HABANG nagda-drive si Trevor pauwi sa bahay ay biglang may nag-over take na kotse at hinarangan ang daraanan niya. Biglang nag-init ang ulo niya. Napamura siya at hinampas ang mga kamay sa manibela. Mabuti na lang at agad siyang nakapagpreno kaya hindi nabangga ang sinasakyan niya.
Nakita niyang bumukas ang pinto ng driver seat ng kotseng nasa harapan niya. Agad niyang binaba ang bintana sa gawi niya at pinagmumura ang driver sa kabilang sasakyan. "Gago ka! Hindi ka ba marunong mag-drive?!" Bumaba ang lalaki. Napa-iling siya nang makilala kung sino ito, si Tommy, ang boyfriend ni Scarlett. Lumabas na rin siya ng sasakyan. Ngayon ay hindi na siya magdadalawang isip na harapin ito dahil wala na sila sa loob ng coffee shop niya. "Ikaw na naman? Ano na namang problema mo?!" naiinis niyang tanong. "Ikaw ang problema ko!" gigil nitong sigaw sabay duro sa kaniya. "Iniwan ako ni Scarlett nang dahil sa 'yo!" Napangisi siya. "Bakit ako ang sinisisi mo? Ang girlfriend mo ang lapit nang lapit sa akin. Siya ang nang-akit sa akin at nag-alok na maging fuck buddies kami. Kaya siya ang dapat na sisihin mo, hindi ako." Lalong nanggigil si Tommy sa mga sinabi ni Trevor. "Hayop ka! Papatayin kitang gago ka!" Nang makalapit si Tommy ay agad itong nagpakawala ng isang suntok. Mabilis na naka-iwas si Trevor. Gumanti siya at malakas na sinuntok ito sa mukha. Bumagsak ito sa kalsada. Sinamantala niya iyon at pinagsisipa ito sa hita, tiyan at dibdib. "Kahapon pa ako nababanas sa 'yo. Hindi lang kita mapatulan dahil marami akong customers sa shop," nanggigigil niyang wika habang patuloy sa pagsipa rito. Laking pasalamat niya na sa labas sila nagpang-abot ni Tommy dahil malaya na siyang makakaganti sa mga pinagsasabi nito sa kaniya. Sa sobrang abala sa pananakit kay Tommy ay hindi niya namalayan na muling bumukas ang pinto ng kotseng sinasakyan nito kanina. Bumaba mula roon ang isang lalaki na may hawak na kahoy. Saka lang natigil sa pagsipa si Trevor nang paluin siya sa likuran ng lalaki. Sa lakas ng palo nito at nabali ang kahoy. Namilipit siya sa sakit at siya naman ngayon ang tumumba sa kalsada. Bumangon si Tommy at nagtulong ang magkaibigan sa pambubugbog sa kaniya. Pinagsusuntok siya sa mukha ni Tommy habang ang kasama naman nito ay sinisipa siya. Hindi magawang makatayo ni Trevor dahil sunod-sunod na suntok at sipa ang inabot niya. Natigil lang ang dalawa sa ginagawa nang may humintong motor sa likuran ng kotse ni Trevor. Bumusina ito nang paulit-ulit at tinutok ang headlight sa direksyon nila. "Sibat na tayo, pare!" Napamura si Tommy. Halatang gusto pa nitong saktan si Trevor. "Hindi pa tayo tapos. Babalikan pa kitang hayop ka!" Tumakbo na ang dalawa pabalik sa sasakyan at agad na pinaharurot iyon palayo. Masakit man ang buong katawan ay pinilit makabangon ni Trevor. Hindi niya magawang makatayo kaya naupo na lamang siya at sinandal ang likuran sa gilid ng kotse niya. Napatingin siya sa pinagmumulan ng liwanag. Mula iyon sa isang scooter na minamaneho ng isang babae. Base sa suot nitong uniform ay isa itong nurse. Pinarada ng babae ang motor sa likod ng kotse niya. Patakbo itong lumapit sa kaniya at lumuhod sa tapat niya. Napa-awang ang mga labi ni Trevor nang tanggalin nito ang suot na helmet at bumulaga sa kaniyang mga mata ang napakaganda nitong mukha. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng babae habang nakatingin sa kaniya. Naamoy niya ang mabangong hininga nito nang magsalita. Napalunok si Trevor. Hindi agad siya nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa mukha ng magandang babae at tila nahipnotismo sa kagandahan nito. "Okay ka lang ba?" muli nitong tanong. "Yeah. Okay lang ako." Sa wakas ay nagawa na niyang magsalita. "Grabe ang mga sugat mo. Sino ba ang nambugbog sa 'yo?" Kinuha nito ang backpack na nakasukbit sa likuran nito at nilabas ang isang medicine kit. "Ewan ko. Hindi ko sila kilala," kaila niya. "Bibigyan muna kita ng first aid. Pumunta ka na lang sa hospital mamaya para ma-check ka ng mga doctor." "Okay. Salamat." Sinimulan na ng nurse na gamutin ang mga sugat niya sa mukha. Habang abala ito sa ginagawa ay abala rin siya sa pagtitig sa napakaganda nitong mukha. Alon-alon ang mahaba nitong buhok. Sobrang kinis at napaka-amo ng mukha. Matangos ang ilong nito, namumula ang makipot na mga labi, almond shaped ang brown nitong mga mata na binagayan ng makapal at mahabang eye lashes. Tila labis na nanghinayang si Trevor nang matapos gamutin ng nurse ang mga sugat niya.Niligpit na nito ang mga gamit tapos ay inabutan siya ng ilang pirasong gamot. "Pain reliever 'yan. Inumin mo 'to kapag kumirot ang mga sugat mo." Tumayo na ito at muling sinukbit ang backpack sa likuran. Maglalakad na sana ito papalayo subalit pinigilan niya ang isa nitong kamay. "Thank you, miss." Isang matamis na ngiti ang sinukli nito sa kaniya. "Don't mention it. I'm just doing my job." Muling napa-awang ang mga labi niya. Lalo kasi itong gumanda nang ngumiti. Lumabas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin. Lalo ring umumbok ang cheek bones ng babae, na lalong nagpa-cute dito. "P'wede ko bang malaman ang pangalan mo?" Hindi nito sinagot ang tanong niya. Pinilit nitong bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak niya. Napansin ni Trevor ang badge na nakadikit sa suot nitong uniform. Pasimple niyang binasa ang nakalagay doon. Nakalagay din doon ang pangalan ng hospital na pinagtratrabahuhan nito. "I'll go ahead. Mag-ingat ka pauwi." Nang mabitawan niya ang kamay ng babae ay agad itong tumalikod at naglakad na pabalik sa motor nito. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at pinaharurot na iyon palayo. Napangiti si Trevor. Hindi niya man nakuha ang pangalan ng babaeng nagligtas sa kaniya ay alam niya naman kung saan ito matatagpuan. Pinsan ng daddy niya ang nagmamay-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan nito, ang Ignacio Memorial Hospital. Kung gugustuhin niyang makita ulit ang magandang nurse ay madali na iyon para sa kaniya. "Alvarez, H. Nice name," tila wala sa sariling sambit niya. "Malalaman ko rin ang buo mong pangalan."MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee. Inokupa ng binata ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya si Scarlett muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya. "Nabalitaan ko ang ginawa ni Tommy at ng kaibigan niya sa 'yo kagabi. Kumusta ka na, Trevor?" Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. Sa totoo lang ay thankful pa siya sa nangyari kagabi kahit marami siyang nakuhang pasa at galos sa katawan. Kung hindi kasi siya binugbog nina Tommy ay hindi niya makikilala ang magandang nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka nina Tommy. Kung gusto mo ipa-blotter natin sila." "Hindi na kailangan." Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo,
HABANG umaandar ang kotseng sinasakyan ni Trevor ay tinawagan niya si Terrence. Anak ito ng tito niya na nagmamay-ari ng hospital na pinagtratrabahuhan ng nurse na nagligtas sa kaniya kagabi. "Trevor, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya. "May itatanong lang sana ako sa 'yo dude. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work d'yan sa hospital n'yo." "Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse namin?" "Wala naman. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko." Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng pinsan. "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?" "What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin," natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na Alvarez ang last name?" Muli itong natawa. "Sabi ko na nga ba, babae na naman ang sadya mo." May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam na ni Terrence kung gaano si
"GOOD MORNING!" bati ni Heaven sa mga kasamahan nang makarating siya sa nurse station kinaumagahan. Gumanti ng bati ang mga ito sa kaniya. "Beh, pinapatawag ka ni Dr. Terrence sa room niya. May sasabihin daw sa 'yong importante." "Okay. Thanks." Nagtungo na si Heaven sa silid ni Dr. Terrence. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit pabukas ang pinto. "Good morning, doc. Pinapatawag n'yo raw po ako?" "Come in, Miss Alvarez. May sasabihin ako sa 'yong importante." Naglakad siya palapit dito at tumayo sa tapat ng lamesa nito. "Do you still remember my cousin Trevor?" Tumango-tango siya. "Iyong pinsan n'yo po na ginamot natin kahapon?" "Yes, siya nga. Wala kasing magbabantay sa kaniya habang nandito siya sa hospital. P'wede bang ikaw muna ang maging private nurse niya?" Kumunot ang noo niya. Akala niya ay nagbibiro lang kahapon si Trevor nang sabihing kailangan nito ng private nurse na magbabantay dito. "Bakit, doc? May nangyari po bang masama sa kaniya? Bakit kaila
"BAKIT parang bigla kang namutla? Ngayon mo lang ba 'to gagawin? Ngayon ka lang ba nakakita ng ari ng lalaki?" walang prenong tanong ni Trevor kay Heaven na noon ay tila hindi alam ang gagawin. "H-hindi naman," bantulot niyang tugon. "Bilis na. Naiihi na ako." Sandali siyang natigilan. Pilit niyang siniksik sa isipan na parte ito ng trabaho niya bilang private nurse ni Trevor. Dapat ay magpaka-profesional siya at gawin ang nararapat njyang gawin. Inangat na niya ang hospital gown na suot ni Trevor. Napalunok siya nang makita ang brief nito at ang malaking naka-umbok doon. Naaasiwa man ay ibinaba niya ang brief ng binata. Agad na kumawala ang malaki at mataba nitong pagkalalaki. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kaniyang mga pisngi na unti-unting gumapang sa buo niyang katawan. Habang umiihi si Trevor ay hawak niya ang pagkalalaki nito. Hindi na bago sa trabaho niya ang makakita ng private parts ng mga pasyente. Subalit iba ang dating sa kaniya ng pagkalalaki n
NAGHAHARUTAN pa rin ang magpinsan nang makabalik si Heaven sa silid ni Trevor. Pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang hinahampas ni Dr. Terrence ng unan ang pasyente at sinasalag naman ng kamay nito ang mga palo ng doktor. Hindi napansin ng dalawa ang pagpasok niya. Tahimik niya lang pinanood ang mga ito. Masusi niyang pinagmasdan ang kilos ni Trevor, na kung titignan ay mukhang walang sakit na iniinda ng mga sandaling iyon. Tawa kasi ito nang tawa habang sinasalag ng kamay ang mga palo ng pinsan nito. "Siguradong sasampalin ka ni Heaven kapag nalaman niyang nagsasakit-sakitan ka lang para mabantayan ka niya." Natigilan siya sa sinabi ng doktor. Totoo nga kaya na nagsasakit-sakitan lang si Trevor? Tumikhim siya nang malakas para kunin ang atensyon ng mga ito. Natigilan sa paghaharutan ang dalawa at tumingin sa gawi niya. Kapwa pinanlakihan ng mga mata ang magpinsan nang makita siya. Naglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Trevor. Nilahad niya ang isang kamay sa t
MATAPOS kumain ay lumapit si Trevor sa wheel chair at naupo roon. "Nurse Heaven, samahan mo akong magpa-araw sa labas." Natuwa siya sa sinabi nito. Kahapon pa niya kasi pinipilit si Trevor na magpa-araw sa garden ngunit tumatanggi ito. "Sure!" Agad siyang lumapit sa binata. Pumwesto siya sa likuran nito at tinulak na ang wheel chair palabas ng silid. "Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" "Hindi na ako nahihilo. Kaya lang makirot iyong tahi. Ang bigat ng kamay ni Terrence." "Sinisi mo pa ang pinsan mo." Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa garden ng hospital. "Wow! Ang ganda pala rito," buong paghangang bulalas ni Trevor habang nililibot ang mga mata sa buong hardin. May ilang puno roon. Mayroon ding iba't ibang uri ng halaman na nakatanim sa mga paso, at mga bulaklak niyon ang lalong nagpa-aliwalas at nagpaganda ng ambiance. Humugot ng malalim ng hininga si Trevor para langhapin ang sariwang hangin. "Ngayon ka lang ba nakapunta rito?
"ANONG ginagawa mo rito? Natanggal na iyong tahi sa ulo mo. Bakit nandito ka na naman?" tanong ni Terrence nang abutan si Trevor sa loob ng silid nito. Natigil sa pag-iisip si Trevor na noon ay nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa labas. Pumihit siya paharap sa pinsan. "Wala lang. Na-miss kita, eh." "Ako ba talaga ang na-miss mo o si Heaven?" Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi matapos marinig ang pangalang binanggit nito. "Saan ka ba nag-lunch break? Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito." "Nagkita kasi kami ng fianceè ko. Nakipag-meeting kami sa event coordinators ng magiging kasal namin." Naglakad na si Terrence papunta sa table nito at naupo sa swivel chair. Binasa nito ang ilang medical records na nasa ibabaw ng lamesa. "Ikaw ba, Trevor, wala kang planong lumagay sa tahimik? You're not getting any younger. Mag-asawa ka na." "Dati wala. Pero ngayon mayro'n na." Lumapit siya kay Terrence at tumayo sa tabi nito. "N
"BEH, manonood kami ng sine mamaya. Gusto mong sumama?" tanong ni Daniella kay Heaven. Nasa nurse station sila noon at naghahanda na sa pag-uwi. "Hindi ako p'wede ngayon. May lakad kami ni Kobe." "Ay sayang naman. Minsan na lang tayo lumabas." Naglakad na sila palabas ng hospital. "Next time na lang." "Saan ba lakad n'yo ni Kobe?" "Pupunta lang kami sa bar." Natigilan sila sa pagkukuwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Heaven. Agad niya iyong kinuha sa loob ng shoulder bag at sinagot ang tawag. Si Kobe ang nasa kabilang linya. Ayon dito ay may meeting pa ito sa opisina kaya hindi siya masusundo sa hospital. Pinapa-una na siya nito sa bar. Pumayag naman si Heaven dahil malapit lang sa hospital ang bar na pupuntahan nilang dalawa. Nang makalabas ng hospital ang magkaibigan ay kaniya-kaniya na silang sakay ng taxi. Nang makarating si Heaven sa bar ay agad siyang naghanap ng bakanteng lamesa. Nilibang niya muna ang sarili sa pag-check ng social media acco