NANG makarating si Trevor sa coffee shop ay inabutan niya si Scarlett na nakikipagtalo sa isang lalaki. Galit na galit ito sa dalaga na noon ay tila napapahiya na dahil kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi rito ng kausap.
"Napakalandi mong babae ka! Kaya pala ayaw mong magpasundo kagabi iyon pala nakitulog ka sa bahay ng ibang lalaki." "Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo!" "Sinungaling! Ano? Nag-enjoy ka ba sa lalaki mo? Naka-ilang rounds kayo? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin? Mas malaki ba ang k*****a niya kaysa sa akin? Sumagot ka!" Pinamulahan ng mukha si Scarlett. "Will you please shut up?! Oras ng trabaho ko ngayon. Mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi ko." "Uuwi ka ba talaga? O makikipag-sex ka na naman sa lalaking iyon? Nakakahiya ka! Kababae mong tao pero ang landi-landi mo!" Tuluyan nang nainis si Trevor sa takbo ng usapan ng dalawa. Sinenyasan niya ang guard na nasa pintuan para awatin na ang mga ito. "Is there a problem?" hindi napigilang tanong ni Trevor habang naglalakad palapit sa mga ito. Naiinis na siya sa tabas ng dila ng lalaki. Masyado nang bastos ang mga lumalabas sa bibig nito. May mga customers pa naman siya na mga bata at teen ager. Pumihit paharap sa kaniya ang lalaki. Nagsalubong ang mga kilay nito nang makita siya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. "Ito ba ang boss mo, Scarlett? Ito ba ang lalaking pinagmamalaki mo?" galit nitong tanong. Sa sobrang lakas ng boses nito ay nagtinginan sa direksyon nila ang mga customers na nasa loob ng coffee shop ng mga sandaling iyon. Lumapit sa kaniya ang lalaki. Kinuwelyuhan siya nito at pinanlisikan ng mga mata. "Putang ina mo! Layuan mo ang girlfriend ko kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso!" Nginisian niya lang ang pagbabanta nito. "Ikaw ang manghihiram ng mukha sa aso kapag hindi mo inalis ang kamay mo sa damit ko." Bago pa lumala ang away ng dalawa ay umawat na si Scarlett. Pinilit nitong alisin ang mga kamay ng nobyo sa kwelyo ng polo ni Trevor. "Tommy, tama na! Nakakahiya kay Sir Trevor. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala kaming relasyon?" "Sinungaling! Alam kong natulog ka sa bahay ng lalaking iyan kagabi. Sinundan kayo ng barkada ko." "Galingan mo kasi sa kama para hindi maghahanap ng ibang lalaki 'yang syota mo!" nang-iinis niyang anas na lalong kinagalit ni Tommy. "Hayop ka!" Susuntukin sana nito si Trevor ngunit pumagitna si Scarlett. Umawat na rin ang security guard para hindi magpang-abot ang dalawa. Dinuro niya ang lalaki. "Ayoko nang makita pa ulit ang pagmumukha mo sa coffee shop ko." "Ang yabang mo porket mayaman ka." Bumaling siya kay Scarlett. "Pagsabihin mo iyang boyfriend mo. Sa susunod na manggulo 'yan dito, tatanggalin kita sa trabaho. Saka p'wede ba tigilan mo na ang kakabuntot sa akin?" Sandaling natigilan si Sacrlett. Halatang nasaktan ito sa sinabi ng lalaking lihim na iniibig. Napatungo na lamang ito. "Yes, boss. Sorry po." Naglakad na si Trevor papunta sa loob ng kaniyang maliit na opisina. "Bumalik ka rito, duwag! Hindi pa ako tapos sa 'yo!" Hindi na lang niya pinansin si Tommy. Sa totoo lang ay kanina pa niya gustong sapakin ang mukha nito subalit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang patulan ito dahil nasa loob sila ng coffee shop at baka matakot ang mga customers nila kapag nagpang-abot silang dalawa. Teen ager pa lang ay basagulero na si Trevor. Simula nang mamatay ang kaniyang ina ay naging rebelde siya. Galit siya sa mundo dahil hindi niya matanggap ang sinapit ng mommy niya. Teen ager pa lang ay natuto na siya ng kung ano-anong bisyo tulad ng sigarilyo, alak, sugal, drugs at pambababae. Walang nagawa ang Tito Christian niya para disiplinahin siya. Hindi siya nakikinig sa mga pangaral nito. Nagbago lang si Trevor noong maka-graduate siya ng college. Malaki ang perang naiwan ng kaniyang yumaong ama kaya madali siyang nakapagpatayo ng sarili niyang coffee shop. Gusto niyang maging successful businessman para magkaroon ng mas maraming pera. Nang sa gano'n ay mas madali niyang maisakatuparan ang planong paghihiganti sa taong pumatay sa kaniyang ina. Naging successful naman ang business niya. Sa ngayon ay may tatlong branch na ang coffee shop niya sa Manila, Makati at Quezon City. Isang bagay na lang ang kailangan niyang isakatuparan, at iyon ay walang iba kundi ang makaganti kay Carlos Ocampo. ARAW NG SABADO kaya naman pasado alas-onse na ng madaling araw ay puno pa rin ang coffee shop ni Trevor. Nakapag-take na sila ng last orders at hinihintay na lang nilang maubos ang mga customers sa loob ng shop. Tumulong na siya sa paglilinis sa counter para maaga silang makatapos at maka-uwi rin agad. Maya-maya ay lumapit sa kaniya si Scarlett. "Trevor, sorry sa nangyari kanina. Nakipag-break na ako kay Tommy. Masyado na akong nasasakal sa kaniya," halos pabulong nitong wika. Pinagpatuloy lang ni Trevor ang paglilinis ng espresso machine. Pagkatapos ng nangyaring gulo kanina ay nawalan na siya ng gana kay Scarlett. Sa dinami-rami ng naging babae niya ay isa ito sa pinaka-wild at pinakamagaling sa kama. Iyon nga lang ay ayaw niya ng gulo kaya naman lalayuan na niya ito. "Kalimutan mo na 'yon. At kalimutan mo na rin ang lahat nang namagitan sa ating dalawa." Tila naguguluhan itong tumingin sa kaniya. "Ano? B-bakit?" Tinigil niya ang ginagawa at bumaling sa dalaga. Nakita niyang maluha-luha ang mga mata nito. "Sawa na ako sa 'yo, Scarlett. Ibang putahe naman ang gusto kong tikman," walang preno niyang wika kahit na alam niyang masasaktan ito sa mga salitang binitawan niya. Sinadya niya talagang pasakitan si Scarlett para magalit ito at kalimutan na siya. "Pero, Trevor, mahal kita. Please huwag mo akong iwan." Nginisian niya ang dalaga. "Umpisa pa lang sinabihan na kitang hanggang sex lang ang habol ko sa iyo, 'di ba?" "Alam ko naman 'yon. Tanggap ko naman na hindi mo ako kayang mahalin. Okay lang kahit hanggang FUBU lang ang tingin mo sa akin. Basta 'wag mo akong iiwan. Mahal kita, Trevor, kahit na alam kong hindi mo ako kayang mahalin." Yayakapin sana siya ni Scarlett subalit agad niyang iniwas ang sarili. Naiinis na pinukol niya ang hawak na towel sa ibabaw ng espresso machine. "Kung gusto mong magtagal sa trabaho mo rito, kalimutan mo na ang lahat nang namagitan sa atin." "Pero, Trevor-" "At huwag na huwag mo nang pababalikin ang Tommy na 'yon sa coffee shop ko, maliwanag ba?" Tumango-tango ito. Tuluyan na itong naiyak. "Umuwi ka na, Scarlett," walang emosyong taboy niya rito. Hindi ito tuminag. "Huwag mo akong inisin. Umuwi ka na!" Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Wala itong magawa kundi ang sumunod na lang sa kagustuhan ng amo.HABANG nagda-drive si Trevor pauwi sa bahay ay biglang may nag-over take na kotse at hinarangan ang daraanan niya. Biglang nag-init ang ulo niya. Napamura siya at hinampas ang mga kamay sa manibela. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno kaya hindi nabangga ang sinasakyan niya. Nakita niyang bumukas ang pinto ng driver seat ng kotseng nasa harapan niya. Agad niyang binaba ang bintana sa gawi niya at pinagmumura ang driver sa kabilang sasakyan. "Gago ka! Hindi ka ba marunong mag-drive?!" Bumaba ang lalaki. Napa-iling siya nang makilala kung sino ito, si Tommy, ang boyfriend ni Scarlett. Lumabas na rin siya ng sasakyan. Ngayon ay hindi na siya magdadalawang isip na harapin ito dahil wala na sila sa loob ng coffee shop niya. "Ikaw na naman? Ano na namang problema mo?!" naiinis niyang tanong. "Ikaw ang problema ko!" gigil nitong sigaw sabay duro sa kaniya. "Iniwan ako ni Scarlett nang dahil sa 'yo!" Napangisi siya. "Bakit ako ang sinisisi mo? Ang girlfriend mo ang lapit nang
MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee. Inokupa ng binata ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya si Scarlett muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Nabalitaan ko ang ginawa ni Tommy at ng kaibigan niya sa 'yo kagabi. Kumusta ka na, Trevor?" Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. Sa totoo lang ay thankful pa siya sa nangyari kagabi kahit marami siyang nakuhang pasa at galos sa katawan. Kung hindi kasi siya binugbog nina Tommy ay hindi niya makikilala ang magandang nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka nina Tommy. Kung gusto mo ipa-blotter natin sila." "Hindi na kailangan." Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo,
HABANG umaandar ang kotseng sinasakyan ni Trevor ay tinawagan niya si Terrence. Anak ito ng tito niya na nagmamay-ari ng hospital na pinagtratrabahuhan ng nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Trevor, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya. "May itatanong lang sana ako sa 'yo dude. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work d'yan sa hospital n'yo." "Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse namin?" "Wala naman. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko." Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng pinsan. "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?" "What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin," natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na Alvarez ang last name?" Muli itong natawa. "Sabi ko na nga ba, babae na naman ang sadya mo." May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam na ni Terrence kung gaano si
"GOOD MORNING!" bati ni Heaven sa mga kasamahan nang makarating siya sa nurse station kinaumagahan. Gumanti ng bati ang mga ito sa kaniya. "Beh, pinapatawag ka ni Dr. Terrence sa room niya. May sasabihin daw sa 'yong importante." "Okay. Thanks." Nagtungo na si Heaven sa silid ni Dr. Terrence. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto. "Good morning, doc. Pinapatawag n'yo raw po ako?" "Come in, Miss Alvarez. May sasabihin ako sa 'yong importante." Naglakad siya palapit dito at tumayo sa tapat ng lamesa nito. "Do you still remember my cousin Trevor?" Tumango-tango siya. "Iyong pinsan n'yo po na ginamot natin kahapon?" "Yes, siya nga. Wala kasing magbabantay sa kaniya habang nandito siya sa hospital. P'wede bang ikaw muna ang maging private nurse niya?" Kumunot ang noo niya. Akala niya ay nagbibiro lang kahapon si Trevor nang sabihing kailangan nito ng private nurse na magbabantay dito. "Bakit, doc? May nangyari po bang masama sa kaniya? Bakit kaila
"BAKIT parang bigla kang namutla? Ngayon mo lang ba 'to gagawin? Ngayon ka lang ba nakakita ng ari ng lalaki?" walang prenong tanong ni Trevor kay Heaven na noon ay tila hindi alam ang gagawin. "H-hindi naman," bantulot niyang tugon. "Bilis na. Naiihi na ako." Sandali siyang natigilan. Pilit niyang siniksik sa isipan na parte ito ng trabaho niya bilang private nurse ni Trevor. Dapat ay magpaka-profesional siya at gawin ang nararapat njyang gawin. Inangat na niya ang hospital gown na suot ni Trevor. Napalunok siya nang makita ang brief nito at ang malaking naka-umbok doon. Naaasiwa man ay ibinaba niya ang brief ng binata. Agad na kumawala ang malaki at mataba nitong pagkalalaki. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi na unti-unting gumapang sa buo niyang katawan. Habang umiihi si Trevor ay hawak niya ang pagkalalaki nito. Hindi na bago sa trabaho niya ang makakita ng private parts ng mga pasyente. Subalit iba ang dating sa kaniya ng pagkalalaki n
NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito. "Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya." Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor? Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
MATAPOS kumain ay lumapit si Trevor sa wheel chair at naupo roon. "Nurse Heaven, samahan mo akong magpa-araw sa labas." Natuwa siya sa sinabi nito. Kahapon pa niya kasi pinipilit si Trevor na magpa-araw sa garden ngunit tumatanggi ito. "Sure!" Agad siyang lumapit sa binata. Pumwesto siya sa likuran nito at tinulak na ang wheel chair palabas ng silid. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Hindi na ako nahihilo. Kaya lang makirot iyong tahi. Ang bigat ng kamay ni Terrence." "Sinisi mo pa ang pinsan mo." Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa garden ng hospital. "Wow! Ang ganda pala rito," buong paghangang bulalas ni Trevor habang nililibot ang mga mata sa buong hardin. May ilang puno roon. Mayroon ding iba't ibang uri ng halaman na nakatanim sa mga paso, at mga bulaklak niyon ang lalong nagpa-aliwalas at nagpaganda ng ambiance. Humugot ng malalim ng hininga si Trevor para langhapin ang sariwang hangin. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito?
"ANONG ginagawa mo rito? Natanggal na iyong tahi sa ulo mo. Bakit nandito ka na naman?" tanong ni Terrence nang abutan si Trevor sa loob ng silid nito. Natigil sa pag-iisip si Trevor na noon ay nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Pumihit siya paharap sa pinsan. "Wala lang. Na-miss kita, eh." "Ako ba talaga ang na-miss mo o si Heaven?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi matapos marinig ang pangalang binanggit nito. "Saan ka ba nag-lunch break? Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito." "Nagkita kasi kami ng fianceè ko. Nakipag-meeting kami sa event coordinators ng magiging kasal namin." Naglakad na si Terrence papunta sa table nito at naupo sa swivel chair. Binasa nito ang ilang medical records na nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw ba, Trevor, wala kang planong lumagay sa tahimik? You're not getting any younger. Mag-asawa ka na." "Dati wala. Pero ngayon mayro'n na." Lumapit siya kay Terrence at tumayo sa tabi nito. "N
NAGISING si Heaven nang maramdaman ang pagyugyog sa kaniyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nakahinto ang sasakyan nila sa isang parking lot. "Nasaan tayo?" pupungas-pungas niyang tanong kay Trevor. "Nag-lowbat 'yong phone mo. Hindi kita magising kanina kaya dinala na lang kita rito. Dito ka na lang magpalipas ng gabi sa condo ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad siyang tumutol. "No way, Trevor! Hindi ako makikitulog sa unit mo." "Anong gusto mong gawin? Umuwi sa bahay mo at magpa-uto sa ex mo?" Sandali siyang natigilan. Sa tuwing nag-aaway sila ni Kobe ay agad itong nagpupunta sa bahay niya para makipag-ayos. Ilang beses na rin niyang nahuli ito dati na nambababae. At siya naman itong si tanga na kaunting lambing lang ay bumibigay agad at pinapatawad ito. Ang dahilan niya ay mahal niya kasi ito. Subalit dahil sa nasaksihan niya kanina pakiramdam niya ay tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa kasintahan. Pinat
"BEH, manonood kami ng sine mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Daniella kay Heaven. Nasa nurse station sila noon at naghahanda na sa pag-uwi. "Hindi ako p'wede ngayon. May lakad kami ni Kobe." "Ay sayang naman. Minsan na lang tayo lumabas." Naglakad na sila palabas ng hospital. "Next time na lang." "Saan ba lakad n'yo ni Kobe?" "Pupunta lang kami sa bar." Natigilan sila sa pagkukuwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niya iyong kinuha sa loob ng shoulder bag at sinagot ang tawag. Si Kobe ang nasa kabilang linya. Ayon dito ay may meeting pa ito sa opisina kaya hindi siya masusundo sa hospital. Pinapa-una na siya nito sa bar. Pumayag naman si Heaven dahil malapit lang sa hospital ang bar na pupuntahan nilang dalawa. Nang makalabas ng hospital ang magkaibigan ay kaniya-kaniya na silang sakay ng taxi. Nang makarating si Heaven sa bar ay agad siyang naghanap ng bakanteng lamesa. Nilibang niya muna ang sarili sa pag-check ng social media acco