One of the cutest.
A normal day with my family. Nag ba-bonding pa rin si Rod at mga anak namin. Isang linggo na rin na sama-sama kami lahat. Sinusulit namin ang pagkakataon na magkasama pa lalo't aalis na si Rod next month. "Papa, kuya DJ is madaya!" Kumunot ang noo ko sa boses ni CJ. Ano kayang ginagawa ng mga ito? "What? I'm not CJ. You lose, I won." "Kids! Take it slow. Hindi naman kayo mauubusan ng barya!" "Papa, peke naman ang coins e. May hole sa gitna," si AJ na kahit hindi ko makita, alam kong nakabusangot. "This is not fake, princess. This is 5 cents." Napa iling ako ng umapela na naman si AJ at sinabing peke iyon kasi may butas. "Stop BJ, bakit ka naninilip sa baraha ko?" "Papa, kuya EJ is not sporty!" "BJ, anak, that's not sporty!" si Rod. "What? Why?" BJ "Paano maging sporty 'yon BJ? You're cheating!" CJ "Oh. Bawal mag-away--DJ, stop climbing the table. Jusko!" si Rod na stress na stress na yata. "Papa! Sali kaya ako!" boses ni AJ "NO!" Ang sabi ng lima. "What? Why?" "No ca
"Mama, what's for snacks?" si EJ na lumapit sa akin sabay haIik sa pisngi. Nakaligo na siya at ang bango pa. Nakasando siyang itim, at hindi ko mapigilang mangiti habang nakatingin sa gwapo niyang itsura. Naku anak, sana hindi mo pasakitin ulo ng mga magkakagusto sa'yo. "Sticky Rice na may manga at hot chocolate," tumingin ako sa likuran pero walang Rod at mga kapatid niya ang dumating. "Where's your papa, kuya?" "He's on his way here mama. Kasama niya sina DJ," sagot niya at umupo na saka kumuha ng pagkain sa mesa. He must be hungry. Totoo dahil nakasunod si Rod at bitbit niya ang apat na bata. Si AJ karga niya, si BJ nakapasan sa likuran niya na parang onggoy, si CJ and DJ nakahawak sa hita niya, nakalambitin. Nagkatitigan kami. Kakaligo lang nila pero iyong pawis niya, tagaktak na. "Help babe," aniya. Natatawa ko silang nilapitan. "Kinakawawa niyo talaga ang papa niyo mga anak," natatawang sabi ko sa kanila. Kinuha ko si BJ sa likuran niya at bumitaw naman ang dalawa sa
Kinabukasan, hinatid ko na ang mga bata sa school. Si Rod maagang umalis dahil kailangan na siya sa kumpanya. Matagal din siyang nag leave para lang ma bonding niya kami. Chinat ko na si Karen about sa quintuplets, hindi pa naman sila drop out so pwede ba sila makabalik sa St. Lauren. Nagpaalam lang ako sa mga anak ko matapos ko silang ihatid sa school at pumasok na ako sa sasakyan ni Rod kasama ang driver na inutusan niya kanina. Nagpahatid ako sa palengke dahil mamalengke na naman. Ang dami kong binili no’ng isang araw pero marami akong nakakalimutan bilhin. At paubos na rin ang mga pagkain na stock. Pito ba naman kaming kakain oras-oras. Pagdating ko sa palengke, pagkababa ko pa lang ng kotse, mukha na ni Clark ang namataan ko. Nakahilig siya sa sasakyan niya matapos niyang bumaba. Malakas akong napabuntong hininga. Naglakad siya papalapit sa akin. “Feel na feel ang pagiging misis ah?” “Anong kailangan mo?” Nawala ang ngiti sa labi niya at hinawakan niya ako sa kamay. “Wha
Habang busy si Rod sa mga ginagawa niya, ako naman ay tinutulungan siya na e organize ang lahat ng kailangan niyang basahin para ng sa ganoon, mapadali ang ginagawa niya. Kanina ko pa siya nakikita na kukunot ang noo tas minsan iiling. Pakiramdam ko nga kaya siya natatagalan dahil tinititigan niya ako minsan. “Rod, stop staring,” “Patawa ka babe. I’m not. Ano ako? Patay na patay sa ‘yo?” “Ay hindi ba?” Natahimik siya kaya nilingon ko siya at nakita ang sobrang pula niyang mukha habang nakatitig sa binabasa. Tignan mo? Haha. Napailing nalang ako at bumalik sa ginagawa ko. Pagkaraan ng sampung minute, nagsalita na naman si Rod. “Babe, susunduin mo mga bata after dito?” “Yep. Sasadyain ko sila sa school,” “Gusto ko sumama but mukhang kailangan kong mag-overtime.” “Sige lang. Maiintindihan naman iyon ng mga anak mo. Gusto mo dalhan ka namin ng dinner mo mamaya?” Tumingin siya sa akin, “is that okay?” “Oo naman. Bakit naman hindi?” He smiled at me at inukot ang upuan niya sa ak
“Bakit mo ‘ko sinampal?” tanong ko habang nakatitig kay Miss Tanya. “Dahil sinisira mo ang buhay ng anak ko!” Sabi niya. Kumunot ang noo niya na para bang may na-realize siya, “bakit hindi ka nagulat? Alam mo?” Alam ko na anak niya si Clarissa? Ngumisi ako. “Alam ko lahat ng sikreto mo na magpapabagsak sa anak mo.” Sabi ko na ikinabigla niya. Biglang nanlisik ang mata niya. “Sa oras na ginalaw mo pa ako ulit, babawian kita. Wala na sigurong sasakit pa kung anak mo ang sisingilin ko.” “Subukan mo!” “Talagang susubukan ko. Hindi ako natatakot sa ‘yo, Tanya. Dahil alam ko ng ikaw ang lahat ng may pakana no’ng pagbabanta ni chairman sa akin noon. Magdasal ka na lang na hindi ako sapian dahil kapag ako napuno, baka isumbong kita kay chairman.” Sabi ko at tumalikod sa kaniya para umalis. Ang sakit ng sampal niya pero nanggagalaiti ako sa galit sa lahat ng ginawa niya para lang maghiwalay kami ni Rod. Pumunta muna ako ng mall para maghilamos. Hindi pwedeng malaman ng mga bata ang pam
“Good evening, chairman ng MGC,” boses ni Rod ang narinig namin sa likuran ko. “PAPA!” Agad na tumakbo sa gawi niya ang mga anak namin na agad niyang sinalubong. Naglakad ako palapit sa kaniya at yumakap ako sa katawan niya patagilid. “Rod,” si chairman ng MGC na hindi natutuwa habang nakatingin kay Rod na hawak ang quintuplets at sa akin na yumakap pa sa kaniya. Alam kong galit na galit siya ngayon habang nakatingin sa amin lalo na kay Rod na yakap ako samantalang asawa ito ng anak niyang si Clarissa. “Talaga bang ganiyan ka kabastos at hindi ka man lang nag-abala na paalisin sila sa harapan ko?” “Bakit ko naman papaalisin sila? As much as I know, mga anak ko ito at itong babaeng ito ang babaeng papakasalan ko,” si Rod na mas lalo pa akong nilapit sa kaniya. Alam kong galit na galit ngayon si Quilacio Malaque sa sinabi ni Rod. “Bastos kang bata ka!” Ngumisi si Rod “Paano ko naman ri-resputuhin ang father in law kong gusto akong patayin para makuha ang hotel ko na ipinamana n
“Where’s Juni?” hysterical na ako ngayon at nandito ako sa H&D Hospital. Habang nagkukulitan ang mga bata at si Rod kanina, biglang tumawag sa akin si Eya at sinabing isinugod si Juni sa hospital. “Nasaan ka na ba?” si Eya “Nasa second floor na. Nasaan ba kayo?” “Third floor? Mga bata ang pasyente diyan. Jusko ka Marso. Teka nga! Pupuntahan kita.” Nagtuloy tuloy lang kasi ako sa pagpasok kanina sa sobrang pag-aalala ko. Iniwan ko ang mga bata kay Rod dahil hindi sila pwedeng sumama sa akin ngayon dito. Hindi ko ginamit ang elevator kanina dahil punuan ng tao at tanga tanga ko at ginamit ko ang hagdanan kaya heto at pagod na pagod ako. Naupo ako sa waiting area matapos ko e end ang call habang hinihintay si Eya. Habang naghihintay, tinext ko na si Rod na mauna na silang umuwi at bantayan niya ang mga bata dahil baka matagalan ako dito. Hindi ko alam anong nangyari kay Junisa at isinugod siya sa hospital. “Bye, papa!” Napaangat ako nang tingin nang makarinig ang boses ng bata. S
“Rod and I after wedding, hindi kami nagsama agad sa iisang bahay. Umalis si Rod at umuwi ng Pinas while nanatili ako sa US ng 2 years.” Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya. "Hindi ako umuwi dahil sobrang galit na galit ako na naikasal ako sa kaniya." "Akala ko ba dati you like Rod?" tanong ko. I could still remember the time na sobrang clingy niya kay Rod dati habang nag-aaral pa lang ako. "Bakit ko naman siya magugustuhan? Ang sama ng ugali, arogante, at mayabang." Sabi niya na nakakunot ang noo. Natawa ako. That's Rod. Ganoon talaga si Rod noong una ko siyang nakilala. "At nakakadiri siya. Kung sino-sinong babae ang hinahalikan niya sa bar kaya bakit ko naman magugustuhan? But iyon ang sabi ni dad e so who am I to say no?" I met her dad. Ang dad niya ang tipo ng tao na hindi mo basta basta susuwayin. Kahit nga ako no'ng pinuntahan niya kanina, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko papangarapin na maging dad ang dad niya. "But habang nasa America ako, nabuntis ako." Ang s