Share

Chapter 67

"I have a nice day pero sinisira mo Juliana. Nandito ka ba para sirain ang araw ko? O andito ka para sa asawa mo? Hindi ka ata nadadala Juliana."

Oo, pinuntahan ko ang walang kwenta kong ex-husband na si Alex dito sa Empire company para makausap siya. Pero tila mahirap niyang ibigay ang bagay na hinihingi ko sa kaniya.

Nakaharap lamang siya sa window at nakatanaw sa labas ng building. His black suit made him perfect and elegant. Maayos na maayos ang kaniyang suot. Maayos din ang kaniyang tindig.

Masama ang ihip ng panahon ngayon. Malakas ang pag-ulan sa labas. Malamig ang simoy ng hangin sa buong paligid. Maririnig din ang pagdagundong sa labas ng building company.

Nakakatakot ang pagiging tahimik ni Alex habang hawak niya ang glass. Napakalamig niya kung saan siya nakatayo. Ibang-iba na nga siya sa Alex na nakilala ko noon.

Malamig na napagala ang aking mga mata sa paligid ng opisina niya. Malinis na malinis ang opisina niya, neat and clean, well-organized rin ang mga files niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status