ABALA sa paggawa ng assignments ang sampung taong gulang na si Trevor sa loob ng kaniyang silid. Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na kalabog at sigawan mula sa katabi ng silid niya, ang silid ng kaniyang ina at ng live-in partner nitong si Carlos.
Nabitawan niya ang hawak na ballpen at napatingin sa dingding na nasa pagitan ng kanilang mga silid. Nangilid ang luha sa mga mata ng bata. Nakuyom niya ang mga kamao. Gusto niyang tulungan ang mommy niya na walang awang binugugbog ni Carlos ng mga sandaling iyon, ngunit wala siyang magawa. Ano bang laban niya sa amain na bukod sa matangkad na ay malaki pa ang pangangatawan? Nang mamatay ang ama ni Trevor noong nakaraang taon dahil sa heart attack ay muling nakipag-relasyon ang kaniyang ina sa ibang lalaki. Six months ago ay nag-live in ang dalawa at tumira si Carlos sa bahay nila. Noong una ay maayos ang pakikitungo nito sa kanilang mag-ina. Ngunit hindi naglaon ay lumabas din ang totoo nitong ugali. Lagi nitong sinasaktan ang mommy niya, lalo na kapag hindi nagbibigay ng pera para sa pangsugal at pang-inom nito. Ilang buwan nang ganito ang sitwasyon sa bahay nila kaya naman nasanay na rin si Trevor. Wala naman siyang magagawa. Gustuhin niya mang awatin si Carlos sa pananakit nito sa mommy niya ngunit hindi niya magawa. Kapag umawat kasi siya ay siguradong sasaktan lamang siya nito. Pinagpatuloy na lang ni Trevor ang paggawa sa mga assignments niya. Ilang sandali pa ay tumigil na ang mga kalabog at sigawan sa kabilang kwarto. Ang tanging naririnig niya na lang ay ang malakas na paghagulgol ng kaniyang ina. Nang marinig niya ang malakas na pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang silid ay tumayo na rin siya. Nagpalipas muna siya ng ilang sandali. Nang masigurong naka-alis na ng bahay si Carlos ay lumabas na siya ng silid. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at dumerecho sa banyo. Kumuha siya ng bimpo at nilagyan ng tubig ang isang palanggana. Kinuha niya rin ang medicine kit tapos ay umakyat sa silid ng mommy niya. Nakasanayan na niyang gawin ang bagay na ito sa tuwing matatapos mag-away ang dalawa. Nakagat ng bata ang pang-ibabang labi nang makita ang ina na naka-upo sa isang sulok ng silid. Putok ang labi nito at may black eye sa kanang mata. Patakbo siyang lumapit sa ina at agad na pinunasan ng basang bimpo ang duguang mukha nito. Habang nilalagyan ng gamot ang mga sugat ng ina ay tahimik lamang itong umiiyak. Napa-iyak na rin si Trevor dahil sa matinding awang nararamdaman para sa ina. "Umalis na tayo rito, mommy. Natatakot na po ako sa bahay na 'to. Please umalis na tayo," umiiyak niyang pakiusap sa ina. "Hindi ko p'wedeng iwanan ang Tito Carlos mo. Siguradong susundan niya tayo kahit saan tayo magpunta. Papatayin niya ako 'pag iniwan ko siya. Baka pati ikaw madamay, anak. At iyon ang ayokong mangyari." Bakas sa bawat salitang binitawan nito ang matinding takot para kay Carlos. Umangat ang kanang kamay ni Annie at masuyong hinaplos ang mukha ng kaisa-isang anak. "Tinawagan ko kanina ang Tito Christian mo." Ang tinutukoy ni Annie ay ang kapatid nito na nakatira sa kabilang bayan. "Binigay ko na sa kaniya ang naiwang pera ng daddy mo. Doon ka muna tumira sa bahay niya. Siya muna ang pansamantalang magpapa-aral at magpapalaki sa 'yo." Natigilan si Trevor sa ginagawa. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi niya lubos maisip na ipapamigay siya ng sariling ina sa kapatid nito. Mabait naman si Christian. Parang anak nga ang turing nito sa kaniya sa tuwing magkasama sila. Kaya lang ay ayaw niyang mapahiwalay sa mommy niya. Wala na nga ang daddy niya, pati ba naman ang mommy niya ay mawawala rin? Nag-unahan sa pagtulo ang luha sa kaniyang mga mata. Sa labis na pagkabalisa ay nabitawan niya ang hawak na bimpo. "Hindi mo na ba ako mahal, mommy? Ayaw mo na ba akong makasama?" umiiyak niyang tanong. "Mahal na mahal kita, anak. Kaya ko nga ito gagawin kasi mahal kita at gusto kong maging maayos ang buhay mo." "Pero bakit mo ako ipamimigay? Kung mahal mo ako, hindi mo ako ipamimigay kay Tito Christian." "Dahil mas magiging ligtas ka kung aalis ka sa impyernong bahay na 'to. Mas mapapanatag ang kalooban ko kung pansamantala kang titira sa tito mo. Walang mananakit sa iyo ro'n. Mas maaalagaan ka niya. Susunduin ka niya bukas sa eskwelahan. Sumama ka sa kaniya, Trevor." Pilit na nginitian ni Annie ang anak. Mariin siyang umiling bilang pagtutol. Ayaw niyang mapalayo sa mommy niya. Mas gugustuhin na niya ang magulong buhay sa piling nito at ni Carlos kaysa magkahiwalay silang dalawa. "Huwag kang mag-alala, anak. Pansamantala lang naman 'to. Kukunin din kita sa kaniya kapag naayos ko na ang problema ko sa Tito Carlos mo." "Ayoko pong sumama sa kaniya, mommy. Nangako ako kay daddy noon na hindi kita iiwan. Dito lang po ako sa tabi n'yo. Hinding-hindi ko po kayo iiwan." "Pero, anak-" "Mommy, please dito lang ako. Ayoko pong magkahiwalay tayo. Okay lang po sa akin kahit lagi akong saktan ng Carlos na 'yon basta makasama ko lang kayo." Yumakap siya sa ina at tuluyang napahagulgol ng iyak. "Magpapalakas po ako para maipagtanggol kita kay Carlos. Kapag malaki na ako, mapo-protektahan na kita at hindi ka na niya masasaktan." Napahagulgol na rin ng iyak si Annie. Gumanti ito ng yakap sa anak at pinaghahalikan si Trevor sa tuktok ng mukha. "I'm sorry, anak. Pati ikaw nadamay sa gulo ng buhay ko." Ilang sandali silang nanatiling magkayakap. Mayamaya ay pinilit tumayo ni Annie kahit na nanginginig ang katawan nito. "Magluluto muna ako, Trevor." "Gutom ka na ba, mommy? Ipagluluto po kita." "Huwag na, anak. Ako na lang. Siguradong magagalit na naman ang Tito Carlos mo kapag umuwi siya at inabutan niyang walang pagkain sa kusina." Pinilit maglakad ni Annie ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang ito ay agad din itong bumagsak. Agad na lumapit si Trevor sa ina. Inalalayan niya ito paupo sa gilid ng kama. "Dito ka na lang, mommy. Ako na po ang magluluto." Nginitian niya ang ina tapos ay patakbo nang lumabas ng silid nito at nagtungo sa kusina. Wala silang katulong kaya naman sa murang edad ay nasanay na siya sa mga gawaing bahay, lalo na kapag hindi makakilos nang maayos ang mommy niya sa tuwing pinagmamalupitan ito ni Carlos. Dati ay may dalawang katulong sila sa bahay. Subalit parehong umalis ang mga ito dahil pinagtangkaang halayin ni Carlos. Tahimik na umiiyak si Trevor habang nagluluto ng corned beef. Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang galit. Balang araw ay makakaganti rin siya kay Carlos. Ipaparanas niya rito ang lahat ng hirap at pasakit na lagi nitong pinapatikim sa kaniyang ina.NABASAG ang katahimikan sa loob ng classroom nang marinig ng mga estudyante ang malakas na tunog ng bell. Senyales iyon na tapos na ang klase nila ngayong araw. "Okay, class, I'll see you on Monday."Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante at bumati sa guro, maliban kay Trevor. "Goodbye and thank you, Mrs. Solis." Kunot noong napatingin ang guro sa kinauupuan ni Trevor na noon ay tila may malalim na pag-isip. Nang muling maupo ang mga mag-aaral para ayusin ang gamit ng mga ito sa pag-uwi ay saka lang tila natauhan si Trevor. Nilagay na niya sa loob ng bag ang mga gamit niya. Tumayo na siya at sinukbit ang backpack sa likuran tapos ay tinungo na ang direksyon ng pinto. Nagpaalam kay Trevor ang ilang kaklaseng ka-close niya. Ngunit tila wala siyang narinig at dere-derecho lang sa paglalakad. Papalabas na sana siya ng silid nang tawagin siya ng kanilang guro. Natigilan siya at bumaling dito. "Bakit po, ma'am?" buong pagtatakang tanong ng bata. "P'wede ba kitang
DALI-DALING tinanggal ni Trevor ang bag na nakasukbit sa kaniyang likuran. Gusto niyang tulungan ang ina. Wala na siyang pakialam kahit na saktan siya ni Carlos. Nilibot niya ang mga mata sa paligid at naghanap ng maaaring ipamalo sa amain. Kinuha niya ang malaking flower vase na nakapatong sa coffee table at pinaghahampas iyon sa likuran ni Carlos hanggang sa mabasag. "Hayop ka! Bitiwan mo ang mommy ko!" Tinigil nito ang pananakit kay Annie at pumihit paharap sa kaniya. "Bwisit kang bata ka!" Sinipa siya ni Carlos dahilan para matumba siya sa sahig. Siya naman ngayon ang pinagbuntunan nito ng galit. "Lumalaban ka na, ha! Ngayon mo ipakita sa akin ang tapang mo!" nanlilisik ang mga matang wika nito. Susugurin sana nito si Trevor ngunit agad na pumagitna si Annie. "Carlos, maawa ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Agad nitong niyakap si Trevor kaya naman ito ang nakasapo ng malalakas nitong sipa. Walang magawa si Annie kundi tanggapin na lang ang pananakit ni
AGAD na kinabahan si Trevor nang magising siya sa loob ng isang silid na hindi pamilyar sa kaniya. "Sa wakas nagkamalay ka rin," wika ng isang babae. Bumaling siya sa pinagmulan ng tinig. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng pang-madre. Mukha naman itong mabait. Ngunit dahil sa matinding trauma na inabot dahil sa nangyari ay napa-atras si Trevor at siniksik ang sarili sa may bandang headboard ng kama. Niyakap niya ang mga tuhod. Bahagyang nanginginig ang katawan niya at naiiyak siya sa takot. "Huwag kang lalapit!" "Huwag kang matakot, hijo. Hindi kita sasaktan." Lalong natakot si Trevor maupo ito sa gilid ng kama. "Sino po kayo? Nasaan ako?" "Nandito ka ngayon sa Karen Rose Home for Angels. Ako si Karen Rose, ang madre superyora ng ampunang ito," malumanay nitong wika. "Nakita ka namin kahapon sa kalsada na may mga sugat at walang malay. Hindi namin alam kung saan ka nakatira kaya dinala ka namin dito. Huwag kang mag-alala, hijo. Ligtas ka rito. Walang mananakit sa 'yo r
NAPABALIKWAS ng bangon si Trevor matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Dalawampu't apat na taon na ang lumipas, subalit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa puso't isipan niya ang malagim na sinapit ng kaniyang ina sa mga kamay ng dati nitong ka-live in partner. Hanggang ngayon ay lagi niya pa ring napapanaginipan ang mga pagmamalupit ni Carlos sa kanilang mag-ina noon, pati na rin ang pagsagasa nito sa mommy niya na naging sanhi ng kamatayan nito. Nagtagis ang mga bagang ng binata. Muli na namang nabuhay ang matinding galit sa puso niya. Naiinis niyang dinampot ang cellphone sa ilalam ng kaniyang unan at tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya, si Brandon. Dati itong pulis na natanggal sa serbisyo dahil na-involve sa iba't ibang ilegal na aktibidad. Ito rin ang binayaran niya para hanapin si Carlos, at para maisakatuparan na rin ang paghihiganti na matagal na niyang pinaplano. Ilang taon na niyang pinapahanap si Carlos. Kung sino-sinong private investigators na ang inu
NANG makarating si Trevor sa coffee shop ay inabutan niya si Scarlett na nakikipagtalo sa isang lalaki. Galit na galit ito sa dalaga na noon ay tila napapahiya na dahil kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi rito ng kausap. "Napakalandi mong babae ka! Kaya pala ayaw mong magpasundo kagabi iyon pala nakitulog ka sa bahay ng ibang lalaki." "Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo!" "Sinungaling! Ano? Nag-enjoy ka ba sa lalaki mo? Naka-ilang rounds kayo? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin? Mas malaki ba ang kargada niya kaysa sa akin? Sumagot ka!" Pinamulahan ng mukha si Scarlett. "Will you please shut up?! Oras ng trabaho ko ngayon. Mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi ko." "Uuwi ka ba talaga? O makikipag-sex ka na naman sa lalaking iyon? Nakakahiya ka! Kababae mong tao pero ang landi-landi mo!" Tuluyan nang nainis si Trevor sa takbo ng usapan ng dalawa. Sinenyasan niya ang guard na nasa pintuan para awatin na ang mga ito. "Is there a problem?" hind
HABANG nagda-drive si Trevor pauwi sa bahay ay biglang may nag-over take na kotse at hinarangan ang daraanan niya. Biglang nag-init ang ulo niya. Napamura siya at hinampas ang mga kamay sa manibela. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno kaya hindi nabangga ang sinasakyan niya. Nakita niyang bumukas ang pinto ng driver seat ng kotseng nasa harapan niya. Agad niyang binaba ang bintana sa gawi niya at pinagmumura ang driver sa kabilang sasakyan. "Gago ka! Hindi ka ba marunong mag-drive?!" Bumaba ang lalaki. Napa-iling siya nang makilala kung sino ito, si Tommy, ang boyfriend ni Scarlett. Lumabas na rin siya ng sasakyan. Ngayon ay hindi na siya magdadalawang isip na harapin ito dahil wala na sila sa loob ng coffee shop niya. "Ikaw na naman? Ano na namang problema mo?!" naiinis niyang tanong. "Ikaw ang problema ko!" gigil nitong sigaw sabay duro sa kaniya. "Iniwan ako ni Scarlett nang dahil sa 'yo!" Napangisi siya. "Bakit ako ang sinisisi mo? Ang girlfriend mo ang lapit nang
MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee. Inokupa ng binata ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya si Scarlett muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Nabalitaan ko ang ginawa ni Tommy at ng kaibigan niya sa 'yo kagabi. Kumusta ka na, Trevor?" Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. Sa totoo lang ay thankful pa siya sa nangyari kagabi kahit marami siyang nakuhang pasa at galos sa katawan. Kung hindi kasi siya binugbog nina Tommy ay hindi niya makikilala ang magandang nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka nina Tommy. Kung gusto mo ipa-blotter natin sila." "Hindi na kailangan." Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo,
HABANG umaandar ang kotseng sinasakyan ni Trevor ay tinawagan niya si Terrence. Anak ito ng tito niya na nagmamay-ari ng hospital na pinagtratrabahuhan ng nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Trevor, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya. "May itatanong lang sana ako sa 'yo dude. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work d'yan sa hospital n'yo." "Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse namin?" "Wala naman. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko." Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng pinsan. "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?" "What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin," natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na Alvarez ang last name?" Muli itong natawa. "Sabi ko na nga ba, babae na naman ang sadya mo." May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam na ni Terrence kung gaano si