Share

Chapter 64

Alyana's POV

"Eduard... Eduard gagawa ako ng paraan para makalabas ka rito. Hindi ko hahayaan na makulong ka habang buhay."

Nanunubig lamang ang mga mata ko dahil sa mga luhang kusang tumatakas sa aking mga mata. Parang baliw ako habang tumatangis sa pag-iyak sa harapan ni Eduard.

Hindi ko kayang makitang ganito ang sitwasyon niya. Hindi ko siya matitiis na nasaloob siya ng mga rehas na ito. Hindi kakayanin ng konsiyensya ko.

Hindi ko pinangarap ang bagay na ito para kay Eduard. Hindi siya nababagay sa ganitong kalagayan, sa ganitong lugar. Hindi siya masamang tao para makulong. Hindi siya mamamatay tao.

Marahan kong hinaplos ang mukha ni Eduard. Nananabik lamang akong mahawakan ko ang kaniyang mukha. Sa pagkakataong ito ay patuloy na umaagos ang mga luha ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mapahibik ng malakas.

"Eduard! Eduard patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nakulong ka. Ako ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay mo." I shook my head.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status