The Billion Heirs
“Where’s Juni?” hysterical na ako ngayon at nandito ako sa H&D Hospital. Habang nagkukulitan ang mga bata at si Rod kanina, biglang tumawag sa akin si Eya at sinabing isinugod si Juni sa hospital. “Nasaan ka na ba?” si Eya “Nasa second floor na. Nasaan ba kayo?” “Third floor? Mga bata ang pasyente diyan. Jusko ka Marso. Teka nga! Pupuntahan kita.” Nagtuloy tuloy lang kasi ako sa pagpasok kanina sa sobrang pag-aalala ko. Iniwan ko ang mga bata kay Rod dahil hindi sila pwedeng sumama sa akin ngayon dito. Hindi ko ginamit ang elevator kanina dahil punuan ng tao at tanga tanga ko at ginamit ko ang hagdanan kaya heto at pagod na pagod ako. Naupo ako sa waiting area matapos ko e end ang call habang hinihintay si Eya. Habang naghihintay, tinext ko na si Rod na mauna na silang umuwi at bantayan niya ang mga bata dahil baka matagalan ako dito. Hindi ko alam anong nangyari kay Junisa at isinugod siya sa hospital. “Bye, papa!” Napaangat ako nang tingin nang makarinig ang boses ng bata. S
“Rod and I after wedding, hindi kami nagsama agad sa iisang bahay. Umalis si Rod at umuwi ng Pinas while nanatili ako sa US ng 2 years.” Tahimik lang ako habang pinapakinggan siya. "Hindi ako umuwi dahil sobrang galit na galit ako na naikasal ako sa kaniya." "Akala ko ba dati you like Rod?" tanong ko. I could still remember the time na sobrang clingy niya kay Rod dati habang nag-aaral pa lang ako. "Bakit ko naman siya magugustuhan? Ang sama ng ugali, arogante, at mayabang." Sabi niya na nakakunot ang noo. Natawa ako. That's Rod. Ganoon talaga si Rod noong una ko siyang nakilala. "At nakakadiri siya. Kung sino-sinong babae ang hinahalikan niya sa bar kaya bakit ko naman magugustuhan? But iyon ang sabi ni dad e so who am I to say no?" I met her dad. Ang dad niya ang tipo ng tao na hindi mo basta basta susuwayin. Kahit nga ako no'ng pinuntahan niya kanina, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko papangarapin na maging dad ang dad niya. "But habang nasa America ako, nabuntis ako." Ang s
Kasama ko si Rod ngayon. Tatlong araw na ang nakalipas mula no'ng malaman ko ang tungkol sa anak ni Clarissa doon sa hospital. Sa loob ng resto na pagmamay-ari ni Rod, hinihintay namin na dumating si Clarissa. "Papayag kaya siya?" tanong ni Rod. "Nandito na siya," bulong ko nang mamataan si Clarissa na palapit sa gawi namin. "Hey," nakipag beso siya kay Rod at sa akin. Unlike dati na sobrang blooming niya, ngayon, hindi. Namumutla siya. "Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya. "Ayos lang ako. Pasensya na at natagalan ako," sabi niya. Tumingin ako kay Rod at gaya ko, nag-aalala rin siya kay Clarissa. "We can reschedule this if you want. You look so pale," Rod "It's fine, Rod. Sige na. Let's proceed. Tungkol ba ito sa divorce?" sabi ni Clarissa. "Papayag ako sa divorce. Don't worry." Dagdag niya. Bumuntong hininga si Rod at naupo sa inupuan niya kanina. "Yes but hindi ko gustong bigyan ka ng kahit anong parte na pag-aari ng Chavez." Sabi ni Rod at hindi talaga n
After a week, natuloy ang party na sinasabi ng chairman. Kasama ko ngayon si attorney at inaayusan kami ng mga hinire nilang make-up artists. Si Rod, kasama niya ang mga bata except AJ na nasa tabi ko lang. "Mama, look at me. I'm a princess," natawa kaming lahat na nakarinig sa sinabi niya.. Actually, kasama rin namin dito si Clarissa at tuwang tuwa siya dito kay AJ. Halos hindi nga makausap ni attorney ang apo niya dahil kinakausap ni Clarissa ang anak ko. Hindi pa rin sila okay ni attorney pero civil na sila sa isa't-isa. Alam ni attorney ang tungkol sa pag-uusap ni Rod at Clarissa about divorce and other than that, wala na kaming pinagsabihan pa. Siya lang kaya at some point, alam kong naiintindihan na ni attorney si Clarissa. Sa loob ng isang linggong na dumaan, dumalaw si Clarissa sa bahay kasama ni Punn at nakipaglaro ang mga anak ko sa anak niya. "Kinakabahan ako, March. Paano kung saktan ni dad si Punn?" bulong niya. "Kasama naman hindi ba ni Punn ang papa niya? Kaya h
“Clark?” gulat na tanong ko. Tumingin ako sa harapan at magaan ang ngiti ni Clarissa habang nasa tabi ni Rod at inalalayan ang mga anak ko. “Nagbibiro ka ba?” tanong ko, habang hinihintay na sabihin niyang, ‘just kidding.’ “No.” Sagot ni Ralph. Tumingin ako sa kaniya at kinuha niya si Punn sa akin nang makita na gustong pumunta ni Punn sa kaniya. “Why are you telling me this?” “Cause I want to ask some help from you. Protect her. Sasabihin na niya sa mga magulang ang tungkol kay Punn.” “Ano? Hindi niya muna ipagliliban?” kung malaman ng dad niya ang tungkol sa anak niya, baka saktan siya. “No. Gusto na niyang makasama si Punn. She decided already na kahit ako ay hindi ko kayang pigilan.” Nakagat ko ang pang ibabang labi ko at tumingin kay Rod sa unahan. Pinakilala na ang quintuplets. As usual, marami ang nagulat sa nangyari at nagalit sa introduction ng mga anak namin ni Rod. Hindi lang nila magawang batikusin si Rod dahil nakikita nila na naka suporta si Clarissa na asawa ni
"I still can't believe it!" Rod said. Magkasama na kaming dalawa ngayon at ang quintuplets ay nasa bahay na, inuwi ni Arian kanina. "Do you know about this?" tanong niya. Umiling ako. "Kanina lang. Sinabi ni Ralph." Natahimik siya at marahan na tumango. "Kaya pala. Kaya pala mainit ang dugo ni Clark sa akin. And Tanya, her mother?" naaawa ako kay Clarissa pero hindi ko mapigilang hindi matawa kay Rod. He looks really cute while saying that. Sobra siyang na mindblown sa mga rebelasyon kanina sa party. Halos hindi na nga siya nakapagsalita. Natameme siya no'ng sabihin ni Tanya na anak niya si Clarissa at mas lalo siyang nagulantang nang malaman na si Clark pala ang kabit ni Clarissa. "Kung wala ang mama mo kanina, baka nagkagulo na." Sumandal ako sa kaniya. Kanina, no'ng pinipilit ni Clark si Clarissa na sumama sa kaniya, dumating si attorney at inawat sila. May dalang sangkatutak na bodyguards si attorney at siya na mismo ang naghila kay Clarissa paalis ng venue. Halos iyak
"Balita doon sa asawa ni Rod, Marso?" tanong ni Eya, nasa coffee shop kami, malapit sa school at kasama ko si Eya ngayon. Hinihintay namin ang apat na bata. Si EJ, hindi pumasok pero sumama sa papa niya sa office. "Hindi ko alam saan siya itinago ni attorney. But one thing for sure, kasama niya ang anak niya ngayon." Sabi ko habang nilalantakan ang fries. Tumango si Eya. "E iyong si Tanya? Naloka ako sa rebelasyon dzai. Siya pala ang may kagagawan kung bakit kayo naghiwalay ni Rod. Grabe! Hindi ako makapaniwala doon." Kahit nga ako ay sobrang nagulat talaga sa nangyari kahit na mas nauna kong malaman ang katotohanan kesa sa kanila. "Balita ko ay gusto siyang ipakulong ni chairman e. Ayaw mo lang daw. Naawa ka?" Umiling ako. Ayaw ko lang talaga na ma stuck pa kami sa nakaraan. Gusto ko ng mag move forward at hayaan si Miss Tanya sa gagawin niya. Basta, hindi na ako lalapit na sa kaniya kahit na kailan. "Pero you know what, dahil sa nangyari sa mga Malaque, hindi masiyadong napag
Pag-uwi ni Rod at EJ, agad namin silang sinalubong sa labas ng bahay. Nandito pa rin si Eya, kasama namin. "Hi, baby." Si Rod at humaIik sa pisngi ko. Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko at hinaIikan pa muli ako sa bandang leeg. Natatawa kong kinurot ang tagiliran niya. Sobrang clingy niya kahit pa nakatingin ang mga anak niya sa amin. But our children seemed happy about it. "Hi tita Eya!" si EJ na lumapit kay Eya para humaIik sa pisngi pero lumapit muna siya sa akin para haIikan ako sa pisngi at labi ko. "Did you have fun, kuya?" tanong ko. He nodded and smiled. "Sobra mama. And I am excited to learn more." Sabi niya. Kanina kasi, sinabi niya na pwede ba daw siyang sumama sa papa niya kasi gusto niyang makita paano magwork si Rod. Hindi ako pumayag kasi may pasok sa school but iyon, pinilit nila ako magkakapatid kaya napapayag ako. "Papa! How was it?" ang nagtanong ay si CJ sa papa niya. Kumunot ang noo ko. "Kuya is good!" Sagot ni Rod at nag thumbs up pa siya. Lumapa