalaan ko. “Salamat sa pagbabantay sa mga anak ko,” sabi ko sa kanila at sabay silang nag react na kesyo, hindi big deal iyon sa kanila. Nang matapos ang tawag, agad kong hinarap si Rod at si BJ. Naiinis na si Blake sa kakulitan ng papa niya but si Rod, aliw na aliw dito. “Ma, this dude is poking my face,” nakasimangot na sabi ni BJ. Pabulon
Kinabukasan pagkagising ko, wala na si Blake sa tabi ko. Si Rod ay nasa likuran at sinusuotan ng damit si BJ. “We’ll go home na daw, mama,” sabi ni BJ. “Good morning, mama,” si Rod na ginagaya kung paano ako tawagin ni Blake na mama. “Good morning,” nakaligo na silang dalawa at bihis na bihis na rin. “Mama, pupuntahan ba natin si kuya EJ at AJ sa bahay ni tita Eya?” Umiling ako. “Pupunta si kuya EJ mo sa house ni papa,” Humikab pa ako at tinignan ang orasan. Alas otso na pala. Ginawa na naming bahay ang hospital room na ito. “Mag-breakfast muna tayo,” sabi ni Rod at binuhat ang anak. Lumapit sila sa akin at naramdaman ko ang paghaIik ni Rod sa ulo ko at ginaya rin siya ni BJ na hindi nagpahuli. “I bought you a dress. Bihis ka na and tell your friends na tayo ang susundo sa dalawa nating anak,” bulong nito sa akin. “Pero mamaya pang hapon sila pupunta, Rod,” iyon ang sabi ni Eya at Juni kagabi nang tawagan ko sila. “I can’t wait,” sabi ni Rod at binalingan ang anak. “Kagabi
Teka.. “Kuya, it’s weird.. Why are you calling that dude as manong?” si BJ na tumingin pa sa kuya niya ngunit nakayuko pa rin ang ulo dahil hinahawakan ito ni Elias. “And why are you calling manong as dude?” Lumingon si BJ sa akin. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya dahil hindi talaga pinapakawalan ni EJ ang ulo ng kapatid hangga’t hindi ito nagso-sorry. “Ma! Kuya is we- “BJ, mag sorry ka na,” sabi pa ng panganay ko. Nauubusan na ng pasensya kay Blake. Hilaw akong ngumiti kay Rod. Sa mukha niya talaga, hindi na niya alam paano magri-react sa mga anak. “Teka- Hindi ko na matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa mga anak kong may sariling mundo at magsasalita kung kailan nila gusto. “Sorry,” si Blake. “Manong.. BJ, Sorry manong,” si EJ “Manong,” panggagaya ni BJ. “Sorry manong,” “Ayan. Good boy na ang baby ni kuya,” sabi ni Elias at malapad ang ngiti habang ginugulo ang buhok ni Blake. Ngumiwi si Blake kasi alam naman niyang si Rod ang papa nila, panay dude lang talaga siya
Tumawa si EJ at lumapit sa tenga ko para bumulong. “Blake is lying, ma?” Umiling ako. “He’s telling the truth,” I said. Tumingin siya kay Rod. Kung paano mailang at mahiya si BJ sa papa niya, iba si EJ. Lumapit siya kay Rod at nilapit ang mukha niya sa mukha nito para titigan ng mabuti. Ngumiti si Rod dahilan kung bakit umatras si EJ. Ang cute tignan nang mga reactions ni EJ. Tipong kukunot na ang noo niya, tipong matutuwa, nalilito, at naguguluhan. “Can I hold your face? Ah—what should I call you?” nalilitong tanong ni EJ kay Rod. “You can call him dude kuya if you’re shy,” sumigaw si Blake at mabilis siyang kinuha ni Eya at nilagay sa kandungan saka tinakpan ang bibig. “Pasaway ka talaga BJ kahit kailan,” natatawang sabi ni Eya dito. Talagang tinuruan pa niya ang kuya niya ah na tawaging dude ang papa nila. “You can call me papa because I’m your real papa.” Si Rod na talaga namang ang haba ng pasensya sa mga anak. Hinawakan ni EJ ang pisngi ni Rod at tinitigan ito at nanla
Dumating si attorney at naabutan niya sina Rod at ang apat na anak ko na nagyayakapan. Nanlalaki ang mata niya at wala siyang salita habang lumalapit sa kanila. “Elias,” turan ni attorney sa batang sabi niya ay nakikita niya si Rod no’ng kabataan. Nakikita niya talaga lalo’t dugo naman ni Rod si EJ. “Visitor?” si EJ na nakatingin kay attorney. “Oh my God!” “Why-“ halos hindi maisawika ni attorney ang sasabihin niya. Gulat na gulat talaga siya habang nakatingin kay EJ. Tumingin siya sa akin, pabalik kay EJ. She’s really speechless. Nakaka-guilty kasi ilang ulit na ako nagsinungaling sa kanila. “Hi po. Why are you here?” si EJ na nagtataka. “Kuya, who is she?” si Blake. “She’s the visitor I was talking to,” “Yeah.. hindi mo siya nakita no’n sa school, BJ?” si DJ na lumapit pa sa kapatid. “No,” “That’s what you get kasi hindi ka attentive sa class,” EJ na sinimangutan si Blake. “I am kaya. AJ was talking to me that time cause Dareng was annoying her,” “And why Dareng did th
“BJ, Sir? Are you serious?” “E mama ano ba dapat?” nakanguso niyang tanong na para bang hindi niya nakukuha ang logic na pinupunto ko. “Bakit hindi man lang dad o papa mga apo ang itawag niyo sa kaniya no’ng una niyo siyang nakita?” “Kasi it’s weird kung tatawagin kong papa si papa kahit hindi ko siya kilala at the first place?” si BJ na patanong ang sagot. “I feel so loved,” si Rod na naka krus na ang kamay sa dibdib. “Sorry,” sabi ko, natatawa. “Yeah,” he annoyingly said that. “What? Hindi niyo man lang nakikita ang similarities niyo kay papa niyo?” si attorney na talagang pinipipilit si Rod sa mga apo. “Ma, tama na. Busog na ako oh?” si Rod na nakabusangot ang mukha. Busog sa masasakit na salita sa mga anak. “Shh! I’m helping you son. Trust me,” sabi ni attorney. “Hindi lola e,” si BJ na umiiling iling matapos titigan ang papa niya. Nabilaukan si Eya sa kinakain niya at agad na uminom ng tubig. “Dahan-dahan naman,” si Yu na inabutan ang pinsan ng tubig. “Sorry…” si Eya
LAST AUTHOR’S NOTE Hi everyone, this is your Ms. A. I’m no longer putting some special chapters here to avoid any confusion. Nag end na po talaga ang story sa Epilogue. Naglagay lang ako ng SC to prolong the story a bit para may ma e look forward kayo na medyo related kina March at Clarissa. Iyong special chapters, medyo confusing na yata sa ibang readers so ayaw ko naman magkaganoon, that’s why, I’m ending it here. Ganoon pa man, nagpapasalamat ang puso ko sa inyo na sinamahan niyo ako sa journey ko dito. See you sa story ni Aru. Hope nandoon pa rin kayo. Kitakits sa April! This is indeed a long journey noh? September tayo unang nagkilala sa story ni March at nagtatapos sa 2024. Haha. Basta, mahal ko kayong lahat. Thank you po talaga. --Love, bulalakaw. (Ang story ni Aru ay series, remember the friends of Clark na si Hut, Jed, at Fero? Iyong business nila na Ship of Temptation ang gagawin kong series. Si Aru ang mauuna sa kanila (the first member) at isusulat ko siya sa 3rd po
MARCH “Ma, si kuya DJ ayaw akong samahan sa mall,” sumbong ni Farrah. Mainit ang ulo ko dahil kagabi pa hindi umuuwi si Rod. Kasama niya si kuya, Symon, Yu at Kin. Sinabi ko ng umuwi siya ng maaga pero nilasing ng walangho kong kapatid. “DJ?” Tumayo si Daniel at naglalambing na tumabi sa akin. Binata na ang boys ko pero kung umasta, parang bata pa rin. “Ma, huwag ako please.. Ayoko,” “Kuya, bakit ayaw mo kasi?” “Dahil kasama mo for sure ang baliw mong kaibigan,” nakangusong sabi ni Daniel. “Farrah, ang ate Alexa mo nalang ang isama mo,” sabi ko at wala siyang choice kun’di ang pumayag sa sinabi ko. Nang umalis si Farrah sa harapan namin, tumingin ako kay DJ. Nagpeace sign siya agad. “Ma, pupunta ka ba kay lolo ngayon?” “Bakit?” “Can I come?” “At bakit nga?” Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. “Lolo has a treasure,” Pinagsingkitan ko siya nang mata at saka ko na namalayan na kumpleto na pala ang mga anak ko sa harapan. “Anong ginagawa niyo?” tanong ko. Nakasuot s
MARCH Pagpasok namin sa kwarto kung nasaan ang lolo Renan, napahinto kami nang makita siyang nakaupo sa kama at tinitignan ang sarili sa maliit na salamin. “Gwapo na ba ako?” sabi niya sa assistant niya. Tumingin ako sa tabi ko, nakita kong nalukot ang mukha ng kuya ko habang nakatingin sa lolo namin. “Dapat gwapo ako oras na magkita kami ng isa ko pang apo,” sabi niya. “Bakit hindi naman siya nagpagwapo no’ng ako ang kinita niya?” bulong bulo ni Clark sa tabi ko/ “LO!” Tumingin si lolo Renan sa gawi namin at agad umaliwalas ang mukha niya nang makita niya ako. “Ang apo ko!” Sabi niya at tumayo pero nakaalalay ang mga nurses papunta sa akin. “Hello po,” nahihiya kong sabi. “Apo, sa wakas, nandito ka na,” sabi pa niya. “Lo, apo mo rin ako,” sabi ni Clark pero hindi siya pinansin ni lolo Renan. “Parang isang beses pa niyang nakita ang paborito niyang apo ah,” si Clark na agad kinurot ni Ate Clarissa. “Tumahimik ka nga love,” ate “Bitter ka lang e,” Rod Sinimangutan silang da
MARCH “Let’s go?” sabi ni ate at tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinaandar ang sasakyan niya paalis papunta sa bahay ng lolo ni Clark. Kinakabahan ako. Pero nakita at nakilala ko na naman si lolo Renan sa tagal ng panahon na magkakilala kami ni ate at Clark. At masasabi kong sobrang spoiled talaga ako sa kaniya. Akala ko ay natural lang siyang ganoon pero ngayon, alam ko na bakit kakaiba ang kabaitan niya sa akin at sa mga anak ko. Nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si mama. “Ma?” “Papunta na kayo sa lolo niyo?” “Opo ma at kasama ko si ate,” “Are you okay anak?” Tumingin ako kay ate bago sumagot ng “yes ma, I’m okay,” Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Ma, I’m fine. Huwag na kayong mag-alala sa akin,” “Hindi ko maiwasang mag-alala anak lalo pa’t-" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya.. Naiintindihan ko kung mahirap sa kaniya na pagkatiwalaan muli si Sr. Renan kahit pa ilang taon na ang lumipas. “Ma, kasama ko n
MARCH “Nina texted me, your boys ordered a 1 case of beer from her.” Nakasimangot na sabi ko. Rod smiled at kissed my forehead. “Hindi ka pa ba nasanay?” “Why are you looking so proud there?” Natawa siya. “I’m not proud ah, what are you talking about?” “Sus, hindi daw!” “Oo nga. By the way, they are here,” sabi niya habang nakatingin sa gate. Nakita namin si ate na nakatayo sa labas at sa likod niya ay naroon si Clark na nagtatago sa akin. It’s been what? More than 10 years nang pinili nilang itikom ang bibig nila para sa akin. “Why are you hiding from ate’s back?” taas kilay na tanong ko. Oo, inabot ako ng ilang taon para tanungin kay mama kung sino ang totoong ama ko. When mama said the name Abeola, I knew that Clark and his grandfather are somewhat connected to me. Noon pa man, nagtataka na ako sa kabaitan ng lolo ni Clark sa akin, pero pinili kong huwag pansinin at piniling mamuhay kasama ni Rod, mga anak namin, ni mama, at ibang malapit sa amin. Hindi ko na inisip pa an
PUNN Lalapit na sana ako kay kuya BJ at Munn nang may kumalabit sa akin sa likuran. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Farrah. She’s smiling from ear to ear and hula ko ay may kailangan siya sa akin. “Kuya Punn, are you busy tomorrow?” Yeah. Tomorrow is Sunday, magsisimba kami. “Magsisimba kami bukas, bakit?” “Kuya, pasama ako bukas after ng samba niyo. Is it fine?” “Saan ka pupunta?” lumapit siya sa akin at may binulong. Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong pupuntahan niya bukas. “Why me? Your brothers wouldn’t mind kung sila ang sasabihan mo,” Nakita kong humaba ang nguso niya. “Papa wouldn’t let me to come alone for sure. And ate AJ has something important to do tomorrow. Sina kuya naman, may training sila bukas sa martial arts.” “Yeah but I’m sure one of them wouldn’t mind to skip that training for you,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Ayaw mo ba akong samahan kuya?” She’s here again, gaslighting me to get what she wanted. Farrah is a sl
PUNN “Punn, the table is set! Sunduin mo nga mga kuya mo sa labas!” ate AJ said, annoyed cause my cousins are not here yet. “Ate, walang magpapaypay dito!” I am pertaining to the barbeque na ginagawa namin. Ako nakatoka, kanina pa. “Si Farrah na bahala diyan!” I sighed and put down the fan para sunduin ang mga kuya ko na bumili lang naman ng drinks sa labas ng villa. Paglabas ko palang, I saw my cousins hitting on Aleng Nina’s granddaughter. Jujelen is at my age, and I heard kuya Blake kinda like her. I’m wondering, what’s with her, why kuya find her pretty? She’s plain and simple. I just sighed. “Kuya,” tawag ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Jujelen looked at me, I just stared at her blankly before I look at my cousins. “Hanap kayo ni ate AJ,” sabi ko. I saw how kuya Elias’ eyes widen. “I told you kuya na bumili na tayo ng beer at bumalik. You didn’t listen,” kuya CJ said while busy on his phone. “Aleng Nina-" “Sinabi ng magulang niyo na no beer so walang beer. K
CLARISSA (15 years later) “Clarissa, pakilagay ito sa mesa,” “Mommy, wala pa po ba si kuya?” Napabuntong hininga siya. “Ewan ko ba dito sa kuya mo, sinabi ng agahan nila umuwi pero hanggang ngayon, wala pa rin,” Natawa ako. “Prena, hindi ka pa nasanay sa anak nating iyon,” natatawang sabi ni tiyang Ysabel na kakapasok lang ng kusina kasama ng mga maids sa likuran niya. Lumapit si mommy kay tiyang at isinabit niya ang kamay niya sa kamay ni tiyang. “Alam mo bang ang panyong ginawa mo?” “Talaga ba? Magbenta kayo ako sa mga amega mo?” Natawa nalang ko at napailing sa kanilang dalawa. “Tawagan ko lang si kuya mom, tiyang,” paalam ko pero hindi yata nila ako narinig na. Isang dial palang sinagot na agad ni kuya Aru ang tawag. “Nasaan ka na ba kuya?” “Easy lang little sis. Malapit na kami diyan. Nandiyan ba si tiyang?” “Kanina pa. At lagot ka sa kanila ni mommy pagpunta mo dito. Ang tagal mong dumating e,” “Traffic kasi sa langit kanina e. Hindi makadaan ang airplane na sinasakya
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.