NAPABALIKWAS ng bangon si Trevor matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Dalawampu't apat na taon na ang lumipas, subalit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa puso't isipan niya ang malagim na sinapit ng kaniyang ina sa mga kamay ng dati nitong ka-live in partner. Hanggang ngayon ay lagi niya pa ring napapanaginipan ang mga pagmamalupit ni Carlos sa kanilang mag-ina noon, pati na rin ang pagsagasa nito sa mommy niya na naging sanhi ng kamatayan nito.
Nagtagis ang mga bagang ng binata. Muli na namang nabuhay ang matinding galit sa puso niya. Naiinis niyang dinampot ang cellphone sa ilalam ng kaniyang unan at tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya, si Brandon. Dati itong pulis na natanggal sa serbisyo dahil na-involve sa iba't ibang ilegal na aktibidad. Ito rin ang binayaran niya para hanapin si Carlos, at para maisakatuparan na rin ang paghihiganti na matagal na niyang pinaplano. Ilang taon na niyang pinapahanap si Carlos. Kung sino-sinong private investigators na ang inupahan niya ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito natatagpuan. Gusto niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy niya. Gusto niyang mapagbayaran ni Carlos ang mga kasalanan nito. Ayaw na niyang umasa pa sa mga pulis dahil sa tinagal-tagal ng kaso ng kaniyang ina ay wala man lang nagawa ang mga ito para mahuli si Carlos. "Ano nang balita? Natagpuan mo na ba ang demonyong pinapahanap ko?" agad niyang tanong sa kaibigan nang sumagot ito mula sa kabilang linya. "Negative pa rin, boss. Pero may nakapagtimbre sa akin na nasa Marinduque raw si Carlos at ilang taon nang naninirahan do'n." Nawala ang antok niya sa sinabi nito. "Talaga ba?" "Bukas na bukas din ay pupuntahan ko ang bayan na sinasabi ng source ko. Babalitaan kita agad kapag natunton ko na ang bahay niya." Biglang nabuhayan ng pag-asa ang binata. "Sige, 'tol. Salamat!" Nagtagis ang mga bagang ni Trevor nang matapos ang usapan nila. Sana nga ay matagpuan na ni Brandon si Carlos dahil gigil na gigil na siyang gumanti rito. Saka lang napukaw sa pag-iisip ang binata nang bumukas ang pinto ng banyo sa kaniyang silid. Lumabas mula roon si Scarlett na hubo't hubad. Kakatapos lang nitong maligo at pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ng dalaga nang makita siya. "Good morning, sir." Hindi tumugon si Trevor. Antok na antok siya ng mga sandaling iyon dahil paulit-ulit silang nagtalik ni Scarlett kagabi. Isa si Scarlett sa mga waitress sa coffee shop na pag-aari ni Trevor. At isa rin ito sa mga fuck buddies niya. Naupo ito sa tabi niya at hinimas ang pagkalalaki niya. Tinabig niya ang kamay nito. Wala siya sa mood makipag-sex ngayon dahil nasira ng masamang panaginip ang umaga niya. Padapa siyang nahiga sa kama. "Mauna ka na sa coffee shop. Magpapahinga muna ako." Napabuntong hininga na lang si Scarlett. Sanay na ito sa malamig na pakikitungo ni Trevor kaya wala itong nagawa kundi ang magbihis na lang at sundin ang utos ng amo. May boyfriend si Scarlett ngunit mas mahal nito si Trevor. At dahil sa pagmamahal na iyon ay paulit-ulit nitong sinusuko ang katawan sa binata kahit na alam nitong hindi siya marunong magmahal. Masakit man ngunit tanggap na nito na hanggang sa kama lang talaga ang relasyon nilang dalawa. Matapos magbihis at mag-ayos ng sarili ay lumabas na ito ng silid at padabog na sinara ang pinto. Pinikit na lamang ni Trevor ang mga mata at muling natulog. Tanghali na nang lumabas siya sa kaniyang silid. Inabutan niya si Christian na mag-isang kumakain sa dining room. Hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila sa iisang bahay, ngunit sa pagkakataong ito ay sa bahay na naipundar ni Trevor. Tila nagulat si Christian nang makita siyang papasok sa dining room. "Nandito ka pa pala. Kanina pa umalis ang girlfriend mo. Akala ko sumabay ka sa kaniya kanina." Naupo na siya sa bakanteng silya. "She's not my girlfriend." Natawa ito. "Napakarami na nang inuwi mong babae rito sa bahay, pero ni isa sa kanila hindi mo naging girlfriend. You're not getting any younger, Trevor. Wala ka pa bang planong lumagay sa tahimik?" "Wala, tito!" mariin niyang tutol. "Kalokohan lang ang kasal na 'yan." Napabuntong hininga na lamang ito habang nakatingin sa pamangkin na abala sa pagkain. Guwapo si Trevor ngunit kailanman ay hindi siya nagkaroon ng girlfriend. Pangahan ang kaniyang mukha, matangos ang ilong, makapal ang mga kilay at ang kulay brown niyang mga mata na nakaka-intimidate kung tumingin. Matangkad din siya, moreno at malaki ang pangangatawan kaya naman lapitin siya ng mga babae. Pero para sa kaniya ay parausan lamang ang mga ito. Kahit kailan ay hindi pa nagkaroon ng seryosong relasyon si Trevor. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang babaeng napupusuan. Nadala kasi siya sa sinapit ng mommy niya noon. Ayaw niyang dumating ang araw na labis siyang magmamahal ngunit masasaktan lamang pala sa bandang huli. Kailanman ay hindi pa niya naranasang magmahal at wala siyang planong magmahal.Okay na siya sa sitwasyon niya ngayon. No strings attached. Malaya niyang magagalaw ang lahat ng babaeng gustong magpagalaw sa kaniya. BUONG araw ay inabala ni Trevor ang sarili sa trabaho. Maghapon siyang nanatili sa loob ng kaniyang opisina at ini-lock iyon upang walang ibang makapasok. Kapag hindi maganda ang mood niya ay pinipili niyang mapag-isa upang hindi maibaling sa ibang tao ang inis na kaniyang nararamdaman. Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay nagpaalam na siya sa mga tauhan at umalis na ng coffee shop. Dumerecho siya sa pinakamalapit na simbahan at nagtirik ng mga kandila para sa pumanaw na ina. Ngayong araw ang ika-dalawampu't apat na taon nang pagkamatay ng mommy niya. Simula nang pumanaw ito ay hindi na sila nagkita pang muli ni Carlos. Kaya naman hindi niya alam kung saan nito nilibing ang mommy niya, o kung ano ang ginawa nito sa bangkay ng kaniyang ina noong araw na pumanaw ito. Ni hindi niya man lang ito nagawang alayan ng bulaklak o kaya naman ay pagtirikan ng kandila ang mismong libingan nito. Pasimpleng pinunasan ni Trevor ang nangilid na luha sa mga mata. Hanggang ngayon ay labis pa rin siyang nangungulila sa kaniyang ina. At hanggang ngayon ay labis pa rin niyang kinamumuhian si Carlos. Kahit nasa loob siya ng simbahan ng mga sandaling iyon ay wala siyang ibang hangad kundi ang makaganti sa taong pumatay sa mommy niya. Gusto niyang saktan si Carlos tulad nang ginawa nito sa kanila noon. Gusto niyang agawin at sirain ang lahat ng pag-aari nito. Gusto niyang makita na labis nitong pinagsisisihan ang mga nagawa nitong kasalanan. Gusto niyang pahirapan nang husto si Carlos hanggang sa ito na mismo ang humiling sa kaniya na patayin niya ito. Nakuyom ni Trevor ang mga palad. Nanginginig ang mga kamay niya sa labis na galit. "Pagbabayaran mo nang husto ang ginawa mo sa amin ng mommy ko. Gagawin ko ang lahat para mahanap ka at ako mismo ang papatay sa 'yo," pangako niya sa sarili.NANG makarating si Trevor sa coffee shop ay inabutan niya si Scarlett na nakikipagtalo sa isang lalaki. Galit na galit ito sa dalaga na noon ay tila napapahiya na dahil kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi rito ng kausap. "Napakalandi mong babae ka! Kaya pala ayaw mong magpasundo kagabi iyon pala nakitulog ka sa bahay ng ibang lalaki." "Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo!" "Sinungaling! Ano? Nag-enjoy ka ba sa lalaki mo? Naka-ilang rounds kayo? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin? Mas malaki ba ang kargada niya kaysa sa akin? Sumagot ka!" Pinamulahan ng mukha si Scarlett. "Will you please shut up?! Oras ng trabaho ko ngayon. Mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi ko." "Uuwi ka ba talaga? O makikipag-sex ka na naman sa lalaking iyon? Nakakahiya ka! Kababae mong tao pero ang landi-landi mo!" Tuluyan nang nainis si Trevor sa takbo ng usapan ng dalawa. Sinenyasan niya ang guard na nasa pintuan para awatin na ang mga ito. "Is there a problem?" hind
HABANG nagda-drive si Trevor pauwi sa bahay ay biglang may nag-over take na kotse at hinarangan ang daraanan niya. Biglang nag-init ang ulo niya. Napamura siya at hinampas ang mga kamay sa manibela. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno kaya hindi nabangga ang sinasakyan niya. Nakita niyang bumukas ang pinto ng driver seat ng kotseng nasa harapan niya. Agad niyang binaba ang bintana sa gawi niya at pinagmumura ang driver sa kabilang sasakyan. "Gago ka! Hindi ka ba marunong mag-drive?!" Bumaba ang lalaki. Napa-iling siya nang makilala kung sino ito, si Tommy, ang boyfriend ni Scarlett. Lumabas na rin siya ng sasakyan. Ngayon ay hindi na siya magdadalawang isip na harapin ito dahil wala na sila sa loob ng coffee shop niya. "Ikaw na naman? Ano na namang problema mo?!" naiinis niyang tanong. "Ikaw ang problema ko!" gigil nitong sigaw sabay duro sa kaniya. "Iniwan ako ni Scarlett nang dahil sa 'yo!" Napangisi siya. "Bakit ako ang sinisisi mo? Ang girlfriend mo ang lapit nang
MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee. Inokupa ng binata ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya si Scarlett muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Nabalitaan ko ang ginawa ni Tommy at ng kaibigan niya sa 'yo kagabi. Kumusta ka na, Trevor?" Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. Sa totoo lang ay thankful pa siya sa nangyari kagabi kahit marami siyang nakuhang pasa at galos sa katawan. Kung hindi kasi siya binugbog nina Tommy ay hindi niya makikilala ang magandang nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka nina Tommy. Kung gusto mo ipa-blotter natin sila." "Hindi na kailangan." Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo,
HABANG umaandar ang kotseng sinasakyan ni Trevor ay tinawagan niya si Terrence. Anak ito ng tito niya na nagmamay-ari ng hospital na pinagtratrabahuhan ng nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Trevor, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya. "May itatanong lang sana ako sa 'yo dude. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work d'yan sa hospital n'yo." "Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse namin?" "Wala naman. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko." Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng pinsan. "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?" "What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin," natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na Alvarez ang last name?" Muli itong natawa. "Sabi ko na nga ba, babae na naman ang sadya mo." May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam na ni Terrence kung gaano si
"GOOD MORNING!" bati ni Heaven sa mga kasamahan nang makarating siya sa nurse station kinaumagahan. Gumanti ng bati ang mga ito sa kaniya. "Beh, pinapatawag ka ni Dr. Terrence sa room niya. May sasabihin daw sa 'yong importante." "Okay. Thanks." Nagtungo na si Heaven sa silid ni Dr. Terrence. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto. "Good morning, doc. Pinapatawag n'yo raw po ako?" "Come in, Miss Alvarez. May sasabihin ako sa 'yong importante." Naglakad siya palapit dito at tumayo sa tapat ng lamesa nito. "Do you still remember my cousin Trevor?" Tumango-tango siya. "Iyong pinsan n'yo po na ginamot natin kahapon?" "Yes, siya nga. Wala kasing magbabantay sa kaniya habang nandito siya sa hospital. P'wede bang ikaw muna ang maging private nurse niya?" Kumunot ang noo niya. Akala niya ay nagbibiro lang kahapon si Trevor nang sabihing kailangan nito ng private nurse na magbabantay dito. "Bakit, doc? May nangyari po bang masama sa kaniya? Bakit kaila
"BAKIT parang bigla kang namutla? Ngayon mo lang ba 'to gagawin? Ngayon ka lang ba nakakita ng ari ng lalaki?" walang prenong tanong ni Trevor kay Heaven na noon ay tila hindi alam ang gagawin. "H-hindi naman," bantulot niyang tugon. "Bilis na. Naiihi na ako." Sandali siyang natigilan. Pilit niyang siniksik sa isipan na parte ito ng trabaho niya bilang private nurse ni Trevor. Dapat ay magpaka-profesional siya at gawin ang nararapat njyang gawin. Inangat na niya ang hospital gown na suot ni Trevor. Napalunok siya nang makita ang brief nito at ang malaking naka-umbok doon. Naaasiwa man ay ibinaba niya ang brief ng binata. Agad na kumawala ang malaki at mataba nitong pagkalalaki. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi na unti-unting gumapang sa buo niyang katawan. Habang umiihi si Trevor ay hawak niya ang pagkalalaki nito. Hindi na bago sa trabaho niya ang makakita ng private parts ng mga pasyente. Subalit iba ang dating sa kaniya ng pagkalalaki n
NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito. "Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya." Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor? Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
MATAPOS kumain ay lumapit si Trevor sa wheel chair at naupo roon. "Nurse Heaven, samahan mo akong magpa-araw sa labas." Natuwa siya sa sinabi nito. Kahapon pa niya kasi pinipilit si Trevor na magpa-araw sa garden ngunit tumatanggi ito. "Sure!" Agad siyang lumapit sa binata. Pumwesto siya sa likuran nito at tinulak na ang wheel chair palabas ng silid. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Hindi na ako nahihilo. Kaya lang makirot iyong tahi. Ang bigat ng kamay ni Terrence." "Sinisi mo pa ang pinsan mo." Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa garden ng hospital. "Wow! Ang ganda pala rito," buong paghangang bulalas ni Trevor habang nililibot ang mga mata sa buong hardin. May ilang puno roon. Mayroon ding iba't ibang uri ng halaman na nakatanim sa mga paso, at mga bulaklak niyon ang lalong nagpa-aliwalas at nagpaganda ng ambiance. Humugot ng malalim ng hininga si Trevor para langhapin ang sariwang hangin. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito?