"BEH, manonood kami ng sine mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Daniella kay Heaven. Nasa nurse station sila noon at naghahanda na sa pag-uwi. "Hindi ako p'wede ngayon. May lakad kami ni Kobe." "Ay sayang naman. Minsan na lang tayo lumabas." Naglakad na sila palabas ng hospital. "Next time na lang." "Saan ba lakad n'yo ni Kobe?" "Pupunta lang kami sa bar." Natigilan sila sa pagkukuwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niya iyong kinuha sa loob ng shoulder bag at sinagot ang tawag. Si Kobe ang nasa kabilang linya. Ayon dito ay may meeting pa ito sa opisina kaya hindi siya masusundo sa hospital. Pinapa-una na siya nito sa bar. Pumayag naman si Heaven dahil malapit lang sa hospital ang bar na pupuntahan nilang dalawa. Nang makalabas ng hospital ang magkaibigan ay kaniya-kaniya na silang sakay ng taxi. Nang makarating si Heaven sa bar ay agad siyang naghanap ng bakanteng lamesa. Nilibang niya muna ang sarili sa pag-check ng social media acco
NAGISING si Heaven nang maramdaman ang pagyugyog sa kaniyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nakahinto ang sasakyan nila sa isang parking lot. "Nasaan tayo?" pupungas-pungas niyang tanong kay Trevor. "Nag-lowbat 'yong phone mo. Hindi kita magising kanina kaya dinala na lang kita rito. Dito ka na lang magpalipas ng gabi sa condo ko." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Agad siyang tumutol. "No way, Trevor! Hindi ako makikitulog sa unit mo." "Anong gusto mong gawin? Umuwi sa bahay mo at magpa-uto sa ex mo?" Sandali siyang natigilan. Sa tuwing nag-aaway sila ni Kobe ay agad itong nagpupunta sa bahay niya para makipag-ayos. Ilang beses na rin niyang nahuli ito dati na nambababae. At siya naman itong si tanga na kaunting lambing lang ay bumibigay agad at pinapatawad ito. Ang dahilan niya ay mahal niya kasi ito. Subalit dahil sa nasaksihan niya kanina pakiramdam niya ay tuluyan nang naubos ang pasensya niya sa kasintahan. Pinat
ABALA sa paggawa ng assignments ang sampung taong gulang na si Trevor sa loob ng kaniyang silid. Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na kalabog at sigawan mula sa katabi ng silid niya, ang silid ng kaniyang ina at ng live-in partner nitong si Carlos. Nabitawan niya ang hawak na ballpen at napatingin sa dingding na nasa pagitan ng kanilang mga silid. Nangilid ang luha sa mga mata ng bata. Nakuyom niya ang mga kamao. Gusto niyang tulungan ang mommy niya na walang awang binugugbog ni Carlos ng mga sandaling iyon, ngunit wala siyang magawa. Ano bang laban niya sa amain na bukod sa matangkad na ay malaki pa ang pangangatawan? Nang mamatay ang ama ni Trevor noong nakaraang taon dahil sa heart attack ay muling nakipag-relasyon ang kaniyang ina sa ibang lalaki. Six months ago ay nag-live in ang dalawa at tumira si Carlos sa bahay nila. Noong una ay maayos ang pakikitungo nito sa kanilang mag-ina. Ngunit hindi naglaon ay lumabas din ang totoo nitong ugali. Lagi nitong sinasak
NABASAG ang katahimikan sa loob ng classroom nang marinig ng mga estudyante ang malakas na tunog ng bell. Senyales iyon na tapos na ang klase nila ngayong araw. "Okay, class, I'll see you on Monday."Sabay-sabay na tumayo ang mga estudyante at bumati sa guro, maliban kay Trevor. "Goodbye and thank you, Mrs. Solis." Kunot noong napatingin ang guro sa kinauupuan ni Trevor na noon ay tila may malalim na pag-isip. Nang muling maupo ang mga mag-aaral para ayusin ang gamit ng mga ito sa pag-uwi ay saka lang tila natauhan si Trevor. Nilagay na niya sa loob ng bag ang mga gamit niya. Tumayo na siya at sinukbit ang backpack sa likuran tapos ay tinungo na ang direksyon ng pinto. Nagpaalam kay Trevor ang ilang kaklaseng ka-close niya. Ngunit tila wala siyang narinig at dere-derecho lang sa paglalakad. Papalabas na sana siya ng silid nang tawagin siya ng kanilang guro. Natigilan siya at bumaling dito. "Bakit po, ma'am?" buong pagtatakang tanong ng bata. "P'wede ba kitang
DALI-DALING tinanggal ni Trevor ang bag na nakasukbit sa kaniyang likuran. Gusto niyang tulungan ang ina. Wala na siyang pakialam kahit na saktan siya ni Carlos. Nilibot niya ang mga mata sa paligid at naghanap ng maaaring ipamalo sa amain. Kinuha niya ang malaking flower vase na nakapatong sa coffee table at pinaghahampas iyon sa likuran ni Carlos hanggang sa mabasag. "Hayop ka! Bitiwan mo ang mommy ko!" Tinigil nito ang pananakit kay Annie at pumihit paharap sa kaniya. "Bwisit kang bata ka!" Sinipa siya ni Carlos dahilan para matumba siya sa sahig. Siya naman ngayon ang pinagbuntunan nito ng galit. "Lumalaban ka na, ha! Ngayon mo ipakita sa akin ang tapang mo!" nanlilisik ang mga matang wika nito. Susugurin sana nito si Trevor ngunit agad na pumagitna si Annie. "Carlos, maawa ka! Huwag mong sasaktan ang anak ko!" Agad nitong niyakap si Trevor kaya naman ito ang nakasapo ng malalakas nitong sipa. Walang magawa si Annie kundi tanggapin na lang ang pananakit ni
AGAD na kinabahan si Trevor nang magising siya sa loob ng isang silid na hindi pamilyar sa kaniya. "Sa wakas nagkamalay ka rin," wika ng isang babae. Bumaling siya sa pinagmulan ng tinig. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng pang-madre. Mukha naman itong mabait. Ngunit dahil sa matinding trauma na inabot dahil sa nangyari ay napa-atras si Trevor at siniksik ang sarili sa may bandang headboard ng kama. Niyakap niya ang mga tuhod. Bahagyang nanginginig ang katawan niya at naiiyak siya sa takot. "Huwag kang lalapit!" "Huwag kang matakot, hijo. Hindi kita sasaktan." Lalong natakot si Trevor maupo ito sa gilid ng kama. "Sino po kayo? Nasaan ako?" "Nandito ka ngayon sa Karen Rose Home for Angels. Ako si Karen Rose, ang madre superyora ng ampunang ito," malumanay nitong wika. "Nakita ka namin kahapon sa kalsada na may mga sugat at walang malay. Hindi namin alam kung saan ka nakatira kaya dinala ka namin dito. Huwag kang mag-alala, hijo. Ligtas ka rito. Walang mananakit sa 'yo r
NAPABALIKWAS ng bangon si Trevor matapos magising mula sa isang masamang panaginip. Dalawampu't apat na taon na ang lumipas, subalit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa puso't isipan niya ang malagim na sinapit ng kaniyang ina sa mga kamay ng dati nitong ka-live in partner. Hanggang ngayon ay lagi niya pa ring napapanaginipan ang mga pagmamalupit ni Carlos sa kanilang mag-ina noon, pati na rin ang pagsagasa nito sa mommy niya na naging sanhi ng kamatayan nito. Nagtagis ang mga bagang ng binata. Muli na namang nabuhay ang matinding galit sa puso niya. Naiinis niyang dinampot ang cellphone sa ilalam ng kaniyang unan at tinawagan ang isa sa mga kaibigan niya, si Brandon. Dati itong pulis na natanggal sa serbisyo dahil na-involve sa iba't ibang ilegal na aktibidad. Ito rin ang binayaran niya para hanapin si Carlos, at para maisakatuparan na rin ang paghihiganti na matagal na niyang pinaplano. Ilang taon na niyang pinapahanap si Carlos. Kung sino-sinong private investigators na ang inu
NANG makarating si Trevor sa coffee shop ay inabutan niya si Scarlett na nakikipagtalo sa isang lalaki. Galit na galit ito sa dalaga na noon ay tila napapahiya na dahil kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi rito ng kausap. "Napakalandi mong babae ka! Kaya pala ayaw mong magpasundo kagabi iyon pala nakitulog ka sa bahay ng ibang lalaki." "Wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo!" "Sinungaling! Ano? Nag-enjoy ka ba sa lalaki mo? Naka-ilang rounds kayo? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sa akin? Mas malaki ba ang kargada niya kaysa sa akin? Sumagot ka!" Pinamulahan ng mukha si Scarlett. "Will you please shut up?! Oras ng trabaho ko ngayon. Mamaya na lang tayo mag-usap pag-uwi ko." "Uuwi ka ba talaga? O makikipag-sex ka na naman sa lalaking iyon? Nakakahiya ka! Kababae mong tao pero ang landi-landi mo!" Tuluyan nang nainis si Trevor sa takbo ng usapan ng dalawa. Sinenyasan niya ang guard na nasa pintuan para awatin na ang mga ito. "Is there a problem?" hind