This will be my last update for today. Bukas, balik 12 noon po tayo. Salamat sa lahat ng naghintay
“Tito, nakabili ka na ng cruise ship?” tanong ni DJ kay Yu. “Yes, son, pero nasa Barcelona,” “Woah! What does it looks like?” “A big boat kuya? Just like a thousand sunny?” si CJ na iniisip kung gaano kalaki ang cruise ship na nabili ni Yu. “Nakabili ka na?” gulat na tanong ko. Yu chuckled. “Tss…” si Rod sa tabi ko. Narinig ko na tinawag niya ang bodyguard na standby lang sa tabi. “Bumili kayo ng dalawang cruise ship,” bulong niya. Pinipigilan kong mangiti. Umaandar na naman ang pagkaseloso niya. “Tito, is it big?” hindi makaget over si DJ sa cruise ship at hindi niya talaga titigilan si Yu kakatanong. “Oo naman. If malaki na kayo at pwede na mag travel ulit, you can come with me.” “As if papayag ako,” bulong ni Rod. Agad ko siyang kinalabit at pinandilatan ng mata. “Yey! I’m excited tito. Pwede sumama si papa, tito?” si DJ nagtanong dahilan kung bakit nag-angat nang tingin si Rod sa kaniya. Tumingin si Yu kay Rod at tinaasan ito ng kilay. “Oo naman, anak. Wala kasing crui
Hindi nawala sa isipan ko ang larawan na iyon. Nakabalik na si attorney sa tabi ko at kahit siya ay nagtataka bakit ang tahimik ko na ngayon. “May problema ba, hija?” “Wala po, attorney,” “Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo?” Napatitig ako sa kaniya at naisip na magkaibigan nga pala sila ni mama. Kilala din ba ni attorney si Miss Tanya dati? “Attorney, hindi ba po magkaibigan kayo ni mama? Gaano na po kayo katagal magkakilala?” “Hmm.. Your mom and I? Well… Dati kong kaibigan si Virginia noong bata pa ako but since lumipat kami sa Bataan no’ng 10 years old ako, kaya nawalan na kami ng contact ng mama mo sa isa’t-isa… e noon hindi pa naman masiyadong uso ang internet,” I see. Tumango ako. “So when I came back here in CDO, asawa ko na si Martin at naroon na si Rod. Nagkita kami ullit ni Virginia at ayun na, may anak na siya which is ikaw.” Kung ganoon, hindi niya kilala si Miss Tanya? Kasi kung si mama ang nasa litrato na hawak ni Miss Tanya, nasa around 17 years old siguro si
Pagdating ng hospital, nakita ko si Blake na nasa tabi ng chairman at kumakain ng hamburger. Nag-uusap ang dalawa at si Blake, prenteng nakaupo sa upuan sa waiting area. Si chairman ay nakangiti lang kay Blake at mawawari sa mukha na natutuwa siya dito. “Lolo, this is so delicious. I was so hungry earlier kasi kanina pa ako naglalakad.” Pinanood ko ang reaction ng chairman nang tawagin siya ng anak ko na lolo, but the chairman smiled whole-heartedly to his grandson. “Paano mo nalaman na sa hotel nagta-trabaho ang mama mo?” “My tito Yu showed me the address of the company sa boss ni mama. So I assumed na nasa company rin si mama ngayon but sadly, I got lost on my way,” sabi nito at parang matanda na umiiling na tila disappointed. Natawa ang chairman ulit. Panay tawa siya ngayon, kabaliktaran sa iniisip ko dapat na maging reaction niya. “So paano ka nakapunta sa hotel?” “I rode a jeep lolo at bumaba ako doon sa mall. I was with an old lady so probably the driver was thinking na
Hindi ko alam anong sasabihin o gagawin ko habang nakatingin sa mag-ama ko. Napabuntong hininga ako at napailing nang makita si Rod na tinutusok tusok ang pisngi ni BJ ngunit tinatampal ni BJ ang kamay niya paalis. “Hayaan mo na sila,” si Junisa na natatawa. Nasa tabi niya si AJ, natutulog. Pinakita ko sa kanila ang kaganapan sa kwartong ito. “Oo nga March,” sabi ni Eya at sa likuran niya si Symon, nakatayo habang karga si EJ na natutulog na. “Tito, the cruise ship is big! (snores)” natawa si Euclid. Nag video call kami ngayon para ipaalam sa kanila na maayos na si BJ. At lahat ng mga anak ko ay natutulog na sa tabi ng mga tao na pinagkakatiwalaan ko. “Salamat sa pagbabantay sa mga anak ko,” sabi ko sa kanila at sabay silang nag react na kesyo, hindi big deal iyon sa kanila. Nang matapos ang tawag, agad kong hinarap si Rod at si BJ. Naiinis na si Blake sa kakulitan ng papa niya but si Rod, aliw na aliw dito. “Ma, this dude is poking my face,” nakasimangot na sabi ni BJ. Pabulon
Kinabukasan pagkagising ko, wala na si Blake sa tabi ko. Si Rod ay nasa likuran at sinusuotan ng damit si BJ. “We’ll go home na daw, mama,” sabi ni BJ. “Good morning, mama,” si Rod na ginagaya kung paano ako tawagin ni Blake na mama. “Good morning,” nakaligo na silang dalawa at bihis na bihis na rin. “Mama, pupuntahan ba natin si kuya EJ at AJ sa bahay ni tita Eya?” Umiling ako. “Pupunta si kuya EJ mo sa house ni papa,” Humikab pa ako at tinignan ang orasan. Alas otso na pala. Ginawa na naming bahay ang hospital room na ito. “Mag-breakfast muna tayo,” sabi ni Rod at binuhat ang anak. Lumapit sila sa akin at naramdaman ko ang paghaIik ni Rod sa ulo ko at ginaya rin siya ni BJ na hindi nagpahuli. “I bought you a dress. Bihis ka na and tell your friends na tayo ang susundo sa dalawa nating anak,” bulong nito sa akin. “Pero mamaya pang hapon sila pupunta, Rod,” iyon ang sabi ni Eya at Juni kagabi nang tawagan ko sila. “I can’t wait,” sabi ni Rod at binalingan ang anak. “Kagabi
Teka.. “Kuya, it’s weird.. Why are you calling that dude as manong?” si BJ na tumingin pa sa kuya niya ngunit nakayuko pa rin ang ulo dahil hinahawakan ito ni Elias. “And why are you calling manong as dude?” Lumingon si BJ sa akin. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya dahil hindi talaga pinapakawalan ni EJ ang ulo ng kapatid hangga’t hindi ito nagso-sorry. “Ma! Kuya is we- “BJ, mag sorry ka na,” sabi pa ng panganay ko. Nauubusan na ng pasensya kay Blake. Hilaw akong ngumiti kay Rod. Sa mukha niya talaga, hindi na niya alam paano magri-react sa mga anak. “Teka- Hindi ko na matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa mga anak kong may sariling mundo at magsasalita kung kailan nila gusto. “Sorry,” si Blake. “Manong.. BJ, Sorry manong,” si EJ “Manong,” panggagaya ni BJ. “Sorry manong,” “Ayan. Good boy na ang baby ni kuya,” sabi ni Elias at malapad ang ngiti habang ginugulo ang buhok ni Blake. Ngumiwi si Blake kasi alam naman niyang si Rod ang papa nila, panay dude lang talaga siya
Tumawa si EJ at lumapit sa tenga ko para bumulong. “Blake is lying, ma?” Umiling ako. “He’s telling the truth,” I said. Tumingin siya kay Rod. Kung paano mailang at mahiya si BJ sa papa niya, iba si EJ. Lumapit siya kay Rod at nilapit ang mukha niya sa mukha nito para titigan ng mabuti. Ngumiti si Rod dahilan kung bakit umatras si EJ. Ang cute tignan nang mga reactions ni EJ. Tipong kukunot na ang noo niya, tipong matutuwa, nalilito, at naguguluhan. “Can I hold your face? Ah—what should I call you?” nalilitong tanong ni EJ kay Rod. “You can call him dude kuya if you’re shy,” sumigaw si Blake at mabilis siyang kinuha ni Eya at nilagay sa kandungan saka tinakpan ang bibig. “Pasaway ka talaga BJ kahit kailan,” natatawang sabi ni Eya dito. Talagang tinuruan pa niya ang kuya niya ah na tawaging dude ang papa nila. “You can call me papa because I’m your real papa.” Si Rod na talaga namang ang haba ng pasensya sa mga anak. Hinawakan ni EJ ang pisngi ni Rod at tinitigan ito at nanla
Dumating si attorney at naabutan niya sina Rod at ang apat na anak ko na nagyayakapan. Nanlalaki ang mata niya at wala siyang salita habang lumalapit sa kanila. “Elias,” turan ni attorney sa batang sabi niya ay nakikita niya si Rod no’ng kabataan. Nakikita niya talaga lalo’t dugo naman ni Rod si EJ. “Visitor?” si EJ na nakatingin kay attorney. “Oh my God!” “Why-“ halos hindi maisawika ni attorney ang sasabihin niya. Gulat na gulat talaga siya habang nakatingin kay EJ. Tumingin siya sa akin, pabalik kay EJ. She’s really speechless. Nakaka-guilty kasi ilang ulit na ako nagsinungaling sa kanila. “Hi po. Why are you here?” si EJ na nagtataka. “Kuya, who is she?” si Blake. “She’s the visitor I was talking to,” “Yeah.. hindi mo siya nakita no’n sa school, BJ?” si DJ na lumapit pa sa kapatid. “No,” “That’s what you get kasi hindi ka attentive sa class,” EJ na sinimangutan si Blake. “I am kaya. AJ was talking to me that time cause Dareng was annoying her,” “And why Dareng did th