Alex's POV "Ahhh! Shit!" Napahawak ako sa aking sintido nang magising ako. Masakit lamang ang aking ulo. Pumipintig ito sa kirot. Nanlalaki ang mga mata ko. "Alex! Sobra akong nag-alala sayo, mabuti nagising ka na. May masakit pa ba sayo? Nasaktan ka ba?" Napalingon ako sa asawa ko kay Amelia. Sobra ang pag-aalala ang makikita sa kaniyang mga mata. Hindi siya mapakali sa harapan ko. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Napalunok na lamang ako habang nakaupo. Para akong mahilo dahil sa sitwasyon ko. Masakit ang lalamunan ko. "Anong nangyari? Nag-away raw kayo ni Alex sa kompanya. Tinawagan nila ako para puntahan ka rito. Hindi ako mapalagay Alex. Akala ko hindi ka na magigising." Dama ko ang tinding pag-aalala ni Amelia sa akin. Kahit nasasaktan ko siya kung minsan wala lang iyon sa kaniya. Masgugustuhin niya pangkausapin ako at damayan. Hindi niya ako matiis. I hate her as my wife. Hindi ko siya magawang mahalin. Pero sa kabila ng lahat ay nandiyan pa rin siya para sa
Alyana's POV"Eduard natatakot ako. Paano kung may mangyari kay Alex? Paano kung napatay mo siya? Sa tingin mo hindi ka babalikan ng pamilyang Villioner? Masama silang kaaway noon pa."Hindi ako mapakali. Nahihilo na ako kakalakad at kakaisip ko rito sa mansion. Nag-aalala ako dahil sa ginawa ni Eduard. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?"Handa akong makipagpatayan Alyana para sa pamilya ko. Hindi ako papayag na saktan nila at apihin ang mga mahal ko sa buhay. Hinding-hindi ko sila mapapatawad."Seryosong pagbigkas ni Eduardo. Buo ang kaniyang loob sa kaniyang desisyon na handa niyang ipaglaban ang kaniyang pamilya hanggang sa dulo ng kamatayan.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamao. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Wala siyang takot na nararamdaman kahit kapiraso.I shook my head. Hindi ako makapaniwala. Ibang Eduard ang nakikita ko ngayon. Walang takot sa kamatayan. Handa siyang bumuhis ng buhay para sa kaniyang pamilya.Pumatak na lamang ang mga luha ko sa hindi ko nama
"Ano po ang nangyari? Bakit po hinuli nila si Daddy? Mommy sagutin niyo po kami."I cupped my face. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo. Hindi ko alam kung matatanggap ni Abby at Avery ang nangyari?Alam kong masasaktan siya. Alam kong hindi nila ito kayang tanggapin sa puso nila. I shook my head. Nakatingin lamang sila sa akin at naghihintay ng kasagutan. Hindi nila ako maintindihan kung bakit umiiyak ako kanina pa?"Anak! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat? Sana matanggap niyo. Nag-away kasi ang Daddy niyo at si Alex sa Empire company. Nag-away sila dahil sa akin."Napayakap na lamang ako kay Abby. Niyakap ko na lamang silang dalawa. Doon na ako napahagulgol sa kanilang balikat. Pakiramdam ko pinagtaksilan ko si Eduard. Ang sama-sama ko."Anak I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na mag-aaway sila dahil sa akin."Nanlamig na lamang ang puso ko sa kirot. Pinipiga ang puso ko sa sakit. Sinasaksak ang puso ko. Dinudurog ang damdamin ko. Hindi ko matanggap. A
Alex's POV"Malinis na ang lahat. Hindi ka na makakagat ng aso na iyon. Hindi na rin siya makakatahol pa. Kahit anong gawin niya pa. Hindi na siya makakalabas sa bilangguan. Doon na siya mabubulok habang buhay."Napasulyap ako kay Mr. Lim. Nakipagkita ako sa kaniya matapos akong makalabas mula sa hospital kahapon. Tanging band aid na lang ang nagsisilbing bakas sa pisngi ko dahil sa ginawa ni Eduardo. Masakit pa ito at makirot.Pinaglalaruan ko lamang ang wine na hawak ko kanina pa. I let out a heavy breath. Sa wakas nakaganti na rin ako kay Eduardo. Nagkakamali siya na ako ang binangga niya.Napaiwas ako ng tingin kay Mr. Lim at napatalikod mula sa kaniya. May ngiting tagumpay lamang sa mga labi ko. Naisahan ko na siya. Ang buong akala niya ay hindi ako papalag sa ginawa niya."Good to hear Mr. Lim, kahit kailan hindi mo ako binigo. Sobra kang maaasahan sa lahat ng mga kaso. Dapat hindi na siya makahanap pa ng butas para hindi na makalabas ang hayop na yon. Make sure na doon na siya
Alyana's POV"Eduard... Eduard gagawa ako ng paraan para makalabas ka rito. Hindi ko hahayaan na makulong ka habang buhay."Nanunubig lamang ang mga mata ko dahil sa mga luhang kusang tumatakas sa aking mga mata. Parang baliw ako habang tumatangis sa pag-iyak sa harapan ni Eduard.Hindi ko kayang makitang ganito ang sitwasyon niya. Hindi ko siya matitiis na nasaloob siya ng mga rehas na ito. Hindi kakayanin ng konsiyensya ko.Hindi ko pinangarap ang bagay na ito para kay Eduard. Hindi siya nababagay sa ganitong kalagayan, sa ganitong lugar. Hindi siya masamang tao para makulong. Hindi siya mamamatay tao. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Eduard. Nananabik lamang akong mahawakan ko ang kaniyang mukha. Sa pagkakataong ito ay patuloy na umaagos ang mga luha ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mapahibik ng malakas."Eduard! Eduard patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nakulong ka. Ako ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay mo." I shook my head.
Avery's POV "Daddy!" pumatak na lamang ang mga luha ko sa hindi ko namamalayan. Napahikbi na lamang ako sa pag-iyak. Nag-uunahan lamang ang mga luha ko sa pagbagsak. Pakiramdam ko minaso ang puso ko at labis na nagdurugo ito sa kirot at sakit. I can't imagine myself crying again dahil sa kalagayan ni Daddy. "Anak I'm sorry!" nangingiyak niyang sambit sabay pagyakap sa amin ni Abby. Napahikbi kami sa kaniyang balikat. Ramdam ko ang paghagod ni Daddy sa aming buhok. Nakita namin ang kaniyang sitwasyon. Alam kong ginagawa niya ito para palakasin kami dahil alam niyang hindi namin kakayanin ang makitang ganito ang kalagayan niya. Ramdam namin ang pagmamahal niya bilang ama sa bawat paghagod ng kaniyang kamay. Alam kong sa mga segundong ito ay labis siyang nasasaktan. Labis ang kaniyang pangungulila na hindi kami makasama. Kahit ako hindi ko matanggap na ito ang nangyari sa kaniya. Napaka-unpredictable ng mga pangyayari. Hindi ko inasahan ang lahat ng ito. Kumawala si Daddy sa
Alyana's POVNapasulyap ako kay Abby. Tahimik lamang ito habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. Ang layo ng iniisip niya. Tila labis siyang nangungulila dahil pauwi na kami galing kay Eduard.Kanina pa siya hindi kumikibo. Lungkot lamang ang masisilayan sa mga mata niya. Alam kong masakit para sa kaniya ang lahat. Alam kong nasasaktan siya ang makitang ganoon ang sitwasyon ng kaniyang ama.Si Avery naman ay nasa may gawi ko. Tila inaantok ito kaya walang kibo. Tahimik lamang ito habang nakasandal ang kaniyang ulo sa kaniyang upuan. Natutulog siya.Hindi maiwasan pumatak ang ilang mga luha ko. Ang saki-sakit ang makitang nagkakaganito ang mga anak ko. Dala na siguro ito sa pangungulila sa kanilang ama. Masakit din na hindi nila makasama si Eduard. Hindi sila sanay na hindi nila nakikita ang kanilang ama.Bahagya kong pinunas ang mga luha ko. Bumabalik tuloy sa isipan ko ang masasayang mga sandaling kasama namin si Eduard. Tila walang kupas ang sayang iyon. Nagtatawanan sa bawat isa. W
"I have a nice day pero sinisira mo Juliana. Nandito ka ba para sirain ang araw ko? O andito ka para sa asawa mo? Hindi ka ata nadadala Juliana." Oo, pinuntahan ko ang walang kwenta kong ex-husband na si Alex dito sa Empire company para makausap siya. Pero tila mahirap niyang ibigay ang bagay na hinihingi ko sa kaniya. Nakaharap lamang siya sa window at nakatanaw sa labas ng building. His black suit made him perfect and elegant. Maayos na maayos ang kaniyang suot. Maayos din ang kaniyang tindig.Masama ang ihip ng panahon ngayon. Malakas ang pag-ulan sa labas. Malamig ang simoy ng hangin sa buong paligid. Maririnig din ang pagdagundong sa labas ng building company. Nakakatakot ang pagiging tahimik ni Alex habang hawak niya ang glass. Napakalamig niya kung saan siya nakatayo. Ibang-iba na nga siya sa Alex na nakilala ko noon.Malamig na napagala ang aking mga mata sa paligid ng opisina niya. Malinis na malinis ang opisina niya, neat and clean, well-organized rin ang mga files niya.