Si Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunan- dapat laging lagpas-tuhod ang mga isusuot niya; dapat diretso bahay siya pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pagpapaligaw- aral lang. Masaya siya; oo, noon. Pero habang lumilipas ang panahon, unti-unti na siyang nasasakal. Maraming bagay ang hindi pa niya nagagawa. Hindi niya pa naranasan ang mag-cutting class, umattend ng school events o tumikim ng alak. Hindi niya alam ang pakiramdam ng may boyfriend at gumala. Kaya naisip niya, normal ba siya? Tao ba siya? Gusto niya ring maranasang magkamali. That's why she made a list- a list of a woman who wants to be free from manipulation. That is her way of revolting against them, to at least prove to herself that she's still human. Subalit sa paggawa niya sa mga bagay na iyon, may isang taong bigla na lamang sumulpot. Isang taong ni sa hinagap ay hindi akalain ni Yelena na darating sa buhay niya.
View MoreSA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim."Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen. "Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw— ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya
Patingkayad na naglakad si Yelena papasok ng banyo. Lihim niyang minumura ang sarili."Harot! Maharot ka, self. Marupok ka!"Matapos maligo ay nagmamadali siyang umalis. Pumunta siya sa ibiniling lugar ni Aeissa.Sa daan ay t-in-ext niya ang ama na may pupuntahan siyang kaibigan.Pinagbuksan siya ni Aeissa ng pinto na gulo-gulo pa ang buhok habang kinukusot ang mata. Kagigising lang "Mamayang gabi pa ang usapan natin. Excited much?""Yes. Bar na bar na ako." She raised her hand and shake her body. Imitating the party goer's dance. Napangiwi sa kaniya ang kaibigan. "Are you okay?"Natigilan siya. Dahan-dahang ibinaba ang kamay. "Uhm, yes.""Pasok ka."---Dinukot ni Yelena sa bulsa ang cell phone nang maramdamang nag-vibrate iyon.Tumatawag si Angelo!Mabilis niya iyong c-in-ancel, ngunit tumunog uli kaya tinuluyan niya nang pinatay ang aparatu.Hindi niya napansin ang panay na sulyap sa kaniya ni Aeissa. Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya matapos ilapag sa harapan niya ang i
Sa pagbabalik ni Yelena sa pamilya Borromeo ay masaya siyang sinalubong ng madrasta."Na-miss kita, hija." Emy kissed her cheek in a well-composed manner. "Araw-araw kong pinalilinis ang kuwarto mo dahil alam ko one of these days, babalik ka. Do you still remember our plan before?""Anong plan po?""Na pupunta tayo sa Palawan? Sasama raw ang Daddy mo. Ipapasyal ka namin."Naging tabingi ang ngiti niya. "S-sige po.""Pagpahingahin mo muna si Yelena, Emileen. Paniguradong pagod siya, darling," singit na tinig ng kaniyang ama."Sige. Mamaya na kita kukulitin. Angelo, buhatin mo ang mga gamit ng kapatid mo."What she heard from her stepmother went her rigid. Nagmamadali siyang nagpaalam sa mag-asawa at nauna ng umakyat upang pumasok sa kuwarto.Nang marinig ang pagsunod ni Angelo at pagbukas ng pinto ay walang lingon-likod siyang nagsalita. "Ilapag mo na lang diyan ang mga bagahe ko. Puwede ka ng umalis."Dumapa siya sa higaan. Ilang minuto siya sa ganoong puwesto, ngunit pag-angat niya
Mabituin ang langit. Malamig ang simoy ng hangin sa veranda na kinaroroonan ni Yelena. Ngunit hindi iyon nakatulong upang gumaan ang pakiramdam niya.Magkasunod niyang nakausap ang Mama Erlinda at Mama Ediza niya. Wala pa ring alam ang mga ito.Gustuhin man niyang ikuwento sa mga ito ang dinaranas niya pero mas pinili niyang sarilinin na lamang. Mag-isa siyang umiiyak sa ibabaw ng kama — for Angelo using her for physical needs, for her broken heart, for missing her mothers terribly, for incident that almost happened earlier, and. . . for losing the baby she hadn't taken care of.Sa nangyaring insidente ay nakunan siya. Nalaman ni Angelo ang lihim niya. Hindi mahirap hulaan na ito ang ama ngunit walang namagitan na usapan sa kanila pagkagaling ng ospital.Sising-sisi niya ang sarili niya. Ang inaasahan niyang anghel na makakasama, nawala sa isang iglap lamang. Naisip niya, pinaparusahan siya ng Maykapal. Kaya siguro siya laging nasasaktan dahil mali ang ginagawa niya. Kaya siguro kin
Gusto ng magpahinga ni Yelena. Epektibo ang maghapong pagpapagod at pang-aaliw niya sa sarili. Idagdag pang ramdam niya pa rin ang pananakit ng katawan. Kaya matapos maglinis ng katawan ay diretso na siyang natulog.Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang paglubog ng gilid ng kama niya. Ilang beses niyang pinikit-dinilat ang mga mata. Sa tulong ng tanglaw ng lampshade sa tabi ng kama niya ay nakita niya ang nakaupo sa tabi niyang si Angelo.Napabalikwas siya ng bangon. Itinukod niya ang magkabilang siko sa kama."Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa naiiritang tinig."Kaibigan ko pa ang napili mo para akitin?""Ano?" nalilitong balik-tanong niya.Tumingin siya sa labas ng bintana. Ano'ng oras na ba at narito ito sa silid niya? Bakit suot pa rin nito ang damit nito ng umalis ng umaga? At bakit magulo ang buhok nito? Nakainom ba ito?Umiling ang binata. "Don't mind what I said," anito. Pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. Magulo ang mahabang buhok nito na ang ilang hibla
Yelena was so tired in her everyday experiences in the office. It wasn't bad as she expected, per se. All of their employees were kind to her, na lubos niyang pinagpapasalamat. Ang trabaho ay kayang-kaya niya. Ang problema lang talaga ay si Angelo mismo. Tinatambakan siya nito ng trabaho at pakiramdam niya ay sinasadya nito 'yon.Like now, she was eating her dinner while in her hands were the sales report last month. Angelo asked her to analyze it. It wasn't the worst report she'd seen, but she was really tired at that moment. At kailangan niya talagang isabay ang pagbabasa no'n sa pagkain dahil uwing-uwi na siya. Gusto niya ng ihilata ang pagal na katawan sa malambot na kama.Tumingala siya at minasahe ang magkabilang balikat.Tumunog ang cellphone niya. Ang mama Ediza niya ang nakalagay sa caller ID.Mabilis niyang sinagot 'yon. "Hello po?""Yelena, kumusta?" mahinahong tanong sa kabilang linya.Tired and sad, gusto niya sanang itugon ngunit ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Sa
"No, man. You can't stay in my unit. Wala ng lugar para sa 'yo. Manatili ka na diyan sa inyo.""You know that I just can't," Angelo said between his teeth. Kausap niya sa telepono ang kaibigan niyang si Terrence. Kaibigan niya ito mula kolehiyo."Doon ka na lang sa rest house mo sa Palawan. And, may bahay rin ang pamilya mo doon. Wala namang nakatira.""Too far. Marami akong aasikasuhin sa ZARBTech.""Akala ko ba ayaw mong iwan ang bahay niyo at ang tita Emileen?""You know the reason," he hissed.He needs to find a place as soon as possible. Or else, Yelena will going to be his nightmare. Titira ito sa bahay nila sa loob ng isang buwan.Hindi siya duwag. Ayaw lang niyang mamroblema ang magulang dahil sa nakaraan nila.He heard a laughter on the other line. "Ang sarap kaya magkaroon ng hot little sister.""Stop teasing!"---"Wala akong anak na babae. I'm so happy that you're here, hija."Hindi makapaniwala si Yelena. Everything felt surreal. Mabait sa kaniya ang kaniyang ama, ang mga
Flashbacks continue. . . Sa araw ding iyon ay kinausap ni Ediza si Orlando. Nagkita sila sa restaurant na dati'y pinagtatrabahuhan niya. Hindi niya na mapagpabukas pa dahil natatakot siyang isa sa mga darating na araw ay mawala ang kapatid niya."May ipapakiusap ako sa iyo, Orlando," panimula niya. Pinapanatiling seryoso at malamig ang titig at tinig kahit ang totoo sa kaloob-looban niya ay gusto niya ng bumuwal. Pinigilan niya ang pagsungaw ng luha bago muling nagsalita. Isinalaysay niya rito ang kalagayan ni Erlinda, at sa huli ay isinaad, "kailangan ng kapatid ko ng sanggol para gustuhin nitong mabuhay pa."Hindi makapaniwala si Orlando sa narinig. "At. . . ang anak natin ang gusto mong—?""Ganoon na nga.""Ano'ng klase kang ina para ipamigay ang sarili mong anak, Ediza?!""Kailangan kong tulungan ang kapatid ko.""Na ang kapalit ay pagkasira ng pamilya natin?"Hindi siya nakaimik. Ipinahihiwatig ng tinig ni Orlando na mawawala ito sa kanya. At hindi nga siya nagkamali, dahil ang
Lumuwas ng Maynila ang mag-inang Ediza at Yelena. Ayaw ng nakatatandang babae na makipagkita ang ama ng anak sa San Ignacio dahil umano sa mga mapanuring mata at mapanghusgang salita na maaaring ipukol sa kanila.Pagdating sa napagkasunduang lugar ay natanaw agad ni Ediza ang pakay. Nakaupong tuwid na tuwid ang likod habang kampanteng humihigop ng kape. Postura at pananamit lamang nito ay mahihinuha agad na mayaman itong lalaki.Si Yelena ay nanlalaki ang mga mata. Ang tinatahak nila ay ang direksyon ng isang lalaking pamilyar sa kaniya. 'Yong lalaki sa exhibit! "Mama, siya ang tatay ko?"Bago pa makasagot ang ina ay humarap na ang tinutukoy niya. Ngumiti ito at tumayo pagkakita sa kanila. "Good morning!" bati nito.The man was tall, about on his early fifties. Wala pa itong puting buhok. Mapungay ang mga mata at matangos ang ilong. Kagalang-galang ang itsura nito sa suot na polo barong at itim na slacks. Ang paningin nito ay nakatuon sa kaniya.Umingos ang kaniyang ina. Mukhang walan
Maaliwalas ang panahon, mabituin ang kalangitan, at napakatahimik ng paligid.Isang dalaga sa kaniyang silid ay tahimik na kaharap ang papel, habang nag-iisip kung paano ipakikilala ang sarili sa pamamagitan ng panulat.Ilang sandali pa ay gumana na ang kaniyang kamay...Hi. I am Yelena Montero. 23 years old. Slim, matangkad, matalino, tahimik, mahiyain, at mabait. Fine Arts fresh graduate. Cum laude. Maraming nagsasabi na napaka-perfect ko. Ang ilan pa nga sa mga classmates ko tahasang sinasabi na sana sila na lang ako. Sa mga iyon ay ngumingiti lang ako.Wala silang alam. Hindi nila alam na sa likod ng kinaiinggitan nilang talino at mukha, nagtatago ang isang malungkot na puso.Nag-iisa akong anak. Ang mama ko ay single mom. Ayon sa kuwento niya, nakilala nya ang papa ko sa Maynila at nagpakilalang binata. Nagmahalan sila at ako ang naging bunga. Kaya lang, doon nalaman ni mama na may pamilya pala si papa. Tunay na pamilya at lima ang anak niya. So anak ako sa labas. Iniwan ni mama...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments