"Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin? Isang maruming asawa? Walang karapatan maging malinis kahit minsan." Isinugod ko ang mga salitang iyon sa pagmumukha ni Eduardo. Hindi ko matanggap sa sarili kong tiningnan niya ako bilang maruming babae. Akala ko mahal niya ako? Akala ko hindi niya ako kayang masaktan? Akala ko nirerespeto niya ako bilang asawa? Akala ko matatanggap niya ang ako ng buo? Pero hindi pala! Isa palang kaladkarin na babae ang tingin niya sa akin bilang asawa. Ang sakit! Parang sinaksak at piniraso ang puso ko sa kirot. Para akong pinapatay ng sakit sa dibdib ko. Nanunumbalik tuloy ang lahat na nangyari sa akin. Nang mga panahong durog na durog ako. Mga panahong wala akong masasandalan na kahit sino? Isa ba itong pananginip? Nakakatakot naman! Sana'y magising ang puso kong naiidlip sa sakit! Hindi ko kayang harapin ang lahat ng ito. Pakiramdam ko nanlambot ang mga buto ko sa paa! Lubos akong nagsisisi! Ano bang klasing buhay ang pinasok ko? Is this hell? No!
Briana's POV "From now on, let break our friendship! Hindi na tayo magkaibigan Briana. Ituring mo na din akong isang estranghero sa buhay mo." Para akong sinaksak sa dibdib ng kutsilyo paulit-ulit. Hindi lang ako nasugatan ng mga salitang iyon. Para akong pinatay ng mga katagang iyon. Pumapatak lamang ang mga luha ko. Ang sakit sa dibdib ang mga sinabi sa akin ni Marcus. Tumatagos sa puso ang kirot at hapdi. Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap sa sarili ko. Sa mga segundong ito. Gusto niyang putulin ang pagiging magkaibigan namin? Gusto niyang wakasan ang lahat. Marahas kong hinawi ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi ng malakas. I shook my head. Nakatingin lamang ako sa mga mata ni Marcus. Kita ko ang pagkainis sa kaniyang mapupulang mga labi. "Bakit gusto mong putulin ang pagiging magkaibigan natin Marcus? Tapatin mo nga ako. Mahalaga ba sila kaysa sa akin? Masbatimbang ba si Abby at Avery diyan sa puso mo?" Nakita kong umarko ang mga
Marcus's POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkagulat dahil sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa kauna-unahang pagkakataon. I shook my head. Naguguluhan lamang ang sarili ko. Gustong maawa ang puso ko sa kaniya pero hindi ko magawa. Nagalit ako dahil sa mga sinabi niya. "I'm sorry Marcus! Sana mapatawad mo ako! Sana matanggap mo parin ako. I know this is all my fault." Wala akong ibang marinig kundi ang paghingi niya ng kapatawaran sa ginawa niya. Gusto niyang isugod sa akin ang mga salitang iyon para maramdaman ko siya, para maintindihan ko siya. Umiiyak lamang siya sa harap ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong umiyak siya ng ganito. She fell in love with me. Kaya pala napaka-possessive niya pagdating sa akin. Kaya pala hindi ko siya maintindihan kasi sobra na siyang nagseselos pagdating sa mga ikinikilos ko. I can't imagined that my best friend fell in love with me. Sa palagay ko hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin kundi isang obsession. Ku
Briana's POV "Malay ko bang nag-away sila Alex. So ako ngayon ang sinisisi mo? Bakit ako? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ako talaga ang may kasalanan sa lahat?" Papasok palang ako ng mansion naririnig ko na ang malakas na sigaw ni mommy. Ramdam ko ang sakit sa mga salitang galing sa kaniyang bibig. Hindi ako magkakamali na nag-aaway na naman sila ni Daddy Alex. Alam kong minsan na silang nagtalo at nagsisigawan sa bawat isa. Hindi nila alam na sa tuwing nag-aaway sila ay naririnig ko iyon. Pero alam ko naman na ayaw nila akong masangkot sa kanilang gulo. Sa kanilang away. "Nagiging magulo ang family na 'to Amelia dahil sayo. Kung hindi ka sana nakikialam sa mga likos ko? Wala sana tayong problema. Hindi sana nagkalintik-lintik ang buhay natin ngayon." Hindi ko sila maintindihan. Parang kung makapagsalita si Daddy kay mommy ay walang preno. Parang hindi nila asawa ang bawat isa. Ano bang nangyayari sa kanila? Naguguluhan ako! Hindi ko masikmura na unti-unting nababasa
Alyana's POV Mariin kong binuksan ang kwarto ni Abby at Avery. Lungkot ang pumipiga sa puso ko. Masakit sa dibdib at sa pakiramdam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sa kabila nang mga nangyari. Ginugulo ang isipan ko ng mga bagay-bagay. Nakita kong mahimbing ang pagkakatulog ng magkapatid. Ang ganda nila pagmasdan. Magkakambal nga siya. Wala silang pinagkaiba sa isa't-isa. Mariin akong umupo sa gilid ng kama nila. Pinagmamasdan ko lamang ang pagkapatid. Ang cute nila matulog. Parang kailan lang ang lahat. Noon inaalagaan ko pa sila. Ang liit-liit pa nila noon. Mga bata pa sila nang mga panahong iyon. Bumabalik tuloy ang mga alaala sa isipan ko. Mga alaalang tahimik at payapa ang lahat. Paslit pa sila nang mga sandaling iyon. Sa hindi ko namalayan. May luha na palang gumapang sa pisngi ko mula sa mga mata ko. Umiiyak na pala ako dahil sa mga alaalang iyon. Ang sakit isipin na marami nang nagbago. Marami nang nangyari. Hindi na maibabalik pa ang lahat. Maingat kong hina
Nang magising ako, wala na si Eduard sa tabi ko. Tanging damit na lamang niya ang nagkalat sa sahig. Hindi man lang niya ako ginising bago umalis. Alam kong pumunta na siya sa Empire company. Alam kong marami pa siyang aasikasuhin dahil sa monday ngayon. Dinampot ko ang damit namin na nagkalat sa floor. Hawak ko lamang ang damit namin ni Eduard. Bigla na lamang sumagi sa isapan ko ang mga nangyari kagabi sa amin ni Eduard. Muling naibigay ko ang sarili ko sa kaniya. Sa bawat paghalik niya sa akin kagabi. Ramdam ko ang pananabik niya sa akin. Parang nawala ako ng mahabang panahon tila sabik na sabik siya. Matapos kong ilagay sa laundry ang damit namin. Inayos ko na rin ang sarili ko. Nakaligo na ako bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko naman na paalis na rin si Abby at Avery patungong University. Nakahanda na sila pareho. "Mom! Aalis na po kami!" paalam ni Avery. Bitbit na nito ang kaniyang gamit. Si Abby naman ay dinampot na rin niya ang kaniyang bag. "Sige! Mag-ingat na lang ka
Alex's POV Napahaplos ako sa aking pisngi dahil sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Juliana. Halos matanggal ang aking mukha. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pagkagulat. Shit! Halos dumilim ang paningin ko dahil sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin. "How could you Alex? Pagkatapos mo akong lokohin? Ito ang igaganti mo sa akin? Napakawalang puso mo." Nanginginig ang kaniyang kamay sa galit at pagkamuhi sa akin. Gusto niya akong durugin sa kaniyang paningin. Pero alam kong mahina ka Juliana. Alam kong nagtatapang-tapangan ka lang. Hindi ako papayag na tuluyan kang akinin ni Eduard. Ako lang ang dapat gumalaw sayo walang iba. "Oo, wala na akong puso. Ako na ang napakasamang tao na nakilala mo Juliana. Pero hindi ako papayag na kunin ka sa akin ni Eduard. Ako lang ang iisang lalaki sa buhay mo." "Hayop ka Alex! Kung gusto mo akong itali sa sarili mo? Kung gusto mo akong pag-ariin? Nagkakamali ka. Hindi ganoon kadali ang gusto mo." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya
Abby's POV "Abby!" Napalingon ako nang tawagin ang pangalan ko. Nagulat na lamang ako nang makita ko si Marcus na papalapit. Anong ginagawa niya rito sa rooftop ng engeenering building? Akala ko umuwi na siya after ng klase namin. Huwag niyang sabihin na ini-stalk niya ako? Ts, may magagalit na naman kasi. For sure may tutubo na naman ang sungay kapag kausap ako ni Marcus. Ito kasing si Marcus. Bakit pa siya pinanganak na habulin ng mga babae? Ewan ko ba sa kaniya kung bakit ang gwapo niya. Tigasin ang katawan at may hitsura. Parang model ba. Sino naman ang hindi mahuhulog sa kaniya? He's a perfect guy in this world. Wala ka ng hahanapin dahil nasa kaniya na ang lahat. "Hmm. I'm sorry! Dito lang pala kita matatagpuan. Kanina pa kita hinahanap." Tama ba ang narinig ko? Hinahanap niya ako kanina pa? Bakit niya naman ako hinahanap? Anong mayroon sa kaniya? At bakit siya nag-sosorry? May nagawa ba akong mali? Nakatayo lang ako sa aking kinatatayuan. Hindi tuloy ako makagalaw na