NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito. "Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya." Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor? Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
MATAPOS kumain ay lumapit si Trevor sa wheel chair at naupo roon. "Nurse Heaven, samahan mo akong magpa-araw sa labas." Natuwa siya sa sinabi nito. Kahapon pa niya kasi pinipilit si Trevor na magpa-araw sa garden ngunit tumatanggi ito. "Sure!" Agad siyang lumapit sa binata. Pumwesto siya sa likuran nito at tinulak na ang wheel chair palabas ng silid. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Hindi na ako nahihilo. Kaya lang makirot iyong tahi. Ang bigat ng kamay ni Terrence." "Sinisi mo pa ang pinsan mo." Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa garden ng hospital. "Wow! Ang ganda pala rito," buong paghangang bulalas ni Trevor habang nililibot ang mga mata sa buong hardin. May ilang puno roon. Mayroon ding iba't ibang uri ng halaman na nakatanim sa mga paso, at mga bulaklak niyon ang lalong nagpa-aliwalas at nagpaganda ng ambiance. Humugot ng malalim ng hininga si Trevor para langhapin ang sariwang hangin. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito?
"ANONG ginagawa mo rito? Natanggal na iyong tahi sa ulo mo. Bakit nandito ka na naman?" tanong ni Terrence nang abutan si Trevor sa loob ng silid nito. Natigil sa pag-iisip si Trevor na noon ay nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Pumihit siya paharap sa pinsan. "Wala lang. Na-miss kita, eh." "Ako ba talaga ang na-miss mo o si Heaven?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi matapos marinig ang pangalang binanggit nito. "Saan ka ba nag-lunch break? Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito." "Nagkita kasi kami ng fianceè ko. Nakipag-meeting kami sa event coordinators ng magiging kasal namin." Naglakad na si Terrence papunta sa table nito at naupo sa swivel chair. Binasa nito ang ilang medical records na nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw ba, Trevor, wala kang planong lumagay sa tahimik? You're not getting any younger. Mag-asawa ka na." "Dati wala. Pero ngayon mayro'n na." Lumapit siya kay Terrence at tumayo sa tabi nito. "N
"BEH, manonood kami ng sine mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Daniella kay Heaven. Nasa nurse station sila noon at naghahanda na sa pag-uwi. "Hindi ako p'wede ngayon. May lakad kami ni Kobe." "Ay sayang naman. Minsan na lang tayo lumabas." Naglakad na sila palabas ng hospital. "Next time na lang." "Saan ba lakad n'yo ni Kobe?" "Pupunta lang kami sa bar." Natigilan sila sa pagkukuwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niya iyong kinuha sa loob ng shoulder bag at sinagot ang tawag. Si Kobe ang nasa kabilang linya. Ayon dito ay may meeting pa ito sa opisina kaya hindi siya masusundo sa hospital. Pinapa-una na siya nito sa bar. Pumayag naman si Heaven dahil malapit lang sa hospital ang bar na pupuntahan nilang dalawa. Nang makalabas ng hospital ang magkaibigan ay kaniya-kaniya na silang sakay ng taxi. Nang makarating si Heaven sa bar ay agad siyang naghanap ng bakanteng lamesa. Nilibang niya muna ang sarili sa pag-check ng social media acco
NAGISING si Heaven nang maramdaman ang pagyugyog sa kaniyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nakahinto ang sasakyan nila sa isang parking lot. "Nasaan tayo?" pupungas-pungas niyang tanong kay Trevor. "Nag-lowbat 'yong phone mo. Hindi kita magising kanina kaya dinala na lang kita rito. Dito ka na lang magpalipas ng gabi sa condo ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad siyang tumutol. "No way, Trevor! Hindi ako makikitulog sa unit mo." "Anong gusto mong gawin? Umuwi sa bahay mo at magpa-uto sa ex mo?" Sandali siyang natigilan. Sa tuwing nag-aaway sila ni Kobe ay agad itong nagpupunta sa bahay niya para makipag-ayos. Ilang beses na rin niyang nahuli ito dati na nambababae. At siya naman itong si tanga na kaunting lambing lang ay bumibigay agad at pinapatawad ito. Ang dahilan niya ay mahal niya kasi ito. Subalit dahil sa nasaksihan niya kanina pakiramdam niya ay tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa kasintahan. Pinat
ABALA sa paggawa ng assignments ang sampung taong gulang na si Trevor sa loob ng kaniyang silid. Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na kalabog at sigawan mula sa katabi ng silid niya, ang silid ng kaniyang ina at ng live-in partner nitong si Carlos. Nabitawan niya ang hawak na ballpen at napatingin sa dingding na nasa pagitan ng kanilang mga silid. Nangilid ang luha sa mga mata ng bata. Nakuyom niya ang mga kamao. Gusto niyang tulungan ang mommy niya na walang awang binugugbog ni Carlos ng mga sandaling iyon, ngunit wala siyang magawa. Ano bang laban niya sa amain na bukod sa matangkad na ay malaki pa ang pangangatawan? Nang mamatay ang ama ni Trevor noong nakaraang taon dahil sa heart attack ay muling nakipag-relasyon ang kaniyang ina sa ibang lalaki. Six months ago ay nag-live in ang dalawa at tumira si Carlos sa bahay nila. Noong una ay maayos ang pakikitungo nito sa kanilang mag-ina. Ngunit hindi naglaon ay lumabas din ang totoo nitong ugali. Lagi nitong sinasak
NABASAG ang katahimikan sa loob ng classroom nang marinig ng mga estudyante ang malakas na tunog ng bell. Senyales iyon na tapos na ang klase nila ngayong araw. "Okay, class, I'll see you on Monday."Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante at bumati sa guro, maliban kay Trevor. "Goodbye and thank you, Mrs. Solis." Kunot noong napatingin ang guro sa kinauupuan ni Trevor na noon ay tila may malalim na pag-isip. Nang muling maupo ang mga mag-aaral para ayusin ang gamit ng mga ito sa pag-uwi ay saka lang tila natauhan si Trevor. Nilagay na niya sa loob ng bag ang mga gamit niya. Tumayo na siya at sinukbit ang backpack sa likuran tapos ay tinungo na ang direksyon ng pinto. Nagpaalam kay Trevor ang ilang kaklaseng ka-close niya. Ngunit tila wala siyang narinig at dere-derecho lang sa paglalakad. Papalabas na sana siya ng silid nang tawagin siya ng kanilang guro. Natigilan siya at bumaling dito. "Bakit po, ma'am?" buong pagtatakang tanong ng bata. "P'wede ba kitang
DALI-DALING tinanggal ni Trevor ang bag na nakasukbit sa kaniyang likuran. Gusto niyang tulungan ang ina. Wala na siyang pakialam kahit na saktan siya ni Carlos. Nilibot niya ang mga mata sa paligid at naghanap ng maaaring ipamalo sa amain. Kinuha niya ang malaking flower vase na nakapatong sa coffee table at pinaghahampas iyon sa likuran ni Carlos hanggang sa mabasag. "Hayop ka! Bitiwan mo ang mommy ko!" Tinigil nito ang pananakit kay Annie at pumihit paharap sa kaniya. "Bwisit kang bata ka!" Sinipa siya ni Carlos dahilan para matumba siya sa sahig. Siya naman ngayon ang pinagbuntunan nito ng galit. "Lumalaban ka na, ha! Ngayon mo ipakita sa akin ang tapang mo!" nanlilisik ang mga matang wika nito. Susugurin sana nito si Trevor ngunit agad na pumagitna si Annie. "Carlos, maawa ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Agad nitong niyakap si Trevor kaya naman ito ang nakasapo ng malalakas nitong sipa. Walang magawa si Annie kundi tanggapin na lang ang pananakit ni