Ahhh. Fulfilling! EJ being the kuya. T.T
Dumating si attorney at naabutan niya sina Rod at ang apat na anak ko na nagyayakapan. Nanlalaki ang mata niya at wala siyang salita habang lumalapit sa kanila. “Elias,” turan ni attorney sa batang sabi niya ay nakikita niya si Rod no’ng kabataan. Nakikita niya talaga lalo’t dugo naman ni Rod si EJ. “Visitor?” si EJ na nakatingin kay attorney. “Oh my God!” “Why-“ halos hindi maisawika ni attorney ang sasabihin niya. Gulat na gulat talaga siya habang nakatingin kay EJ. Tumingin siya sa akin, pabalik kay EJ. She’s really speechless. Nakaka-guilty kasi ilang ulit na ako nagsinungaling sa kanila. “Hi po. Why are you here?” si EJ na nagtataka. “Kuya, who is she?” si Blake. “She’s the visitor I was talking to,” “Yeah.. hindi mo siya nakita no’n sa school, BJ?” si DJ na lumapit pa sa kapatid. “No,” “That’s what you get kasi hindi ka attentive sa class,” EJ na sinimangutan si Blake. “I am kaya. AJ was talking to me that time cause Dareng was annoying her,” “And why Dareng did th
“BJ, Sir? Are you serious?” “E mama ano ba dapat?” nakanguso niyang tanong na para bang hindi niya nakukuha ang logic na pinupunto ko. “Bakit hindi man lang dad o papa mga apo ang itawag niyo sa kaniya no’ng una niyo siyang nakita?” “Kasi it’s weird kung tatawagin kong papa si papa kahit hindi ko siya kilala at the first place?” si BJ na patanong ang sagot. “I feel so loved,” si Rod na naka krus na ang kamay sa dibdib. “Sorry,” sabi ko, natatawa. “Yeah,” he annoyingly said that. “What? Hindi niyo man lang nakikita ang similarities niyo kay papa niyo?” si attorney na talagang pinipipilit si Rod sa mga apo. “Ma, tama na. Busog na ako oh?” si Rod na nakabusangot ang mukha. Busog sa masasakit na salita sa mga anak. “Shh! I’m helping you son. Trust me,” sabi ni attorney. “Hindi lola e,” si BJ na umiiling iling matapos titigan ang papa niya. Nabilaukan si Eya sa kinakain niya at agad na uminom ng tubig. “Dahan-dahan naman,” si Yu na inabutan ang pinsan ng tubig. “Sorry…” si Eya
“AJ!” Tawag ni Elias sa kapatid, mukhang nabigla ito sa pagtawag ni AJ sa papa nila. “Kuya!” Si CJ na pino-protektahan si AJ dahil nagtaas ng boses si EJ. “Why? Mali ba ako, kuya?” naguguluhang tanong ni AJ sa mga kuya niya. “What? No. AJ. Of course not,” si Daniel na isa pang kunsintidor. “But that’s not nice AJ. Bakit sabi mo, Yo Rodie?” ginaya pa ni EJ ang pagkakasabi ni AJ kanina ng ganoon. “E sabi mo ang name niya Rodie!” “Because you asked his name,” “Kaya nga, kuya. What should I call him instead?” “Papa, AJ,” si BJ ang sumagot dahil si EJ, umiinit na ang ulo. Biglang natigilan si AJ at lumingon kay Rod. Nanlalaki ang mata nito. “Papa?” si AJ na gulat na gulat. Ako ay halos mabingi na sa lakas ng tibok ng puso ko. Out of nowhere, nahawakan ko ang kamay ni Juni sa kaba. “You’re our papa?” Si Rod na kanina ay natulala at mukhang na speechless sa Yo, Rodie ni AJ ay tumango. “Y-Yes, AJ. I’m p-papa,” Pinanood ko ang reaction ni AJ at laking gulat ko nang makita ang pag
“March,” tawag ni attorney. “Keep this a secret from Rod. I am catching a thief now. Hindi pwedeng madagdagan ang isipin niya habang may kaso pa siyang dapat harapin,” dagdag niya. “Attorney, bakit? May mali po ba?” kinakabahan ako. She’s vague now. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. “I don’t want to conclude, March, but Martin asked some help from me that’s why I got so busy these days. I’m tracking what really happened seven years ago. Iginigiit niya na wala talaga siyang alam sa mga paratang mo sa kaniya.” Natigilan ako. “Kung ganoon, are you telling me na h-hindi po si chairman nagbanta no’n?” hindi na talaga ako mapakali. Sobra akong kinakabahan. “Ang sarap ng cake, Juni,” sabi ni attorney na hindi sinagot ang tanong ko. “Sa gitna may chocolate. Kailangan lang hukayin para makita,” makahulugang sabi niya. “Attorney,” tawag ko. Gusto ko ng malaman. Nawala ang ngisi sa labi ni attorney at nag-angat nang tingin sa akin. “Martin may an ass and ruthless but he’s not a
Naglakad ako palapit sa mga anak ko at kay Rod. Hindi ko mawari kung ngingiti ba siya o hindi dahil ang mga anak naming lalaki ay nasa likuran niya at may kung anong ginagawa sa katawan niya. "Anong ginawa niyo sa papa niyo?" natatawa kong tanong. "Papa said he can carry us all," DJ Umiiling iling ako habang papalapit sa kanila at kinuha si BJ sa likuran niya. "Hindi porke't baby kayo ni papa niyo e kakaawain niyo na siya," natatawa kong sabi. "Naah, it's fine baby," si Rod na talagang pinaninindigan na ayos lang siya kahit ang totoo ay hindi naman. Naalala ko ang pinag-usapan namin ni attorney kanina, nakaramdam ako ng pagka guilty sa ginawa ko sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at yumakap sa kaniya patagilid matapos kong ibaba si Blake. Isinobsob ko ang mukha ko sa leeg niya at alam kong pinanood kami ng mga anak ko ngayon. "Hey, you okay?" tanong ni Rod na mukhang nagulat sa ginawa ko. "Sorry," iyan lang ang masabi ko. Mukhang ibinaba niya si AJ dahil naramdaman ko ang pagy
"Lolo, hindi po ba masakit ang likod niyo?" tumawa si chairman sa simpleng tanong ni AJ. "Naku apo ko, malakas kaya si lolo." "Really? Can you carry us five?" DJ "Kuya, mabi-break ang bones ni lolo," BJ said worriedly. Tumawa ulit ang chairman. "What? Malakas pa kaya si lolo! Look!" Tumayo si chairman karga si AJ ngunit agad na ngumiwi at dahan-dahang umupo pabalik sa couch at napahawak sa balakang niya. Kulang nalang marinig namin ang pagkabali ng buto niya sa likuran. Mukhang hindi nga nagkamali si BJ. "Oh see? Lolo can't carry us cause he's too old," CJ, na nakabusangot kay DJ Tumayo si attorney at lumapit sa kanila. "Ayan kasi Martin, pabida," Tumawa ulit ang chairman. "Hindi ah. Kulang lang ako sa exercise. Malakas pa yata ako sa kalabaw." Tumingin ako kay Miss Tanya na walang emotion na nakatingin sa mga anak ko. Tumayo ako para dalhin sa kaniya ang juice at tinapay na hinanda ng mga katulong. Nasa bahay kami ngayon ni Rod at kasama pa namin ang chairman at si Miss T
“What did you say?” si Clarissa na nakakakuha na ng attention ng iba dahil tumataas na ang boses nito. “Ikaw? Ang ina ko?” dagdag nito. “That’s a big scoop,” si Karen na napahawak na sa bibig niya. “Lower down your voice Clarissa kung ayaw mong ma-scandal ito,” ani ni Miss Tanya kaya todo yuko kami ni Karen at kunwari kumakain paraa hindi nila kami mapansin. “Answer me. Anong sinasabi mong anak ako ni dad?” Clarissa’s voice is serious after saying that. Ramdam mo ang galit at gigil doon. “May relasyon kami ng dad mo noon,” sabi ni Miss Tanya “Kabit ka ni dad? Niloko niyo si mommy?” “And with that, we have you,” Natawa si Clarissa. Tawang puno ng panunuya. “WOW! SO DAPAT PALA MAGPASALAMAT AKO SA ‘YO DAHIL MALANDI KA?” Natahimik sa kanila matapos sabihin iyon ni Clarrisa, hindi na namin marinig ang sinasabi ni Miss Tanya kaya lumingon ako sa gawi nila. Nakita ko si Clarissa na galit na galit habang may luha sa mga mata. "YOU'RE A LIAR!" Sumigaw na si Clarissa. "Clarissa, ple
Pag-uwi namin ng bahay ni Karen, mukha ni Rod ang naabutan namin sa labas. Sa tabi niya, naroon ang mga bata na ginagaya ang tindig niya. Nakapameywang sila habang nakatutok sa akin ang attention. Sumandal si Rod sa gate, at hindi niya napapansin na sumandal rin ang lima. Pinipigilan kong huwag matawa lalo na nang makita na inekis ni Rod ang paa niya, at ginaya ng lima. Kahit si CJ na sobrang seryoso ay game sa kalokohan. "Saan ka galing?" Rod na kunot ang noo. "Saan ka galing?" panggagaya ng lima. At mukhang doon lang napansin ni Rod ang mga anak niyang pinapanood siya para gayahin ang anumang gagawin niya. Natawa siya at binaling sa akin ang attention ulit. "Mama!" Dagdag niya sa sinabi niya kanina na saan ako galing. "Mama," panggagaya ulit ng quintuplets. Jusko, ang cute naman. "Ba, aba! Mukhang mapapagalitan ang mama ngayon ah?" si Karen na kabababa lang ng sasakyan. "Nagdate kami," sabi ko sa mga amo kong maka tanong e akala mo limang dekada ako nawala. "TITA NINANG!" A