100 or less than 100 chapters lang po tayo. Salamat po sa lahat at sorry today kasi I'm not really in the mood kaya hindi po ako nakaka update ng sunod sunod. Please know na sobrang thank you sa comments niyo lalo na iyong 'thank you miss a' at mga hinaing niyo about story. It really mean a lot to me. Sa writing lang kasi ako nakakahinga since stress reliever ko magsulat kaya sobrang salamat sa inyo. I'm happy to interact you all. More power.
Habang busy si Rod sa mga ginagawa niya, ako naman ay tinutulungan siya na e organize ang lahat ng kailangan niyang basahin para ng sa ganoon, mapadali ang ginagawa niya. Kanina ko pa siya nakikita na kukunot ang noo tas minsan iiling. Pakiramdam ko nga kaya siya natatagalan dahil tinititigan niya ako minsan. “Rod, stop staring,” “Patawa ka babe. I’m not. Ano ako? Patay na patay sa ‘yo?” “Ay hindi ba?” Natahimik siya kaya nilingon ko siya at nakita ang sobrang pula niyang mukha habang nakatitig sa binabasa. Tignan mo? Haha. Napailing nalang ako at bumalik sa ginagawa ko. Pagkaraan ng sampung minute, nagsalita na naman si Rod. “Babe, susunduin mo mga bata after dito?” “Yep. Sasadyain ko sila sa school,” “Gusto ko sumama but mukhang kailangan kong mag-overtime.” “Sige lang. Maiintindihan naman iyon ng mga anak mo. Gusto mo dalhan ka namin ng dinner mo mamaya?” Tumingin siya sa akin, “is that okay?” “Oo naman. Bakit naman hindi?” He smiled at me at inukot ang upuan niya sa ak
“Bakit mo ‘ko sinampal?” tanong ko habang nakatitig kay Miss Tanya. “Dahil sinisira mo ang buhay ng anak ko!” Sabi niya. Kumunot ang noo niya na para bang may na-realize siya, “bakit hindi ka nagulat? Alam mo?” Alam ko na anak niya si Clarissa? Ngumisi ako. “Alam ko lahat ng sikreto mo na magpapabagsak sa anak mo.” Sabi ko na ikinabigla niya. Biglang nanlisik ang mata niya. “Sa oras na ginalaw mo pa ako ulit, babawian kita. Wala na sigurong sasakit pa kung anak mo ang sisingilin ko.” “Subukan mo!” “Talagang susubukan ko. Hindi ako natatakot sa ‘yo, Tanya. Dahil alam ko ng ikaw ang lahat ng may pakana no’ng pagbabanta ni chairman sa akin noon. Magdasal ka na lang na hindi ako sapian dahil kapag ako napuno, baka isumbong kita kay chairman.” Sabi ko at tumalikod sa kaniya para umalis. Ang sakit ng sampal niya pero nanggagalaiti ako sa galit sa lahat ng ginawa niya para lang maghiwalay kami ni Rod. Pumunta muna ako ng mall para maghilamos. Hindi pwedeng malaman ng mga bata ang pam
“Good evening, chairman ng MGC,” boses ni Rod ang narinig namin sa likuran ko. “PAPA!” Agad na tumakbo sa gawi niya ang mga anak namin na agad niyang sinalubong. Naglakad ako palapit sa kaniya at yumakap ako sa katawan niya patagilid. “Rod,” si chairman ng MGC na hindi natutuwa habang nakatingin kay Rod na hawak ang quintuplets at sa akin na yumakap pa sa kaniya. Alam kong galit na galit siya ngayon habang nakatingin sa amin lalo na kay Rod na yakap ako samantalang asawa ito ng anak niyang si Clarissa. “Talaga bang ganiyan ka kabastos at hindi ka man lang nag-abala na paalisin sila sa harapan ko?” “Bakit ko naman papaalisin sila? As much as I know, mga anak ko ito at itong babaeng ito ang babaeng papakasalan ko,” si Rod na mas lalo pa akong nilapit sa kaniya. Alam kong galit na galit ngayon si Quilacio Malaque sa sinabi ni Rod. “Bastos kang bata ka!” Ngumisi si Rod “Paano ko naman ri-resputuhin ang father in law kong gusto akong patayin para makuha ang hotel ko na ipinamana n
“Where’s Juni?” hysterical na ako ngayon at nandito ako sa H&D Hospital. Habang nagkukulitan ang mga bata at si Rod kanina, biglang tumawag sa akin si Eya at sinabing isinugod si Juni sa hospital. “Nasaan ka na ba?” si Eya “Nasa second floor na. Nasaan ba kayo?” “Third floor? Mga bata ang pasyente diyan. Jusko ka Marso. Teka nga! Pupuntahan kita.” Nagtuloy tuloy lang kasi ako sa pagpasok kanina sa sobrang pag-aalala ko. Iniwan ko ang mga bata kay Rod dahil hindi sila pwedeng sumama sa akin ngayon dito. Hindi ko ginamit ang elevator kanina dahil punuan ng tao at tanga tanga ko at ginamit ko ang hagdanan kaya heto at pagod na pagod ako. Naupo ako sa waiting area matapos ko e end ang call habang hinihintay si Eya. Habang naghihintay, tinext ko na si Rod na mauna na silang umuwi at bantayan niya ang mga bata dahil baka matagalan ako dito. Hindi ko alam anong nangyari kay Junisa at isinugod siya sa hospital. “Bye, papa!” Napaangat ako nang tingin nang makarinig ang boses ng bata. S
“Rod and I after wedding, hindi kami nagsama agad sa iisang bahay. Umalis si Rod at umuwi ng Pinas while nanatili ako sa US ng 2 years.” Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya. "Hindi ako umuwi dahil sobrang galit na galit ako na naikasal ako sa kaniya." "Akala ko ba dati you like Rod?" tanong ko. I could still remember the time na sobrang clingy niya kay Rod dati habang nag-aaral pa lang ako. "Bakit ko naman siya magugustuhan? Ang sama ng ugali, arogante, at mayabang." Sabi niya na nakakunot ang noo. Natawa ako. That's Rod. Ganoon talaga si Rod noong una ko siyang nakilala. "At nakakadiri siya. Kung sino-sinong babae ang hinahalikan niya sa bar kaya bakit ko naman magugustuhan? But iyon ang sabi ni dad e so who am I to say no?" I met her dad. Ang dad niya ang tipo ng tao na hindi mo basta basta susuwayin. Kahit nga ako no'ng pinuntahan niya kanina, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko papangarapin na maging dad ang dad niya. "But habang nasa America ako, nabuntis ako." Ang s
Kasama ko si Rod ngayon. Tatlong araw na ang nakalipas mula no'ng malaman ko ang tungkol sa anak ni Clarissa doon sa hospital. Sa loob ng resto na pagmamay-ari ni Rod, hinihintay namin na dumating si Clarissa. "Papayag kaya siya?" tanong ni Rod. "Nandito na siya," bulong ko nang mamataan si Clarissa na palapit sa gawi namin. "Hey," nakipag beso siya kay Rod at sa akin. Unlike dati na sobrang blooming niya, ngayon, hindi. Namumutla siya. "Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya. "Ayos lang ako. Pasensya na at natagalan ako," sabi niya. Tumingin ako kay Rod at gaya ko, nag-aalala rin siya kay Clarissa. "We can reschedule this if you want. You look so pale," Rod "It's fine, Rod. Sige na. Let's proceed. Tungkol ba ito sa divorce?" sabi ni Clarissa. "Papayag ako sa divorce. Don't worry." Dagdag niya. Bumuntong hininga si Rod at naupo sa inupuan niya kanina. "Yes but hindi ko gustong bigyan ka ng kahit anong parte na pag-aari ng Chavez." Sabi ni Rod at hindi talaga n
After a week, natuloy ang party na sinasabi ng chairman. Kasama ko ngayon si attorney at inaayusan kami ng mga hinire nilang make-up artists. Si Rod, kasama niya ang mga bata except AJ na nasa tabi ko lang. "Mama, look at me. I'm a princess," natawa kaming lahat na nakarinig sa sinabi niya.. Actually, kasama rin namin dito si Clarissa at tuwang tuwa siya dito kay AJ. Halos hindi nga makausap ni attorney ang apo niya dahil kinakausap ni Clarissa ang anak ko. Hindi pa rin sila okay ni attorney pero civil na sila sa isa't-isa. Alam ni attorney ang tungkol sa pag-uusap ni Rod at Clarissa about divorce and other than that, wala na kaming pinagsabihan pa. Siya lang kaya at some point, alam kong naiintindihan na ni attorney si Clarissa. Sa loob ng isang linggong na dumaan, dumalaw si Clarissa sa bahay kasama ni Punn at nakipaglaro ang mga anak ko sa anak niya. "Kinakabahan ako, March. Paano kung saktan ni dad si Punn?" bulong niya. "Kasama naman hindi ba ni Punn ang papa niya? Kaya h
“Clark?” gulat na tanong ko. Tumingin ako sa harapan at magaan ang ngiti ni Clarissa habang nasa tabi ni Rod at inalalayan ang mga anak ko. “Nagbibiro ka ba?” tanong ko, habang hinihintay na sabihin niyang, ‘just kidding.’ “No.” Sagot ni Ralph. Tumingin ako sa kaniya at kinuha niya si Punn sa akin nang makita na gustong pumunta ni Punn sa kaniya. “Why are you telling me this?” “Cause I want to ask some help from you. Protect her. Sasabihin na niya sa mga magulang ang tungkol kay Punn.” “Ano? Hindi niya muna ipagliliban?” kung malaman ng dad niya ang tungkol sa anak niya, baka saktan siya. “No. Gusto na niyang makasama si Punn. She decided already na kahit ako ay hindi ko kayang pigilan.” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin kay Rod sa unahan. Pinakilala na ang quintuplets. As usual, marami ang nagulat sa nangyari at nagalit sa introduction ng mga anak namin ni Rod. Hindi lang nila magawang batikusin si Rod dahil nakikita nila na naka suporta si Clarissa na asawa ni