Miss Tanya.
Huminga muna ako ng malalim bago umalis ng bathroom ngunit sa pagdating ko sa elevator, mukha ni chairman ang nadatnan ko. Nanlaki ang mata ko pero agad ring yumuko. Nandito siya? “Chairman, good morning,” ang sabi ko. “Hija,” napaangat ako ng tingin sa hija niya. “C-Chairman?” kinakabahan kong sabi. Napatingin ako kay Miss Tanya na nasa tabi niya. Sinabi ba ni Miss Tanya? “Pwede ba kitang makausap?” ang tanong niya. Hindi naman siguro sinabi ni Miss Tanya. Pero bakit ganito ang reaction ni chairman? Nag-away ba sila ni Rod? "Opo chairman," sagot ko. Nauna siyang maglakad paalis habang ako ay naka sunod sa kaniya. Tumunog ang phone ko, alam kong tumatawag si Rod pero hindi ko sinagot. Alam ko rin ang bahagyang paglingon sa akin ni Miss Tanya. Sa sasakyan, nang makapasok kami, nasa tabi ako ni chairman. "Hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Alam mo ba hija kung sino ang babae ni Rod?" Nanlaki ang mata ko at napatingin sa unahan kung saan si Miss Tanya ay nakatingin rin sa aki
“Why are you so quiet today?” ang tanong ni Rod habang papasok kami sa isang eat all you can. “What? Hindi naman,” sabay pakita ng pekeng ngiti. Kinuha niya ang kamay ko pero hindi nagbago non ang itsura niya. He looks serious na para bang hindi na siya natutuwa sa inaasal ko. Ilang linggo na akong tahimik lang dahil iniisip ko ang sinasabi ni Miss Tanya. “Is it bothering you?” ang tanong niya muli. “Bothering? Na ano?” tanong ko. “Iyong sinabi ni Clarissa,” ah—iyong kabit ako? umiling ako at tumingin sa harapan. Hindi ko pwedeng sabihin na oo, that it’s really bothering me. Kahit pa sabihing, medyo matagal na yun, hindi pa rin yun nawala sa isipan ko. Dahil guilty ako sa paratang na isa nga akong kabit. “Bakit naman ako mababahala doon?” napakasinungaling ko na. “Well yeah, hindi naman dapat.” Ang sabi niya. “First time ko sa eat all you can,” pag-iiba ko ng topic nang makapasok kami. May narinig pa kaming kasiyahan sa unahan. Parang may pinapalakpakan. “Congratulations,
(Back to present) "Bakit ka pa bumalik?" mahihimigan ang digusto sa boses niya na tila ba kinamumuhian niya talaga ako. Walang bahid ng kahit anong emotion ang mukha niya. "I'm here para alagaan ka," mahinahong sabi ko. Ngunit ngumisi siya. Ngising puno ng panunuya. "Nagpapatawa ka ba?" Hindi ko siya sinagot. Nilapitan ko siya habang hawak ang plato ngunit malakas niyang hinawi ito dahilan kung bakit natapon ang pagkain at nabasag pa ang plato kasama ng baso. "Umalis ka na dahil hindi kita kailangan," ang sabi niya. Hindi ako nakinig. Pinulot ko ang basag na plato. "BINGI KA BA? UMALIS KA SABI!" Galit na galit na sabi niya na kulang nalang ay masugat ang lalamunan niya sa lakas nang pagkakasigaw niya. Nanatili pa rin akong nakaupo at pinulot ang mga nabasa. Bawat sigaw niya, naninibago ako. Bawat sigaw niya, nasasaktan ako. Ang daya lang kasi gusto ko pa rin siya. Kahit ginaganito niya ako. "HOY! GINAGALIT MO BA AKO?" "Kamuhian mo na ako, pero nandito ako para alagaan k
“Where is he?” ang tanong ni attorney matapos ko siyang pagbuksan ng gate. Alas sais pa lang, narito na siya. “Nasa kwarto po niya,” sagot ko. “Kamusta ang nangyari kahapon?” nagbaba ako nang tingin. Unang araw ko kahapon, pahirapan na. “Hindi mo na kailangang sagutin,” aniya nang makuha ang sagot sa mukha ko. Hinawakan niya ako sa kamay. “Pagpasensyahan mo na si Rod, hija ah? Mainitin ang ulo niya matapos ng aksidente.” “Naiintindihan ko po,” iintindihin ko. “Tara, samahan mo ‘ko sa kaniya,” ang sabi niya. Tumango ako at sumama kay attorney sa kwarto ni Rod. Naabutan namin siyang walang damit pang itaas. “Ma,” Nagkatinginan kami, ako nalang ang unang nagbawi dahil naroon na naman ang nakamamatay niyang titig na para bang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. “Rod, nag resign na ang mga katulong at ang private nurse mo,” sabi ng mama niya. “For the 10th time, anak,” “I don’t care,” malamig na sagot niya. Napabuntong hininga si attorney. “Hindi bale, narito naman si Marcha.
“Rod, gusto ko lang sanang ipakita sayo ito. Ayos na ba?” ang tanong ko matapos kong ipakita ang inaayos kong documents na kailangan daw niyang e-submit sa chairman. Inaantok na ako dahil anong oras na. Tahimik niyang kinuha ang laptop at chineck iyon bago niya e save at isara. Pikit na ang mata ko dahil inaantok na talaga ako. Hindi ko na nga nakausap ang mga anak ko kanina dahil sa mga inutos niya. “I need water,” tumango ako. “Ano pa?” sabi ko pero tinalikuran na niya ako. Wala akong nagawa sa kabastusan niya. Bumaba ako ng kusina para kumuha ng isang basong tubig at nang bumalik, tulog na siya. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. So talagang pinagod niya lang ako? Napatitig ako sa mukha niya. Mahimbing na siyang natutulog ngayon. Nilagay ko ang baso sa tabi niya at nilapitan siya. Marahan kong ginalaw ang buhok niya at umupo sa kama. Pinakatitigan ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog. “Ikaw talaga, pinagod mo pa ako,” mahinang sabi ko. Marahan kong sinusuklay an
Nanlalaki ang mata ni Clarissa sa ginawa ko. Umawang pa nga ang labi niya sa gulat pero hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Rod. “HA-YUUUP KA!” Malakas na sigaw niya ngunit inunahan ko siyang sampalin. “Hindi ako ang asawa pero anong klaseng babae ka? Bakit mo pinabayaan si Rod? Ngayon, may gana ka pang magalit? Kasi blinock niya ang ATM cards mo?” Tumingin siya kay Rod. “So nagkabalikan pala kayo ng kabit mo, Rod?” Sinampal ko ulit siya sa galit ko na tinawag niya akong kabit. Napahawak siya sa pisngi niya. “Kailanman hindi ako kabit. Ano man ako noon, iyon ay dahil wala akong kapangyarihan para ipaglaban ang karapatan ko.” Pinagtanggol ko si Rod pero matapos kong sampalin si Clarissa, malakas na hinablot ni Rod ang kamay ko. “Anong ginagawa mo?” kunot noong tanong niya. Natulala ako. “Rod, sinasaktan ka ng babaeng yan!” Ang sabi ko. “Asawa ko ang sinasampal mo,” puno ng gigil na sabi niya. Natigilan ako at parang napahiya. Nakita ko ang ngisi sa labi ni Clarissa. “
Mas naging masungit at tahimik si Rod. Pero madalas, hindi niya ako pinapansin. Isang linggo na ako sa kaniya at ginagawa ko pa rin ang trabaho ko. Ang alalayan siya sa lahat ng oras. “Rod,” tawag ko nang makapasok ako sa kwarto niya. “Gusto mo bang maglakad?” “Ayaw ko,” simpleng sagot niya. “Maganda ang panahon sa labas. Hindi na gaanong mainit. Halika labas tayo para ma exercise mo ang mga paa mo.” Binalingan niya ako ng nakamamatay na tingin. “Sawa ka na ba na alagaan ako? Kaya atat na atat ka na gumaling ako? Bakit? Gusto mo ng umalis? Umalis ka kung gusto mo.” Napaawang ang labi ko sa galit niya. “Hindi mo naman kailangan magalit. Tinatanong lang naman kita. Kung ayaw mo, ayos lang.” Nang maisarado ko ang pintuan ng kwarto niya, doon lang ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Ilang araw ko na siyang sinusuyo, ayaw naman niya akong palapitin sa kaniya. Naging bato na ba ang puso niya? Kaaway na ba ako sa mga mata niya? Nakakatayo na siya at nakakahakbang
“Anong ginagawa mo dito, ma?” tanong ni Rod sa itaas. Ngumuso si attorney. “Why so cold anak? Sinusungitan mo ba itong si Marcha?” tanong ni attorney. “Sus, kunwari ka pa ah.” Tumingin lang si Rod sa akin. “Stop bluffing ma,” aniya. Nginisihan siya ni attorney. “Ano ba kasing problema, anak? Kapag itong si March umalis, kawawa ka.” Tumingin ako kay Rod at masama na itong nakatingin sa mama niya pero si attorney, ayon, parang wala lang. “Mabuti ngang umalis siya. May asawa na siya hindi ba?” galit na niya. Masama pa itong nakatingin sa akin. Hindi ko naman siya inaaway at isa pa, hindi ko nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina na slut daw ako. “Kung sabagay.. May asawa na si Marcha. Tie kayo,” ani ni attorney at tumawa pa. Mas lalong hindi na maipinta ang mukha ni Rod. “Oh gabi na rin. Uuwi na rin ako,” ang sabi ni attorney sa amin. Umakyat muna siya sa itaas para puntahan si Rod. “Malapit ka ng makalakad anak. Naigagalaw mo na ang mga paa mo.” Nakangiting sabi ni attor